Rinig na rinig ko ang isang malalim at iritadong boses ng isang lalaki.
"C'mon help me with this one!...No! f**k no way! Dad will be very furious if he'll know this thing!...Dude I'm just being a good samaritan here… Oh f**k you!" Sino ba ang isang iyon? Bakit may lalaki? Nasaan ba ako?
"Nay Lina saw us but I already talked to her. Dad shouldn't know about this girl. It feels so s**t without my f*****g cards. He might get my car keys if he found out that I brought another girl here again!...Oh w-wait. I'll call you back later. She's awake. And bring those goddamn things now! Or else I'll talk to Fionie right at this moment...I'm not bluffing!"
Hirap ako sa pagmulat dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa dingding. Sa isang glass wall. Mamahalin! Tsk!
Nang natabunan niya ang sinag ng araw, nagawa kong sulyapan ang kanyang mukha.
Anghel na sana kung wala lang halong kemikal ang kanyang bunganga.
Sandali!
Siya ang muntik nang makabangga sakin kagabi.
He suddenly smirked.
"Sino ka?" tanong ko na ikinabigla niya.
Ano bang nakakagulat dun? Dapat ba mag-Hi ako? Like 'Hi! Thank you for helping me?' Hindi ko naman sinabing tulungan niya ako.
"Okay. That’s f*****g what?! After you make that craziest stunt last night, tatanungin mo ako kung sino ako? Pvcha. Don’t you know me? Huh! f*****g unbelievable!"
Napapikit na lamang ako sa dami ng murang nabanggit niya. Impyerno bagsak nitong kutong lupa na ito. Ma, Pa, Yohan bakit hinayaan ninyong kunin ako ng nilalang na ito.
"Hey dammit! Answer me miss!"
Sinulyapan ko siyang muli at parang bang ikakaguho ng mundo niya na hindi ko siya kilala.
"Dapat ba kitang kilalanin?"
"W-what?! You really don't know me at all? Seriously?" asik nito na hindi talaga makapaniwala sa sinabi ko. Totoo naman, dapat ko bang kilalanin ang lahat ng tao sa mundo? Para saan?
Wala akong mahanap na rason para kilalanin itong engot na nasa harapan ko.
Pinilit kong umupo at luminga-linga sa pinagdalhan ng lalaking ito sa'kin. Siya naman ay iritadong nagmartsa papunta sa sofa.
Dahil glass nga itong nasa harapan ko kita sa labas nito ang malawak na garden na napakadaming bulaklak.
Ma, sana nakikita mo itong nasa harapan ko. My mom loves flowers gaya ko. Mana mana lang. Napangiti ako ngunit ng napagtanto kong may kasama ako binawi ko agad ito.
A combination of white and black curtain. Simple lang pero napakaeleganteng tingnan ng kurtina. Nasa gitna itong kama kung saan ako nakaupo ngayon. Sa side ng kama may lampshade and a photo frame of a girl and a baby. Or let's say, maybe this Engot with me is the baby on that picture and mama niya iyong babae. Maganda iyong babae sa litrato.
May set ng sofa sa left side ko nakatalikod kung nasaan ang kama ngunit nakaharap sa napakalaking flatscreen TV 60" o baka mas mahaba pa doon.
Sa right side ko naman naroon ang mini-kitchen. Yeah! Mini-kitchen talaga siya. May oven, bread toaster, refrigerator, basta kumpleto na nga yata eh. May mesa at upuan na rin good for 4. Ilang hakbang mula roon ay makikita mo ang hagdan na pababa just about 4 steps~ mukang iyon ang comfort room, well siguro nga.
Nasa hotel ba kami?
"Mahal na hari dapat nilalakasan mo itong aircon baka kasi matunaw."
Napalingon ako sa left side ng kwarto nang marinig ko ang bagong boses mula roon.
At anong lakasan? Eh nilalamig na nga ako. Iba talaga pag mayaman.
"f**k you Keiffer. Pwede ka namang pumasok nang hindi nagsasalita di ba?!"
Napakasama talaga ugali ng lalaking ito.
"What?" iritado na tanong nito nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.
Inirapan ko siya at napatigin sa bagong dating dahil sa mga narinig kong bagay na inilapag niya sa mesa na harap ng sofa. Ang daming paper bags. Ano naman kayang mga laman niyan.
"Narito na po kamahalang Heroin-"
"f**k you Keiffer! Just put it there and shut the f**k up! "
At hinarap na nga ni Engot itong tinawag niyang Keiffer na dumating. Nilapitan niya saka binulungan na ikinatahimik bigla niya, ikinangisi naman iyon ng lalaking isa. Parang tutang umamo bigla ang bagong dating.
Pero napansin ko ang boses ng bagong dating. Para bang narinig ko na ito mula sa kung saan. Pilit kong inalala ngunit wala, hindi ko matanto kung tama ba ang hinala ko. But his voice was really familiar with me.
"Hero then?" tugon muli ni Keiffer habang hinihimas pa ang kanyang batok at paupo na sa sofa. Akala ko tapos na talaga siyang asarin yong isa.
"HI-RO! f**k you to hell Kei!"
Keiffer shrugged and then he look at me with a perfect smile, showing his dimples on both side of his face. So cute.
Matangos din ang ilong nito at may manipis na labi pero mas mapula iyong kay Engot. Brown na brown naman ang kanyang mata. May lahi ba sila?
"Hi gorgeous," Keiffer said while running towards me.
"Hi," I answered without giving him any emotion. No way. They are still strangers.
"Ay sungit." Napapatawa at napakamot siya sa ulo at bumalik roon at umupo.
Si Hiro DAW ay busy sa paghalungkat ng kung ano sa mga dala ni Kei.
"Nasaan ako?"
Si Kei natigil sa pagsubo ng chips at tumingin sa'kin. Si Hiro rin napatigil sa paghalungkat at tumitig muli sa direksyon ko.
"My house," he said.
"Baka mansyon ni Hiro ito," singit ni Kei habang ngumunguya ng chips, "Nandito ka sa mansion niya." sabay turo niya kay Hiro.
Nakita ko naman kung paano siya binigyan ni Hiro ng pamatay na tingin na hindi naman nito pinansin.
Pero tama siya, mansyon nga ito. Itong kwarto niya parang mas malaki pa kumpara sa buong bahay namin kaya nasisiguro kong mansyon ito.
"Noong sinayang mo ang limang minuto ng oras ko, you were actually just few meters away to my house so, I decided to bring you here after you lost your consciousness miss whoever you are," tugon neto at pinagpatuloy ang paghahalungkat.
"Menopausal baby, pabayaan mo na siya Miss gorgeous," sabi ni Kei habang nanonood na.
"f**k you Kei!"
"Siguro kailangan ko nang umalis.”
Nang akmang tatayo na ako narinig ko ng pagkalakas-lakas na sigaw nang dalawa na nakalapit na sa’kin agad.
"NO!" they shouted in unison.
"What? Bakit?" Naguguluhang tanong ko sa dalawa. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila dahil walang sumasagot sa’kin.
"Tapos ayaw ninyong magsalita? Kurap din kayo kung pwede? Para kayong nakakita ng multong maganda. Tss."
Doon nga sila biglang nawala sa pagkatunganga. Si Kei na mukang natuwa sa sinabi ko. Habang si Hiro mukang masusuka. Lecheng Engot!
"Well, you see, I SAVED you last night so, you'll help me in return."
Kumunot kilay ko sa sinabi niya. "Hero right? You-"
"Its HI-RO."
"Okay. Hero-"
"I said HI-RO!"
"Oo nga Hero!"
"HI-RO. Its Hiro! Are you making fun out of my name woman?!" Iritadong tugon nito sa’kin.
Napatawa ako sa mukha niya dahil kunot na kunot na ang kanyang noo, nanlilisik na rin ang kanyang mga mata. Nagalit na yata siya. Hindi ko talaga sinadya iyong una pero kasi iyong mukha niya nakakatuwa. Ang sarap asarin.
Unti-unting nawala ang ekspresyon niyang iyon at napalitan ng pagkatulala.
"Oh, natulala ka bigla diyan? Okay ka lang ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon niya.
"Tunaw na talaga iyan mamaya. I-full ko na ba iyong aircon?"
Nilingon ko si Keiffer na busy sa pagkain ng chips saka muling bumaling kay Hiro.
Pumikit siya nang mariin at saka umiling-iling.
Tumikhim siya at hinimas ang batok.
"Magpahinga ka muna. We'll drive you home later."
Tumalikod siya at kusang gumalaw ang katawan ko para bumaba sa kama para habulin siya.
Hindi ko alam kung bakit, pero nagkusa talaga ang katawan ko. Pero hindi pa man ako nakakatayo ng maayos ay natumba na ako.
"f**k!"
"Miss!"
Napapikit ako at handa ng tanggapin ang pagbagsak sa sahig ngunit hindi iyon nangyari. Hindi ako bumagsak dahil may sumalo sa’kin.
"Let go Kei!" mariing utos ni Hiro kaya lumayo si Kei na nasa tabi ko na ngayon. Kung paanong nakapunta siya agad dito ay hindi ko alam. Itinaas naman ni Kei ang dalawang kamay habang may nakakalokong tingin kay Hiro, saka ito bumalik sa pwesto.
"You okay?" his voice suddenly changed. Parang nag-aalala siya sa akin. Or mayber not? His voice became sweet this time. And I can't stop myself from staring at him. Mas matangkad siya kaya tiningala ko siya. Napakaperpekto ng pagkakagawa sa nilalang na ito.
Mula sa magandang pagkakaukit ng kanyang kilay na makapal, ilong na matangos, ang kanyang panga, ang kanyang manipis at mapulang labi and lastly iyong mata niya. It's captivating. He has bluish eyes. Ang ganda.
And now, he's staring at me - No! Scratch that.
He is actually staring at my lips.
"Ahem," pag-agaw pansin ni Kei.
Ibinaling na naming dalawa sa iba ang tingin namin ngunit hindi niya ako pinakawalan. His left hand is still on my waist while his right hand is holding my right shoulder.
"You should stay here for the mean time. Kung okay ka na, I'll send you home," tugon niya ng mahinahon habang pinapahiga akong muli sa kama.
"What about the dinner tomorrow Hiro?" Keiffer butt in.
"Forget that, Kei. Let's go. She need to rest," Hiro said without looking at me. After niyang maayos ang higaan ko tumalikod na siya at lumabas.
Napabuntonghininga na lamang si Keiffer. "Tanga kasi! Sino ba kasing nagsabi na may girlfriend na siya. Nasa kanya naman na ang lahat wala namang jowa. Kawawang menopausal baby." Napatingala siya sa kisame at nailing na tumawa. Nilingon niya ako nang may ngiti.
"Utos kasi ng papa niya na ipakilala niya ang girlfriend na sinasabi niya kung hindi, matutuloy ang engagement niya sa isang babaeng hindi niya kilala. Kawawang Hiro." Sa boses niya parang kaawa-awa siyang bata at dapat kong tulungan. Teka! Nagpapa rinig ba ang lalaking ito?
Pakialam ko naman? Dami kong problema dadagdag pa sila. Saka hindi ko sila kilala mamaya mga gangster pala sila o kasali sa mafia.
May ganoon pa rin pala'ng nangyayari ngayon. Arrange Marriage. I mean nasa Modern world na tayo and that thing shouldn't exist anymore. Dapat kapag magpapakasal ang isang tao, iyon ay dahil mahal niya ang papakasalan niya hindi dahil sa kasunduan lang ng mga magulang ng bawat isa. May mga nagwowork din naman minsan na arrange marriage pero mas madami pa rin ang mga arrange marriage na hindi nagwowork at iyong iba, nagkakasakitan pa, physically and emotionally. Kapag magpapakasal ka dapat mahal mo. Hindi iyon pinag-uusapan lang over a cup of coffee. Kusa mong mararamdaman iyon sa taong karapat-dapat sa iyo at kapag nagyari iyon puso ninyo mismo ang mag-uutos na pag-isahin kayo.
Inirapan ko siya at natawa naman siya bago iiling-iling na sumunod kay Hiro palabas ng kwarto.
Napabuntonghininga ako saka muling pinagmasdan ang paligid. Napakaganda rito.
Napatitig ako sa mga halaman.
Mama.
Ngayon ko lang napagtanto na sa ilang minutong pakikipag usap sa dalawang iyon nakalimutan ko ang dahilan kung bakit ako nandito.
Ilang minuto lang iyon pero nagawa kong makahinga ng kaunti sa mga nararamdaman ko.
Pero hindi ko matatakbuhan ang katotohanang kinakaharap ko ngayon.
Muli kong naramdaman ang mainit na likidong lumalabas sa aking mga matang pagod pa rin hanggang sa mga oras na ito.
"Paano na ako mag-uumpisang muli. Pakiusap Ma, Pa, Yohan baby, tulungan niyo akong bumangon ulit." Yumuko ako at niyakap ang aking mga tuhod.
Parang binubugbog ng paulit-ulit ang dibdib ko. Pakiramdam ko sinasakal ako. Sobrang sakit. Hindi ako makahinga.
Hinawakan ko ang telang tumatapat sa aking dibdib at idiniin iyon na para bang maaalis nito ang malakas na dagundong ng dibdib ko.
"Miss na miss ko na kayo."
Wala na akong nagawa kung hindi ang humagulgol muli.
Hindi na ba talaga pwedeng bumalik sa nakaraan?
Baka pwede pa. Hindi ko na sila papaalisin ng bahay, ako nalang lalabas. Kahit ako nalang ang mawala. Hindi ganito, buhay ako pero wala ang mga nagbibigay ng lakas sa akin.
Napatigil ako sa paggawa ng ingay pero patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko at ang paninikip ng dibdib ko pero sa mga oras na ito...
"10 seconds. Let me lend you my arms for 10 seconds. I'm... I'm here."