Agad akong nanlamig nang marinig iyon kay Gogi.
I don't know what to feel. Muling nagbalik 'yong sakit at pangungulila ko sa pamilya ko dahil sa sinabi niya. Kung anong nangyari sa kanila, kung paano ako nawasak sa pagkawala nila.
Kusang gumalaw ang katawan ko upang yakapin ang pinsan ko. It's because I know how hard it was to lose someone you treasures.
I felt him stiffened. "Gaya ng palaging sinasabi ni tita, may rason kung bakit may nawawala sa mga buhay natin."
Funny isn't? Nasasabi ko ang isang bagay na hindi ko naman magawang paniwalaan. Kasi I'm still thinking, what particular reason it might be? Losing someone then other people will say, there's a reason for their death. I can't figure it out. Anong rason di'ba? Namatay para sa anong rason? Napagulo talaga ng buhay minsan.
"Yeah but sometimes, I'm asking myself what could be the reason? For the past years, wala namang magandang nangyari sa pagkawala niya sa buhay ko eh. Iniisip ko talaga palagi pero wala eh."
Pareho kami ng iniisip, magpinsan talaga.
"Pero di'ba sinabi mo na siya ang rason ng pagbabago mo and look at you now, still the same person she turned you to be. Ngayon nakakatulong kana kina tita at tito. You even had your own business."
He sighed deeply. "Siguro nga. Siguro nga."
Humiwalay na ako sa kanya at pinunasan ang luhang bumagsak sa aking pisngi. Hindi ko iyon namalayan.
He chuckled when he saw me wiping my tears away. "You're really such a cry baby. Ikaw pa itong naunang umiyak kaysa sa'kin."
Biglaang may umubo na siyang nagpabaling sa amin sa likuran kung nasaan ang pinto.
"My instinct was right all this time." Panimula ni Hillary na nakataas ang kilay sa'min. "I wasn't really sure earlier that George will gonna help you on working here, so I went here to see if my instinct was right. And there you are, recalling that past of yours,"dagdag niya habang naglalakad palapit sa amin.
Sinundan lang namin siya ng tingin, hindi gumagawa ng ingay.
She sitted on the single sofa crossing her legs so her legs were exposed because of her dress that were too short. TOO EXPOSED AND TOO SHORT! Does it even called a dress?
"Who the hell told you to wear that kind of dress Hillary?" galit na tugon ni Gogi.
"And who the hell told you to sit there and reminisce about your past instead of working, huh?!" she retorted.
"And why are you talking back to your brother Hillary Aiah Martin?" Isang madiin boses ang muli naming narinig sa may bandang pintuan.
And when we all turn our glazed we saw two person standing there wearing their office attire too.
"Mom, dad? what are you doing here?" Hillary asked as she stands up.
"Board members happened. So, bakit mo sinasagot sagot ang kuya mo ng gano'n?" muling tanong ni tita.
"Mom, you were supposed to be mad at him. Instead of working, he was wasting his time on dealing with his past again," reklamo naman ni Hillary.
"May rason ang kuya mo. And you probably know about it, you should be more sensitive with what you say Hillary." Patuloy na panenermon ni tita kay Hillary.
"How can he moved on if we'll let his past to control his life now!"
"It's not easy to moved on Hills," madamdaming sambit ni Gogi.
Palipat-lipat ang aking tingin sa kanila. Lagi nalang talaga ako naiipit sa ganitong sitwasyon.
"And it's not easy to see you so broken because of a girl who was already died 3 years ago!"
Hindi ko alam kung saan nanggagaling si Hillary. Kung bakit ganito na lamang siya kung umasta. Kung bakit siya biglang lumuha matapos bitawan ang mga salitang iyon.
"She's not here anymore and yet you still let those damn memories with her to hunt you down now! I almost lost you because of her. Kahit wala na siya nagagawa ka pa rin niyang kunin sa'kin, sa'min!" lumuluhang tugon niya saka bumaling kay tita Felie. "Now tell me mom, who is insensitive here? Is it me? Or him? If we let him getting controlled by his emotion we might see him on operating room again!" she said before leaving us.
At ako ay naguguluhan. Operating room? Si Gogi? Ibig bang sabihin no'n may nangyaring hindi maganda sa kaniya? Bakit hindi ko alam?
Napalingon ako kay tita ngunit yakap-yakap siya ni tito. Nilingon ako ni tito saka tumango bago lumabas ng opisina.
I looked back at Gogi who was looking at nowhere.
I opened my mouth but no words came out. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko o tama ba na magtanong ako.
So I decided to just keep silent.
But after a long minute of silence, Gogi blows a loud breath then stoop up. He even smiled at me and offers his hand.
"Let's go. I'll call Glade to pick you up. Bukas nalang kita tuturuan sa trabaho. We have an urgent meeting."
"But you are not in good state."
"I can manage it."
"Ano 'yong... 'yong sinasabi ni Hills? Naaksidente ka ba?"
"Let's not talk about it," tugon niya at hindi na hinintay pang kunin ko ang kamay niya dahil hinila na niya ako palabas.
What did just happen?
-
Night came but I still can't see a trace of George in the house.
Saan na ba siya nagpunta?
Matapos kasi akong ihatid ni Glade dito ay agad din siyang umalis dahil ipinapatawag daw siya ng papa niya sa kanilang restaurant. Their family owns chain of restaurants here in Australia, kaya wala akong ginawa kung hindi ang magbabad sa social media maghapon habang hinihintay ang lahat.
Si Hillary naman ay hindi sumasagot sa tawag ko kanina pa, kaya I assumed busy na siya sa work so, I really have no choice but to spend my time on scrolling and watching different shows.
Nakita ko pa nga sa isang showbiz report from the Philippines, ang tungkol sa anak ng kilalang mag-asawa na doctor, na na-li-link sa iba't-ibang babae. Si Hiro.
What a playboy.
At that moment, I lost my interest on watching and decided to just sleep.
At dahil sa sala ako natulog, nagising ako ng may pumasok ng bahay. It's my tita and tito. Mukhang malalim ang iniisip nila kaya hindi na nila ako napansin. Hinayaan ko na lamang sila saka muling humiga para hintayin pa ang dalawa.
Pero dumating ang alas dose ng hating gabi, wala ng pumasok pa sa pintuan, kaya naman umakyat na ako sa kwarto at doon ipinagpatuloy ang pagtulog. Siguro hindi ko lang namalayan ang pagpasok nila.
Nang mag-umaga na, mabilis akong nag-ayos saka bumaba, nagbabakasali na makikita ko ang mga pinsan ko pero wala. Walang bakas ng Hillary at George sa hapag kainan.
Napansin ako ni tita na natigilan. "Kain kana, hindi umuwi ang mga pinsan mo," tugon ni tita kaya wala akong nagawa kundi sumunod kahit wala akong gana na kumain.
"Sabi ni Lida hindi ka daw nakakain ng tanghalian at hapunan dahil tulog ka."
"Napasarap po tulog ko tita."
"Sa susunod tumingin ka sa orasan dahil hindi ka pwedeng malipasan ng gutom Honeyleigh. Ayoko ng maulit to."
"Opo, sorry tita."
"Sige na kumain ka na. Kami na ang sasama sa'yo sa trabaho. Kami na rin mag-a-assign kung asan ka ipwepwesto. Huwag mo ng hintayin ang pinsan mo dahil mukhang walang balak umuwi."
"A-ayos lang po kayo si Gogi?" mahinang tanong ko.
"Hin-"
Napatigil si tita sa kanyang sinasabi nang marinig naming bumukas ang pinto. Nang lingunin ko, natuwa ako nang makita si Gogi. Salamat naman at ayos lang siya. Hindi kasi nabura sa isip ko 'yong narinig ko kay Hillary, kaya ko siya inaabangan kagabi para masiguro ko na ayos lang siya, na uuwi siyang walang galos.
Dumeretso siya sa kusina para kumuha ng maiinom.
"Where have you been George?" tito asked.
"Diyan lang?"
"Diyan lang? Inabot ka ng umaga, diyan lang?" asik ni tita at nagsisimula ng magalit.
Bumuntong hininga si Gogi. "I was drunk."
"Drunk? Bakit, inubos mo ba lahat ng alak sa bar para hindi ka na makauwi?"
"Tss. I was drunk then when I got conscious, I was already in a hotel room."
"H-hotel?" nagtatakang sambit ko.
"Yeah."
"Pambihirang bata ka! Hindi ka nakauwi pero nakapaghotel ka? Huwag mo sabihing nambabae ka?"
"Mom! Are you hearing yourself?! I don't have time for that. And I am not interested to any girls out there."
"Paano ka nakarating sa hotel? Gumapang ka?!" pagpapatuloy ni tita.
"I told you, I don't know. I couldn't even remember anything from last night. All I know is that, I was sitting alone on the private room, spending all my time from getting drunk then... then... I don't know!"
paliwanag niya na nahihirapan ding mag-isip sa kung anong nangyari sa kanya kagabi.
"Hon, stop it. Just eat." Nilingon ni tito si George. "And you, freshen up then come back here and have your lunch. I'll ask Lida to prepare chicken soup to aid your hangover."
Umakyat na si Gogi sa kanyang kwarto at ako naman ay mabilis na tinapos ang aking agahan saka pumunta sa kwarto niya.
Hindi na ako kumatok, pumasok ako agad dahil hindi naman nakalock ang pinto.
Nadatnan ko siyang nagbloblower ng buhok. Ang arte!
Nilapitan ko siya saka inagaw ang blower at ako ang gumawa no'n para sa kanya.
"Ayos ka lang?" panimula ko.
"My head hurts like hell Hon so, I don't have time for drama," nakapikit nitong tugon.
"I was just asking you if you're okay."
"I'm fine. Buo nga akong nakauwi."
"Pero buo pa rin ba ang puso mo?"
Natigilan siya sa sinabi ko at napamulat ng mata. Nagtama ang aming paningin sa salamin, unti-unting sumilay ang mga ngiti sa kanyang labi.
"Buhay nga ako, paanong hindi buo ang puso ko." Natatawa pa siya nang sinabi iyon but I know for a fact na hindi iyon totoo.
I know he's hurting.
I know he's sad.
I was there too. Trying so hard to let people see that I'm okay but deep inside of me, I was hurting, I was broken, and never been really happy since they left me here, alone.
"Wanna go shopping? My treat?" biglang tugon niya, iniiba ang usapan.
"Sabi ni tita sasamahan daw nila ako sa trabaho. Anong magandang work Gogi?"
Ngumisi siya bigla. "Tagahawak ng pera."
"Matinong usapan. Alam kong di'ka matino pero dahil ako kausap mo, umayos kang sumagot."
Tumawa lang siya.
"Madali bang maging taga-ayos ng mga beds."
"Room cleaner? Mahirap 'yon. Alam mo ba ang lahat ng tagalinis at taga-ayos ng kwarto ay may sinusunod na mahabang manual. Hindi ka lang basta-basta mag-aayos dahil may steps na dapat sundin. Mapapaiyak ka nalang sa dami."
"Really?"
"Uhuh! So I suggest maging secretary nalang kita. Hindi ka mapapagod."
"Dahil wala naman akong gagawin."
"Exactly!" Napalo ko ang ulo niya dahil do'n.
Para siyang tanga. Paano ako nakatulong kung walang gagawin.
Wala namang madaling trabaho. Atleast sa pag-aayos ng kwarto marunong na ako dahil ginagawa ko naman 'yon mula noon hanggang ngayon. Saka ayoko ng makalat na kwarto. So maybe 'yon nalang ang hilingin kong work kay tita.
"Diyan ka na. Magre-ready na ako."
Nilisan ko na ang kwarto niya at nagmadaling mag-ayos ng sarili.
This is it!
-
Pagkababa ko ng hagdan, nadatnan ko si Glade sa living room na may hawak na bouquet ng tulips.
"What are you doing here?" I asked.
"Here." Abot niya sa'kin no'ng hawak niya.
"Para sa'kin?" Tumango naman siya. "For what?"
Napakamot siya sa batok bigla. "I... Ahm just a congratulatory gift."
"For?"
"For.. For your first day in work."
"I already received your gift yesterday, saka kahapon ang first day ko... though wala naman akong ginawa so, maybe ngayon nga ang first day ko."
Nilibot ko ang paningin sa bahay ng hindi ko makita ang anino nila tita.
"Sige, hanapin ko lang sila tita."
Nang lingunin ko siya dahil hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya, nahuli ko siyang nakatitig sa akin.
"Hoy!"
He snapped out because of my voice.
He blinked twice. "W-what? Are you saying something?"
Kumunot ang noo ko. "Sabi ko, I have to go. Hanapin ko pa sila tita."
"They got off to work. I told them that I'll just accompany you, and they said yes."
"Totoo?" paniniguro ko.
"Yeah. You can asked Manang Lida if you want," smiling, he said.
"So, let's go?" He offers his hand that I was hesitated to accept at first.
Pero dahil late na at mukhang wala na talaga sila tita ay tinanggap ko na.
Ngumiti naman siya ng malapad nang tinugon ko ang offer niya.
He held my hand until we got to his mustang car.
"I like your eyes," titig na titig niyang sambit sa'kin nang makasakay kami.
I was shocked and it doubled when he added something.
"And I like you."