After the revelation I heard about Hills, hindi ko pa siya nakakausap ulit, and it's been a week already.
Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin or what.
"You easily take away from me the people I love the most, Glade and my own mother."
He likes Glade right? That's what she's trying to tell me but I couldn't ask her kung kailan pa o kung totoo ba. Or kung nagkaroon ba sila ng relasyon noon. I tried asking Glade but everytime I had the chance to asked, laging umuurong dila ko. Hindi ko alam kung tama ba na magtanong sa nakaraan niya dahil narealize kong never pa siyang nagkwento sa past life niya. Kaya pinili ko nalang na huwag magtanong.
And so here we are now, currently eating our lunch at ito na ang huling pagsasalo namin sa ngayon na kumpleto, dahil lilipad na sila ngayon papuntang Pilipinas.
"You take care of your sister there George," habilin ni tito habang kumakain kami.
"She's not a kid anymore dad," walang ganang sagot naman ni Gogi.
"George Malli?" may pagbabanta sa boses ni tito.
Bumuntong hininga siya. "Fine! I will dad," labag sa loob nitong sagot.
"And you Hills, work efficiently okay? Learn from your kuya," bilin muli ni tito kay Hills naman.
She rolled her eyes. "Yeah, whatever dad."
"Huwag kung saan-saan ang pinupuntahan mo Hillary. Kaya ikaw George bantayan mo 'yang maiigi," tugon naman ni tita.
"Mom, sa Samari Subdivision lang din naman ang location na napili ko, actually it's just a kilometer away from our house," sambit niya saka umirap.
And then I realized something.
"Did you just say Samari Subdivision?" gulat na tanong ko pero agad ding yumuko ng maalalang hindi pala kami okay.
"Yes ate," sagot niya kaya napalingon ako sa kanya and I found her smiling at me and so I smiled back awkwardly. "Sa subdivision din natin ate," dagdag pa niya.
Napatango na lamang ako sa kanya.
"Did you pack your things already?" tanong ni tito.
"I'm half way done dad," Hills answered.
"I'll pack after this dad," Gogi said.
Tumango naman si tito.
Natapos ang aming lunch na mukhang masaya ang lahat including me since kinausap na ako ni Hillary.
When the clock strikes 6:30 pm, handa na ang dalawa sa kanilang pag-alis dahil 8 pm ang kanilang set flight.
Kami ni Glade ang maghahatid sa kanila dahil busy daw sila tita but I know for sure na ayaw lang nilang makitang papalayo sa kanila ang mga anak nila. Sino ba namang magulang ang magugustuhan na mawalay sa anak though saglit na panahon lang naman dahil sooner or later susunod na rin sina tita but they still don't have exact date dahil mukhang hindi pa ganoon kaayos ang hotel na pinatayo doon.
Nang makababa kami, naging abala ang mga boys sa pagkuha ng mga baggages.
"I bet I still didn't answer your question yesterday," biglang sambit nito kaya nilingon ko siya ng may pagtataka.
"I mean kung bakit ako nagwuit sa modelling," paglilinaw niya.
"Ah..."
"I found new interesting job, that's why I quit," nakangiting tugon niya.
Ganoon na ba siya kainteresado sa pagpapatakbo ng sarili niyang business para bitawan ang pangarap niya?
"To be a businesswoman?"
Kumunot ang noo niya saka tumawa. "Maybe? You'll find it soon ate."
Kumunot ang noo ko at napaisip, ano ba talaga ang gustong pasukin ng babaeng ito.
Lumapit siya sa'kin at bumulong. "Glade is yours. I've already moved on from him and I got my new babe?" kinikilig pa nitong sambit.
"What? Sino?" mahinang sigaw ko na puno ng pagtataka.
"Secret. I'll let you know soon ate," masayang ani niya saka isinuot ang kanyang shades at rumampa papasok ng airport.
Habang nakatitig ako sa kanya naramdaman kong may umakbay sa'kin. It's Glade.
"Did she say goodbye to you?" tanong niya.
Habang nakatitig ako sa kanya, napaisip ako, may posibilidad ba na nagkaroon sila ng relasyon noon?
"Love?" napapikit ako ng marinig ko ang tawag niya.
"Hmm?"
Hinalikan niya noo ko. "I'm asking you if Hills said goodbye to you," malumanay niyang sabi.
Ngumiti ako saka tumango na lamang.
"A part of me was happy dahil hindi ko na makikita 'yang mga nakakasuka niyong landian," rinig naming tugon ni Gogi kaya napatawa kami ni Glade
"Are you planning to die alone dude?" pang-aasar ni Glade.
"At ikaw, gusto mo maregaluhan ng kabaong? Free space pa sa cemetery," bato naman ni Gogi kaya napatingin ng masama si Glade.
Ako na pinapanood sila ay tahimik na natatawa sa kakulitan nila.
"Na-pipi pa nga," natatawang sambit ni Gogi ng hindi na umimik si Glade. "Mag-ingat ka sa unggoy na iyan ah? Tawagan mo ako pag ginagago ka niya,"
"Coming from the guy who slept with a random girl," tugon ni Glade na nakapagpatigil sa'kin.
Puno ng pagtataka na nilingon ko ang dalawa na parehong nagsusukatan ng tingin hanggang sa napatampal sa noo si Glade.
"s**t! Sorry," sambit niya.
"Ano 'yon Gogi?" tanong ko.
"Wala. Nagpapaniwala ka masyado sa unggoy na 'yan... Sige, alis na ako baka mahuli pa kami sa flight," aligagang sambit niya at handa na kaming talikuran nang hilahin ko ang kamay niya.
"I'm still talking to you Gogi," I asked, glaring at him.
Napapikit siya ng mariin. "I was drunk that night, I don't know. And it has been a year already."
"Did you have s*x?" nanlaki ang mata niya sa tanong ko.
"What? No!" sigaw niya.
"How sure are you?"
"I... I don't know."
"My gosh! And you didn't even tried you find that girl? Paano kung nabuntismo pala?"
"I think you're overreacting love," singit ni Glade.
"He was drunk Glade, malaki ang posibilidad na nagsex sila and who would know kung nagkabunga!" hysterical na sambit ko.
Umiling-iling si Gogi. "Matagal na 'yon. Kung buntis man siya pwede naman niya akong hanapin para sa baby pero wala. Huwag kung ano-ano iniisip mo Hon," tugon niya at hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin. Naguguluhan kasi ako. Ang daming what if's sa isip ko.
"I have to go," tugon niya sa'kin saka nilingon si Glade. "Damn you!" singhal niya kay Glade saka umalis na.
"Let's go?" tanong ni Glade kaya tumango na lamang ako at nagpaakay sa kanya.
Ilang araw din akong binulabog ng ideya na baka may nabuntis si Gogi pero hindi ko na iyon inopen kila tita at baka mag-away pa sila.
Lumipas pa ang ilang buwan and it's already December. Christmas is coming.
And so Glade will be celebrating it separately dahil every Christmas, nagkakaroon sila ng tour, kasama ang iba pa nilang relatives.
He actually invited me but I refused dahil walang makakasama sila tita dito. Sa February ang balik ng family nila dito sa Adelaide.
"Love, are you ready?" boses ni Glade iyon sa labas ng aking kwarto.
May dinner date kasi kami ngayon sa paborito naming beef steak restaurant dahil bukas na ang alis nila papuntang Greece.
Muli kong tiningnan ang aking repleksyon sa salamin. I'm wearing a high waisted black jeans paired with plain white knitted turtleneck long sleeve then pinatungan ko ng white shaggy fur jacket since malamig sa labas then black boots.
Nang lumabas ako, tinitigan ako ni Glade mula ulo hanggang paa na may paghanga.
"You're stunning!" he complimented me.
"Always," biro ko kaya natawa rin siya.
"Of course. Yeah you're right," natatawang sambit niya saka kami sabay na naglakad pababa.
Dumeretso na rin kami sa kusina dahil kumakain na sila tita roon at kailangan din namin magpaalam.
"Tita, tito, alis na po kami," paalam ko. "Manang Lida," kuha ng atensyon ni manang kaya siya ngumiti at tumango.
"Glade iuwi mo siya sa tamang oras," bilin ni tita Felie.
"No problem tita. We'll be here by 9 pm, I promise," he said
"Good, enjoy your dinner. Drive safe Glade," huling tugon ni tita saka kami umalis na.
"A reservation from Glade Fordenz miss," he said to the hostess.
Ngumiti siya at hinanap ang pangalan ni Glade sa list.
"This way sir," sambit niya saka inakay kami sa aming upuan.
"Thank you," sambit ko ng makaupo na kami ng maayos.
Agad rin kaming dinaluhan ng waiter.
"We'll get the usual please," Glade said without looking at the waiter dahil palagi kami dito ni Glade and even kami nila tita, alam na nila kung ano ang karaniwang inoorder namin sa menu.
"Sir?" sambit ng waiter na mukahng hindi na kuha ang sinabi ni Glade.
"I said we'll order the usual," tugon muli ni Glade.
"S-sir?"
"Are you new here?" nakangiting tanong ko sa waiter.
Bigla siyang tumango. "I'm sorry but this is just my third day here," malumanay niyang tugon.
Muli ko siyang nginitian. "It's okay. Just give us two beef steak on meduim rare please. Then two strawberry mini pavlova and a wine please."
"Okay ma'am. We'll prepare your order," sambit niya saka umalis.
"You're so nice and I love you even more because of that," nakangiting sambit niya kaya nabigla ako, feeling ko nangangamatis na ang aking pisngi.
"Wait, I'll just go to the restroom," tugon ko dahil pakiramdam ko namumula na talaga ako.
Naglakad ako palayo roon at nagtungo sa restroom.
I was about to enter the lady's room when someone grab my wrist. I thought it's Glade but I saw a person that I didn't expect to see here.
What is he doing here?!
"H-Hiro."
"So it was really you. You're still beautiful."