I spend a week lying on my bed since ayokong ma-admit sa hospital, tanging kaibigang doctor lang ni tito ang bumibisita sa'kin.
Pabalik-balik kasi ang lagnat ko, kaya hindi ako hinayaan nila tita lalo na si Gogi na lumabas ako o magpunta sa hotel.
Kaya nakahinga ako ng maluwag nang gumising ako kaninang umaga na wala ng sakit.
Ngayong araw na ito pala gaganapin 'yong shoot ng client nila tita sa hotel. So, ang mangyayari magkakaroon ng photoshoot mamaya doon and then the client will post it under his social media platforms. They will also make a brief entertainment video of the hotel. That way mas dadami pa ang mahihikayat na magspend ng vacation sa hotel nila tita.
Pagkatapos kong maghilamos, agad na akong lumbas ng kwarto.
Isang bugkos ng iba't-ibang kulay ng tulips ang bumungad sa aking paningin pagkalabas ko.
"Goog morning!" isang matamis na ngiti galing kay Glade ang bumati sa akin.
I smiled back. "Good morning," I said then got the flowers from him.
"Beautiful," I said looking at the flowers.
"Just like you," nakangiting tugon niya.
I chuckled softly. "I'll just put this inside my room," paalam ko saka bumalik sa loob at inilapag sa kama ang bulaklak.
Ang ganda nila mama. Sana nakikita mo itong mga bulaklak na 'to.
Sabay kaming bumaba ni Glade at lahat na sila kumakain, including Manang Lida.
"Isukat mo na mamaya 'yong damit na isusuot mo Honey," tita said in the middle of our breakfast.
"Anong damit tita?" I asked not having any idea about it.
"Bigay ng katabi mo," deretsahang tugon ni tita.
Nilingon ko si Hillary na nasa kanan ko, tiningnan naman niya ako. "Not me," she said flatly.
Kay Glade naman ako lumingon na siyang nasa kaliwa ko at busy siya sa pagkain. "Is it you?"
Tumigil siya sa pagsubo saka ako nilingon. "W-what?" maang niyang sabi.
"Why did you buy me a dress again? Puno na yata closet ko dahil sa mga regalo mo."
It started last 4 months I think. That's the time when we really became so close. Closer than what I think we can be. Twice or thrice a week yata ako nakakareceive ng mga regalo. If it's not dresses, it's either sneakers or flower pot plants, 'yong mga halaman na nasa maliit lamang na paso, lahat ng iyon nasa kwarto ko.
'Nong una talaga pinag-awayan namin iyon, dahil ayokong tumatanggap ng kung ano-ano, mas gusto ko ng nagbibigay. Dapat ako 'yong nagbibigay, nakakagaan kasi iyon sa pakiramdam. Saka iyon ang nakasanayan namin lalo na at gano'n sina mama, kaya nga may Quipar foundation eh, dahil gustong-gusto ni mama na nakakapagbigay siya, na nakakatulong kami sa iba.
"It'll look good on you," he said nonchalantly.
Lagi naman iyon ang sinasabi niya eh, kaya bakit ba tinanong ko pa. Nakakaumay naman sagot niya.
"I'm done. Excuse me," Hills said then walked out of the dining.
Para siyang wala sa mood, may nangyari ba while I'm being imprisoned in my room?
"Is there any problem? Why does Hills acting so strange today?"
"Huwag mo na pansinin baka may dalaw. If I know she's going to enjoy later since makikita niya 'yong Ron na crush niya, though hindi naman guwapo."
Natawa na lamang kami ni Glade sa sinabi ni Gogi.
Ang buong akala ko, isusuot ko iyong dress na binigay ni Glade sa'kin sa photoshoot pero ang nangyari hindi nila ako pinapunta at sinabing mag-ayos ako at 7 pm. Huwag nilang sabihin may party dahil wala sa isip ko ang ganoong bagay.
Ayoko ng party!
So, when 7 pm strikes the clock, I started to get ready.
It was a tube white dress with detailed sequences and it was above knee level.
As for my shoes, I chose a white shimmering shoes from LV that was also a gift from Glade last month. Gosh! I am being spoiled by Glade.
"Mang Henry will be your chauffer tonight. He'll pick you up by 8:30. Take care!" pagbabasa ko sa mensaheng kanina pa pala nasend sa'kin.
"Luh! 8:46 na!" sigaw ko ng makita ang oras.
Nagmadali na akong bumaba dahil nakakahiya na paghintayin ko 'yong driver ni tita.
Mas lalo akong nahiya nang makita nga ang sasakyan na nakaparada na sa harapan ng bahay.
"Pasensya na po kung natagalan ako Mang Henry," payuko-yukong tugon ko nang makita siya.
"Naku ma'am! Ayos lang po, gano'n talaga kapag babae, madaming ritwal sa katawan," sambit niya saka mahinang tumawa. Filipino rin si Mang Henry, kakilala ni tita Felie.
"Ay hindi po ako marunong sa mga ritwal, napasarap lang po talaga ako ng ligo," napapakamot sa ulo na tugon ko which is totoo naman.
Nagbabad kasi ako sa bathtub kanina, napasarap kaya napatagal.
"Tara na po, naghihintay na po sila."
Nginitian ko siya bilang sagot saka sumakay na.
Nang makarating kami sa hotel, nakita kong may hawak na isang bugkos ng bulaklak ang security guard.
Nang makalapit ako sa kanya ay sobrang lapad ng ngiti niya.
"For you ma'am."
"Thank you!" nakangiting sagot ko saka pumasok na.
May nakita akong maliit na papel doon kaya binuksan ko iyon at binasa.
"Hi to my beautiful lady! Can't wait to see you."
"What's this?" naguguluhan na tanong ko sa sarili ko.
Nang makapasok ako, nakita ko ang mga empleyado na nasa dalawang linya at sa paanan ng mga ito ay mayroon ring dalawang linya ng red tulips petals.
Sa kanan ay mga babae, sa kaliwa ay mga lalaki na may tig-iisang tulips na kulay orange.
Dumaan ako sa gitna nila at sa bawat lalaking madadaanan ko, ibinibigay nila sa'kin ang hawak nilang tulips.
What's really happening?
Sinundan ko lamang ang linyang ginawa ng mga emplayado, sa sobrang haba, hindi ko na halos mahawakan ang mga bulaklak.
At nang sa wakas ay natapos ko nang lakarin ang daanang iyon, sa dulo no'n ay ang naghihintay na si Gogi.
Gusto kong matawa sa suot niya. And so I did kaya tiningnan niya ako ng masama.
"This is Glad's fault. Pahiga na ako dapat at matutulog ang kaso hinila ako ng gago papunta dito. I don't have time to fix my self. That moron!"
Nakapambahay lang kasi ito. Nakashorts at white long sleeve na may kusot marahil ito ang suot niya kaninang maganap ang photoshoot. Naka-tsinelas pa siya.
Kinuha niya sa'kin ang mga bulaklak at inilapag sa mesang nasa tabi niya. May ibinibay siyang maliit na papel gaya no'ng nakita ko kanina.
"What took you so long? You have to smile, hmm?" Unconsciously, my lips suddenly curved. "There, you're forgiven now. Few more steps my lady. Please do it. I badly wanted to see you."
Nakangiti akong umiiling-iling.
"Parang bobo 'no?" walang ganang sambit ni Gogi kaya hinampas ko balikat niya.
"Aray naman!"
"Binasa ko?"
Tumango siya. "Ang tagal mo kasi, nabagot ako kaya pinakialaman ko na."
Hinampas ko muli siya kaya nagreklamo na naman.
"What's next?" tanong ko dahil wala ng clue kung saan ako dadaan. Nandito kami sa glass window patungong pool area.
"Ha?... Ah, hay naku! Pumunta ka nalang sa may jacuzzi, nando'n 'yong surprise niya sa'yo," walang ganang sambit niya kaya binatukan ko.
"Paano pa naging surprise kung sinabi mo na?"
"Ang babagal niyo kasi! Inaantok na ako!" panay ang reklamo niya.
"Ang pangit mo naman kabonding!" inis kong sambit saka nagtungo na sa pool area.
Bumungad sa'kin ang malaking pool na puno ng pink at red na balloons. Nilapitan ko iyon ng husto.
At nagulat sa kung ano ang nakita ko. Ang mga pink balloons ay bumuo ng letrang 'I', ng hugis puso at ng isa pang letra na 'U'.
I ♥️ U
"I Love You?" My heart skipped a beat upon seeing and realizing what it means.
Tama ba ang nabasa ko? Baka naman namamalikmata lang ako.
Ano ba talagang nangyayari?
"... sa jacuzzi"
Naalala ko ang sinabi ni Gogi kaya agad akong nagtungo do'n.
Ang ganda ng pool area. Napapalibutan ng napakadaming lights and tulips. Kahit saan ka tumingin, mayroon kang makikitang iba't-ibang kulay ng tulips. It feels so heaven!
Nang marating ko ang jacuzzi gazebo nakita kong puno muli ng tulips ang jacuzzi.
Napatakip ako ng bibig nang mabasa kung ano ang naroroon na nabuo gamit ang magkakaibang kulay ng tulips
"WILL YOU BE MY LADY?"
May kumalabit sa aking balikat paglingon ko, it's Glade.
Completely dressed up like he just came up from work. And then I suddenly remembered, kasabay ng photoshoot ay ang opening ceremonial ng bagong branch ng kanilang restaurant sa Whyalla.
Gosh! His efforts are killing me!
Sa likod niya ay ang mga empleyadong nakita ko kanina kasama si Glade, si tito at tita Felie. And they were all smiling.
"H-here," my eyes slightly widen when I heard him stuttered.
I chuckled softly. "Are you nervous?"
He cleared his throat before saying 'NO'.
Pinipigilan ko ang sarili kong matawa habang tumatango bilang pag-sang ayon nalang sa kanya.
"So..." he trailed off.
This is fun!
Tinaas ko ang isang kilay ko. "What?"
"So?"
"Ano nga?"
"Haven't you read it?" kunot-noong tanong niya.
"Read what?" I talked back to tease him though I already know what's happening.
"Behind you."
"I don't know," I smirked.
"You should see it for yourself."
"But I don't want to."
"W-what?" gulat niyang tanong. Gusto ko na talagang tumawa ng malakas.
"What?" I mocked him.
"So... it's a no?" He was liked in the horror movies. So shocked!
"You asked me."
"What?"
"I said, asked me."
Kumunot muli ang noo niya, waring iniintindi ang gusto kong ipahiwatig.
May pagka-slow din pala itong taong 'to.
After a couple of seconds his face finally lighten up.
He cleared his throat once again. "Will you be my lady, Hon?"
I bit my lip trying to stop myself from smiling widely.
"Yes," I answered then he occupies the gap between us and gave me a tight hug.
"Thank you! Thank you!" paulit-ulit niyang sambit.
Nakita ko rin na masaya sina Gogi at tita pati si tito. This is a perfect night.
I closed my eyes but I open it immediately when my peripheral vision hits someone.
In the midst of the crowd, I saw them, together.
And when I look at them, they were both looking at me, at us.
Why are they together?
Hiro and Hillary.