CHAPTER 24

1439 Words
After naming mag-ayos sa dining ay sakto namang pagdating ni Gogi at Cheena. "Let's get wasted people!" sigaw ni Gogi. "Bakit ang dami naman yata niyan?" tanong ko ng makita ang bilang ng box of wines na buhat nila. "Sumasakit mata ko kapag wala akong makitang wine dito sa bahay. Nakakapanghina!" nagkunwari pa itong nanghihina talaga kaya nailing na lamang ako. Biglang binagsak ni Gogi kay Glade ang mga hawak nito. "Pakilagay 'yan sa kusina at sabihin mo kay Manang Lida na iayos. Tumigil ka sa kakayakap kay Honey dahil nandidiri na talaga ako sa inyo!" reklamo nito kay Glade. "If you're have allergies with me being sweet to my love, better yet close your eyes since hirap din naman iyang makahanap ng the one mo," biro nito. "Ah... gano'n pala ah," tatango-tangong tugon nito saka ako nilingon. "Huwag mo na pakakasalan ito ha? Pangit ka-bonding!" sambit nito saka muling nilapitan si Cheena at nauna silang nagpunta sa garden. "Let's go babe," napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita kong nakalingkis sa braso ni Hiro si Hills. Mayroon pa pala kami kasama maliban sa aming apat. Nandito kasi kami sa living room. Nakaupo kami ni Glade sa malakihang sofa no'ng dumating ang dalawa at sila Hills naman ay nasa single sofa, tahimik sa kung anoman ang kanilang ginagawa, kaya siguro ay hindi ko na napansin ang presensya nila. Nakikita ko sa mga mata ni Hillary na masaya siya... sa piling ni Hiro. I just really hope that every single thing that he shows to Hills are true. Kahit ganoon ang babarng iyon ay iniingatan namin 'yon ni Gogi. "Let's go?" Glade asked but I shook my head. "Mauna kana. Magpapalit lang ako saglit," tugon ko. "Fine, I'll wait for you." "No. Mauna ka na, para namang mawawala ako," natatawang sambit ko. "You sure?" paniniguro niya. "Oo nga." "Fine," huling sabi niya saka ako binigyan ng halik sa aking noo bago umalis patungong garden at ako naman ay umakyat na para makapagpalit ng mas komportableng suot. Baka mapuna na naman niyaulit suot ko, kagaya no'ngnangyari sa Adelaide. Oversize black shirt with minimal print on the left chest part of it, paired with black dolphin shorts. I also tied up my chestnut wavy hair that is below breast's length. Mainit kasi dito sa Pilipinas kahit gabi. "Oh s**t!" wala sa sariling naisigaw ko iyon nang dahil sa gulat. Hiro was leaning on the wall beside my door. He chuckled when he saw my reaction. "What are you doing in here!" inis kong sabi. He put his hands inside his pockets then he smirked. "Looking for the restroom." "R-restroom? Nasa baba 'yon! Kaya bakit ka nagpunta dito sa taas!" He looked away then starts to walk towards the staircase. "I'm new here. How would I know?" Sinundan ko siya. "Nasa baba naman si Manang Lida, bakit hindi ka nagtanong?!" "Your yaya was already sleeping, should I wake her up to tell me where your restroom is?" "Bakit hindi ka nagpasama kay Hillary?" Sumobsob ako sa kanya ng bigla siyang huminto. Buti na lamang at nagawa kong ibalanse ang sarili ko, kung hindi ay malamang demeretso na ako pababa. "Ano ba?! Bakit ba bigla-bigla kang tumitigil!" "Eh bakit kasi sunod ka ng sunod?!" "N-natural bababa ako malamangdito ako dadaan!" He smirked once again then he make his way to the garden. I blows a loud breath and composed myself first before heading to the garden. Pagdating ko ay naroon na silang lahat. Glade, Hillary, Hiro, Gogi and Cheena. Sinalubong naman ako ni Glade ng halik sa pisngi. I know that, that was just a normal kiss for us but at that moment someone was staring and so I got conscious. Pakiramdam ko nga ay kulay kamatis na ako. Ramdam ko rin bigla ang sobrang init. "So how do you see our Hillary, Roni right?" sa kalagitnaan ng inuman, nagtanong si Glade. Hiro looked intently at Glade, then to me before giving all his eyes to Hillary. "She's... my future," he said before drinking straight the wine on his glass. Hillary on the other hand smiles so wide and feeling so in love. "Heard that George, ate? I told you, he loves me," pagmamalaki nito. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni Hiro. Is he really serious about Hills? "So you've been together for three years, am I right?" muling tugon ni Glade. "Yeah. But it's been five years already when I realized that I do love him," with glint in her eyes, she said it. "What now George, Hills got her love already while you? Tatanda ka na talagang mag-isa?" nag-umpisa na namang mang-asar si Glade. Sumeryoso bigla si Gogi. "Magmamahal ako kung mabubuhay muli siya." Natigilan ako sa sinabi niya. Mukhang tinatamaan na siya dahil ginawa na niyang tubig kanina 'yong alak. "Sige, buhayin niyo siya at makikita niyo kung paano ulit ako mainlove," dagdag pa nito. Nabaling naman ang aming paningin ng biglang nasamid si Cheena. Agad ko siyang inabutan ng tissue. "Are you okay Cheena?" I asked. "Opo. Sorry, nahihilo na yata ako," sambit naman nito saka napahawak sa ulo. "Gano'n ba. Sige na, pumasok ka na at magpahinga kung nahihilo ka na." "Can you walk?" Hills asked. "Kay ko naman yata," sagot niya ngunit nang sinubukan niya ay agad itong nawalan ng balanse ngunit nasalo naman siya ni Gogi na wala rin sa sarili. "Ang bigat mo pala," natatawang tugon ni Gogi. "Ihatid na kita sa kwarto mo," dagdag nito. "No, you're drunk kuya! Glade can you take kuya to his room? Ako na magdadala kay Cheena sa kwarto niya." "Ako nalang kaya maghatid kay Cheena," suhestiyon ko. "Ako na ate, kailangan ko rin ayurin 'yong guest room dahil dito na matutulog si Roni," ani niya saka agad nang inalalayan si Cheena. "Wait me here," sambit ni Glade at binigyan ako ng halik sa noo bago inakay si Gogi. Ang nga naman, napakagaling kumontra. Naiwan kaming dalawa ni Hiro. And as usual naging tahimik bigla ang paligid. Napayuko ako at napahawak sa ulo nang maramdamangsumakit. Mukhang tinatamaan na rin ako no'ng alak. "Uhmm... how's your life doing?" he suddenly asked. Wala akong lakas na makipagbangayan ngayon at saka maayos rin naman siya nagtanong, I should answer him nicely too. "Good... I'm happy." "No'ng... no'ng matapos palang ilibing pamilya mo ay agad kang umalis ng bansa." "Ah... oo. Dinala ako ni tita pauwi sa sakanila. Doon na ako nanirahan, doon ko ginamit 'yong sugat na natamo ko sa pagkawala nila mama." Pinigilan ko maging emosyonal dahil ayokong umiyak. Ayoko ng ibalik 'yong sakit. Tapos na akong umiyak. Pagod na ako sa ganoong bagay. "Are you fully healed now?" nilingon ko siya nang tanungin niya 'yon at nakita kong nakatitig siya sa akin. "Maybe." "Why? Are you not happy? You can't still forget what happened to them?" "Why would I forget that day? That part of my life? I didn't forget it, I just learned to leave with it. Parte siya sa nakaraan kung saan ako naging sobrang mahina pero parte rin iyon ng kasalukuyan dahil dahil doon mas tumatag ako at nakamit ko mga pangarap namin." "And your son give you strength too right?" Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya. "My son?" pag-uulit ko. "I wish he was really mine." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "What are you trying to say?" "Gelo is not really my son. Someone left him infront of our door one day. And so, we tried to find his mom or dad pero wala, hindi namin nahanap. So we-no, actually ako ang nakaisip na ampunin na lamang siya. And so I end up being his mom. But I don't regret a single thing about him. He is my world now. Siya na ang kaligayahan ko." There was a long minute of silence before he spoke again. "He's lucky to have mother like you." "No. I am lucky to have him." I smiled at him genuinely and he does too. "You really love him." "Of course, I do." "Hey love! Gelo woke up and he's looking for you." Napabaling ako sa nagsalita and I found Gelo on Glade's arms. "Mommy!" malat ang boses nitong sambit. Agad ko silang nilapitan. At inaabot ni Gelo ang kanyang kamay sa'kin, sinusubukang magpabuhat. "Baby, you're too heavy for mommy. Daddy will carry and put you back on your room." "Mommy." "Yes, with mommy. We'll be staying in your room tonight, how about that?" Agad itong tumango kaya muli itong sumandal kay Glade. At sinabing sumunod na ako. "Good night Hiro. It's nice to have that kind of talk with you again."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD