"You are so cute when you're blushing."
Sa mga salitang binitawan niya kamuntikan na akong nahulog sa hagdan dahil sa dulot nito sa'kin.
Nakakapanghina.
Nakakakilabot.
Hindi ko mapangalanan kung paano ipapaliwanag ang naramdaman ko, dahil naghahalo na. Pero isa lang masasabi ko, ngayon ko lang naranasan ang ganitong kaba na nakakapanghina dahil lamang sa mga simpleng kataga mula sa taong hindi ko naman kilala.
Pagkababa ko pinaupo muna ako sa single sofa ni Hiro habang si Keiffer naman ay hinanda 'yong gagamitin naming sasakyan.
Nagawa kong sulyapan ang pinanggalingan ko kanina. Sa pasilyo kung saan ko nakita ang malaking litrato ni Hiro, may hagdanan pa sa harap nito pataas.
Ilang floors ba tong bahay na'to?
Habang sa tapat rin ng hagdang dinaanan ko kanina ay may papasok pa pala na hindi ko napansin agad.
Nakakalula naman dito, ang daming pasikot-sikot.
Modern design ang bahay mula sa sahig hanggang sa mga gamit halatang gamit pang-mayaman talaga.
Sa sala kung saan kami nakaupo, ay mayroong pagkalaki-laki rin na flatscreen TV na mas malaki pa sa nasa kwarto kanina. Sa tabi nito ay ang mga babasaging vase na hula ko million ang halaga dahil nakita ko na ito minsan sa online.
Lahat ng palamuti sa sala kakikitaan mo ng gintong halaga. Mahihiya kang hawakan ang mga ito.
Ngunit ang nakaagaw pansin sa'kin ay ang malaking family picture sa taas ng TV. Iyong papa niya may intimidating na awra ngunit makikita mo ang naghuhumiyaw na kagwapuhan rin nito kahit na mukhang nasa mid-50's na.
Ang mama naman niya ay maputi, blonde ang buhok na may pagkakulot ng kaunti, halata kung gaano kakinis ang kanyang balat, napakatangos rin ng ilong niyo, perpekto ang kilay pati na ang mapupulang labi nito at ang nakaagaw pansin sa akin ay ang kanyang bluish na mata na nakita ko rin kay Hiro.
Sa tabi naman ng mama nila ay isa pang magandang babae, mukang ate niya iyon. Hindi nalalayo ang itsura ng ate niya sa kanilang mama, dahil siliya ang Tan version niya.
Sa tabi ng kanilang papa, naroon si Hiro na hindi nagpapatinag sa angkin nitong kagwapuhan. Ang pagiging perpekto ng kanyang mukha ang nakakaagaw pansin na kahit na sino talaga ay mapapatingin.
Kalong naman ng kanilang ina ang siguro'y bunso nila na mukhang dalawang taong gulang pa lamang. Hindi rin maikakaila ang taglay na kagwapuhan ng kanilang bunso.
Mga pamilya ng pinagpala.
Sa aking likuran naroon ang mini-bar nila. Kitang kita rito ang madaming collection ng wines.
Sa likuran naman ni Hiro naroon ang pagkalawak-lawak na kitchen nila at sa kabilang bahagi nito ay ang dining hall. Bagaman man may partition ito mula sa mini-bar niya, nakikita pa rin naman ang naroon sa loob nito. Sa kabilang bahagi naman ng mini-bar may sliding glass door roon na mukhang magdadala sayo sa pool area nila.
Hindi ko pa man nalilibot ang kabuuan ng bahay pero alam kong malaki ito mula dito sa first floor hanggang sa huling palapag ng bahay. Sa sobrang laki ng bahay nila kahit siguro magsisisigaw ako dito hindi maririnig ng taong nasa taas.
At kung balak niyo maglaro ng tagu-taguan dito, baka abutin kayo ng madaling araw sa paghahanap kapag ikaw ang taya. Ganoon kalaki ang bahay nila.
Matapos kong ilibot ang paningin sa bahay ni Hiro sa kanya naman ako lumingon. Nagulat ako nang matagpuan ko ang kanyang paningin na nakatuon na sa akin.
Kumunot ang aking kilay. Kanina pa ba niya ako tinititigan?
"You done?" tanong niya habang nakadekwatro ang mga paa.
Tinaasan ko siya ng kilay at sinagot ko siya ng 'what-are-you-saying' look.
"Checking my place," he smirked.
"Mmm. Tinitingnan ko lang kung safe ba ako dito or not. O kung dapat ba kitang pagkatiwalaan." It was a joke ofcourse, dahil nakita ko naman kung gaano sila nagmalasakit sa pagtulong sa'kin. I'm just making fun of him na kinagat naman niya. Silly!
"Fvck!" singhal niya bigla. "Do I look like a fvcking kidnapper or rapist?"
I looked at him with my scrunched eyebrows. "I didn't say anything," I said and rolled my eyes.
"But that's what you're impying!" asik muli niya. Seriously? Wala yata sa vocabulary niya ang salitang joke.
"Really?" walang ganang tugon ko.
"Uhuh! After I saved you? You're still going to think of me as a bad guy?" hirit pa niya.
"Did you heard me saying those things?"
"Well... Maybe that's how ungrateful you are to the person who helped you. Tss!"
Agad akong napabaling muli sa kanya sa sinabi niya. Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Sino ba nagsabing hindi ako thankful sa pagtulong sa'kin. Ang sama talaga ng dila ng engot na'to.
Pero kaysa makipagbangayan muli sa kanya, pinili ko nalang manahimik. Maingay kasi siya. Laging bumubulyaw. Parang laging galit.
Menopausal baby nga siguro siya. Napatawa ako sa isip-isip ko, baka kasi 'pag nakita niya akong tumawa, ano pa maisip niya.
He smirked when I didn't talk back before he looked at me from head to toe.
Anyway I choose to wear a rubber shoes, a skinny jeans that made me surprised earlier because it really fits me. And I paired it with a plain v-neck shirt with a minimal print of panda in the upper left side of it.
Hindi na ako nagmake up. Just a liptint and I'm good to go. I prefer being simple.
"You look-" binigyan ulit niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Dyosa," I said without looking at him.
I heard him chuckled from what I said. So I glared at him.
"Don't be so full of yourself woman," pang-aasar niya.
Kaysa patulan muli siya, hindi ko na lamang siya pinansin dahil nadidistract na naman ako sa presensya niya, lalo na kapag ngumingisi siya. Hindi ko alam. Basta di'ko talaga maipaliwanag 'yong feeling.
He cleared his throat. "A-are you okay now?" he asked that makes me looked back to him.
Hindi. Pero wala akong choice kung hindi magpatuloy kahit wala naman kasiguraduhan kung maganda ba ang lugar na tinatahak ko.
"Yes. Maybe?" I tried to show a smile para lang masabi sa kanya na okay na talaga ako kahit ang totoo ay hindi pa.
'Yong nangyari kagabi at kanina nakakahiya. He saw me at my weakest point. He was there when I broke down. Siguro tama na ang mga nakita niyang iyon. Ayoko ng makatanggap pa ng awa sa kanya, sa kanila, sa lahat.
After all, aalis naman na ako. Maghihiwalay na mga landas namin maya-maya, at for sure malabo ko na rin naman silang makasalamuha.
I think, this was just a borrowed time for me to collect myself and get back to my senses.
Did I really tried to end my life? Did I really wish for that?
I feel sorry for myself for being like this. I am not what I think I am right now. But I think, it will be hard for me to believe in God again. I can't. I just really can't. At iyon din ang dahilan kung bakit ako nagsosorry dahil nawawala na ang liwanag na binibigay niya sa'kin. Naglalaho na. Marahil puno na ng pighati ang puso ko, nababalot ng galit. Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil masyadong mabigat ang pinagdadaanan ko.
Hindi ko na nga makilala kung sino ako ngayon. Ang bilis ng mga pangyayari. Ang dami bigla nagbago, sa buhay ko at sa sarili. This is not the Honeyleigh that I used to know. This is definitely the other Honeyleigh that have been created out of anger.
I took a deep breath bago lumingon muli kay Hiro mula sa kawalan saka muling ngumiti ng bahagya. "Sana maging okay na ang lahat."
"Sana maging okay kana," tugon niya na ikinabigla ko. Is he concerned about me being not okay?
Napatitig ako sa kanya at pilit binabasa ang kahulugan ng sinabi niya.
"We need to go guys," boses ni Kei ang nakapagpaiwas sa'kin mula sa pagkakatitig kay Hiralo.
Nilingon ko siya then he showed me his wide smile, kaya nasilayan kong muli ang kanyang mga biloy.
Buti pa ito marunong ngumiti so I smiled back. Tumayo na ako para sundan siya ng mahagip ng paningin ko si Hiro na masama ang tingin sa'kin pero hindi ko nalang pinansin.
'Problema ng engot na iyon?' tanong ko sa isip ko bago tumayo at sinundan si Kei.