I get up from bed before hearing a sound from my alarm.
I open my eyes but I closed it immediately when I remember something.
First day! Kinakabahan ako.
Ano kaya una kong gagawin do'n? Baka magtaka mga ibang emplayado kapag nakita nila akong kasama si Gogi.
Ah! Naipakilala na pala niya ako, pero sa iba lang, mostly sa mga pinoy workers.
Napabukas muli ako ng mga mata ko ng makarinig ng sunod-sunod na katok.
"Ate! I have something for you," malambing na tugon ni Hillary mula sa labas ng kwarto ko.
Umupo ako at inayos ang buhok ko bago sumagot. "Pasok."
Dumeretso siya sa'kin at ipinakita ang mga laman ng mga paper bags na dala niya.
"This one is from mama," tugon niya sa inilabas niyang kulay itim na skirt na 1 inch above knee ang sukat.
"This lace off shoulder is from me." Tuwang-tuwa pa siya sa mga ipinapakita niya sa'kin, para saan ba ang mga iyan. "You know what? I buy this top from Ver Boutique! Do you know them?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya dahil wala akong katiting na ideya tungkol doon. "Hindi eh," kibit balikat kong sagot.
"Oh My Gosh! Their boutique was popular here even in other countries, because their apparels were designed and made by the well known Alfred Veraños! Don't you know him? He's a great designer! Good thing I have a friend that is very close to him so I ask her if I can get you a top that is good for office attire, and he gave me this. And he have a note in here ate." Iniabot niya sa'kin ang maliit na papel.
"I saw a picture of yours and I think this top suits you best. A simple white lace off shoulder for a beautiful and fine woman like you Miss Honeyleigh. Sweet kind of top just like your name. A.V. What is A.V?"
"His initials! Alfred Veraños. Oh My Gosh! I feel jealous! I want to wear a dress that is designed by a famous designer like him!" Hindi na maipinta ang kaligayahan na nakikita ko sa mukha ni Hillary.
"Sana kilala ko siya," tugon ko at binitawan ang sulat.
Nilingon ko si Hillary ng hindi ko na marinig ang mga impit na sigaw niya, at nakita kong lumaylay bigla ang balikat niya.
Kumunot ang noo ko. "Oh, anong nangyari sa'yo?"
She sighed. "I am here feeling jealous of you for having a top that designed by A.V and there you are having no idea who the hell that person is. Now, I feel bad for A.V."
I chuckled, ano ba kasi iniisip niya? Na kilala ko ang taong sinasabi niya? Eh hindi naman ako fashionista gaya niya.
"Hindi ko talaga siya kilala, pero kung mahal na mahal mo ang mga gawa niya then you can have that nalang, hindi ko rin naman bagay."
Hindi kasi talaga ako mahilig sa mga ganyang damit, 'yong mga damit na kulang sa tela. I prefer shirts over sexy tops.
"What? I spend 50,000 for that top then you were just going to give it back to me?" pagdradrama niya. "I feel rejected." Napaupo siya bigla sa kama ko.
Tumawa naman ako sa inasal niya. "Gumastos ka ng libo-libo para sa kapiranggot na damit? Pwede namang ukay-ukay nalang." Napapailing na tugon ko sa kanya.
Hindi naman sa ayaw ko sa damit na binili niya pero kasi 'yong gumastos siya ng napalaki para sa iisang damit, grabe hindi ko maisip. Ang mahal!
Nang hindi siya umimik at nanatiling nakayuko napabuntong hininga na lamang ako. "Fine. I'll accept it in one condition?"
Agad umangat ang ulo niya at ngumiti sa'kin. "What is it ate?"
"I'm going to pay you when I earned enough money for this."
"But it is my gift to you."
"Gift? 50,000 just for a gift?"
"It was actually nothing since you are my ate and deserve even more not just that."
Nabigla ako sa sinabi niya dahil sa kilig at tuwang naramdaman ng puso ko pero agad din akong nakabawi at ngumiti.
"Fine 50%. I'll give you the 25,00 thousand when I have cash already."
She rolled her eyes and sighed not able to go against me. "Okay."
"So, what's in there?" Turo ko sa isa pang paper bag na kulay dilaw.
It's Luis Vitton!
"So dad pick this heels for you."
Nanlaki ang mga mata ko. "Si tito? Really?"
"Yup, we went to different shops to find a perfect gift for your first day in work."
"So, you're saying na isusuot ko ang mga ito ngayon?" Hindi makapaniwalang tugon ko.
Hindi naman sila excited noh? Grabeng first day to, ang bigat sa mata ng mga suot ko.
"Exactly," tugon niya habang abala sa pagbukas pa ng dalawang boxes isang maliit at isang malaki, ako naman ay unti-unting binubuksan ang laman ng box na lagayan ng sapatos na sinasabi ni Hills.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang laman.
"Ang ganda!" 'Yon ang unang lumabas sa bibig ko. Pero for sure, maganda rin ang price nito.
Isang white pointed shoes and has a silver cap toes. It really looks so simple but very elegant and attractive in my eyes.
Gandang-ganda ako sa mga niregalo nila sa'kin pero hindi ko lubos maiisip kung magkano ang nagastos nilang lahat dito.
Knowing na nagkakaproblema pa ang hotel nila. Gusto ko nalang talaga tanggihan ang mga nariritong gamit dahil ayos lang naman sa'kin kung jeans at simpleng shirt lang ang isuot ko since magtratrabho lang naman ako do'n.
"And here, a LV tote bag from kuya and a set of gold accessories from Glade."
"Bakit ang dami nito? Ang mamahal. Magkano na naman itong bag? Saka yang mga alahas na 'yan? Pwede pakibalik nalang mga ito?" Aligagang tugon ko habang pinagkalagay muli sa lagayan ang mga gamit.
"You should take a bath and dressed up already ate. Manang Lida ijust cooking for our breakfast, kuya was out for a quick jogging and i know that he'll be here before you know. And I am hundred percent sure that you know how much he hate people who acts like a tortoise." Nilingon ko siya at unti- unting Siyang humahakbang patalikod.
"I'm asking you Hills," mariing tugon ko. I just want to know how much money they spend on this stuffs because I'm pretty sure, it's quite big.
And I promised, I am going to pay them inch by inch without them knowing about it.
"I'd rather say nothing," huling tugon niya bago isara ang pinto ng kwarto ko.
Okay! Patay tayo.
I left with no choice. I have to wear this things or else hindi ako kakausapin ng mga tao dito.
So, I took a bath, and got dressed up, leaving my hair bouncy then bumaba na ako papunta sa kusina.
And there they are, completely waiting for me.
"Awesome! For Pete's sake! Is that really you? You become more gorgeous today. My heart!" Glade exaggeratedly said then looked to my tita. "Ninang, I'm going to marry Honeyleigh," biglang tugon nito na siyang nakaagaw ng tingin ng lahat.
"Say what?" sigaw ni Hills.
"Lower down your voice Hillary," suway naman ni tito sa kanya.
"You're not bagay!" asik ni Hills muli not minding my tito.
"How could you say that? Huh?" kunot-noong tugon pabalik ni Glade.
Pabalik-balik naman ang paningin ko sa dalawa na nagsusukatan ng talim ng paningin.
She cleared her throat first. "You... She... She's too kind to be your girl. You don't deserve her!" mataray na sagot naman niya.
"Take back what you said Hillary!" pagmamaktol ni Glade na kakikitaan talaga ng pagkainis sa mukha dahil sa sinabi ni Hills.
"And why would I? I was just stating a fact here. YOU. DONT. DESERVE. HER!" may diin ang bawat salita sa huling katagang binigkas niya.
"What~"
"I agree." Walang kaemo-emosyong tugon ni Gogi.
"Wait for your true love iho," tita Felie said so my cousins burst into laughter when they heard what their mom said.
"See? Everyone here agreed with me, so stop dreaming," iiling-iling na panunudyo ni Hills kay Glade.
Napangiti na lamang ako sa pagtatalo ng dalawa saka naupo na sa aking pwesto.
"Lida pakihanda 'yong pagkain saka sukabay ka na rin sa amin," ani ni tita na agad namang tinugon ni Manang Lida.
"Can't take my eyes on you ate. I told you, it will look good on you. You're so simple yet so beautiful," Hills complimented.
"Simple? Knowing it's price, I don't think it would pass the stage of being simple."
Napaubo silang lahat sa sinabi ko. Kita mo nga naman. Nangangamoy guilty ang lahat. Ang bigat talaga ng outfit ko.
"Ready?" Gogi asked while were on our way to the hotel.
"Nervous but yeah, i'm ready," saad ko habang deretso ang tingin sa daan.
Mama, papa, Yohan, first day ko po sa work. Tuturuan pa po muna ako ni Gogi pero please guide me para mabilis ako matuto at hindi maging abala sa pinsan ko.
"You don't have to worry. I'm the boss. Your handsome cousin is the boss."
"Hindi na yata ako kinakabahan nilalamig siguro, oo. Lakas ng aircon, sana ayos ka lang Gogi."
"Why? Am I not handsome? There's no ugly Parker sis."
"Ikaw lang?"
"I really don't know if you are truly my cousin."
"Of course I am your cousin. No one would dare to mock you without me."
Yeah that's right. Ayaw ni Gogi ng inaasar siya dahil mabilis siyang mapikon except sa amin ni Hillary kahit siguro pagtulungan namin siya, umuurong pagiging pikon niya.
Kaya gustong-gusto ko siyang inaasar minsan dahil wala siyang laban.
"You must always remind me that you are my cousin, okay?"
"Bakit? Kaya mo ba akong sapakin?"
"I want to throw you out of my car, you know that?"
"Ofcourse you can't."
"Let's not talk!"
Tumawa ako ng malakas ng sumuko na siya. Kawawa naman ang pinsan ko.
Nang makapasok kami sa opisina niya, napatampal ako ng noo nang dumeretso siya sa sofa, humiga at ipinatong ang braso sa kanyang mga mata. Huwag niya sabihing matutulog siya.
Nilapitan ko siya at niyugyog ang balikat. "What are you doing? You're supposed to give me details with regards to my work here! Walang inihabilin si tita sa akin na matutulog tayo! Gogi! Get up!"
"Nah! Lem'me sleep for a while."
"Huwag mo sabihing puyat ka."
"I actually didn't get enough sleep. Parang di ako natulog."
"What? Ano bang ginawa mo kagabi?" nagtatakang tanong ko.
Bigla siyang napabangon at umupo at napatulala sa kawalan.
"Gogi?" Pagtawag ko sa atensiyon niya.
He blows a loud breath. "Nothing." At muli na siyang nahiga.
Naguluhan ako sa kanyang pinakita, pakiramdam ko may pinagdadaanan siya pero hindi niya lang iyon mailabas.
"Hoy! Let's talk!"
"I wanna sleep," he groaned.
Umiling ako sa sagot niya saka sinampal ng ilang beses ang brasong nakatakip sa kanyang mata, kaya iritable muli siyang bumangon.
"What?" masungit nitong sabi.
"Tell me, what's your problem, huh?"
Kumunot ang noo niya. "What are you saying? I just want to sleep."
"You can't lie to me," tugon ko sa kanya. "Nababasa ko naman sa mga mata mo na hindi ka okay eh. Gogi, lagi kang nandyan kapag kailangan ko ng karamay, so if you have problem you can share it with me," sinsero kong dagdag.
"I... I..." Pumikit siya ng mariin saka tumawa ng bahagya ng imulat niya ang mata niya. "Ikaw yata ang kulang sa tulog, kung ano-ano sinasabi mo. Here, you can take the sofa then ako na sa chair ko." Tumayo siya at paalis na nang hilahin ko muli siya paupo.
Tinitigan ko siya ng mariin. "Stop dodging my question!"
Napabuntong hininga siya saka napayuko at napahawak sa kanyang ulo.
"It's her 3rd death anniversary."
"Sino?" nagtatakang tanong ko.
"My girlfriend." His voice broke down upon saying it.
"You had a girlfriend?" gulat kong tanong dahil hindi ko nabalitaan na nagkagirlfriend siya. Marahil siguro ay parating mga oldies lang ang nakakapagkamustahan at hindi na napag-uusapan pa ang mga buhay namin ng mga panahong nagkakasama pa kami at mga araw na nagkakausap through voice chat or video calls.
"Yeah." Umupo siya ng maayos at sumandal sa sofa na ginaya ko rin ngunit humarap ako sa kanya samantalang siya ay nakatingin na naman sa kawalan.
"Kilala mo naman siguro ako pagdating sa pagiging sakit sa ulo nila mama." Panimula niya. And yes, hindi siya talaga matino pero maalaga siyang anak, kapatid at pinsan.
"Always with the gang, hanging out, going to night bars, enjoying parties and girls, addicted to car racing, stupid student, useless son. And yeah, that's me, back then of course, before I even met her."
He looked at me and smile. "We are completely opposite. She values her life and time. She's studying so hard, I'm not. She's working to support herself, and I don't because I depend everything I need to my family's wealth. She lives so simple, dressed up so simple, and I don't just like a simple things for me, I always look out for the best out of everything. We are really living in a different world."
"But when I saw her smile, my world literally stops and wanted to make step into her world. You know what Hon?... That was the best night I ever experienced. She was a bartender at a bar. He makes drinks so amazing. Kaya sabi ko no'n, babalik ako... hindi pala sabi ko pala, babalikan ko siya."
"So binalikan ko siya, every night do'n na kami ng mga friends ko and it was my idea. Sa mga gabing paulit-ulit ang balik ko do'n, unti-unti ko siyang nakilala. Her name, what she likes, where she lives, lahat ng pwede kong makuhang information about her, nakuha ko sa mga katrabaho niya. Hanggang sa nagpakilala na ako."
He paused then laughed. Siguro dahil sa mga naaalala niya.
I didn't know na ganito pala mainlove ang pinsan ko.
"But did you know what happen after I told her that I like her and wanted her to be my girlfriend?" natatawa nitong tanong sa'kin.
"You got rejected." Panghuhula ko naman.
"Yes, I got rejected!"
"For real?!" Gulat na sigaw ko.
"Yeah. Sabi niya ayaw niya daw ng adik." Iiling nitong tugon. "Mahilig lang uminom, adik na. That girl."
"Pero alam mo na ang mga Pinoy," tatawa-tawa nitong sabi.
"What? Aren't you Pinoy too? Tss!"
"Proud to be a Pinoy. Pinoy means marupok. Nauna lang akong naging marupok kaysa sa kanya. I made her say yes to me a year after pursuing her for a long time. Pinahirapan pa ako, sasagutin lang din naman."
"How did you court her?" usisa ko.
"Well, just like any other man, giving flowers and chocolates, showing how sincere you are, 'yon lang naman eh."
"You know what Hon, he made me the man who I am today. She's the reason why I chose to become better person. She's the reason why I changed. I changed to deserve her." Mahal na mahal niya talaga ang babaeng tinutukoy niya.
"Ayaw niya sa adik? Edi tinigil ko lahat. Pumupunta nalang ako sa bar mag-isa hindi para uminom kundi para makita siya. You see, nabitawan ko 'yong bisyo ko dahil sa kanya."
"But if she truly loves you naman, hindi ba dapat tanggap niya 'yong bad side mo?" tanong ko.
"Yes you're right, pero minsan kasi mas nadadama ng mga babae 'yong pagmamahal ng isang lalaki kapag kusa silang nagbabago. And as a man, I looked back at those things I did then asked myself, 'Is it right? Wasting time and money on stupid things? Disobeying your parents? Not taking the study seriously? Tama ba 'yon? Maganda ba iyon?' Then I got the answer, and it will always be 'NO'. So, I did changed, not just for her but for myself and for mom at dad."
"She made me value the things that I have. She made me see that life should not be taken granted."
"What's her name Gogi?"
"Nathalie Cruz. My Natnat." Kita ko sa mga mata niya ang pangungulila sa babaeng mahal niya.
"What happened to her?"
Nilingon niya ako saka ngumiti ng mapait.
"Car accident. Just like what happened to your family. She died together with her mom and dad."