It's been a week since we got here and my schedule was so tight that I almost forgot to let my boy enrolled to his new school.
"Are you ready to visit your new school baby?" I asked him while fixing his hair.
Tiningnan ko siya sa may salamin at nginitian niya naman ako.
"Super mommy but where is daddy?" tanong nito.
"Your dad was busy with the redevelopment of your tita Hillary's bar. Remember daddy told us na doon na siya magwowork kapag naayos nila iyon?" paliwanag ko.
"Yes mommy but I've never seen him for a day or two already," malungkot nitong tugon.
Nagiging busy na rin kasi sina Glade, Gogi at Hills sa dating bar ni Hills. Pinapalaki kasi nila 'yong building para gawin ng restaubar na pag-aari nilang tatlo. Parang magiging another branch ito no'ng restaubar nila Gogi kung saan malapit lang sa hotel.
Nagiging busy na sila dahil nagkaroon ng madaming changes. Dahil nga sa tatlo sila, hindi sila magkasundo-sundo sa interior design kaya ilang beses na rin pinapabago-bago. Ilang beses na rin nagalit si tito at tita dahil nagsasayang sila ng pera at napapagod rin mga workers. Who wouldn't be right?
Kung ako lang ang magiging architect at engineer nila, nagquit na ako agad. Nakakapagod kaya silang kausapin tatlo. Nagsama-sama pa ang makukulit. Talagang sasakit ulo mo sa kanila.
Actually 2 months na silang nagpapabago-bago ng ideas sa restaubar nila at kaya naglalagi na sila sa bar ay dahil pati sila tumutulong na rin doon, bilin 'yon ni tita. Para daw maranasan nila kung gaano kahirap pinapagawa nila. Well, okay na iyon dahil after nila maranasan 'yon ay nagkasundo-sundo rin sila.
Gabi na kapag nakakauwi sila kaya tulog na si Gelo pag dumarating sila. Sa umaga naman, maaga silang umaalis at hindi pa gising si Gelo, kaya hindi talaga sila nagkikita ni Glade.
"Kapag okay na 'yong work ni daddy, babawi siya, hmm?" paliwanag ko.
Ngumiti naman siya. "Okay mommy,"
"Ma'am Honey, handa na po 'yong sasakyan, tara na po," tugon ni yaya Cheena nang makapasok sa aming kwarto.
Same age lang kami ni yaya Cheena pero she prefer calling me ma'am dahil daw amo niya ako, or kami, which is hindi naman kailangan. Pantay-pantay naman kami dito ang kaibahan lang is nagwowork sila for us pero sa totoo lang walang nakakalamang dito. Kung ano kinakain namin, 'yon din kinakain niya even our other workers here.
Pero palagi niyang sinasabi na, nirerespeto lang daw niya kami kaya hinayaan nalang namin siya.
"Okay sige, naihanda mo na ba mga gamit ni Gelo?" tanong ko sa kanya.
"Opo ma'am," sagot niya.
"Good." Bumaling ako kay Gelo. "Let's go baby?"
He smiled once again. "Yes mommy!"
Nasa kalagitnaan kami ng hagdan ng biglang tumunog ang aking cellphone.
"Cheena, please pakiguide nga muna si Gelo, I'll just answer the call," tugon ko kay Cheena na agad naman nitong ginawa.
Almira, my secretary is calling.
"Yes, hello?" I said.
"Ma'am alam ko pong nasa sched niyo today ang pagpunta sa school pero po kasi biglang nagpatawag ng meeting ang board, kailangan daw po kayo."
"What?" Hindi 'to pwede. "How about tita Felie and tito Greg? Did you call them already?"
"I did ma'am." Pagkasabi niya iyon ay narinig ko ang mga yabag pababa sa hagdan.
"Honey let's go," pormal ang tingin ni tita kaya alam kong importante talagang umattend sa meeting.
"Is this about sa pagbaba ng ratings ng hotel?"
"Iyon lang din po ang nakikitang kong dahilan," sambit niya.
Nag umpisa ito last month.
Naikwento ni tita sa akin na may isang artist na nagcheck in at may nakaalitan na empleyado. Ito ay dahil 'yong mga nirequest niyang mga gamit sa kanyang room ay masyado raw cheap well in fact, she only took the junior suite. At ganoon rin sa food na inoffer, binuhusan niya ng hot chocolate ang isa sa aming empleyedo dahil raw walang lasa at wala raw kabuhay-buhay sa paningin niya 'yong mga binigay sa kanya. But the thing is, all our chef in the hotel are professionals. 'Yong iba pa ay dati naming empleyado sa Adelaide especially 'yong mga Pinoy na chef doon ay binigyan namin ng libreng ticket para makauwi at dito na magwork.
Kaya tita being our tita Felie, kaysa kunsintihin ang ganoong ugali ng client ay pinaalis niya lang ito, not minding who she is in the entertainment industry. For tita, employees are the most important asset of every hotel, every business. Dahil hindi makakasurviv mag-isa ang business mo kung wala kang magagaling na workers. Kaya malaki ang respeto ni tita sa kanila at talagang wagas ang pagpapahalaga ni tita sa mga empleyado.
Then after that encounter, nagsilabasan na sa social media ang walang kwentang kwento na gawa ng artista na iyon. At dahil artista mas pinaniwalaan nila ito lalo na ng magpress conference ito at nag-iioyak siya doon.
Hindi iyon pinansin nila tita dahil para sa kanya, siya ang tama. Nasa tao nalang kung sino ang papanigan nila. Dahil ang mga tao ngayon mas madaling pinapaniwalaan ang mga taong sikat kaysa sa mga taong tunay na naapi.
"Ma'am tumawag po 'yong teacher ni Gelo, late na raw po tayo sa meeting," narinig kong tugon ni Cheena nang muli siyang pumasok sa loob ng bahay kasama si Gelo.
"Mom, aren't we going yet?" tanong nito.
"Uhm... " lumuhod ako para mapantayan siya. "Mommy have an emergency meeting. It's... it's important baby so I need to be there-"
"More important than me?" puno ng lungkot niyang sabi.
Umiling naman ako at hinaplos ang kanyang pisngi. "No. Of course not baby. You are important to mommy it's just that... "
"Work is more important," sambit niya at malungkot na yumuko. "I understand mommy."
Nasaktan ako sa pinapakita ni Gelo. Kung okay lang talaga na huwag ng umattend sa meeting sa hotel gagawin ko but with the given situation we are in, kailangan naroon ako.
"Don't be sad baby boy. Daddy George will accompany you," Gogi announced who was on the sofa earlier.
Agad na lumiwanag ang mukha ni Gelo at tumakbo kay Gogi.
"Really daddy G?"
"Yes. Kaya huwag ka na magtampo kay mommy okay? She's doing great in work for you. To provide you all the things you needed," paliwanag nito na ikinangiti ko.
Tumango naman si Gelo at muli akong nilapitan.
"Goodluck sa work mommy," nakangiti na nitong tugon sa'kin kaya napangiti na rin ako.
Yumuko ako upang dampian ng halik ang kanyang ulo.
"Thanks Gogi," tugon ko nang makalapit ito sa'min.
"No problem. Ako na bahala sa chikiting na ito," he said pinching Gelo's cheeks before stepping out of the house.
"Cheena, bantayan mo 'yong si Gogi ha?" bilim ko ngunit nakatulala lamang ito.
"Cheena? Cheena!"
"Po ma'am? Po? Ano po 'yon?" gulat niyang sabi.
"Bakit ka ba natulala diyan? Nasa labas na kasama mo."
"Ay sorry po ma'am."
"Bantayan mo si Gogi ha? Kilala ko naman 'yon, palagi niyang ini-spoiled si Gelo baka masanay,"
Ngumiti siya. "Ako pong bahal ma'am."
"Thank you," I sincerely said. "Sa pag-aalaga kay Gelo."
"Naku! Wala po 'yon para ko na ngapo siyang... k-kapatid."
"Magkamukha na nga kayo. Mapagkakamalan na kayong mag-ina niyan eh. I'm jealous!" pagbibiro ko.
"P-po?" nagulat siya sa sinabi ko.
Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Biro lang. Sige, sibat kana at parehong mainipin mga kasama mo ngayon."
Napakamot siya sa kanyang ulo sa ka umalis na. Ako naman ay mabilis na nagdrive papuntang hotel.
Nastress ako ng matapos ang meeting. Sobrang laki pala ng ibinaba ng ratings dahil sa fake news na kinakalat ni Rica, 'yong artistang chaka. Hays. Ang sakit niya sa ulo.
"Hello," I said when I answered my phone.
"Ate!" nailayo ko sa aking tainga ang cellphone nang marinig ko ang matinis na boses ni Hills.
"Why are you shouting?"
"Nothing. Yayayain sana kita. Shopping tayo ate. I need something to wear this coming Friday. I want to look good in the eyes of my boyfriend."
"Do you even need to do that? Kapag mahal ka niya kahit ano pa suot mo, maganda ka pa rin sa paningin niya."
"Gosh ate! You're being an oldie na. Of course I want to be look good everytime na magkasama kami para mas lalo siyang mainlove sa'kin." Nailing ako sa sinabi niya.
"So?" she trailed of.
"Fine. Kita nalang tayo sa mall, paalis pa lang ako ng hotel."
"That's great. Meet tayo sa boutique ng friend ko. Alam mo naman na doon right?"
"Yes," sagot ko dahil iisa lang talaga ang pinagbibilhan namin ng damit at iyon ay sa D'dream Boutique.
"What took you so long ate?" bungad ni Hills nang makita na ako.
"Grabe 'yong traffic e," sagot ko.
"Ay! Sinabi mo pa. Traffic palang dito sa Pilipinas nakakastress na, pati mga tao, nakakastress din!" maarte nitong reklamo.
Napailing nalang ako saka kami pumasok sa boutique at namili ng mga damit.
Bumili lang ako ng isang white above knee length na dress, kumuha na rin ako ng magkaparehong kulay ng long sleeve si Glade at Gelo.
"Akala ko ba ang bibilhin mo lang ay 'yong isusuot mo sa Friday, bakit ang dami niyang hawak mo?" sambit ko nang makita kung gaano karami ang hawak ng saleslady na damit at mayroon pang dalawang high heels.
Humagikgik siya. "Pagpipilian ko,"
Matapos kaming magbayad ay nag-aya naman si Hills magmeryenda.
"Do you love your boyfriend Hills?" bigla kong natanong habang nakaupo kami at kumakain ng pasta.
She chuckled. "What kind of question is that ate, of course I do love him," she answered.
"E siya, sigurado ka bang mahal ka niya?"
Natigil siya sa pagkain at umupo ng tuwid saka sumeryoso ang kanyang tingin. "Hindi niyo siguro nakikita pero alam ko sa sarili ko na mahal niya ako," she defended.
"Pero bakit ang tagal na panahon na nanatiling tago 'yong relationship niyo? Bakit takot siyang makilala sila tita?"
"Ilang beses ko ba sasabihin ate na busy lang siya. May gusto siyang patunayan sa pamilya niya kaya siya nalulunod sa trabaho."
"Sapat na rason ba iyon para maging tago ang relasyon ninyo? Pinakilala ka na ba niya sa pamilya niya?"
"You don't understand ate."
"Ang alin ba? Concern lang kami sa'yo Hills. Paano kung hindi naman talaga siya seryoso sa'yo?"
"Ate, malaki na ako. Alam ko kung ano ang mga ginagawa ko. At hindi lahat ng gusto niyong mangyari ay naaayon sa sitwasyon na kinakaharap niya ngayon. I told you, you will meet him this Friday. Sana naman pag nakita niyo na siya tumigil na kayo sa kakaganyan niyo. At alam ko sa sarili ko na kapag nakita niyo siya, magugustuhan niyo rin siya para sa akin," mahabang paliwanag niya.
"Hindi lahat ng nakikita mo totoo Hills. People are great pretenders. Everyone wear different mask to hide their true colors. Don't trust anyone so easily. You'll get broken when you do."