CHAPTER 25

2770 Words
Gumising ako na parang mabibitak ang aking ulo. This might be a hangover. Hindi na ulit ako iinom. Since it's weekend, wala akong lakad. It's my rest days. Nilingon ko ang akin tabi, my baby boy saka sa tabi niya ay si Glade, mahimbing pa ang tulog ng dalawa. And so I wore my bathrobe before stepping out of my room. Inayos ko na rin ang aking buhok habang naglalakad pababa. Balak ko dumeretso sa kusina dahil parang kailangan ng katawan ko ng kape. Pero agad akong natigilan nang makita kung sino ang naabutan ko doon. Hillary on her sexy satin dress and Hiro wearing the same outfit last night. And the two were kissing passionately. Hillary's arms was on Hiro's neck while his right hand was massaging my cousin's butt and the other one was wrapped around her waist. What the hell are they doing in the kitchen! Naramdaman yata ni Hiro ang presensya ko dahil tumigil ito at tumingin sa'kin hindi nagtagal ay pati si Hills na sa akin na rin ang atensyon. Nagulat siya kaya agad itong humiwalay sa lalaki at nag-ayos ng sarili. She smile awkwardly. "G-good morning ate." Ngumisi si Hiro saka maangas na tumayo at muling hinalikan sa labi si Hillary. "I gotta go babe. I still have meetings to attend plus a pictorial too." Hills pouted. "You're busy again?" malungkot nitong tugon. "I have to. You know my reason right?" She nodded. "Okay. Just don't forget to text me when you have time." "I will," he said then caressed Hill's cheeks before he walks out of the kitchen. At dahil nasa bakuna ako ng kusina sa gawi ko siya mapapadaan. I even caught him smirked again when he walks passed by me. Nang mawala siya doon ay agad kong hinila ang braso ni Hillary na dapat ay paalis na rin. "What was that Hillary?" "What do you mean ate?" kunwari nitong 'di alam ang tinutukoy ko. "Ano 'yong nakita ko?" Bumuntong hininga siya. "Isn't obvious ate? We are making love." "In the kitchen? Seriously Hillary?" Umiwas siya ng tingin sa'kin. "Well, what's the problem with that." "What? 'Yan talaga sasabihin mo?" tumaas bigla ang boses ko dahil sumasakit ulo ko sa babaeng ito. She faced me with irritated face. "Why do you care?! I can do whatever I want to do. And I will do whatever I want to do. My life, my choice. Now, can you stop meddling with my business?!" Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. And I felt offended. I was just trying to remind her that it's not right to make things like that in the kitchen. What if si tita ang nakakita? Or worst si tito? Or Gogi? Magkakagulo for sure. Mas lalong magagalit sina tita sa kanya. I'm not interfering her actions in life but I was really just concern with what might be the consequences of her actions knowing the fact na hindi sila ganoon kaayos ni tita. "What's happenin here?" ahusky voice came in. Nagkatinginan kami ni Hillary pero agad lang niya akong inirapan saka umalis ng kusina. Napabuntong hininga na lamang ako. Am I wrong? "What happened? Why is she shouting at you?" tanong muli ni Gogi habang nagsasalin ng tubig sa baso mula sa pitsel na babasagin. "Wala," I lied. I chose to just keep silent. It wasn't really a big deal. Yeah. It's really not. Baka mas lalo lang maiinis sa akin si Hillary kapag sinabi ko kina Gogi. "I know you when you're lying. Tell me, ano na naman nangyari?" seryoso nitong tanong habang nakasandal sa may ref. "Tss. Ang tsismoso mo naman," biro ko saka nagtimpla ng kape. "Wala 'yon. Baka hindi lang niya nagustuhan sinabi ko." "Ano nga kasi sinabi mo?" curious niyang tanong. I glared at him. "Usapang babae 'yon, hindi pwede sa tsismosong unggoy!" natatawa kong tugon. "Walang unggoy na gwapo." "Yuck!" "Anyway, pahiram si Cheen ha?" bigla nitong paalam kaya nagtaka ako. "Grabe, no'ng Sabado at Linggo isinama mo na naman siya kung saan. Huwag mo sabihing wala ka na naman stock na pagkain sa kwarto mo." "Well... wala nga, kaya pahiram muna ng yaya ni Gelo." "Tapatin mo nga ako Gogi... Do you like Cheena?" tanong ko na nakapagpatahimik sa kanya. Napapansin ko rin kasi palagi ang pagnanakaw niya ng tingin kay Cheena. 'Yong palagiang siya ang kasama kapag lumalabas para lang bumili ng mga kung ano-ano. Pakiramdam ko nagdadahilan na lamang siya sa kung ano mang excuses niya para lang masolo si Cheena. I never seen him before like that. Na para bang interesadong interesado talaga siya kay Cheena. Napakatagal na panahon na rin kasi mula nang mawala ang kasintahan nito. At nang mga panahong nalaman ko kung gaano niya minahal 'yong babaeng 'yon ay naisip ko na kaya siya hindi naghahanap ng ibang magpapatubok muli ng puso niya ay dahil hindi pa siya handang palitan ito. Sobrang mahal niya talaga 'yon. Kaya lately nagkakaroon ako ng hinala na baka may nararamdaman siya kay Cheena dahil sa palagi niya itong hinihiram sa amin. Minsan nga tinatakas pa para lang magpasama na bumili ng kung ano sa convenience store dito sa Subdivision. "You're imagining things Hon. That will never happen," tugon nito na ikinangiti ko. Kumunot noo niya. "What?" Umiling naman ako habang nakangiti. "I can't wait to see how you swallow the words you said." "Totoo nga. Magpapasama lang ako maggrocery may gusto na agad? Paano na lang kaya kung niyaya kong kumain sa labas baka isipin mong pakasalan ko na." "Well... malay natin," natatawa ko pa rin sabi. Tiningnan niya ako ng matalim at iiling-iling na umalis ng kusina. "Payag na akong hiramin mo siya!" pahabol kong sigaw. "Hiramin sino?" tita asked when she heard me shouting. "Kasi tita hiramin daw niya si Cheena, maggrogrocery na naman. Hindi mo ba napapansin mga kinikilos lately ni Gogi tita?" "Palagi ko siya nahuhuling nakatitig kay Cheena, palagi siya naggrogrocery kahit na nilalagay lang naman sa guest room mga pinapamili niya," tugon ni tita saka umupo at humarap sa laptop na dala niya. "Lida, patimpla ako ng kape. Lida!" tawag nito kay Manang Lida na agad namang sumulpot sa pinto galing sa likod ng kusina. "Napansin mo rin 'yon tita?" "Anak ko si Gogi. Tahimik lang kami ni Greg pero kilala namin mga anak namin. We know when they are hurt and of course when they are in love too." "Feeling niyo tita magiging sila rin in the future?" "Kung hindi torpe si Gogi pupwede. Pero kung magiging in denial siya forever aba! Sa ganda ni Cheena sigurado akong maraming magkakagusto sa batang iyon." "You're right tita. Sometimes I actually envy her kasi napapansin kong maraming pagkakapareho si Cheena at Gelo. Dahil ba nasanay lang tayo na magkasama lagi 'yong dalawa?" "Salamat," ani niya nang mailapag ni Manang Lida ang kanyang kape. "Possible. Ganoon kasi talaga nangyayari minsan sa paningin natin. Nasasanay tayo na palagi silang magkasama kaya nasasabi natin na magkamukha na sila." Tumango ako sa sinabi ni tita. Agad na nabaling ang paningin ko sa may hagdan ng makarinig ako ng mga yabag. It's Glade ang Gelo. "Good morning grandmi," he greeted tita first and gave her a kiss and hug before he went to me. "Good morning mommy." He then kisses me and sit on my lap. Glade approached me too and gave me a kiss on my forehead. "Good morning love." "Good morning rin sainyong dalawa." "By the way, where's Roni?" tanong ni Glade. Kumunot noo ni tita. "Hindi pa ba siya lumalabas ng kwarto?" "Uhmm... Umalis na siya tita," sabi ko. "Without saying goodbye to tita?" "Magkasama sila kanina ni Hillary, sabi niya may hinahabol daw siyang meeting." "Ah. I see," Glade said and tita didn't say anything at all. "Mommy, we ordered cake for yaya C," kumunot noo ko sa sinabi ni Gelo saka nilingon si Glade na nagkibit balikat lamang. "For yaya Cheena? Why?" "You forgot mommy? It's her birthday today that's why I asked daddy to order a cake. I want to surprise her before she wake up." "Really? It's her birthday?" gulat kong tanong. "Yes mommy," nakangiting sagot ni Gelo. "Aww. My baby is the sweetest." Just more couple of minutes the cake arrived. "I'll just call daddy G and mommy H and also grandpi. Let's surprise yaya Cheena," he announced and run upstairs, Glade followed him to guide him on the stairs. "Manang Lida, paabot po ako saglit no'ng lighter," tugon ko na agad naman niyang sinunod. Hindi nagtagal ay dumating na silang lahat. "Wow! You have a gift for Cheena?" hindi makapaniwalang sambit ko nang makitang may hawak si Glade na paper bag. "Sinasabi ko na nga ba Gogi," pang-aasar ko. "Shut up!" he hissed. "Okay let's go!" excited na sigaw ni Gelo. Then we all walked towards Cheena's room which just around the first floor. We knocked a couple of times but she's not responding. Since, hindi iyon nakalock we barged in pero kami lang ni Gelo ang tuluyang pumasok. "Cheena? Cheena?" pagtawag ko pero ingay ng shower ang narinig ko mula sa banyo. "I think she's taking a bath," I told them and try to find a table where I can put the cake. Habang ang iba ay nakaabang lang sa labas ng kwarto ako ay abala sa paglibot ng aking paningin sa kwarto ni Cheena dahil ngayon lang ako nakapasok dito. "Mommy look! It's me!" sigaw ni Gelo na nasa kama ni Cheen at hawak ang isang photo album. Nilapitan ko siya at agad na napatakip ng aking bibig ng makita ang mga baby picture ni Gelo. Napaupo ako nang makita ko ang isang larawan ng sanggol na karga-karga siya ng babae na nakahospital gown. She looked so happy on the picture. Si Cheena at si Gelo noon bata pa siya ang naroon. Does it mean? Nilingon ko ang iba na mukhang nagtataka rin sa reaksyon ko. Glade went to me immediately when he saw tears streaming down on my face. Hanggang sa lahat sila ay lumapit na at napatingin sa kama kung nasaan ang picture nilang dalawa. "She's... she's Gelo's real mom Glade. She's my son's biological mother. Why? H-how?" naguguluhang sambit ko. Ang dami biglang pumasok sa isip ko. 'Yong taon kung kailan namin nakita sa harapan ng bahay si Gelo kasama ng mga gamit niyang may burda ng kanyang pangalan, 'yong taon kung kailan biglang kumatok sa pinto namin si Cheena para sabihing naghahanap ng trabaho, their similarities, their eyes, lips, their eyebrows, it all makes sense. Kung bakit parehong taon sila pumasok sa buhay namin, kung bakit halos magkamukha na sila. Iyon ay dahil mag-ina sila. Iyon ay dahil siya ang tunay na mommy ni Gelo. "Why? Why did she gave us Gelo then magpapanggap pa na yaya niya?" sambit ni Hillary. "What king of mother she is? Matapos ipamigay manloloko pa ng tao? Gosh! I can't believe her!" Palipat-lipat sa amin ang paningin ni Gelo, waring pinag-aaralan kung ano ang nangyayari sa amin. "Does it mean may... may asawa na si Cheena?" mahinang tugon ni Gogi. He may not say it but we all see that he was hurt. "A-anong ginagawa niyo dito?" dahan-dahan ang pagkakasabi ni Cheena doon. "Happy birthday yaya Cheena!" masayang tugon ni Gelo at agad akong nilingon. "Mommy why are you crying? Where is yaya Cheena's cake?" he asked but I couldn't give my attention to him because it was all on Cheena. "Ikaw ang tunay na ina ni Gelo, Cheena?" deretsong tanong ni tita. Her eyes widened with that. She even held the doorknob to support her because I can see she felt weakened with what she heard. "Uulitin ko, ikaw ba ang ina ni Gelo?" muling tanong ni tita. "May anak ka na? Ibig sabihin may asawa ka na?" dagdag pa ni Gogi. Nag-umpisa nang bumuhos ang luha ni Cheena at napadausdos sa sahig dahil sa panghihina. "Are you... Are you my Gelo's real mom?" pumiyok ang boses ko sa tanong kong iyon. Parang hindi ko yata kayang tanggapin na nasa tabi lang pala namin ang tunay na nanay niya. And this is what I fear the most. 'Yong posibilidad na mawala sa akin si Gelo. No! Ayoko! He's my son! Binigay na niya sa'kin 'yong obligasyon bilang ina niya. Iniwan na niya ito sa'min kaya akin si Gelo! I will not let her take away my baby from me. "Oo! Oo! Ako 'yong tunay niyang mama! Ako 'yong wlaang kwenta niyang mama! Ako!" humagulgol na siya. Nasasaktan akong makita siyang ganoon pero mas nasasaktan ako sa katotohanan na baka mawala sa akin ng tuluyan si Gelo. Nilapitan siya ni Gogi ngunit umiwas siya at umangat ang paningin niya dito. Nagulat kami ng bigla niya itong pinag-sasampal. "What the hell is your problem!" sigaw ni Gogi habang pinipigilan niya itong masampal muli siya. "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Sinira mo buhay ko! Ikaw may kasalanan nito. Ikaw! B-bakit mo 'to ginawa sa'kin?" "What? What are you saying!" naguguluhang tanong ni Gogi maski ako. "Kung hindi mo ako pinagsamantalahan noon hindi ko mararanasan ang lahat ng ito!" "Ano bang sinasabi mo sa kapatid ko! Matapos mong pabayaan ang anak mo pakakasalanan mo pa ang kuya ko sa pagkakaroon mo ng magulong bubay!" inis na sigaw ni Hillary. "Hillary, stop," pigil ni tito sa kanya pero mukhang sira ang araw ni Hillary dahil hirap awatin ni tito, gusto pa nitong sugudin si Cheena. "You know what, leave! You don't deserve to be here! Walang puwang ang mga walang kwentang tao dito sa pamamahay namin!" sigaw muli niya. "Wala kang kwentang ina!" dagdag niya. "Hillary ano ba!" Sigaw pabalik sa kanya ni Gogi. "W-what? Nagsasabi lang ako ng totoo!" "Tumigil ka nalang please." "Eh bakit ako titigil, eh sa ayoko ng sinungaling!" "Oo na! Ako na ang mali! Kasalanan ko na kung bakit ako nalasing at biglang mahila ng kung sino at pagsamantalahan! Kasalanan ko na kung bakit ako nabuntis at itinakwil ng magulang ko! Kasalanan ko na kung bakit ako naghihirap. Kasalanan ko na kung bakit sinira ng kapatid mo ang buhay ko!" "Kapatid?" naguguluhang tanong ni Hills. "Ano bang sinasabi mo? Sino bang ama ni Gelo? Anong pinagsamantalahan ang sinasabi mo?" tanong ko. Biglang tumahimik ang paligid. Lahat naghihintay ng sagot mula sa kanya. Pinunasan niya ang kanyang mukha at matalim na tumingin kay Gogi. "Wala ka ba talagang naaalala?" her voice cracked upon finishing her words. "Ako 'yong bigla mo nalang hinila at pinagkamalang Natnat." "Natnat? Si Natalie?" tita asked. "Dinala mo ako sa hotel at..." "At hinayaan mong may mangyari sa inyo? Malandi ka!" sigaw ni Hills. "I said enough Hillary Aiah!" sigaw ni tito. "Lasing din ako pero alam ko ang mga nangyayari sa paligid ko, umiwas siya ng tingin. "Kasalanan ko ba kung bigla akong nilapitan ng taong ilang taon ko ng pinagmamasadan sa malayo? Siguro nga mali ko 'yon at hinayaan kong may mangyari sa amin." Muli na naman siyang naluha. "Paggising ko, wala ka na doon. Kaya sinabi ko isang gabing puno iyon ng pagsisi." "Malandi ka lang talaga!" muling asik ni Hillary. "Ilang linggo ang lumipas nakaramdam ako ng sobrang pagkahilo sa trabaho doon ko nalaman na nagdadalang tao pala ako naging dahilan iyon para maalis ako sa trabaho. Ipinaalam ko rin sa magulang ko pero... pero ang sabi huwag na raw akong umuwi dahil kahihiyan lang ako. Dinala ko ng siyam na buwan iyang batang iyan na mag-isa. Pinasukan ko na lahat ng pwedeng pasukan para mapaghandaan ang paglabas niya hanggang sa dumating 'yong araw na isinilang siya. Sa sobrang laki ng nagastos ko sa panganganak, nagkaroon ako ng utang sa hospital kaya 'yong kulang pinakiusapan ko nalang na kung pwede magtratrabaho na lang ako sa hospital." Patuloy siya sa pagkwento at tahimik naman kaming nakinig. We have to hear her side too. "Hinanap ko 'yong address mo at dinala siya doon hindi para ipamigay na parang laruan kundi para isalba siya dahil wala na akong maibigay sa kanya dahil baon na baon ang mga paa ko sa utang. Lumipas ang ilang buwan nakaalis na ako sa hospital na iyon. Pinuntahan ko muli ang address niyo at nagbakasaling may makuha akong trabaho sa inyo. Doon ko nakausap ang mama mo at kinuha akong yaya ni... ni Gelo. Sa ganoong paraan nakikita, nahahawakan at nakakasama ko pa rin ang anak ko kahit hindi na bilang mama niya. Kahit bilang yaya niya nalang basta ang mahalaga makasama ko siya." "Ibig sabihin... I-big sabihin. A-ako ang daddy ni Gelo?" Umiwas ng tingin si Cheena. "O-oo." Doon ko na naramdaman ang sobrang panghihina at hanggang sa mawalan na lamang ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD