CHAPTER 4

2582 Words
Sampung segundo. Sampung segundo, hinyaan kong yakapin ako ng taong di'ko kilala. Hinayaan ko ang sarili kong maikulong sa mga bisig ng taong ni minsan ay hindi ko nakasalamuha. Pero sa mga segundong iyon, unti-unti akong kumalma. May kakaibang dulot sa akin ang kanyang mainit na yakap. Couldn't name the feeling that I felt when he hugged me, dahil ang alam ko lang... kakaiba iyon. O baka siguro dahil lang iyon sa pangungulila ko sa mainit na yakap ng pamilya ko. Oo. Iyon lang. Iyong lang talaga. Matapos ang sampung segundong iyon walang lingon-lingon o mga salitang binitawan si Hiro, basta na lamang siyang umalis. Iniwan ako pilit, prinoproseso ang nangyari at pilit ding pinapakalma ang aking sarili dahil sa pagdagundong ng puso ko bigla. Hanggang sa nagpasya na muna akong matulog muli. Naalimpungatan lamang ako nang makaamoy ako ng mabango. Then I remembered, hindi pa pala ako kumakain ng ilang araw. Nabungaran ng paningin ko si Keiffer na nasa mini kitchen nag-aayos yata ng pagkain. "Gising kana pala." Sinulyapan niya ako ng mabilis lang saka muling inayos ang pagkain. "Kumain kana muna dito." Lumingon ako sa labas at naroon na nga si haring araw. Ang ganda ng paligid. Pero ang pangit ng mga nangyayari sa buhay. Gumawa ka man ng kabutihan may makukuha ka paring di kagandahan. Ang dami ko pang pangarap na kasama ang pamilya ko. Lalo na ngayon at malapit na akong makapagtapos ng pag-aaral at... at malapit na ang exam? Sandali... ano na ba ngayon? Nilingon ko si Kei na nagtitipa na ngayon sa kanyang cellphone na natatawa. "Keiffer?" mahinang pagtawag ko sa kanya sa pangambang mali ang pagkabigkas ko sa kanyang pangalan. Kung Ki-fer ba o Kay-fer. Pero iyong nauna ang itinawag ko. Napatagil siya sa kanyang ginagawa sa cellphone niya at lumingon ito sakin ng may ngiti at labas ang dalawang dimples nito sa pisngi. "Good to know that you remember my name. Anyway, kumain kana muna bago ka namin ihatid. Bababa na rin ako dahil iritado 'yong isa hanggang ngayon. 'Di mo daw siya kilala?" Natatawa nitong sabi sa huling mga binigkas niya. "Hindi," walang alinlangan kong sagot na hindi niya inaasahan ngunit natatawa pa rin. "Sa lahat ng babaeng nakasalamuha namin, ikaw palang di nakakakilala sakanya." "Sino ba kasi siya? Anak ng Presidente?" tugon kong muli dahil hindi ko maisip kung bakit dapat ay kilala ko ang taong iyon na may matalim na dila. May batas ba na nagmamandato na kilalanin iyong lalaking iyon? Wala naman siguro di'ba? "You are really something," sabi nito nang nakangiti pa rin. Hindi ba siya nangangalay sa pagngiti? "Bababa na talaga ako. May kailangan ka pa ba?" dagdag nito ng makalapit sa dulo ng kama. "May I ask kung anong araw na ngayon?" tanong ko sakanya na ikinanoot naman niya. "Why? Is there something wrong?" Agad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, mababasa sa kanya ang pag-aalala bigla. "Wala naman. Gusto ko lang malaman," sagot ko at lumingon sa ibang direksyon dahil naiilang ako sa titig niya. "May 20. It's May 20 already." Napakasakit isipin na ang araw na dapat masaya kami kasama ang mga bata sa bahay ampunan ay isa na lamang ilusyon. Napayuko ako dahil ramdam ko na naman ang mainit na likido sa aking mga mata. Pinipisil ko ang aking mga daliri at nagbabakasaling magising ako na isang malagim na panaginip lang ito . "Uhm... A-are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kei. Huminga ako ng malalim bago sumagot dahil ayokong malaman niya kung gaano kapangit ang araw na ito para sa'kin. "Oo. Pero gusto ko munang mapag-isa... sana," sagot ko saka muling huminga ng malalim para hindi pumiyok ang boses ko. "O-okay." Narinig ko ang mga hakbang niya palayo sa pwesto ko hanggang sa makarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. It is my 20th birthday and yet you're all not here. How am I supposed to celebrate it? Or mahalaga pa ba yun? Wala naman na sila. My happiness. My everything. Kinuha na nila lahat sa akin . Sobrang sakit. Sinasaksak ako ng katotohanan na mag-isa nalang ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong pagdusahan ang mga ito. Masama ba ako? May nagawa ba akong mali para magkaganito ang buhay ko. Why? Bakit ako? Bakit kami? Ano bang maling nagawa ng pamilya namin. We always choose to do what is right and this is what we get. This is what I received? Losing people who I value the most? I looked at the sky outside. "You gave them to me but you also take them away from me! My mom told me that family is the most precious thing that God gave to everyone," sarkastiko akong napatawa sa mga ulap. "Pero bakit kinuha mo din? Sana naman nagpasabi ka! Sana naman nagparamdam ka sa panaginip ko. Sana sinampal mo ako habang tulog para sabihin na 'hoy Honeyleigh enjoy'in mo nang kasama ang pamilya mo dahil kukunin ko na sila sayo' di'ba? Hindi naman mahirap gawin 'yon!" Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Umuurong sulong ang pagtitiwala ko sa kanya dahil sa sakit at galit na bumabalot sa puso't isipan ko. Hindi ko kasi magawang tanggapin na sa pamilya ko pa nangyari ang lahat ng ito. We always choose to treasure what you created! The people! Everyone! Kahit walang wala kami minsan, my parents are always open to share what they have! Mas okay pa sa kanila na pagdildil kami ng asin, ang mahalaga makatulong kami sa mga taong mas nangangailangan pa kaysa sa'min. Those people who are homeless, those abandoned children on streets, every single person that we met who's in need are being showered by our family's help. Kaya hindi ko matanggap ito. After showing love and giving help to everyone this is what you gave us in return. "I hate you! I hate you! I will never believe in you again! Napakawalang awa mo. Pilit kong tinatanggap na may dahilan ang lahat, na may importanteng rason kung bakit hinayaan mong mangyari ang lahat ng ito." Hinawakan ko ang dibdib ko. "Pero galit ito sayo! Galit na galit! Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtiwala. Sabi ni tita hindi mo ito kagustuhan. So ano to? Tulog ka ng mga panahong iyon?! Kaya di'mo sila nailigtas? Ganun ba 'yon?!" My mind was clouded by hatred that even if I knew this is not my house I couldn't care about it at all. Nagkalat na ang mga unan sa sahig. Nakagawa ng ingay ang unan na naibato ko sa kusina ng kwartong ito. Ginulo ko ang aking buhok. Nasasaktan ko na ang sarili ko pero hindi ko na rin iyon nagawang pansinin. Namanhid na nga yata ang buo kong pagkatao. I feel nothing. I feel so numb. Ngunit isang mainit na yakap ang bumalot sa akin. This kind of feeling. This kind of embraced. This is what i felt earlier. Ito iyong yakap na nagpakalma sa akin kanina. Yung pakiramdam na hinihila ako paitaas mula sa bangin na dapat kababagsakan ko. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. I was saved by him. Again. "Stop hurting yourself. God dammit woman!" galit nitong tugon habang ipinaparamdam niya ang mahigpit niyang mga yakap. Hiro. He's indeed a hero. Ang bilis pero hindi ko alam, dahil pakiramdam ko sa bisig niya may karamay ako. The warm of his embrace calms me. And I didn't know how. I just felt it. Pakiramdam ko ginawa ang mga bisig niya para sa akin. Goodness! Hinahagod niya likod ko na parang sinasabi niyang 'tama na' Umiyak ako ng umiyak hanggang sa maubos na naman ang mga luha ko pero hindi pa rin niya ako binibitawan. And I can't deny the fact that I like being trapped in his arms. "You okay now?" he asked while still hugging me. Gusto kong sabihin na hindi dahil gusto ko pa rin sa yakap niya. Nakakagaan ng pakiramdam. Tumango ako bilang sagot. Lumayo nga siya ngunit nanatiling nakaupo sa harap ko. Yumuko na lamang ako dahil alam kong hindi kaaya-aya ang mukha ko ngayon. Pero gamit ang kanyang kaliwang kamay hinawakan niya ang aking baba upang magtama ang aming paningin. Ang mga hibla ng buhok kong nagkalat sa mukha ko ay inayos niya ng walang pag-aalinlangan. After that he look at me directly into my eyes. I can see how beautiful his eyes and how perfect they are. His bluish eyes are perfect! Pinunasan niya ang mga huling patak ng luha sa aking pisngi. "There you go. Pretty, " 'yon lang ang sinabi niya ngunit ang laki ng epekto nito sa'kin. Parang may kung ano sa aking loob ang nagpipilit kumawala, nagpupumilit na sumigaw! What kind of feeling is this? The feeling was so foreign to me. Nginitian niya ako at tila ba may gustong lumipad na mga paru-paru sa aking tiyan. Ano bang nangyayari! Hindi mo siya kilala Honey so stop! Just stop it! Lumingon ako sa ibang dereksyon dahil naiilang na rin ako. "Bakit ka nandito?" "I...I was on the security office k-kanina. W-what I mean is... I was just checking my people there then...then I saw you," nauutal nitong paliwanag at kung saan saan dumadapo ang paningin. "You're trying to hurt yourself. Why?" biglang sumeryoso ang tono niya at basang basa ko sa mga mata niya ang awa. Could anyone tell this guy that I don't want him to pity me. He was just making me more weak. Ngumiti ako ng bahagya. "You don't have to look at me like that." "Like what?" "Naawa ka diba? I can see it in your eyes. It's too clear to not be read." tugon ko saka lumingon muli sa labas. I know kahit sino naman kakaawaan ako sa lagay ko. Pero hindi ko iyon kailangan dahil kahit milyong tao pa ang maawa sa'kin hindi no'n maibabalik ang buhay ng mga mahal ko. Ayokong kaawaan nila ako dahil mas lalo lang akong naapektuhan. Somehow, he gets what I wanted to make him understand. I don't want to talk about my situation right now. Mabuti na't hindi na siya umimik. But after a long minute of silence. "Ahm sorry but Kei told me that he thinks that it's your birthday today. Is it true?" pano naman agad nahulaan ni Kei na birthday ko? Manghuhula ba siya? Pinilit kong ngumiti. Here we go again. Nilingon ko siyang muli. "Yes." "What's your plan then?" Nagtungo muli ang paningin sa hardin nila. Papalubog na ang araw. "Madami...dati" "Why?" he asked. Mapait na ngumiti ako sakanya. "Sorry I just got curious " They say mas magandang maglabas ng mga nararamdaman sa taong kilala nila dahil hindi ka nila pwedeng ijudge dahil di ka pa nila kilala. Maybe if I share my problem to him baka makulangan ng kaunti ang bigat nang nararamdaman ko. "Because I already have no one. Namatay sila. Si mama, si papa, si Yohan. Mmm... we were supposed to be celebrating my birthday today with the children sa orphanage na minamanage ni mama. Ang dami naming plano." naramdaman kong muli ang mga daliri niya na pinahid ang luhang di'ko namalayang kumawala na naman. "Hey. It's okay. Huwag mo nang ituloy. I know it's hard for you. You wanna go home?" hindi niya malaman kung san niya ako hahawakan o tama bang hawakan ako para matigil ang mga luha ko. I look into his eyes again and it's funny how it really calms me. Maari ba iyon? Natural lang ba ang ganitong pakiramdam? "Can I ask you a favor? I-I promise, the day after tomorrow I'm willing to do everything you want." kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Keiffer told me about the dinner? You had to-" "No. Just tell me what you want. Don't mind what that jerk told you." agad nitong sagot na mukhang iritado sa narinig nito sakin. May mali ba doon? "What is it?" Is this really okay with him? Nakakahiya. Pero kasi gusto ko pa rin pumunta doon dahil iyon ang itinuturo ng puso ko sa'kin. I can't go against my heart. "Can we go to my mom's foundation today ? Alam kong magiging masaya sila mama kung itutuloy ko ang mga plano namin," mahina kong sabi sa kanya na ikinabigla niya. "Pero ok lang if ayaw mo, I understand. Hindi naman kasi tayo magkakilala. Sorry." agap ko nang makita ang ekspresyon niya. Napayuko na lamang ako dahil nakaramdam ako ng hiya dahil don. Bakit ba kasi bigla-bigla nalang ako humihingi ng pabor sakanya na para bang magkaibigan. Nakakahiya! Tumikhim siya. "Uhm. Heroinne Sky Marquez, you are ?" Napaangat ako dahil sa pagpapakilala niya then he's offering his hand for formality I think. "Para magkakilala na tayo?" tugon niya ng makitang nalilito parin ako. "Honeyleigh Parker." Inabot ko ang kanyang kamay. Ang lambot pala talaga. Ano na naman ba yang napapansin mo Honey! "Nice meeting you Honey." Then he gave me smile! Nagulat ako sa pagtawag niya sakin although iyon naman talaga nickname ko pero bakit kakaiba ang dating noong siya na ang tumawag sa'kin. I'll be honest, feeling ko kasi may landi yung pagbigkas niya ng name ko or baka nagkamali lang ako ng pagkarinig. Kelan ba ako huling naglinis ng tenga? Baka sira na! Stop it Honey! Urgh! "So, Honey? Let's go?" shit! Parang nananadya pa siya sa pag 'Honey' niya! "Uhm...Ah pwede muna tayong dumaan sa bahay pero maraming tao ok lang sayo? I need to get my stuff and I'll change muna. Nakahospital gown pa ako." "No need. Yung dala ni Kei kahapon it's a girl stuff." Napakamot siya sa ulo dahil naiilang na naman siya. Cute! "Iwan na muna kita. Baba ka nalang if you're done. Those things are still in the sofa. Try to choose what fits your style. " Hindi man lang ako hinintay magsalita umalis nalang agad. Bumaba na ako sa kama and thankful ako na hindi na ako natumba. Hinalungkat ko lahat. Kumpleto lahat! Pano naging madami? Sizes of undies are complete! Ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko. May mga dress, skirt, tops, isang high heels and isang sketcher's na black and white rubber shoes. Mukhang nasukat niya paa ko. May make-up din mga hair clips. Seriously? Kumpleto? Kawawa naman si Keiffer. Siya bumili ng mga ito? Paano? After ko mamili dederetso na sana ako sa banyo ng madaanan ko yung pagkain na ipinahanda niya. Sumubo ako ng kaonti para magkalaman man lang ang aking tiyan. Hindi ko alam kung sinuswerte ako na paborito ko ang hinanda nila. Beef steak, may buttered veggies din, banana at orange juice. Mahigit isang oras ang tinagal ko bago lumabas. Pagkalabas ko hindi naman ako nahirapan dahil iisang pasilyo lamang ang tatahakin ko dahil mukang nasa dulo tong kwartong pinagdalhan sa'kin. Sa bawat sulok ng aking nadadaanan may malalaking picture frame akong nakikita probably their family members. Sa kabilang pasilyo natanaw ko ang litrato ni Hiro pero di ko magawang pumunta roon dahil nasa tapat na ako ng hagdan. Mula dito sa taas kitang-kita ko na si Hiro at Keiffer na parehong nakatitig sakin. "s**t!" - iyon ang nasabi ni Keiffer ng namataan niya ako pababa ng hagdan. "Fvck off Kei. Now come here Honey." he said while giving me a playful smile. Halla ka! Engot talaga! Baka anong isipin ni Keiffer. "Honey? What the hell dude! That fast?" Magsasalita na sana ako ng bigla na naman siyang batukan ni Hiro na nakangiti pa rin. "Stupid!" Sabay tingin sa'kin kaya mas lalo akong nailang. Isang maling salita pa Hiro, mamatay ako 'pag nahulog sa hagdan niyo. "You're so cute when you're blushing."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD