Everything right now very surreal. I'm standing infront of ten stories building and I still can't believed it.
Pangarap ko lang dati na magtrabaho sa isang kilalang kompanya. Pangarap na kasama ang pamilya kong gumawa. Pangarap na sila ang inspirasyon ko.
At ngayon kaharap ko na iyon. Sobra-sobra pa!
-
"Papa balang araw po magtratrabaho ako sa isang malaking kompanya."
Nasa parking lot kami ng isang mall, paalis na kami at inaayos lang nila papa at mama mga pinamili namin. Sa tabi ng mall may matayog na kompanya roon kaya tiningala ko ito.
Lumapit sa akin si papa at ginulo ang buhok ko.
"Akala ko ba gusto ng baby ko maging flight attendant ?"
Tiningala ko si papa na nakakunot ang noo na waring nagtataka.
"Hindi ba po pwede naman 'yon? Dalawa ang work? During my vacation po pwede ako magwork sa isa ko pa po na work, di'ba po?"
Lumapit naman si mama at umupo sa harap ko upang magpantay kami.
"Mapapagod ka no'n anak. Dapat one at a time lang. Saka bata ka pa. Ikaw talaga limang taon ka palang ang dami mo nang alam. Kanino ka ba nagmana?"
natutuwang tugon ni mama.
"MAMA!" niyakap ko si mama at natawa sila ni papa.
"Balang araw mama magtratrabaho talaga ako sa ganyan kalaking gusali tapos ibibili ko kayo ng malaking bahay at madaming sasakyan. Everything for my parents. Yehey!"bumitaw si mama sakin. Binuhat ako ni papa at hinalikan sa pisngi.
"Susuportahan ka namin sa lahat ng gusto mo baby pero sa ngayon mananatili ka munang baby nila mama okay? Pero matanda na utak mo. Napakatalino talaga ng baby ko." Hinalik halikan ako ni papa sa leeg kaya nakiliti ako.
"Papa ayoko na. H-uk! Papa! Mama help! Ayaw na!"
"Tama na yan!" natatawang tugon ni mama kaya tumigil nadin kami. "At gusto ko lang malaman mo Honeyleigh na kasama mo kami sa pagtupad ng mga pangarap mo kasi love love ka namin ni papa. Always remember that ok?"
"Yes mama!"
-
Tumingala ako sa langit kahit pa mataas ang sikat ng araw.
"Mama, papa natupad ko na po 'yong pangarap natin... Hindi man ako nakalipad, may natanggap naman akong iba na sobra-sobra pa sa hiniling ko... natin. Ang kaso wala kayo dito. Pero alam ko proud na proud kayo sa akin. But I still need you ma, pa at Yohan, I need your guidance dahil alam kong nandiyan lang kayo nanonood sa'kin. Gabayan niyo ako sa mga susunod pang kaganapan sa buhay ko. Miss na miss ko na kayo."
Napapikit ako ng naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha.
Sobra ko nang namimiss ang mga yakap, halik at tawa nila.
Napatigil ako sa pag-iisip nang may humapit sa aking bewang at hinalikan ang aking pisngi kahit na may luha ito .
"They are so proud of you for sure Hon. I'm not going to tell you to stop crying instead I'll remind you that I'm here. Always. I'm willing to lend my shoulder for you, lean on me Hon. I will never get tired of hearing your dramas kahit minsan OA kana," hinarap ko siya at sinapak sa braso. Ayos na sana!
"Aray naman!" angal niya naman.
"Minsan ayos ka talaga kausap pero mas maraming beses na gusto kitang itapon nalang sa malapit na creek dahil nakakaasar kana!"
He chuckled. "Ang brutal mo na talaga Hon," tugon niya at ngumuso pa siya habang hinihimas yung braso niya na sinapak ko.
"But you know what Hon, ang sakit no'ng mga pinagdaanan mo but look at you now. Look at where are you now. Natupad mo na ang pangarap mong makapagtrabaho sa isang malaking kompanya. See? God made sure that everything you wished, everything you wanted ay kaya niyang ibigay sa tamang panahon. Sobra-sobra pa sa hiniling mo. You have us, your family and you're one of the top businesswomen billionaire in Asia. You should be proud of yourself Hon," he said.
Napangiti ako sa sinabi niya dahil ang dami na palang taon na lumipas. Ang dami ko nang nalagpasang problema.
"Thanks for staying with me Gogi," madamdaming tugon ko
"Maliit na bagay. Ganoon talaga ang mga gwapo," proud pa nitong tugon.
"Buti nalang talaga pinsan kita," sambit ko at naunang pumasok sa malaking gusali.
"Good morning ma'am," bati ng security guard at sinuklian ko lamang ng ngiti.
"How's your flight? Hmm?" tanong ni Gogi habang naglalakad kami. Actually kararating ko lang kagabi and I decided to visit the hotel this morning for me to see how it was going.
Nginitian ko muna ang mga empleyadong nadadaanan at bumabati sa amin bago ko siya sinagot. "Hassle but I'm good,"
"Grabe 'yong 3 years mong pagpapakipot na bumalik dito ah," sambit niya.
Ilang taon pa kasi ang lumipas bago ako magpasya na umuwi na talaga dito. Masaya naman ang buhay ko doon sa Adelaide kahit pa noong umalis na rin sila tita doon para magstay na talaga dito. Wala namang problema.
Pero siguro nga, nakatadhana na talagang bumalik ako kung saan talaga ako dapat. At dito 'yon sa Pilipinas.
"Asan nga pala sina tita? Hindi pa sila tumatawag, I tried to call them but they're not answering, even Hills," tanong ko habang deretso ang tingin sa pinto ng elevator.
"Ah... siguro busy lang sila," sagot naman niya.
Nilingon ko siya at nasa pinto rin ang tingin niya. "Even at night?"
"Baka tulog."
"At 7:30 pm? Maaga pa 'yon 'no."
"Hindi ko alam," sagot niya nang hindi nakatingin sa'kin.
Nang marating namin ang pinakataas na floor which is kung nasaan ang office ko, naging tahimik na si Gogi at abala sa kanyang cellphone.
Alam ko na ang pasikot-sikot dahil tulad nga ng sabi nila tita wala pa namang binabago dito. Nagpunta na rin kasi ako noon dito, lalo na noong opening ng hotel.
Napahawak ako sa dibdib ko at napatalon nang pagbukas ko ng pinto ng aking opisina ay naroon ang mga taong kanina lang ay hinahanap ko kay Glade.
"Welcome home ate Honeyleigh!" nanguna ang matinis na boses ni Hills na may hawak na cake.
Si tito naman ay may hawak ng bouquet of tulips, my favorite. At si tita at manang lida naman ay may hawak na malaking papel na may nakadikit na 'Welcome home Honey!'
Natawa pa ako ng makitang hindi maayos ang pagkadikit-dikit ng mga letters. Parang kanina lang ginawa.
Nilingon ko naman ang kasama ko kanina na nakangiti na.
"You know about this?" tanong ko kaya napakamot siya ulo.
"I wish I'm not, nakakahiya! Ang pangit ng gawa nila mas magaling pa ang kinder!" sambit nito na ikinailing ko nalang.
"Atleast nag-effort kami kaysa naman sa'yo puro tayo at reklamo ang ginawa kanina!" bato naman ni Hills kay Gogi.
Nilapita ako ni tito at ibinigay ang bulaklak saka nagbeso, sumunod si manang Lida at tita Felie.
"Sa wakas, you're finally home Honey," malambing na tugon ni tita kaya emosyonal akong ngumiti.
"Yes tita," sambit ko saka ko siya niyakap.
"Blow your cake ate," singit naman ni Hills.
"Blow? Hindi niya birthday baliw!" pangongontra naman ni Glade.
Tiningnan siya ng masama ni Hills. "Kapag may birthday lang ba dapat magblow ng cake? Ano ka? Bobo?" sagot naman ni Hills na nakapagpatawa sa'kin. Hindi na talaga mawawala ang bangayan ng dalawang ito.
"Tumigil kayong dalawa, para kayong mga bata!" suway ni tita sa dalawa.
Hinipan ko na 'yong candle para matapos na after that niyaya ako nila tita na magbreakfast.
"Pwede tayo magbreakfast sa beef steak restaurant ng boyfriend ko," suhestiyon ni Hills.
"Are we finally meeting him?" tugon ni tito Glade.
"Ilang taon mo na bang kasintahan iyan? Ilang beses na namin siya inaanyayahan pero lagi siyang busy, seryoso ba talaga sa iyo 'yan Hillary?" tanong ni tita.
Actually wala pa ni isa sa amin ang nakakakilala sa boyfriend ni Hills. Tita said his boyfriend always decline their invitation to meet them, busy daw at laging out of the country. Pati ang pangalan ayaw rin ipaal ni Hills. Ganoon ka-mysterious ang boyfriend nito.
Nakakapagtaka lang. Hindi ko alam kung bakit pumapayag si Hills sa ganoon set up. Paano kung niloloko lang pala siya no'ng guy, baka umiyak lang siya sa huli. Or worst, ayaw magpakilala kasi may itinatago.
"He's out-"
"Of the country. Yeah, whatever! Nakakasawa ng pakinggan itang reason mo na 'yan!" puna ni Gogi sa kanya.
"Pero 'yon ang totoo!" sigaw ni Hills.
"Tama na nga 'yan! Tara na! Baka malipasan pa ng gutom itong pinsan niyo, mas malaking stress 'yon," sambit ni tita na lahat sumang-ayon kaya naman si Hills ang naglead sa amin sa daan papuntang restaurant ng kanyang boyfriend. The mysterious boyfriend of the year.
At dahil madami kaming pababa we took the private elevator. Pinagawa iyon exclusively for us and sa mga bigatin visitors if ever. At dahil naririto kaming lahat natural na lamang ang pagiging maingay namin.
"Oh my gosh!" sigaw ko nang makapa kong wala sa aking bag ang cellphone ko. Then I remembered, I put it down on the head board of the sofa in my office when I took the flowers from tito.
"Why ate?" Hills asked.
"Is there anything worng?" tita Felie asked too.
"Naiwan ko po sa may sofa 'yong cellphone ko," tugon ko.
"Okay I'll get it," sambit naman ni Gogi na agad kong ikinailing.
"No. Ako na, pahintay nalang po ako sa parking lot," kasabay no'n ay ang pagbukas ng elevator sa parking lot.
"Make it fast, we still have a surprise for you?" nakangiting tugon ni Hills.
"Hindi pa kayo tapos?" tanong ko at lahat sila'y ngumiti't nakibit balikat na lamang.
"Paimportante ka rin talaga minsan na cellphone ka eh," sambit ko sa aking hawak na cellphone.
Nilingon ko ang buo kong office, ang laki, ang ganda.
Sa aking left side may double doors doon, at iyon ang conference room. Sa tapat ko may sliding door papunta sa mini-kitchen. Another double door ang makikita sa tabi ng mini-kitchen pagpasok doon mini-bar ang sasalubong sayo. Bakit mayroong gano'n? Like the usual hindi ako masyadong lumalabas lalo na sa mga bar dahil mahigpit sila Gogi.
Sa dulo ng bar may panibagong double doors at iyon na ang bedroom ko.
Hindi na kalakihan ang room ko dahil alam ko naman hindi ako matutulog lagi dito. Tita Felie won't allow me. Guguho mundo no'n pag wala ako sa bahay.
Sa room ko kumpleto na rin siya. A bathroom, maliit na walk-in closet, fridge, at syempre dahil sa super inlove ako sa city lights, hindi ko na pinabago ang wall ko, nanatili siyang glass para mapanood ko ang mga ilaw sa syudad. Sabi ni tita delikado pero dahil gusto ko ang ganoong view, ginawan ko ng paraan. Pinagawan ko siya ng roll-up na makapal and syempre pinagawan ko rin siya ng makapal na curtain para di na magalit si tita.
Ang ganda hindi ba mama? I'm sure magugustuhan niyo 'to.
Napasinghap ako ng maramdaman ko ang vibration sa aking cellphone.
Love calling...
"Hello love!" masayang bungad ko ngunit hagikgik lang ang narinig ko.
"Hello my love?" tawag ko muli ngunit wala pa rin nagsasalita.
Kinuha ko na ang aking mga gamit at nagmadaling bumaba. Since, dinala ko ang car ko, I texted tita na sa harap nalang kami magkita-kita.
Hindi ko rin ginamit ang private elevator kaya naman huminto ito sa fourth floor at may pumasok habang ako ay abala pa rin sa aking cellphone.
"Miss G?" sambit ng baritonong boses. Agad akong lumingon dahil alam kong dadalawa lamang kami dito.
At nang makita ko kung sino iyon ay nanlaki ang mga mata ko.
"Kieffer?"
"Yes! It's me! How are you Miss Gorgeous? It's been... oww I even forgot the last time we saw each other. Ang tagal na,"
"I-I'm fine," kumunot ang noo ko nang may maisip ako. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"Ah, dito kasi nagcheck-in girlfriend ko kasi under-renovation 'yong kanyang condo malapit lang siya dito actually kaya dito na muna niya napiling magstay," paliwanag niya.
Ngumiti ako. "Well that's nice," sabi ko saka tumango sa kanya.
"Do you-"
Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang bumukas ang elevator at isang malakas na sigaw ang aming narinig.
"Mommy!" salubong ng isang kulot, maputi, bilog na bilog ang mga mata at sobrang bibong batang lalaki.
"L-love?" nagtatakang sambit ko.
Kumawala siya sa hawak ng kanyang yaya at nilapitan ako at niyakap sa binti.
"Love? What are you doing here?"
Inakay ko siya palabas ng elevator bago pa ito magsara at saka lumuhod para magpantay kami.
"Surprise mommy!" tuwang-tuwa na tugon niya saka ako muling niyakap.
Tiningnan ko ang kanyang yaya. "Akala ko ba bukas pa ang flight niyo?"
Napakamot nalang sa ulo si yaya Cheena.
"You have a baby?" bakas ang gulat sa boses ni Kieffer.
Tumayo ako ng maayos at hinawakan ang kamay ni Gelo bago humarap sa kanya.
Nginitian ko siya. "Yeah,"
"W-wow! That's... that's great! Congratulations!" he said stuttering siguro ay dahil gulat pa rin ito.
"Thank you."
"Hi uncle!" masayang bati ni Gelo kay Kieffer at nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napatawa.
"Uncle pa nga," napapakamot sa ulong sambit niya sa'kin saka lumuhod upang mapantay si Gelo. "Hello handsome," he said then patted Gelo's head.
"Love!" Agad kaming napalingon ni Gelo sa aming likuran nang marinig iyon.
"Glade!" tawag ko saka niya ako agad niyakap kaya namula ako dahil madaming tao sa paligid at alam kong may isamg tao na nanonood pa sa amin.
"I missed you so much love," madamdaming tugon nito.
"Me too. Me too. Hug daddy!" pangungulit naman ni Gelo na agad binuhat ng kanyang daddy.
"Who is he?" tanong ni Glade.
"Ah... Uhm this is Kieffer. Kie, this is Glade, my fiance," pagpapakilala ko sa dalawa.
"Ow! What a war!"