Hindi ko inaasahan na sa lahat ng pwedeng dumamay sa akin ay siya pa ang aking makakasama. Para siyang buwan at mga bituin, nagbibigay ng liwanag sa tuwing madilim, tuwing kalungkutan ay bumabalot sa akin. Hindi ko alam kung nagkakataon lang talaga ang mga ganitong pangyayari pero ramdam ko ang pagkalma ng puso ko kapag nariyan na siya sa tabi. Habang pinagmamasdan ko siyang kumakain, palaisipan pa rin sa akin ang pagdating niya sa panahon na pakiramdam ko, mag-isa na lang ako. “Matutunaw ako,” bigla nitong sabi habang lumolobo pa ang pisngi niya dahil puno ng pagkain. Natawa naman ako sa itsura niya. ‘’Stop smiling!’’ iritableng puna niya sa akin. “Bawal ba?” natatawa ko pa rin na sabi dahil nasa isip ko pa rin mukha niya. Hindi siya sumagot pero tinungga niya ‘yongisang basong tub

