It's been a long week since I came here with my tita. Sa isang linggong iyon ay napakadaming nangyari.
I got myself into trouble and I got hospitalized.
After kasi akong ilibot ni Hillary sa malalapit na lugar dito sa bahay, I found out na ilang metro lang ang layo ng restaubar na minamanage nina Glade at George dito at hindi ko alam kung paano ako napunta d'on at lumalaklak ng alak. I can't clearly remember what happened that night dahil ang alam ko lang, excruciating pain was hunting me down that time kaya siguro nad'on ako para matakasan iyon.
At dahil sa katangahan ko kamuntikan na akong napahamak at nadamay pa ang iba.
Masyado siguro akong lasing ng gabing iyon kaya hindi ko nagawang manlaban ng tangayin ako ng kung sino sa isang kuwarto. Sinubukan niya akong halayin pero pinipilit ko pa rin na manlaban. Sobrang takot ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon, sinisisi ko ang sarili kung bakit ako napunta sa ganoong sitwasyon. Nawawalan na ako ng pag-asa na may makakarinig sa mga tulong na isinisigaw ko, nawawalan na rin ako ng lakas na manlaban sa mga oras na iyon dahil sa kalasingan ko.
I was really about to give up and just let the man who's gripping both of my hands to rape me but someone made a loud noise on breaking the door.
"What the hell are you doing to my girl!" Ang galit na galit na boses ni Glade ang narinig ko. Oo, nang mga panahong iyon kilala ko na ang boses niya dahil sa kakulitan niya dito sa bahay maghapon.
"Oh my gosh ate Honeyleigh!" Kasunod ng boses ni Glade ay ang pagreact rin ni Hillary.
Agad niya akong nilapitan at pilit na pinaupo. Parang pinupokpok ang ulo ko sa sobrang sakit.
Naramdaman kong may ipinatong sa katawan ko si Hillary, it's a jacket.
"Nakikita na bra mo ate," saad niya ng may pag-aalala.
Naririnig ko rin ang mga bulungan sa paligid, nang iangat ko ang aking paningin sa pinto, mayroon ng mga tao ang nagsisipanood sa nangyayari.
"Call the police now."
"Can someone stop him."
"He might die!"
Mga naririnig ko. Naramdaman ko rin ang higpit ng hawak sa akin ni Hillary, nang lingunin ko siya ay nakapako naman ang paningin niya sa aking likuran, sa kabilang bahagi ng kama.
I turned my glance there, only to find out that Glade was giving hard punches on to the man who's laying on the floor full of blood. Duguan na ang mukha ng lalaki.
Bakit? Bakit wala man lang umaawat?
I tried to make a move but Hillary stopped me from doing so.
Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Hillary! Makakapatay si Glade kung walang aawat sa kaniya," nanginginig ang boses na tugon ko.
"I-I know ate. But no one can stop him." Pati na rin siya ay nanginginig ang boses, ito ay marahil sa takot din.
"W-what?"
"If he's on that state ate, no one can stop him. He has anger management, he can't control himself whenever-" Hindi ko na siya pinatapos at pinilit kong tumayo at takbuhin ang kinaroroonan ng dalawa.
Halos matumba na rin ako dahil sa hilo pero hindi ko iyon ininda. I need to do something.
I hugged him. Pero walang epekto iyon, patuloy pa rin siya sa pagsuntok sa lalaki.
"G-Glade please, s-stop it. P-please Glade." Nanginginig pa rin ang boses ko at dahil pa rin iyon sa takot. Takot na baka anong mangyari sa lalaki dahil kay Glade, dahil sa akin, dahil sa katangahan ko.
Nag-umpisa na akong umiyak dahil parang sasabog na ang puso ko dahil sa iba't- ibang emosyong nararamdaman ko.
"Glade please stop. Stop it please. I-I'm scared. Pakiusap itigil mo na yan." Gusto kong pahintuin ang sarili ko sa paggawa ng ingay dahil sa pag-iyak pero hindi ko magawa.
Unti-unting humina ang aking pag-iyak nang maramdaman kong gumalaw ang katawan ni Glade, hinarap niya ako. Hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang aking luha gamit ang kanyang daliri.
"Hey. You're safe now. Stop crying, okay?"
"How? How can I stop when I know that you did something... something..." Ni hindi ko magawang masabi ang tamang salita para doon dahil nang lingunin ko ang lalaki halos di na siya makilala dahil sa mga tinamo niyang suntok. Hindi na rin siya gumagalaw.
Is he dead?
No!
Hindi di'ba?
Anong nangyari?! Anong nagawa ko. Kasalanan ko to.
"NOOO!" napasigaw na laamng ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan hanggang hindi ko na kinaya at bumagsak na lamang.
Nang magising ako ay tanghali na at naninikip ng sobra ang aking tiyan ni hindi ko kayang gumalaw dahil sa tuwing iginagalaw ko ang sarili ko, sobrang hapdi ng tiyan ko.
Napahawak ako sa tiyan ko. "Ahhhh!" sigaw ko ng hindi pa rin iyon kumalma.
Ramdam ko na rin ang init, pinagpapawisan na ako ng husto.
Parang mapupunit 'yong tiyan ko sa sobrang sakit.
Nakarinig akong sunod-sunod na katok hanggang sa marinig ko ang mga yabag papunta sa'kin.
"Anong nangyayari sa'yo Hon!" Hindi malaman ni George kung saan ako hahawakan, halata na rin sa kaniya ang pagkataranta sa sobrang pag-aalala.
"Are you okay? Oh s**t! Of course not! What should I do? Asan ang masakit Hon?" natatarantang sambit niya.
Napahawak ako sa kamay niya ng sobrang higpit ng maramdaman ko na naman ang paghapdi ng tiyan ko. Napaluha na rin ako, ang sakit na.
"A-ang sakit ng tiyan ko kuya," nanghihinang tugon ko.
"s**t! Mama! Mama!" pagtawag niya kay tita.
Hindi nagtagal tumatakbong dumating sina tita.
"Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?"
"Si Hon-"
"Jusmiyo! Anong nangyayari sa'yo Honey? Asan ang masakit? Ayos ka lang ba?" mga tanong ni tita nang daluhan ako sa kama at hinahaplos haplos ang aking ulo.
'Yong tiyan ko tita. Ang sakit. Sobrang sakit.
Wala na akong lakas na magsalita pa. Bumibigay na rin ang talukap ng aking mga mata.
"Ang lamig mo! Ano bang nangyayari sa'yong bata ka," tugon muli ni tita na puno ng pag-aalala.
"Mom! Let's take her to the hospital already!" singit ni Hillary.
"George carry her and I'll drive," boses iyon ni tito Greg
Naramdaman ko na ang pag-angat ko sa kama.
"Basang-basa ka na ng pawis," rinig kong sambit niya malapit sa aking mukha dahil buhat niya ako.
"Bring a clean towel Hills," utos nito sa kapatid.
"Let's go! Bilisan niyo!" pagmamando ni tita.
The moment I open my eyes, I found myself on a white room.
Hospital again.
Sa tuwing napupunta ako sa mga hospital hindi ko mapigilang maging emosyonal dahil naalala ko lamang kung paano ang lagay nila mama noong araw na mawala sila.
Isang banayad na haplos sa aking pisngi ang nagbapalik sa akin kasalukuyan mula sa malalim na pag-iisip.
"Kamusta na pakiramdam mo?" bungad na tanong ni tita.
Sinubukan kong bumangon pero muli lamang ako napahiga ng maramdaman ko ang sakit sa tiyan ko pero hindi na iyon gaya ng naramdaman ko bago ako mapunta dito.
Magsasalita na sana ako nang biglang lumitaw sa gilid ko sina George at Hillary na sunod-sunod ang tanong, daig pa ang reporter na gusto makakuha ng magandang scoop. Napapikit na lamang ako sa ingay nila.
"Tumabi nga kayong dalawa. Kita niyo na, sumasakit na rin ulo ng pinsan niyo dahil sa ingay niyo!" suway ni tita sa kanila. "Ikaw George pumunta ka na cashier at bayaran 'yong bill, ikaw Hillary bantayan mo ate mo at kakausapin ko lang saglit 'yong doctor niya." dagdag niya na agad tinugon ng dalawa na walang tutol.
Nang makaalis na si tita kami na lamang ni Hillary ang natitira sa kwarto.
Nasa tabi ko siya at busy na ngayon sa kaniyang cellphone dahil tapos na siya mag-ayos ng gamit.
"I'm sorry," I said making her scrunched her brows.
"About what ate?" she asked.
"Naabala ko pa kayo. Ako na nga itong naglalagi sa inyo ako pa umaaksaya sa mga oras na dapat ginugugol niyo sa mga trabaho niyo."
Nararamdaman ko na naman ang hiya na naramdaman ko nang una akong tumapak sa bahay nila.
"You are a family ate. You are not an abala to us kasi part ka ng family namin. And it is our job to take a good care of you kaya sana, you eat on right time with right amount of food. The doctor said that you had a gastric ulcer."
Napayuko na laamng ako. "Sorry, hindi kasi ako makakain ng tama, ilang araw na din."
"It's okay ate. I understand that it is really hard to lose someone you love the most."
Tama siya. Ang hirap talaga. Sobrang hirap. Hindi mo alam kung makakasurvive ka. Hindi mo alam kung magagawa mo bang tapusin ang isang araw na hindi mo na kapiling 'yong mga taong kasa-kasama mo mula ng maimulat mo mga mata mo dito sa mundo. Hindi madali. At hinding-hindi magiging madali ang mamuhay ng gan'on.
Napaagat ako ng tingin sa kaniya nang may maalala ako. "Nasaan si Glade? Is he... Is he okay?"
Umiwas siya ng tingin saka bumuntong hininga. "He's fine ate, you don't have to worry about him and let's not talk about him ate, just take a rest before we leave," pinal niyang sabi.
Hindi ako mapalagay sa binitawan niyang salita.
Ayos lang kaya si Glade?
Baka pwede ko siyang makita mamaya pagkalabas ko pero mukhang gabi na baka bukas ko nalang siya puntahan. Pero sana pumunta na lang siya sa bahay dahil hindi ko naman alam kung saan siya nakatira. Nahihiya naman akong magtanong kay kuya George dahil lahat binibigyan niya iyon ng malisya. Mad lalo naman kila tita at tito, pero kay Hillary, mukhang wala rin ako makukuha dahil sa tanong ko palang, hindi na niya nasagot ng maayos baka hindi lang din niya sabihin.
Sana ayos ka lang Glade.
"Hey!" napaigtad ako sa gulat nang biglang sumulpot si George sa kwarto.
"You're giving us heartache kuya! Gosh! What makes you so happy, huh?" Hillary asked to George who's smiling like he won a jackpot price on lottery.
"It's Glade," he said and Hillary and I didn't uttered a word, just waiting for the next thing that George will tell.
"His mom bailed him out. Damn! They spend million in a day. What a lucky boy. He had such rich family."
"Bailed him out?" nagtatakang tanong ko at pinilit kong umupo good thing maayos-ayos na talaga pakiramdam ko.
Agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni George na para bang may mali siyang nasabi bigla. Pumikit siya at napatampal sa noo. "s**t! I forgot!"
"What happened to him kuya?" I asked wishing to get a concrete answer.
Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin. "I'll tell you once you had fully recovered, okay?" he then turned to Hillary. "Grab her things Hills, uuwi na tayo." he said with finality unable for me to ask more question.