Sabado ngayon, walang klase si Gelo kaya naman isasama namin siya ngayon sa hospital. Maaga akong umuwi ng bahay at inihabilin ko muna kay Karrie ang pagbabantay kay Gogi para maihanda ko si Gelo. “You sure daddy will hear me mommy?” kanina pang tanong ni Gelo. “Oo naman. Sabi ng doctor mas makakabuti raw kay daddy mo kung kinakausap natin siya. Kaya ikaw, pakiusapan mo si daddy na gumising na siya for you, okay?” sabi ko sa kaniya at hinaplos ang kanyang pisngi. Napakunt naman agad ako ng kilay ng biglang lumaylay ang kanyang balikat at naging malungkot ang kaniyang mukha. “Should I tell him that mommy Cheena was gone?” nabigla ako sa sinabi niya. “Mommy I’m wondering if dad can take the fact that mommy Cheena left us already,” malungkot niyang dagdag. Napipi ako bigla sa sinabi ni

