CHAPTER 14

1548 Words
Magmula nang araw na iyon palagi ng may dalawang bouquet of flowers si Glade everytime na pumupunta siya sa bahay. Ayokong mag-assume pero he's giving me signs that... he likes me... a lot. Imagine inuuna niya akong ihatid bago pumasok sa trabaho o umattend ng mga meetings. Hindi niya rin ako nakakalimutang sunduin. But at first hindi talaga siya binibigyan ng chance ni Gogi at Hillary na ihatid ako, pero minsan dahil sa awa na rin ay napapagbigyan rin nila ito. Hanggang sa nasanay na lang sila at hindi na nakipagtalo pa kay Glade patungkol sa paghatid sundo niya sa'kin sa trabaho. Ramdam ko naman na sincere 'yong mga pinapakita niya sa'kin, pero hindi ko magawang sabihin na gusto ko siya dahil friendship lang ang kaya kong ioffer sa kanya. Gusto kong aminin sa kanya iyon, na kaibigan lang talaga turing ko sa kanya but everytime that I see him smiling widely kapag nariyan ako, umuurong dila ko. How could I ruin someone's happiness when that someone was the one who made me smile, genuinely again? Paano? Oo, siguro normal lang para sa isang tao na makatagpo ng taong magpapasaya sa kanila pero kasi, nang mga panahong napangiti niya ako ay ang panahon kung saan nakalimutan kong may malalim na sugat pala akong iniinda. Sa tuwing inaasar ko siya, lumalabas 'yong totoong masiyahin na ako. Kaya paano ko magagawang saktan ang taong nagbigay ng munting liwanag sa madili kong mundo? Paano? Siguro kapag alam ng iba ang tunay kong nararamdaman para kay Glade, sasabihin nilang paasa ako. Siguro nga paasa ako, pero ayokong masaktan ko siya kapag nireject ko siya. We'll stay like this. I'll never change that. I'm causing him happiness and he is to me too. "Do you like him?" Hillary asked while were having our movie marathon in my room. "Who?" "Glade." "Oh. He's nice, he has humor and... okay let's admit it. He's attractive," napapangiting tugon ko habang nakatitig sa aming pinapanood. "So you like him?" she asked. Do I like him? Of course. As a friend. Siya ang kauna-unahang kaibigan ko bakit naman di'ko siya magugustuhan. Like what I said, he makes me happy. "Ofcourse." - "Hon, may kailangan akong i-meet na investor sa Canada. And I also have to attend a convention program, so I might spend 2 or 3 days there." Nandito kami ngayon sa may park malapit sa bahay. Ang bilis ng panahon. Kailan lang nang bagong tapak ako dito sa Adelaide ngayon malapit na akong mag-isang taon dito. Malapit na rin ang death anniversary nila mama. I missed them so much. "Honey!" I was pulled off from my reverie because someone pinch my nose. "Gogi! What the hell! It hurts!" asik ko dahil ang sakit sa ilong, ang diin ng pagkakapisil niya. "You were spacing out again!" "Tss." "Narinig mo ba sinabi ko." Tumango nalang ako. "What is it?" "You're spending 2 days in Canada-" "Not that." "May sinabi ka pa ba?" "See? You're not listening," umiiling na tugon nito. "I was telling you to stop working as room cleaner. Maayos naman na ang hotel, matagal na actually. Mapapagod ka lang sa ginagawa mo." "Walang trabaho ang hindi nakakapagod. Saka hindi lang naman iyon ang ginagawa ko sa hotel, kasi kapag naroon sila tita, tinuturuan na ako kung paano mamalakad ng hotel. Kasi hindi ba sabi ni tita malapit na matapos 'yong branch ng hotel sa Pilipinas, malay mo ako maiwan dito tapos sila tita doon." Well that was their initial plan. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa magpatayo ng isa, e maganda naman na ang lagay ng hotel dito. Dinadagsa nga actually, magmula nang marenovate ang mga pools and some suite. Actually may malaking client kami this coming month pero wala pa akong naririnig na specific information about sa darating, but I heard, bigatin. Kaya nga excited sila tita. "Pero wag ka masyado magbabad sa trabaho, kita mo, pumapayat ka na." Yeah. I lost 10 kilo's already, magmula nang magwork ako. Dati kasi 55 kilos ako pero ngayon, 45 nalang. "Sorry for being sexy." Biro ko sa kanya. Umakto siyang parang nasusuka. "What a gross! Eww!" pambabara niya kaya naman mula sa kinauupuan kong swing, tumayo ako saka nilapitan siya at binatukan ng ilang beses. Natigil lang kami ng biglang tumunog ang aking cellphone. "Who's that?" Gogi asked. "It's Hills." I answered the call. "Hey!" "Hi ate. Can you tell mama that I'm going to have shoot on Glenelg, good for 3 days. Actually, we're on our way already." "Ha? wha-" "Gotta go ate. Thanks, bye!". "Hills...Hello!" I looked at my screen. "Call ended." Pagbabasa ko. That woman! Nagpaalam nga papunta naman na. Ang galing talaga. "Why? What's the matter?" Gogi asked curiously. "May shoot daw sila sa Glenelg, tatlong araw. At papunta na daw sila. I bet malapit na sila, let's wait for a couple of minutes you'll see, she's going to text me 'Hey ate, we got here. Lovelots!' kabisado ko na siya magpaalam." And like what I've expected I received a message from Hillary with the same thought I said. Napailing na lamang ako. The next day happen. Gumising akong mag-isa. Kumain mag-isa. Nagpunta sa work mag-isa. Nagpakalunod sa trabaho, ayokong mabakante ang oras ko kaya kahit anong work ang kailangan sa hotel ginawa ko na. Hanggang sa makauwi na ako. "Honey, masama ang pakiramdam ko pero nakapagluto na ako ng hapunan mo, magpapahinga lamang ako, kung may kailangan ka, tawagan mo nalang ako iha," tugon ni Manang Lida nang makapasok ako sa kusina para uminom ng tubig. "Nako! Ayos lang po ako Manang. Kaya ko na po sarili ko. Kumain na po ba kayo?Uminom ng gamot? Samahan ko na po kayo sa kwarto niyo." Nilapitan ko pa si Manang pero tumanggi na siyang magpahatid kaya naman naupo na lamang sa may hapag pero hindi para kumain. Yumuko ako nang maramdaman kong muli ang bigat sa aking dibdib. Now, I am alone again. Wala si Gogi, si Hills at sila tita nagkaroon ng business trip bigla kahapon. Nakalimutan yata nila. Isang taon na ang nakalipas. Pero sa tuwing naalala ko kayo, nagiging sariwa pa din 'yong hiwa sa puso ko. Ramdam kong muli na may kulang sa pagkatao ko. Kamusta na kayo diyan mama? Siguro malaki na si Yohan. Si papa kaya, okay lang din? Kasi ako dito sobrang nalulungkot kasi mag-isa ako. Mukhang nakalimutan na nila tita siguro dahil busy sila sa trabaho. Huwag kayong mag-alala mama, hinding-hindi ko kayo buburahin sa puso at isip ko. Kayo pa rin ang uunahin ko. Pagbalik ko sa Pinas, pinapangako na kung anong mayroon tayo noon ay hihigitan ko pa, para mas madami akong matulungan. Babalikan ko rin 'yong orphanage mama. Pasensya na po kung hindi ko na alam ang lagay no'n. Wala po kasi kaming alam na pwedeng tawagan para makamusta ang kalagayan ng orphanage, sorry mama. Babawi ako. Patuloy ang pag-agos ng likido sa aking pisngi ngunit hindi na ako nag-aksaya ng panahon na punasan iyon. Isang mainit na yakap ang dumalo sa'kin. "I'm busy. I am sorry for being so damn busy Hon." Gumalaw ako kaya kusa siyang bumitaw sa yakap. Malabo man ang aking paningin dahil sa puno ng luha ang aking mga mata, alam ko kung sino ang taong naririto ngayon, nakatayo sa harapan ko. "G-Glade," my voice cracked as I mention his name. Yumuko siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa'kin. Kusang pumikit ang aking mata. Pinakiramdaman ko ang kanyang galaw. Napasinghap ako ng madama ko ang magkasunod na pagdampi ng kanyang labi sa dalaw akong mga mata. Nang imulat ko ang mga ito nasilayan ko ang maamo niyang mukha. "I'm here. You're not alone okay? Don't you ever think that. Why did you not call me, huh?" malumanay niyang sambit na siyang nagpakawala muli ng aking mga luha. Nataranta naman siya dahil do'n. "Hey! Stop crying. It hurts me seeing you like this." Hindi ko magawang tumigil kakaiyak. Sa dami ng taong pwede kong kasama, siya pa talaga. Palagi nalang siyang nariyan sa tabi ko, parati nalang niya ako dinadamayan. Lagi niyang pinaparamdam na hindi ako mag-isa, na pwede ko siyang gawing sandalan anumang oras. Niyakap niya muli ako. 'Thank you Glade' tugon ko sa isip ko dahil hindi ko magawang bigkasin sa sobrang pagod ko. - Naalimpungatan ako ng maramdaman kong sobrang lamig. Kinusot ko ang aking mga mata at sinubukang bumangon. Nang imulat ko ang mga mata nanlaki ito. What are they doing here? They were busy right? They were supposed to be somewhere dealing with their different agendas, but why are they here? Hindi ba may business meeting sila tito? Bakit siya nakahiga sa sofa? Gano'n din si Glade, hindi ba't may meeting siya with some investor sa Canda? Then what is he doing in my couch? Why are they here, sleeping comfortably in my room? And Glade was still here. I really have such amazing bestfriend. Nang inilibot ko ang paningin ko, napaigtad ako ng makita ang dalawang babaeng nakayuko sa magkabilaang side ng kama ko. "Tita Felie? Hills? Bakit kayo nandito?" I whispered but didn't get an answer since they were sleeping peacefully. Maingat akong gumalaw sa kama para sana bumaba at hinaan ang aircon dahil nilalamig ako ng sobra pero biglang umangat ang ulo ni tita. "Hey! we're are you going?" nagtatakang tanong niya. "Ah... " what should I say? Bigla siyang bumuntong hininga ng malalim. "I'm sorry. We were so pre-occupied with work that we almost forgot todays event. I'm really sorry iha." I was about to say 'It's okay tita' but she talked immediately. "Pero sana huwag mong iisipin na hindi na sila mahalaga sa'kin, sa'min." Aga akong umiling. "No no no tita. I completely understand. Totoo po. Naiintindihan ko naman po 'yong situation... pero syempre po hindi pa rin maalis sa isip ko 'yong lungkot kasi pakiramdam ko po mag-isa nalang po ulit ako." Agad akong niyakap ni tita. "Jusko! Pasensya na talaga iha," tugon ni tita na nanginginig ang boses. We start to become emotional but I comtrolled myself to not cry in front of them. I had enough of tears earlier. After a long paused, humiwalay si tita saka agad hinawakan ang noo at leeg ko. "Mainit ka! Nilalagnat ka ba?" nag-aalalang tanong ni tita. "Po? M-masama lang po pakiramdam ko pero ayos lang po ako." Umiling siya. "No, you're not okay." Lumingon siya sa aking likiran kung saan mahimbing na natutulog si Hillarry. "Hillary! Hillary! Wake up!" panggigising ni tita na ikinagulat ko. Agad ko siyang piniligan."Tita hayaan mo na po siyang matulog." "No." Muli niyang tinawag si Hillary na siyang nagpagising sa lahat. "Mom what's with the noise," iritableng tanong ni Gogi habang kinakamot ang ulo. "Honeyleigh is sick!" she announced. "What?!" Sabay-sabay nilang sigaw maliban kay tito na nakaupo at pinapanood ang nangyayari. "So Hillary, you go downstairs and get a cup of water and medicine, kunin mo na rin yung thermometer, dali," utos ni tita. "O-okay. Okay mom," sagot niya at mabilis na umalis. "George hinaan mo 'yong aircon, Glade kumuha ka ng palanggana na may tubig at malinis na bimpo." "Okay," sagot ng dalawa. Si tita naman ay pinilit akong mahiga kahit ilang beses kong sinabi na kaya ko naman. Nilalamig lang talaga ako pero kaya ko naman sarili, they don't have to treat me like I'm suffering from a severe illness. "You should have called us Hon. Paano kung wala si Glade kanina? Pagkatapos may sakit din pala si Manang Lida, who would help you out? Paano kung bigla kang nahimatay sa hagdan?" "You were all busy," lowered head, I whispered. "Who cares? We can reschedule our meetings. We feel bad na muntik na namin makalimutan ang death anniversary nila tita, tito at Yohan. Pero sana tinawagan mo pa rin kami." Mas lalo akong napayuko sa sinabi ni Gogi. "Stop it George," sambit ni tito kay George. Malaks soyang bumuntong hininga saka umalis sa gilid ng aking kama at nagpunta sa dulo na lamang nito. "Rest Honey," tita said then walks towards Gogi with Glade. Tito Greg still remain on his sit and Hillary was on the couch busy with her phone. "Did you talk to Cloe?" tita Felie asked Glade. "Yes tita," he answered. "What did she say?" Gogi asked with hes scrunched eyebrows. "Well, Hon spend all his time on working. Cloe said that they never see her eat her lunch nor take even a quick break." Thay were talking about me. Nakalimutan yata nilang nandito lang din ako. Pero sana nga wala nalang ako dito, parang makakarinig ako ng sermon any moment. "So she overworked herself? Kaya siya nilalagnat ngayon?" taas ang isang kilay na paninigurado ni Gogi. Glade nodded so Gogi faced her mom who was thinking deeply. "See mom? See what happened? She have done a lot, she doesn't even need to work but she's being stubborn! May ulcer pa siya what if sinumpong ulit siya!" galit na tugon ni Gogi. They were talking as if I'm not here. "Tita I think it's better we make her stop from working," Glade suggested and I don't like it. "No!" sigaw ko pero hindi nila ako nilingon. "Let her stay here mom," Gogi added. "No tita!" sigaw ko muli pero wala pa rin. hindi nila ako pinansin. "Okay. Hindi na siya magwowork as a room cleaner, kulang pa ang nalalaman niya sa pagpapatakbo ng hotel kaya kailangan pa maturuan kaya ako nalang bahala sa kanya," tita said with finality. "Tita, thrice a week lang kayo pumupunta sa opisina niyo anong gagawin ko sa mga ibang araw? I don't want to do nothing," pilit kong sigaw dahil grabe, ramdam ko 'yong panghihina ng katawan ko. "It's settled then," Gogi said. "I gotta go, I'll buy fruits for the stubborn patient here." dagdag niya na ikinanoot ng noo ko. Ako ba tinutukoy niya? Ang sama talaga ng unggoy na 'to. "Oh my Gosh!" sigaw bigla ni Hillary na umagaw sa atensyon ng lahat. "Mom, is Ron our client? I he the one who will be featuring our hotel?" smiling widely, she asked. "Hmm... hindi ko pa nakausap ang secretary ko since siya ang humarap sa client dahil Friday iyon no'n, it's our family day. But, everything was ready for the client. Do you know him?" "Mom, he's a model too. Maliban sa pagiging negosyante niya sideline niya ang pagmomodelo. He was so damn attractive so he got a lot of fans, and mostly babae." "Given na iyon dahil sabi mo nga gwapo. Mga babaeng gaya mo, uhaw sa lalaki. Gayahin mo itong si Honeyleigh, hydrated na sa kagwapuhan namin nila papa at Glade," "Yuck! Do you hear yourself? Nasa talampakan ka lang ni Ron!" giit naman ni Hills. "Hoy bruha! May I just remind you that I am your brother. Kung tingin mo pangit ako aba! 'Di hamak na mas pangit ka." "You're so loud guys, you're adding headache to Hon." Hillary rolled her eyes to Glade who just finish his line. "So mom, is it him?" muling tanong ni Hills kay tita. "I told you, I don't know." "I think he is. The article says that he will be going to feature a well known hotel and resort here in South Australia." "How did you know him Hills?" "Like what I said, he is a model. A hot model." Tumayo siya at lumpait sa'kin. "Here, I'll show you a picture of him." Inabot niya sa'kin ang phone niya pero hindi ko pa man natatagalan ng ilang segundo, may humablot na sa'kin no'n. It's Gogi. "Iww. He's not handsome sis. I just want to p**e," tugon niya saka umaktong nasusuka. Tumakbo si Hills papunta sa kanya pero agad siyang nakaiwas at mabilis tumakbo palabas na agad namang sinundan ni Hillary. Back to the photo, it was just a split of second but I think I know the guy on that photo. Pero dahil sa agad itong nakuha sa'kin tanging ang mata lamang nito ang aking napansin. Bluish Eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD