"Uhm.. place?"
Kei glanced at me on the mirror dahil nasa backseat ako while Hiro is in the passenger seat.
"Saan ba kasi tayo?"
Hindi ko naman kasi alam ang lugar na'to dahil maliban sa bahay, school, sa foundation at mall wala na akong alam na lugar pa. Hindi naman ako gumagala.
"Samari Subdivision," Kei answered.
Paanong Samari ito? Bakit parang ngayon ko lang nakita ang daan na ito? Gaano ba kaluwang itong subdivision.
"Samari lang din ako nakatira," agarang tugon ko.
Nilingon naman ako ni Kei ng hindi makapaniwala habang si Hiro naman ay sa salamin niya ako tiningnan.
"You got to be kidding be. For real?!" hindi makapaniwalang tugon ni Kei.
"Oo."
"Eyes on the road jerk!" iritableng sambit ni Hiro.
"Sorry agad my knight shinning hero." pang-aasar naman ng isa na hindi nalang pinansin ni Hiro.
"Pero seryoso taga dito ka lang din? Bakit hindi ka naman namin nakikita?" muling tanong ni Kei.
"Hindi rin naman kita nakikita. May dahilan ba para magkita tayo?" sagot ko ng nakatingin sa labas.
Narinig ko ang malakas na tawa ng isa. Ganoon ba siya tumawa?
"Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa tawa mo o matutuwa kasi for the longest time, ngayon ko lang ulit narinig tawa mo pre. Ulitin mo nga para makunan ko ng video. Nang may maishare ako sa mga batchmate natin. Dali!" mahabang tugon ni Kei habang may inaabot sa kanyang bulsa.
"If something happens to us, I'll make sure you'll sleep behind bars. Focus on driving idiot!" asik naman ng isa na agad tinugon ni Keiffer.
Well, ako rin naman nabigla kanina sa pagtawa ni Hiro.Ang lakas niya tumawa. Grabe!
"Naku! Alam mo ba Honey, mahal ang-"
"Honeyleigh. That's her name," singit ni Hiro.
"Oo nga. Alam ko. Pero mahaba, kaya Honey nalang gaya ng tawag mo sa kanya. At pwede ba, huwag kang sumabat, hindi ikaw kausap ko."
"This is my car so I can kick you out of here if I want to. And you are not allowed to call her by that name." Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Hiro. May ganoon ba? Kailan? Sino nagsabi? Bakit di'ko alam?
"Says who?" natatawang ani ni Kei.
"Just fvcking drive fast Keiffer!" sigaw bigla nito, iritableng iritable ang engot na'to. Ano problema niya? Pati pangalan ko pinapakialaman.
Pero sa halip na matakot 'yong isa ay malakas lang na tawa ang narinig ko sa kanya.
Nang matapos na silang mag-asaran binigay ko na sa kanila ang house number namin dahil hindi ko alam ang daan papunta doon. Dahil hindi talaga ako lumalabas pag hindi importante o 'di kasama sila mama.
"So you belong to the middle class?" tanong bigla ni Keiffer nang makita yung house number namin.
"Hindi ko alam," walang ganang sagot ko dahil wala akong alam sa sinasabi niya.
"Wala kang alam sa Subdivision na ito?" nagtatakang tanong niyang muli sa'kin. Bakit ba ang daldal ng lalaking ito. Mas malala pa bunganga niya sa babae.
"Wala."
"Wala? As in, wala talaga?"
"Wala nga. Napakakulit mo naman."
"So hindi mo alam na nahahati sa tatlo ang subdivision na ito?"
"Hindi." Kailan ba siya matatapos sa pagtatanong?
"Well dito sa Samari Subdivision, may tatlong class, the upper, middle and lower. Should I explain it further?"
"Kahi-" hindi na.
"So 'yong mga nabibilang sa upper class is 'yong mga bigatin. Mga negosyante, artista, doctors, architects, engineers and so on. In short they are the ones who can produce tons of money. Then sa middle class naman, they are those people who are in balance which means, mayaman pero hindi kasing yaman ng mga nasa upper class. At sila yung mga may-ari ng mga maliliit na establishment dito sa subdivision natin. Nakukuha mo ba sinasabi ko?"
I didn't answer. Nakatigin lang ako sa labas pero nakikinig pa rin naman. May ganoon pala sa subdivision.
"And lastly, lower class. So they are usually the employees of those who are in the upper and middle class. If they will not work, may possibility na maalis sila dito sa subdivision natin. Ngayon alam mo na?"
Middle class? Paanong nakasali ang pamilya ko sa middle class? Hindi ba't nagtratrabaho si papa sa mga Suarez? Isang empleyado si papa sa H & L Holdings, isang car parts industry, hindi ba dapat sa lower class kami kabilang?
Bakit wala akong alam patungkol sa bagay na iyon. May pa-cluster pala itong subdivision na kinabibilangan namin.
-
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay. Bago pa ako makababa narinig ko na ang boses ni Kei.
"Holy moly! That's your dad's car right?" Pagturo niya sa sasakyang nasa harap ng bahay namin. "They are here. Why? Wait! Don't tell me..." hindi niya tinuloy ang sinasabi niya dahil unti-unti niya akong nilingon. "What's your mom's name?" biglang tanong nito.
"Leighka Parker." I answered.
Nanlalaki ang mata ni Keiffer na lumingon kay Hiro na nasa harapan ang tingin.
Kilala ba nila si mama?
Nagpasya na akong bumaba pero bago ko pa tuluyang isara ang pinto dumungaw muna ulit ako sa loob.
"Uhm. Are you two coming?" maingat na tanong ko dahil pakiramdam ko biglang bumigat ang atmosphere sa loob ng kotse.
Nilingon ako ni Kei pero si Hiro ang narinig kong sumagot.
"Yes."
Sabay-sabay kaming pumasok.
Akala ko kaya ko na. Akala ko may lakas na akong humarap muli sakanila. Pero naramdaman ko muli ang panghihina. Kung hindi pa ako nasalo ni Hiro, malamang ay sa sahig ang bagsak ko.
He's almost hugging me. But I can't deny the fact that I really like his warm embrace.
"You okay Leigh?" he whispered in my ear. Naramdaman ko tuloy ang kakaibang kiliti sa aking tagiliran nang dahil doon.
Sinubukan kong tumayo muli dahil naaagaw na namin ang paningin ng nakararami.
Nilingon ko si Hiro nang maramdaman kong natigilan siya.
Titig na titig siya sa harapan. Kung saan nakahimlay ang pamilya ko. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya. Contrition is written on his face.
For what? Did he know them? My family?
Hinawakan ko siya sa kamay at napasinghap siya dahil doon.
"Are you okay?" nabigla siya sa tanong ko.
Pero ilang segundo ang lumipas nag-iba na ang awra niya. Bumalik sa dati. Puno ng pang-aasar.
"Concern much Honey?" I can hear sexyness on how he called me by my first name. I rolled my eyes to hide the effect of his voice on me.
Binitawan ko na rin ang kamay niya.
Kainis! Bakit ko ba kasi naisipan na tanungin siya!
Lumapit ako sa harap kung saan naroon si tita at may kausap na nakatalikod sa amin. Ngunit bago ko pa sila malapitan parang narinig ko ang boses ni Kei, hindi ko nga lang sigurado kung tama ang pagkakarinig ko.
"Fvck! Pamilya niya talaga 'yong mga victim?!"
Kilala ba nila ang pamilya ko? Magmula kaninang dumating kami dito, nag-iba na ang dalawa, lalo na si Hiro. Ano bang meron?
Umiling-iling nalang ako. Baka mali lang ako ng iniisip.
Bumuntong hininga ako at nilingon ako ni tita at nagulat siya nang ako'y makita. Dali-dali siyang lumapit sa'kin at niyakap ng mahigpit, ramdam ko rin ang panginginig niya dahil umiiyak na siya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong yakapin at mapahagulgol.
"Honeyleigh naman bakit ka umalis sa hospital? Alam mo namang wala kang alam sa labas. Iha hindi matutuwa ang mama't papa mo pati na si Yohan kung patuloy mong paparusahan ang sarili mo. Mayroon pa ako iha. Pakiusap naman huwag kang bigla-biglang umaalis. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung may mangyari pa sayo."
Hinawakan ako sa mukha, sa kamay at kahit sang parte ng katawan ko. Marahil tinitingnan niya kung may galos ako dahil sa katangahan ko.
Ramdam ko yung takot, sakit at pag-aalala ni tita sa boses niya. Mula bata si tita Felie lang talaga ang nakakasalamuha kong kapatid ng magulang ko dahil malayo ang loob nila sa amin. Dahil parehas na tutol ang dalawang pamilya sa pag-iibigan nila mama. Dahil rin sa nakuha kong mana sa lolo't lola ko, ang magulang ni papa. Magmula noon nagkawatak-watak ang mga Parker, nagkanya-kanya. Sabi nila mama, malaki pa dati ang bahay na tinitirhan namin, kasama ang lahat ng mga Parker pero nang mawala sina lolo sa akin iyon ipinamana dahil ako ang unang babaeng apo at hindi iyon nagustuhan ng mga tita at tito ko. Kaya napagpasyahan nila mama na ibenta iyon at kumuha ng mas maliit na lamang na bahay.
Simula nang magkaayos sina papa at tita, hindi na siya nawala sa kahit na anong okasyon. Hindi niya kami nakakalimutang kamustahin at dalawin. Tinuring ko na nga siya na pangalawang mama ko dahil pareho sila ni mama kung mag-alaga sa amin.
"I'm sorry tita. I'm sorry. H-hindi ko po kasi alam ang dapat kong g-gawin o dapat bang s-sundan ko nalang sila kasi tita ang s-sakit. Sobrang s-sakit tita."
Hinagod ni tita ang aking likuran. Hindi niya ako binitawan hanggang sa kumalma ako.
Hinarap namin ang kaninang kausap niya ngunit nabigla ako sa aking nakita dahil nasa tabi na nila si Kei at Hiro.
Kung hindi lang dahil sa pag-iyak ko malamang mahahalata nila kung gaano ako nagulat sa nakikita ko.
Ang parents ni Hiro. Namukhaan ko sila dahil sa family picture na nakita ko sa kanilang bahay.
"Anak, si Doc. Harold Mathew Marquez at si Dra. Lorreine Skylynt Marquez."
Pormal lamang ang mga ito. Hindi kakikitaan ng kahit na konting ngiti. Hindi ko tuloy malaman kung ayos lang na nandito sila o hindi.
Ano bang ginagawa nila dito?
"Dra. Sky, si Honeyleigh, ang panganay nila."
Yumuko ako bilang paggalang.
Narinig ko ang mga yabag papalapit sa'kin. Nang tumayo ako ng tuwid nasa harapan ko na ang mama ni Hiro.
She patted my shoulder.
"I'm sorry for your lost iha. We did our best to revive them b-but..." a tear escaped from her eyes and she wiped it immediately.
"T-thank you po."
"No. It's our job iha. But we're really sorry." and she started to cry harder.
Naramdaman ko rin 'yong iyak niya kaya kahit ako ay napaluha na rin. Agad naman siyang dinaluhan ng kanyang asawa.
Nakita ko ang pagguhit ng lungkot at pagsisisi sa mukha ng mama ni Hiro . Hindi ko alam kung tama ang nababasa ko pero iyon ang nakikita ko sa mukha niya.
"I'm sorry iha. We're very sorry."
Malungkot niyang tugon. She keep on saying sorry kahit hindi naman niya kasalanan. Thankful pa nga ako dahil sinubukan pa nilang iligtas sila papa pero siguro nga tapos na talaga ang kwento nila dito. Pero ang sakit pa rin na tanggapin na wala na sila.
"Condolences iha. Anyway this is Heroinne Sky, my son, and Keiffer his childhood friend. "
Sinulyapan ko si Hiro na blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Dapat ko bang sabihin na kilala ko na ang anak niya?
Nilingon ni Hiro ang mga magulang niya.
"Mom, dad nakilala ko na siya kanina papunta dito dahil muntik na kaming mawala. Then I saw her walking down the street so, I asked her where she was going and I was surprised that she knows here. Pero 'di ko po alam na..." he stopped and look at my eyes deeply. "I didn't know that she is connected to the victims."
Nakatitig lang ako kay Hiro dahil sa mga narinig ko mula sa kanya.
Naguguluhan ako nung una. Pero nang kinalaunan napatitig ako kay Kei then naalala ko na kung saan ko narinig ang boses niya.
He's the Caller! Siya 'yong tumawag sa'kin nang panahong naaksidente sila mama. Sabi ko na pamilyar 'yong boses niya.
So, sila pala ang tumulong kila mama. Sila pala huling nakasama nila mama. Tapos sila rin kumupkop sakin kagabi. I should be thankful right?
Pero bakit pakiramdam ko hindi iyon ang dapat kong maramdaman? Urgh! What kind of feeling is this!
Ang isa pang iniisip ko ngayon ay ang pagsisinungaling niya tungkol sa kung paano kami magkasamang dumating.
Ngunit hindi ko nalang pinansin at hindi ko nalang kinontra iyon. Dahil may rason siguro siya.
"Mmm. Feliecaine we need to go already. We still have meeting." nilingon ako ng papa ni Hiro. "We're going iha. And we're really sorry for your lost. Boys let's go."
Nauna nang umalis ang mag-asawa at nanatili pa ang dalawa na parang hindi alam ang gagawin. Hiro is looking at me intently. Then he sighed.
"We're going. Condolence Leigh and tita Feliecaine."
Leigh? Bakit Leigh lang?
Then umalis na nga sila.
Hindi ko alam pero parang bumigat pakiramdam ko nang tinalikuran na ako ni Hiro para umalis.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Hindi na matutuloy ang pagpunta ko sa foundation dahil una hindi ko naman alam papunta doon, pangalawa hindi ako sanay na mag-isa na magcommute, pangatlo hindi ko naman pwedeng iwan na naman si tita dito dahil nagiging pabigat na rin ako sa kanya.
Tumitig ako kung na saan nakahimlay ang pamilya ko.
Pagod na po ako pero parang ayaw niyo pa akong sunduin. Ayaw niyo ba akong makasama? Ang hirap naman nito mama. Wala kayo, sino ang tutulong sa'kin para bumangon? O dapat ko ng sanayin ang sarili ko na maging independent.
Tita is here pero alam kong babalik din siya sa Australia dahil nandoon 'yong pamilya niya.
Napayuko na lamang ako at naupo.
"Iha may dumating na sulat galing sa paaralan mo," tita said while handing me the letter.
I open it at hindi na ako nabigla sa nabasa ko.
I failed.
Malayo pa ang exam pero importante talaga na present kami sa school. Lalo na't terror lahat ng professor ko walang pasabi, walang lusot, walang patawad.
Napasapo ako sa aking mukha. Walang luhang lumabas ngunit 'yong sakit at disappointment na nararamdaman ko nangingibabaw.
Paano ako magsisimula ulit?
Mama, papa anong gagawin ko?
Pakiramdam ko isa akong ibon na naputulan ng pakpak. Nawalan ng pag-asa na muling makalipa. Paano na?
Naramdaman kong muli ang mga kamay ni tita sa likod ko.
"Iha it's okay. Pwede ka pa namang umulit next school year."
"Ayoko na tita. Wala na akong gana mag-aral. Nawalan na po ata ako ng lakas para magpatuloy. "
"Ano nang plano mo ngayon iha?"
"I don't know tita. Hindi ko din alam kung paano muling babangon. "
"If you want iha you can come with me. Doon ka muna sa amin pansamantala. Tutulungan kitang bumangon alam kong mahirap pero hindi kita pababayaan. Nandoon din mga pinsan mo, alam mo bang gusto ka na din nilang makita ulit. Your tito won't be a problem dahil naiintindihan niya amg sitwasyon mo. Welcome na welcome ka sa amin iha. Please. Sumama ka na sa'kin."
"Pero tita nakakahiya na po ang dami niyo nang nagawa for me. Naaabala ko na po kayo."
"Shhh. Hindi abala sa'kin ang pamilya ko. Pamilya kita kaya hindi ka abala. Hindi rin ako mapapakali kung iiwan kitang mag-isa dito."
Nilingon ko si tita at kita ko sa mga mata niya ang pagsusumamo na sumama ako.
Lumingon ako sa harapan. Sa pamilya ko.
Susubukan ko mama, papa, Yohan. Susubukan kong bumangon. Para sa inyo.
Bubuuin kong muli ang pakpak na nasira.
Bibigyan kong muli ng liwanag ang mundo kong nilamon ng itim na mahika.
Hahanap ng pinakamakinang na ilaw upang ang kadiliman ay tuluyan nang mawala.
"Thank you tita. Sasama ako."
Niyakap na nga ako nang tuluyan ni tita.
"Happy birthday Honeyleigh." pagbati ni tita sakin habang nakayakap. Napapikit ako dahil ito ang unang kaarawan na wala sa piling ng pamilya ko. Yeah! Happy birthday to me.
I love you mama, papa and baby Yohan. Pangako tatayo akong muli at pipiliting buuin ang aking pakpak na nabali.
And when that day comes, I'll fly higher than the most powerful bird.
I'll grieve today but I will stand up taller tomorrow carrying the love that my family gave me.
This is just the beginning.
Honeyleigh Parker!