"Sa taas ang kwarto mo, naayos na nila 'yon for sure. Feel at home ka lang Honeyleigh." Tugon ni tita habang hinihila ang maleta ko papunta sa pinto ng bahay nila.
Nandito kami ngayon sa bahay nila tita Felie dito sa Adelaide, South Australia.
Muli akong nilingon ni tita nang makalapit na siya sa main door.
"Welcome to your new home Honeyleigh," she said with a wide smile on her face.
Sinalubong kami nang tatlong tao na tuwang-tuwa sa pagdating namin.
"Welcome to our lovely and comfy house ate Honeyleigh!" Masayang bati sa'kin ng isang matangkad, maputi, at petite na babae. She is Hillary.
"Make yourself at home Honeyleigh. Welcome to our small house." A guy with blonde hair, tall and has a brown eyes greeted me too. He is George Malli.
Small house? Ito? Small?
So paano ang malaki sa kanila? Mansyon? Well, para sa katulad kong simple lang ang pamunuhay, malaki na itong bahay nila. May dalawang palapag at ngayon ay nasa sala pa lamang kami, maluwang na. How much more 'yong iba pang part ng bahay. Iba din mag-describe itong pinsan ko.
"I'm glad you're here already," said the man who's probably on his mid-50's to my tita Felie, as he approached her and give a peck of kiss on her lips.
"And hi to you, Honeyleigh. Good to know that you choose to be with us than spending your time alone in the Philippines. And we're sorry that we didn't attend the burial," dagdag niya.
Ngumiti ako ng bahagya. "It's okay tito Greg, I understand. At saka naroon naman po si tita, malaking bagay na po iyon sa akin," sinserong tugon ko.
"Guys, can we skip the drama? I still have a practice to catch up," aligagang tugon ni Hillary.
"What? It's about lunch already," sambit ni tito Greg suot ang istrikto nitong awra.
"Yeah. But we'll have our lunch together with the team before we proceed to the rehearsals. So, dad, mom, I really really really have to go."
Nilapitan niya sina tito at tita para halikan sa pisngi.
"Why don't you just drop that? Just start learning about running our business instead of wasting your time on modelling," tita Felie said.
Bumuntong hininga si Hillary bago sumagot sa kanyang ina.
"You know that I'm not into business. George can do it alone," mabilis na sagot ni Hillary.
"Kaya nga sinasabi ko sayo na aralin mo. You will never know unless you try."
"I did. Remember when the first time you told me about it? I accepted it. But what happened? I failed right? I disappointed you that time. You even called me useless as much as I can recall it."
"When will you realize that I'm doing this for you? Paano kapag nawala kami, paano kayo? Yung hotel natin ang bumubuhay sa inyo. Kaya dapat alam niyo ang pagpapatakbo n'on!"
"You have George, he can handle it. And I heard our hotels are going down already, might as well drop it and do something new mom." masungit na tugon naman ni Hillary.
Nalulugi na ang business nila tita?
Tapos ginugol pa ni tita 'yong ibang mga araw niya sa akin. Dinagdagan ko pa ang sakit ng ulo niya dahil sa mga pinaggagagawa ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Sobrang nakakahiya. Nakakahiya kay tita lalo na sa pamilya nila.
Napayuko na lamang ako dahil sa hiya. Gusto ko nalang lumabas o kung pwedeng magpalamon sa kinatatayuan ko, ginawa ko na.
"Huh! 'Yan ang nakukuha mo sa pagmomodelo? Nagagawa mo na akong sagot-sagutin?!" tumaas ang boses ni tita bigla, mukhang hindi natuwa sa sinabi ni Hillary. Nilingon niya ang kanyang asawa at dinuro ang kanyang anak. "Look Greg! Look at your daughter! You should have listened to me when I said that modelling will not do anything good to her!"
"And what do you think is good for me then? Taking care of your rotten hotel? Is that what you want?!"
"YES!" sigaw ni tita.
"Both of you! Can you atleast show some respect to Honeyleigh?! If I were her, I would rather choose to live alone than be with the two of you. You're making me sick as always!" George said and he walked away.
Alam niyo 'yong pakiramdam na bigla ka nalang matatahimik sa isang sulok dahil pakiramdam mo maling galaw, maling ingay, maling salita lang ang magawa mo, sa'yo na mababaling 'yong atensyon ng lahat.
"Hillary, I'll let you go to that rehearsal," tito Greg said.
"Really dad? Thank you! Thank you daddy!" Mabilis na nawala ang pagkainis sa mukha ni Hillary at napalitan ng saya dahil sa narinig mula kay tito.
"But make sure that your are here by 7," agarang dagdag ni tito na siyang pumawi sa saya ni Hillary.
"But dad we-"
"Did I made myself clear to you?"
"Dad, we still have a party to attend after the rehearsals." Pagmamaktol naman ni Hillary.
"No. Be here at 7, and that's final," then he looked to my tita who is still mad with my cousin. "Let's talk in the office love," he added.
Walang nagawa si Hillary kaya padabog rin siyang umalis. Si tito naman nauna ng naglakad patungo siguro sa office na sinasabi niya.
"Sorry, nasaksihan mo pa pagtatalo naming mag-ina. Halika na, samahan na kita sa kwarto mo." tugon ni tita at binigyan ako ng ngiti ngunit alam kong pilit lamang iyon.
Nararamdaman ko rin na pagod si tita. Ang laki ng kontribusyon ko sa stress at pagod ni tita ngayon. Nakakahiya. Pagkatapos, nasaksihan ko pa ang 'di ko dapat nasaksihan.
Nakakapagod 'tong araw na ito.
-
Ang malakas na pagkatok sa aking pinto ang nakapagpagising sa akin.
"Ate Honeyleigh! Ate!" pagtawag ng matinis na boses ni Hillary mula sa labas ng aking kwarto.
"That's it. I'm coming in ate."
Naabutan niya akong bumabangon. Balak ko na sanang ayusin agad 'yong higaan ko pero agad niyang binagsak ang sarili doon.
Nilingon niya ako at binigyan ako ng ngiti ng sobrang tamis na para bang walang nangyari kahapon. Past 8 na nang makauwi si Hillary kaya muli siyang nasermonan ni tita.
"Sorry about what happened yesterday. You shouldn't have seen us arguing 'bout something. But yeah, nothing's new about it anyway."
Hindi ko alam kung paano ako magrerespond sa sinabi niya dahil una, hindi ko naranasan na makipagmataasan kay mama o kahit kay papa. 'Cause they always wanted me to choose what I want, to get what I love and to reach what I dreamed of.
Naawa ako kay Hillary dahil hindi niya magawa o makuha ang gusto niya dahil ayaw ni tita. Pero may point din si tita. Kasi kung kami man nila mama ang may sariling business na pinapatakbo at nagkaproblema bigla, I wouldn't think twice to help them. Lalo na at iyon ang bumubuhay sa amin. Pero pananaw ko lang naman iyon. Ayokong i-disregard ang mga nararamdaman ng tita at pinsan ko.
Napatawa bigla si Hillary.
"Anong nakakatawa?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Sorry. Wait," pinatigil niya ang kanyang sarili sa pagtawa. "You're funny. Stop pitying me. I'm good ate. I'm fine. Yesterday was just a normal day for us. It's just that, you was there, so George acted like that. But we are good. Let's go and see for yourself that I'm telling you the truth. That mom and I are okay."
Tumayo na siya at tinulungan niya ako sa pag-aayos ng kama.
Pinauna ko na siya sa baba dahil naghilamos muna ako bago sumunod sa kanya.
Tama si Hillary, parang wlaang nangyaring pagtatalo kagabi. Nadatnan ko sila na kalmadong nag-uusap. Lahat sila napatingin sa akin at sabay-sabay pa silang ngumiti.
"Good morning ate. I forgot to greet you earlier."
"You just don't do greetings at morning. Tsk! Good morning Hon. You should sit and eat breakfast."
"Hon?! Seriously George?"
Ako rin nagulat sa pag-Hon ni George. Kapag hindi ko siya kamag-anak, iisipin kong lumalandi siya sa akin pero pinsan ko naman siya kaya ayos lang.
"What?"
"Are you the boyfriend?" kunot-noong tanong ni Hillary sa kapatid niya.
"Are you insane? She's our cousin!" george answered.
"Then why did you call her Hon?"
"Tss. I don't need to be her boyfriend just to call her by that. Are you nuts? That's the first syllable of her name! Kulang ka ba sa tulog? You know what, you have all time in the world to sleep. I think you need it. Stupid!"
"Dude it sounds like an endearment. Asshole!"
"Manners!" madiing tugon ni tito Greg na siyang nakapagpatigil sa dalawang pinsan ko.
"Sit beside George, Honeyleigh then eat. Kayong dalawa tumigil na. Hillary, ilang beses ko bang sasabihin na magkuya ka? " tugon ni tita na agad ko namang sinunod.
"Okay," sagot niya na mukhang hindi bukal sa kalooban niyang sumang-ayon dahil iritable niyang tinitigan si kuya George.
"George, how's the meeting with Mr. Franco yesterday?" biglang tanong ni tito Greg.
"Dad bad news. He decided not to invest on us."
"But you told me the other day that you closed the deal already, how come that he suddenly refuses to invest?" kalmado pero halatang nagulat si tito Greg sa ipinaalam ng aking pinsan.
"I don't know dad. I'm sorry."
Tito Greg blows a loud breath and shook his head. "No it's okay. Let's find another investor... Yeah, we'll find another one."
"Good morning everyone!" malakas na pagbati mula sa bagong boses ang nakapagpahinto sa akin sa pagsubo.
Nilingon ko ang iba pero parang hindi sila naapektuhan, parang expected na nilang may mambubulabog ng umaga namin.
"Welcome back to my beautiful ninang!" pagbati niya kay tita nang makalapit sa kanya, saka niya ito binigyan ng halik sa kanyang kamay.
Who is this guy? Blonde rin ang buhok gaya ni George pero kulot ang kanya, matangkad, matipuno, at maputi.
Well, he got the looks pero mas gwapo sa paningin ko si Hiro.
Wait!
Hiro? Bakit bigla-bigla siyang pumapasok sa isip ko.
Napapikit ako at umuling ng ilang beses. No! Stop thinking about him Honeyleigh!
Pero, kamusta na kaya ang engot na iyon?
Teka! Bakit ko ba kasi siya inaalala eh hindi ko naman kilala.
"Aray!" daing ko ng may maramdaman ako pumitik sa aking noo.
"Sorry ate Honeyleigh. You're spacing out. We're calling you a couple of times but you're not responding. What are you thinking?" kunot noo'ng tanong ni Hillary.
Umiling naman ako at ngumiti ng bahagya sa kanya.
"Pasensya na."
"It's okay. No worries. Anyway, this is Glade, Geor- I mean he's kuya's childhood friend and he's a family too." Hillary said.
Nasa tabi ni tita ang lalaki kaya tumakbo siya papunta sa akin ng matapos siyang ipakilala ni Hillary sa akin.
He reached for my hand and kissed the back of it like what she did to my tita Felie.
"So lucky to finally meet you Ms. Honeyleigh Parker." May ngiti at labas ang magkabila nitong dimples na tugon ng lalaki.
Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya.
"You know me?" nagtatakang tanong ko.
"Ofcourse! George always gives me a photo of you in exchange with digits from me. And I'm telling you, I don't regret spending my money just for your pictures. Now, the long wait is over. I finally met you."
Napaubo ang katabi ko kaya nilingon ko siya nang nakataas ang kilay.
"Pinagkakakitaan mo ako?" tanong ko.
"It's not like that! I- I just told him that I have beautiful cousin that lives in the Philippines then I showed him your photo, that's when requested for more, so the greedy me, took advantage of it. Money is money." mahabang pagpapaliwanag niya.
"Tita, will you get mad if I teach him some lesson?"
"No problem. Just finish your breakfast first," she answered and continue eating her food.
"Can I sit beside you?" tanong ng lalaking bagong dating.
I gave him a quick nod before looking back to my tita.
"Tita, tapos na akong kumain, ayusin ko lang po ulit mga gamit kong hindi pa naayos sa taas."
"Are you on diet?" Kuya George asked.
"Hindi, kaunti lang talaga kinakain ko."
"Let's hangout this weekend ate Honey. I'll tour you around," masayang tugon ni Hillary.
"Then let me be your driver," singit namang ni Glace ba? Basta 'yong bagong dating.
"Excuse me po," tugon ko saka umalis agad sa hapag nang hindi binibigyan ng pansin ang lalaking tumabi sa akin.
Dumeretso ako sa aking kwarto para ayusin ang mga gamit kong hindi ko natapos ayusin kahapon.
Kaunti lang naman dala ko dahil hindi naman karamihan talaga ang mga gamit ko.
Patapos na ako sa pag-aayos nang mahagip ng mata ko ang family picture namin sa maleta ko dahil iyon na lamang ang natira sa loob.
Nanubig agad ang aking mga mata.
"Sobrang miss ko na kayo papa. 'Yong ingay mo mama, 'yong mga paglalambing mo sa akin Yohan at mga payo mo papa. Lahat ng iyon na-mi-miss ko na. Hindi ko pa rin tanggap hanggang ngayon. Bumabangon ako tuwing umaga na sobrang bigat ng pakiramdam kasi panibagong araw na naman ang kailangan kong malagpasan, panibagong araw na naman para maramdaman kong wala na akong pamilya, panibagong araw para damhin ko 'yong sakit, 'yong pag-iisa. Mahal na mahal ko kayo."
Niyakap ko 'yong litrato namin at tahimik na umiyak dahil sa pangamba na baka marinig ako nila tita. Ayoko ng dumagdag sa mga iniintindi nila.
I shouldn't come here. Pakiramdam ko pumunta ako dito para may maalagaan lang sila. Baka makadagdag lang ako sa mga problema nila.
Mama, why can't you just come here and take me with you guys. Pwede bang sabihin niyo sa kanya na pakinggan niya naman ako? Gusto ko kayong kasama dahil kayo ang buhay ko! Pero ngayon na kinuha niya kayo sa'kin, paano na? Paano na ako mabubuhay? I can't just live without you. I can't live without my family.
Hindi ko siya maintindihan! Hindi ko naman hiniling na kunin mo sila. Hindi ko naman hiniling na maaksidente sila! Ang parati kong ipinagdadasal sa inyo ay ang kaligtasan nila pero kabaliktaran 'yong nangyari!
Ilang beses ko nang hiniling na kunin mo ako, hindi ka pa rin nakikinig! Mayroon ka ba talaga?! Nanonood ka ba talaga dito sa mundo? Bakit n'ong mga oras na iyon wala ka?! Bakit?
"Hinding-hindi kita mapapatawad! Not now, not tomorrow. Never!"
"You can hate him all throughout your life, but he will never stop loving you. You said, you'll never forgive him? Did you know that we made a lot of mistakes already in our life but he never hated us, not even once. He sacrificed a lot for us, don't you think hating him is enough to repay him from everything that he gave to us? He gave us life Honeyleigh, that's why you're here."
"And I'm giving it back to him. My life is nothing without my family. So he can just take what he gave to me. Life is full of s**t anyway."