CHAPTER 29

2590 Words
After that encounter with Chloe, I wasn't able to enjoy our remaining time in the restaurant. Naging tahimik rin ako. Alam kong gustong magtanong ni Glade because he keep on glancing at me trying to get my attention but I was in deep thoughts about sa mga nalaman ko. Kung paanong napasara ang orphanage. Kung bakit ibenenta. Sino nagbenta. Kanino ibenenta. Lahat ng 'yon umiikot sa ulo. And Glade being Glade, siya na ang nag-adjust. I felt sorry for him kasi hindi ko man lang naibigay ang buon atensiyon ko sa kanya sa loob ng ilang oras lang. But he was so nice to me and so understanding na nagawa niyang bigyan ako ng space para mag-isip ng mga bagay-bagay. He gave me the silence I need dahil gulong-gulo na talaga ako. The moment I step in the house. I walk straight to my tita's office. Pero agad rin akong napahinto sa kalagitnaan ng papgpunta doon. I realized that it was too late for it 'cause it was already ten in the evening. Napabuntong hininga na lamang ako at nagtungo sa kwarto ni Gelo to check up on him. Doon ko nadatnan si Glade na nakaupo sa tabi ni Gelo na mahimbing na natutulog. Lumapit ako at sa may paanan ng kama ako umupo. "Uhm... Did you talked to tita?" mahina nitong tanong na ipinagtaka ko. How did he know that I was going to my tita? "Well I tried followed you pero hindi ko na itinuloy. I thought you need some privacy so nagpunta nalang ako dito." Bumuntong hininga ako at tumango saka nilingon si Gelo. "Is it okay if I ask you, what's the problem?" he was hesitant to ask because of the expression that I'm showing. "I'm..." Should I tell him? I sighed. "I'm good," I said and slightly smiled at him. "Okay, you're not okay," he said and got up from the bed. "Iwan na kita dito," sabi niya. "No, tiningnan ko lang kung mahimbing na natutulog si Gelo. Magpapahinga na rin ako," sabi ko at nilapitan si Gelo para halikan sa noo. "Okay, you really need that." I sighed again. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang buntong hininga ko na iyon. Lumapit ako kay Glade at niyakap siya. "I'm sorry," sabi ko saka bigla kong naramdaman ang init na likido sa akin mga mata. Ito 'yong pilit kong kinokontrol kanina. Ayokong umiyak pero siguro nga hindi ako gano'n kalakas para pigilan 'yong mga halo-halong nararamdaman ko ngayon. Nagmistula akong lobo na nasobrahan ng hangin kaya bigla nalang pumutok. Sa dami ng nangyari ngayon, napuno na ang isipan ko at hindi ko na kinaya kaya heto ako muling tahimik na umiiyak. "Shhh. It's fine love, I understand, " he said. "I'll keep on understanding you. I'll keep on giving you space if that's what you needed. I will try my best to understand all your cold treatment whenever you have something on your mind even if sometimes I felt nothing to you," mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Was I being too hard on him? "I'll be honest love. I fell hurt too everytime you make me feel like you don't need me. Nasasaktan din ako kasi tao ako hindi bato. But I love you Honey. And loving you means understanding you in every unexpected circumstances. Loving you means enduring all your ignores," he continued which made me feel a bang on my chest. "But if you feel so down and couldn't handle the pain anymore, please come to me and let's talk about it. I'm your fiance love, you must depend on me more in times like this. Kung may problema ka sabihin mo sa'kin, I'm willing to listen love." Tumango ako ng paulit-ulit at patuloy naman siya sa paghagod sa likod ko. "I know. I know Glade. I'm sorry. S-sobrang dami kasing nangyari ngayon. Mula kay Cheena, Gogi, Gelo at dumagdag naman 'yong nalaman kong pagpapasara ng orphanage," sabi ko habang kinakalma ang sarili ko. "Is this the foundation that your mom owns and funded?" tanong niya. Kumalas ako ng yakap at pinunasan ang luhang natira sa mukha ko. "Yeah. Apparently, nagsara at ibenenta raw sa dating may-ari." "Binenta? Who would do that? You were in Adelaide that time. Did you sold it?" nagtatakang tanong nito. "Why would I even do that?! Mahal na mahal ni mama 'yong orphanage at 'yong mga bata doon, she will never sell it at gano'n din ako." "Then who?" "I don't know. Kaya kakausapin ko si tita bukas baka may alam siya." "Okay. You should rest then," sabi niya at inakbayan ako saka hinila palabs ng kwarto ni Gelo. Hinatid niya ako sa kwarto ko na katabi lang nito. "Take a rest. Tomorrow will be a long day for you, for sure," malungkot nitong sabi. Tumango ako. "You too. Alam kong napagod ka rin kakaintindi sa'kin ngayon," "Hindi ako mapapagod intindihin ka," sabi nito at napangiti ako ng bahagya. Lumapit siya at pinatakan ng halik ang aking noo. "I'll go ahead. Dream of me okay?" Ngumisi ako. "Ah you mean, dapat ako bangungutin?" Umirap ito. "You're really fine now, huh?" napapailing niyang sabi. "Okay, pumasok kana," sabi niya na tinugon ko agad. Kumaway ako sa kanya. "Bye. Good night." "Good night. I'm gonna miss you love," tugon nito na ikinatawa ko lang. "Seriously Glade? Sa kabilang kuwarto lang ang pupuntahan mo, hindi sa ibang bansa!" kontra ko. We were in the same roof but not in the same room. We never slept together unless nasa gitna namin si Gelo everytime na gusto ng bata na katabi kami. Speaking of Gelo, bukas na pala namin malalaman ang resulta kung totoo nga ang sinasabi ni Cheena. Kung totoo nga na si Gogi ang tunay na papa ni Gelo. If naging match sila it means totoo rin na siya ang mama ni Gelo. It means she was telling us all the truth? Can I handle it? "Love?" napapikit ako nang marinig si Glade. "Y-yes? Were you saying something?" Umiling ito. "You better sleep and don't stress yourself too much from thinking random what if's in your head." Tumango ako. "I will. Good night again," sabi ko. "Okay, good night." With that I closed the door. Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago natulog. The day we have waited came. Wearing casual short and black shirt, Hiro entered the housing holding a piece of folder which contains the truth behind Gogi and Gelo's relationship. It contains the truth that I wasn't prepared for. Unang iniabot kay Gogi ang envelope pero hindi nito tinanggap. Sumunod kay Cheena. "No. Kayo ang magbukas at nang malaman niyong hindi ako gumagawa ng kwento." No one tried to talked back to her. Maybe we are all afraid to know the result. At sa akin naman ito iniabot. Kaya ko bang makita ang resulta? Am I ready for this? Nanginginig man ay tinanggap ko ito. I looked everyone in here and they are focused on the envelope. Slowly, I opened it and tried to read it. Hinanap ko ang munerong ayokong makita pero agad akong nanghina at nawalan ng balanse nang makita ito. Glade's reflexes save me from falling. Agad namang inagaw ni Hillary ang papel sa'kin. "Oh my gosh!" tili nito. "99.99% It's true! Gelo is George's son!" sigaw niya na nagpagulat sa lahat maliban kay Cheena na napaupo sa sofa. She's telling us the truth. Totoo nga ang lahat. Lahat ay nabigla ng sugurin ni Gogi si Cheena at mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso at pwersahang pinatayo. "How can you keep this from me! How can you be so selfish!" sigaw nito na mas nagpagulat kay Cheena marahil ay ngayon lang niya nakitang ganoon si Gogi. Even me. Hindi ko pa siya nakikitang ganito kagalit. Oo, madali itong mapikon, mainis pero hindi ang maging ganito, lalo na sa babae. He used to respect girls at ayaw niyang nakakakita ng babaeng sinasaktan physically and emotionally. "Ilang taon ko siyang pinanood na alagaan ng ibang tao! Pinapanood ko siyang patahanin ng iba! Kargahin, pakainin! I wasn't able to hear his first word. Ni hindi ko naranasan na palitan siya ng diaper o magpuyat dahil sa mga iyak niya!" Glade started to cry but the we can see how angry he was. Natauhan naman si tito at agad na nilapitan si Gogi para awatin pero sa galit na nararamdaman niya hindi ito maawat. "No! Let me handle this woman!" sigaw niya kay tito ngunit na kay Cheena lang ang tingin nito. Si Cheena naman ay talagang takot na at nag-uumpisa na rin umiyak. "I didn't give you the permission to cry in front of me! You don't deserve to cry! You don't deserve to be a mother! Wala kang kwentang ina!" And just like that, Cheena fight back. Ibinuhos niya ang lakas na mayroon siya para itulak si Gogi. "At ikaw? Sa tingin mo karapat-dapat kang maging ama?!" galit nitong sigaw. "Akala mo ba ipapamigay ko lang sainyo nang gano'n gano'n lang ang ank ko kung maayos ang kalagayan ko nang manganak ako? HINDI! Dahil wala kang karapatang maging ama sa anak ko!" "Nang gabing may mangyari sa'tin, you were the first one who woke up. And you just left like there's nothing happened between us! Nagmalasakit ka man lang ba? HINDI! Matapos mong magpaputok, nang-iwan ka nalang bigla!" No one dared to make a noice. "Nang malaman kong buntis ako at ipinaalam ko sa magulang ko, alam mo kung anong sinabi?" puno ng hinanakit ang boses niya. "Wala na raw akong pamilyang babalikan!" Nakagat ko ang labi ko nang marinig iyon sa kanya. It was hard to be neglected by your own parents. "Ginawa ko lahat para sa kanila. Pero dahil sa isang gabing pagkakamali! Dahil hinayaan kong 'yong puso kong magpakarupok sa'yong hayop ka nawalan ako ng pamilya at trabaho!" "Sinubukan kitang hanapin, pero laging wala! Bumalik ako sa bar para icheck 'yong log book ng gabing iyon. George lsng naman alam kong pangalan mo eh. Sa dami ng George sa mundo, saan ako magsisimula?! Kaya nang makita ko buong pangalan mo, hinanap kita sa f*******: at doon ko nahanap address mo." "Alam mo ba kung ilang oras akong tumayo sa harap ng bahay niyo para lang pag-isipan kung tama ba ang gagawin ko, kung kaya ko bang ibigay sa pamilya ng taong iniwan nalang ako sa hotel, 'yong anak ko? Limang oras akong nanatili sa harap ng bahay niyo!" "Kinumbinsi ko sarili ko na kung hindi ko i ibigay sainyo ang anak ko, makakaya ko ba siyang buhayin kung may utang pa akong dapat bayaran? Hindi. Delikadong manatili ang bata sa hospital kaya wala akong choice kundi ibigay siya sainyo!" Pinunasan niya ang mga luha niya at nanlilisik ang mga matang tinuro si Gogi. "Kaya sabihin mo sa'kin kung sino ang mas walang kwenta sa ating dalawa! Ikaw na bigla nalang nang-iiwan ng babae hotel matapos makipagsex o ako na handang ibigay ang anak para lang mabigyan ng magandang buhay kahit ang kapalit ay hindi niya ako kikilalaning ina niya?! Sino!" Nilapitan na ito ni tita nang biglang pinagsusuntok niya sa dibdib si Gogi na biglang napipi sa mga sinabi ni Cheena. Pinunasa ko naman ang luhang bumuhos sa mukha ko ng dahil sa mga narinig ko. "Huminahon ka iha," pigil nito kay Cheena ngunit sa sobrang galit rin ni Cheena ay naitulak niya si tita at tumama ang ulo ni tita sa arm rest ng sofa. Napaaray si tita ngunit hindi ganoon kalala dahil sa malambot ito. "Walang hiya ka!" biglang sigaw ni Hillary matapos alalayan patayo si tita ako naman ay sobrang lutang at hindi alam kung ano ang dapat gawin. Ni hindi ko magawang humakbang sa aking kinatatayuan. "Wala kang respeto!" sigaw ni Hillary at patuloy sa paghila sa buhok ni Cheena na nasa sahig na at nakahiga. Bigla siyang inupuan sa tiyan ni Hills at pinagsasampal at sinasabunutan nito si Cheena. Habang abala si tito sa pag-alo kay tita dahil mukhang nahilo rin ito sa pagkakauntog. Si Glade at Hiro ang umawat sa dalawa. "Hillary calm down! Stop it!" sigaw ni Glade na pilit hinihila ang kamay ni Hills pero mas napapaaray naman si Cheena kaya hindi na malaman ni Hiro at Glade ang gagawin. "Bitawan niyo ko! Ikaw babae ka! Malandi kana wala ka pang galang! Gusto mo ikaw iuntog ko! Saan mo gusto? Sa mesang kahoy? o sa babasagin? Ah, baka gusto mo sa pader nalang tutal kasing kapal mo 'yon!" sigaw ni Hillary at tumayo ito. Napasinghap ako nang bigla niyang hilahin ang buhok ni Cheena palabas ng bahay habang nakahiga ito. Dahil nakatayo na si Hills mas naging madali ang pagpapahiwalay sa kanila ni Glade at Hiro. Hawak ni Glade si Hills at si Hiro kay Cheena. "Enough!" maawtoridad ni tito na sigaw at tanging hingal ng dalawa at impit na iyak ang naririnig mula kay Cheena. "Hindi niyo ba ito maayos sa mahinahong pag-uusap?! Kailangan ba talagang magkasakitan kayo?! Sa harap ni Gelo pa mismo?!" sigaw ni tito na nagpabaling sa'kin sa may bandang hagdan, at doon ko nakita si Gelo na hawak ni Manang Lida na umiiling, parang sinasabi na hindi nito napigilan si Gelo sa paglabas ng kwarto. Ibinilin ko kasi kanina kay manang na kung pwede ay bantayan muna at huwag palabasin. Now my son was crying which made my heart craked. I never want to see him like these. Iniiwasan kong masaktan siya sa kahit na anong paraan. Tumakbo ako palapit sa kaniya. "H-hey! Why is my baby boy crying huh?" sabi ko at pinipigilan muling umiyak. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at suminghot muna ito bago magsalit. "You're eyes are swollen mommy. You were crying since yesterday. Please stoo crying mommy," garalgal niyang sabi kaya naramdaman ko muli ang mainit na likido sa aking mga mata. My poor baby. Tumingala ako sa taas para pigilan ang mga luha sa pagbuhos. "Mommy is okay baby. Ikaw ang dapat huwag umiyak, hmm?" sabi ko at iniiwasang pumiyok. Umiling ito. "You're not okay. Stop lying to me mommy," sagot nito at mas bumuhos ang luha niya kaya mas nasaktan ako at napaluha na rin habang pinipilit na punasan mga luha niya. Bakit ba ayaw maubos kuha niya. Ayoko siyang nakikitang ganito. Ako nalang! Ako nalang saktan niyo huwag na anak ko. "You were all lying to me. I get it now! Naiintindihan ko na po. Why all of you are fighting. And it's because of me," sabi nito at biglang napaupo at yumuko sakanyang mga tuhod upang umiyak. Agad ko siya niyakap. "No baby. It's an adult thing. You won't understand because you're still a baby. But this is not about you love. Okay?" Padabog itong timayo at puno ng luha ang kanyang mga mata. "It's my fault! This is all my fault! I wish I wasn't born! I wish I wasn't part of your family. You are all liers. I hate all of you! I hate you mommy!" sigaw nito saka mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Napaupo ako sa hagdan nang marinig ang huling katagang sinabi niya. "I hate you mommy!" Napahagulgol ako nang mag-echo iyon sa isip ko. My Gelo hates me. My son hates me. Agad akong nilapitan ni Glade at niyakap. "Si Gelo Glade! Sundan mo siya. Please. 'Yong anak ko," wala na akong pakialam kung mapanood nila akong lahat na magmukhang mahina. Dahil naging kahinaan ko na si Gelo, five years ago. "Hiro followed him. He'll be okay. Calm down now love," Glade said while caressing my back. I'm so sorry baby. I'm sorry my Gelo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD