CHAPTER 10

1888 Words
Once is enough. Hindi na mauulit ang nangyari sa bar at ang pagpapabaya ko sa katawan ko. May napeperwiso akong mga tao dahil sa pagiging tanga ko. And now, it's time to start new a chapter in my life, and it's time to try something new. Now, is the real time for new beginnings. Mama, papa and Yohan please always guide me. Gagawin ko ito para sainyo at para sa pamilyang nag-aalaga sa akin ngayon. Nasa harap ako ng pintuan ng opisina nila tita dito sa bahay. Wearing the confidence and carrying the courage I have on choosing this path, I opened the door and two pairs of eyes welcomed me. Ngumiti sa akin si tita. "What are you doing here iha?" she looked at her wrist watch. "I know you didn't come here to tell us that dinner is ready since it's just 5:10 in the afternoon." Naupo siya sa pang-isahang sofa na nasa center ng opisina at naupo rin ako sa mahabang sofa na nasa gilid nito. "Tita, I wanna help you," agad kong tugon nang makaupo ako. "Help? In what my dear?" "Sa hotel tita. Gusto kong mag-aral para matulungan ko din po kayo dahil wala rin naman po akong gagawin dito sa bahay." Nakakabagot din minsan dahil si Glade nalang lagi nakakasama ko tuwing may lakad silang lahat. Speaking of Glade, nakulong pala siya ng magdamag nang mangyari ang gulo sa restaubar niya. Hindi ko alam ang exact amount na binayaran nila noon pero million ang nagastos ng kaniyang mama para makalabas siya. Gustong kasuhan nina tita ang lalaking humalay sa akin pero mas malaki ang ibinatong kaso kay Glade kaya naman nagkasundo nalang sina Glade at ang lalaki na magbayad na lamang ng danyos. Dahil pamilya si Glade para kina tita ay umoo na lamang sa usapang iyon. Kung ako rin ang tatanungin sa bagay na iyon ay sasang-ayon nalang din ako dahil sarili kong katangahan ang nagdala sa lahat sa sitwasyong iyon. Dalawang araw na hindi nagpunta n'on si Glade dito sa bahay. Nang muli siyang nagpakita umiwas siya sa mga tanong ko tungkol sa nangyari kaya hinayaan ko na lamang din. "Are you listening Honeyleigh?" napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa tanong ni tita. Napapikit muna ako at umiling-iling bago sumagot. "Sorry tita, ano nga ulit iyon?" "Flight attendant ang kursong kinuha mo hindi business Honeyleigh. Mag-aaral ka ulit?" "No tita. Kaya ko naman na pong makipagtalastasan sa mga makakasalamuha kong ibang tao dahil kailangan din sa pagiging flight attendant na maayos ang pakikipag-usap sa mga tao. As for the activities inside the hotel, pwede naman po akong turuan nalang ni George, I'm confident naman po na magagawa kong intindihin ang pasikot-sikot sa hotel within a year. Kasi kung mag-aaral pa ako tita, matatagalan pa. Gusto kong tumulong para maging maayos po ulit ang takbo ng business niyo tita." Mahabang paliwanag ko kay tita. "Sigurado ka ba talaga diyan sa desisyon mo iha?" paniniguradong tanong ni tita. "Oo tita. Gusto ko rin po mabayaran ang lahat ng tulong na binigay niyo sa akin at sa pamilya ko, noon at ngayon tita." Agad akong nilapitan ni tita at hinawakan ang kamay. "Pamilya tayo, hindi mo kailangang magbayad dahil ang pamilya dapat nagtutulungan hindi nagbabayaran at nagtitimbangan ng mga tulong na naibigay. Gusto kong gawin mo ang isang bagay na naaayon talaga sa kagustuhan ng puso mo hindi lang dahil sa nakakaramdam ka ng utang na loob sa isang tao. Uulitin ko, hindi mo kailangan magbayad sa akin o sa amin dahil wala kang utang. Pamilya tayo Honeyleigh, naiintindihan mo ba ako?" Nanubig ang mga mata ko sa narinig ko kay tita at hindi ko na natiis lapitan siya at hagkan. "Thank you so much tita." Kinalma ko muna ang sarili ko bago bumalik sa aking inuupan kanina lamang. "Pero gusto ko po talagang makatulong tita at desidido na po." "Sige, payag ako but please don't overworked yourself, okay?" she then looked to tito Greg. "Hon can you call George? Tell him to go here, we need to make sure na matuturuan niya ng tama itong pinsan niya." "I'm afraid that he can come here," tito said while still looking on the computer on his table, mukhang busy talaga sila. "And why?" Itinigil ni tito pansamantala ang ginagawa at inayos ang kaniyang eye glasses. "They attended an event. A car racing event and he's with Glade." "What? Bakit hindi siya nagpapaalam sa'kin? Pauwiin mo ngayon ang batang iyan Greg! May panahon pa siya sa mga ganyan! Ang laki na nga ng problema sa hotel!" Nag-uumpisa ng magalit si tita, asan na ba kasi iyang kuya George na 'yan. "They'll be here first thing in the morning. That's what he said when he texted me," kalmadong paliwanag ni tito. "No! Pauwiin mo na siya ngayon!" may diin na tugon ni tita. "But-" "That's enough!" tita cut him off. "Just do what I say," she said whith finality. Walang nagawa si tito Greg kundi sundin ang utos ni tita. Habang abala si tito sa pakikipag-usap kay kuya George ay sinabihan ako ni tita na ipapaalam nalang nila sa akin ang mapag-uusapan nilang tatlo. Kaya naman nagtungo na lang muna ako sa kusina at nadatnan ko d'on si manang Lida, isa sa mga helper nila dito at Pilipino rin siya. Pero kahit may helper sila hindi nila hinahayaan na walang maging trabaho sa bahay sina kuya George at Hillary. As far as I know kuya George do the dishes every night and Hillary every morning and that is whenever they are here. "Anong niluluto mo manang?" I asked as I come closer to see what she's doing. "Nirequest ni Felie na ipagluto ka ng beef steak dahil paborito mo raw, kaya heto inihahanda ko." So, mas matanda ng limang taon si manang Linda kay tita Felie that's why ayaw ni tita na tawagin daw siya ni manang ng madam or ma'am. And believe it or not, manang Lida was a professional cook and she's been here for 11 years so basically naging yaya na rin siya nina Hillary and kuya George when they was still a kid. That's why they treated her as their family. "Can I have it on medium rare level manang?" She smiled. "No problem. Basic lang naman iyon Honey," pabirong tugon niya pero I know for a fact na madali nalang talaga para sa kaniya iyon. "Can I watch you? I've done cooking it for so many times but sadly I always failed. Hindi ko magawa 'yong timpla ni mama." Ngumiti ako ng may pait dahil naalala ko na naman si mama. I missed you so much mama. "Madali lang naman siyang lutuin pero sige, manood ka ng mabuti para malaman mo kung paano talaga ito lutuin." After niyang maihanda ang lahat ng kailangan niya ay nag-umpisa na siyang maghiwa ng mga rekado. Pinanood ko siya hanggang sa matapos but I couldn't recall the other steps she have done. Hindi yata talaga ako nababagay sa kusina. I looked at my wrist watch only to find out that it is already 6:43 in the evening, kaya naman umakyat na ako sa kuwarto ko para makapag-shower. Matapos akong magkapag-ayos ay lumabas na ako ng kuwarto. Pababa na ako ng hagdan nang makarinig ako ng malakas na boses na nagmumula sa office nila tita so out of my curiosity lumapit ako doon. "Ma, whatever your reason is, mali pa rin! Hindi mo iyon pag-aari!" boses iyon ni kuya George. Nagtatalo na naman ba sila? Ano na naman kayang problema. "I told you to just shut it down but you never listened to me. And now what? Nagawa mo pang mangialam sa bagay na hindi naman sa inyo!" segunda ni Hillary at rinig sa boses nito ang pagkainis. "Wala kayong alam kaya tumigil na kayo. Umalis na kayo dito." That's tita Felie, hindi siya galit dahil malumanay ang pagkakasabi niya d'on. "This is so ridiculous! I'll pretend that I didn't know a thing about this. I'll pretend that I never know how stupid you are and her father!" sigaw muli ni Hillary. "Lower down your voice Hillary and stop disrespecting your mother!" nanginig ako sa boses ni tito dahil ngayon ko lamang siya narinig na tumaas ang boses na sobrang diin ng mga salita. Napatakip naman ako ng bibig ko ng makarinig ako ng parang may sinampal! "I did that to save our hotel, to save the thing that keeps you on enjoying the life you have right now! Wala kayong utang na loob! Akala niyo madali lang para sa'kin na gawin iyon?" ramdam ko ang hinanakit sa boses ni tita. "Ginawa ko 'yon para sa inyo at para sa kaniya dahil ayokong mabahiran ng galit ang naiwang memorya nila sa kanya! Hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil hindi naman kayo ang nasa posisyon ko!" "There's a lot of ways mama-" "Then give me one of them!" asik ni tita na siyang nagpaputol sa sinasabi ni kuya George. "Madaming ways, really? Tulad ng ano? Pagmomodelo niyo? Pakikipapustahan sa mga karera? Is that what you were saying? Eh pansariling kagustuhan niyo lang naman ang iniisip niyo! You never cared about our company, our hotel!" "Sige, kamuhian niyo ang ginawa ko kung 'yan ang gusto niyo. Alam kong mali ako pero huwag niyo naman sanang isipin na ginawa ko lang iyon para sa sarili ko dahil madami akong rason para gawin ang bagay na iyon hindi niyo lang kayang intindihin at tanggapin." Gumagaralgal na ang boses ni tita marahil ay umiiyak ito. Naestatwa ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang aking tita na may luha sa kaniyang pisngi. Nanlaki ang mata ko gan'on din siya. "H-Honeyleigh?" Dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko napalingon ang mga nasa opisina nina tita at nanlalaki rin ang paningin sa'kin. And this what happens when you feed your curiosity. "I-I'm sorry tita." That's the first thing that came out form my mouth. Lagi nalang ako naiipit sa tuwing may sagutan sila. Hindi ko naman sinasadyang marinig. "Sorry for eavesdropping," tugon kong muli ng wala akong makuhang salita mula sa kanila. "Sorry I just heard a noise coming here so-" "Kanina ka pa ba?" tita asked, cutting me off from what I'm explaining. "Not really tita. I'm sorry." I sincerely apologized. "Please, next time don't-" "Dinner is ready. Magsibaba na kayo at kumain." Boses iyon ni manang Lida mula sa aking likuran. Nakahinga ako ng maluwag. I got saved from getting a sermon from tita. Salamat naman sa pagdating mo manang Lida. Napabuntong hininga na lamang si tita at umiling. "Okay, let's eat," tugon niya at nanguna sa pag-alis ako naman ay nanatiling nakatayo doon. Nilagpasan ako ni tito pero binigyan ako ng tipid na ngiti si Hillary naman ay hindi ako pinansin, si George naman ay hinawakan ang balikat at ngumiti ng nakakaloko na parang walang nangyaring sagutan. "Perfect timing talaga kung sumulpot si manang Lida noh?" he said jokingly. Inakbayan niya ako. "Huwag mo nalang isipin 'yong nangyari. Pretend that you heard nothing, okay?" napatango na lamang ako dahil medyo lutang pa rin ako dahil sa nangyari, malakas pa rin kabog ng dibdib ko. "We love you," he said all of a sudden. Nabigla ako pero kinalaunan ay napangiti din. "And I'm forever grateful because of that. Thank you kuya," I said and gave him a genuine smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD