CHAPTER 32

1844 Words
After naming magmeryenda agad din kaming umuwi ng bahay. "Okay! I fixed all your schedule," tita Felie announced while were having our dinner. "Glade you're going Mexico?" she asked. "What?" gulat kong sabi. He never mentioned it to me. "Uhm... I forgot to tell you. I was too pre-occupied with the problems we have love," he explained. "So you're going there?" tanong kong muli. "Apparently yes. Nakapag-register na ako sa mga sasali." "Sasali saan?" muling kong tanong. "Car racing," walang ganang singit ni Gogi na kumakain. "It's just that, I missed being on the race love." Bumuntong hininga ako. "When?" I asked. "On Saturday, but it's still tentative since they are still waiting for a guest from middle east," he further explained. Tumango. "Okay," sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain. "Okay?" patanong nitong sabi. "You really mean that or you really don't like the idea. Just tell me love, pwede naman ako magback -out."Agad akong umiling ng sinabi niya iyon. "No! It's really okay kaya lang mamimiss ka na naman panigurado ni Gelo. Nasa Club H ka nga lang, mamimiss ka pa agad," sabi ko kaya napatawa siya. Napatawa naman siya. "Why, are you leaving daddy?" biglang singit ni Gelo na katabi ko. Dahil nasa kabilang banda ko si Glade ay dumungaw ito para magkatinginan sila ni Gelo. "Wanna come baby? I'll be joining a big event," he said. "Wow! What kind of event daddy?" "Car racing," he said while acting like he's holding a steering wheel. Namangha at namilog ang mga mata ni Gelo sa narinig. "Really dad? I wanna come daddy!" tuwang-tuwa sabi niya. "Aww. As much as I want to bring you baby, ayaw ni mommy," tugon ni Glade kaya naman napawi agad ang saya da mukha ni Gelo. "Why mommy?" bagsak ang balikat niyang tanong. "Delikado do'n baby. You must grow a little more para payagan ka ni mommy, okay?" pangungumbinsi ko sa kaniya na mukhang naintindihan naman niya. "Okay mommy," sagot niya at bumaling kay Glade. "I'll pray daddy so that you'll be the champion," sabi niya. Pray? Does it still work? How? "Hindi 'yan ang pinag-uusapan ah," sabat ni tita. "So Glade I cleared up your schedule for the whole week." Nanalaki ang mata ni Glade. "Whole week? Tita this week is the competition," hysterical niyang sabi. Sa totoo lang kinalakihan na nila ang pakikipagkarera, actually dalawa sila ni Gogi. Pero nalimitahan no'ng makilala nga niya si Natalie. "Sinabi ko bang huwag kang umattend do'n? Kung may final date na edi pumunta ka," sabi ni tita. At mukhang naintindihan naman iyon ni Glade. "So okay na kayo do'n ah," sabi niya tinignan kami isa-isa, naghihintay kung may tututol pero wala. "Were going to Tagaytay!" she happily announced it. "Really?" hindi makapaniwalang sabi ni Hills. Tumango si tita. "It will be our family outing," muling sabi ni tita. "Gosh! I'll invite my Roni," excited nitong sabi at agad na itong tumayo at tumakbo kung saan. "Kasasabi ko lang na family outing?" asik ni tita. "Let her be," tito said. Nang matapos kaming kumain at ayusin ang mga pinagkainan, balak ko na sanang pumunta sa kwarto ko nang bigla akong tinawag ni Gogi. Si Glade at Gelo ay nasa taas na and who knows kung ano na naman ang kinakalat nila sa playroom ni Gelo. I followed Gogi. At napansin kong papunta kami sa room ni Cheena which is dito lang din sa baba. Hindi na kumatok pa si Gogi, agad na siyang pumasok at nadatnan namin si Cheena na nakaupo sa kanyang kama. "What are we doing in here?" tanong ko sa kanila. Lumapit si Gogi kay Cheena at tinabihan niya ito. Maayos na ba sila? Nagkapatawaran na ba sila? "Talk," simpleng sagot niya. "About Gelo, my son," dagdag niya nakapagpatigil sa mundo ko. What about my baby boy? Are they planning to take him away from me? Ito na ba talaga 'yong araw na hindi ko gustong mangyari? Ang tuluyan na nilang kunin sa'kin si Gelo. Makakaya ko ba? Ang sakit! Ang hirap! "W-what about him?" nauutal kong bulong. "I know this is hard for you pero masakit din kasi sa'kin ma'am Honey, na makitang ayaw kang ituring ng anak mo na nanay," umpisa ni Cheena na gumagaralgal na ang boses. "Hindi ko naman siya ginustong ibigay nalang ng gano'n. Wala lang talaga akong choice that time," she added. "At sobrang nagpapasalamat ako kasi tinuring mo siyang parang tunay mong anak-" "He is my son," I cut her off. Natigilan sila pero nagpatuloy muli si Cheena. "You raised him so well. You molded him to be a good son. At sobrang mahal na mahal ka niya ma'am. Kaya sa araw-araw na nakikita ko kayong magkasamang masaya, kumikirot 'yong dibdib ko... Pero kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko. Nilunok ko lahat ng sakit, at pangungulila sa kanya," I remember those times na lagi siyang nagpapaiwan kapag mamamasyal kami sa labas kahit pa pinipilit ko siyang sumama. So that is her reason all this time? She couldn't handle the pain seeing his own flesh son so happy in someone's care, na dapat siya ang naroon. "Naalala mo no'ng una mong narinig ang salitang binigkas niya?" she asked getting kore emotional and Gogi was comforting her. Gelo's first word was "mi" short for mommy. Sa sobrang saya ko dahil ako ang unang nakarinig ng first word niya ay nagkaroon kami ng kaunting celebration noon sa bahay sa Adelaide. It was one of memorable days I have with my son. "Alam mo bang, bago mo pa iyon marinig ay narinig ko na?" What does she mean by that? "Ako ang unang nakarinig ng unang salitang binigkas niya. At iyon ang pinakamasayang memoryang mayroon ako kasama siya. Na kahit hindi na ako ang naging ina niya, narinig ko naman ang una niyang binigkas. Inisip ko nalang na para sa'kin 'yon. At kahit papaano nasubaybayan ko ang paglaki niya. Wait! So it means, hindi ako ang unang nakarinig sa unang salita ni baby Gelo. It's... It's his real mom. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang pangingirot nito. "Naiinggit ako sa'yo ng sobra ma'am Honey. Kasi ako dapat 'yong tinuturing niyang mommy eh. Ako dapat 'yong hinahanap niya paggising niya at bago siya matulog. Ako dapat 'yong niyayakap niya kapag nalulungkot siya. Ako dapat 'yon. Pero wala akong magawa!" puno na ng luha ang kanyang mukha at pilit niya iyon pinupunasan agad. Pero kasalanan ko ba, kung ako ang tinuturing ni Gelo na mommy niya? I couldn't blame my son. Dahil matalino siya, nakukuha na niya ang mga bagay-bagay na hindi pa dapat inaalam ng isang batang kagaya niya. Hindi naman ako ang nang-iwan ng anak. Siya 'yon. Kung may dapat mang sisihin kung bakit niya pinagdadaanan ang lahat ng sakit na dinadamdam niya ngayon, iyon ay dahil mismo sa mga desisyong pinili niyang gawin. It's no ones fault but her. "Sinisisi mo ba ako kung bakit gano'n ka itrato ni Gelo? He's a smart kid Cheena. Kung ano ang laman ng isipan niya ay hindi namin hawak. At lalong hindi ko kontrolado ang emosyong nararamdaman niya," sabi ko at pinipigalang mainis sa mga binabanggit niya. Tumango siya ng paulit-ulit. Why does I looked like the villain here at siya 'yong bida na api'ng-api. "Hindi naman kita sinisisi. Sinasabi ko lang 'yong mga dapat sanang kinatatayuan ko kung naging maayos ang lahat noon," "Pero sa mga sinasabi mo, parang sinabi mo na rin na inagaw ko ang anak mo sa'yo. Let me just remind you Cheena, iniwan mo si Gelo sa'min, SA AKIN! Binigay mo siya!" "ENOUGH!" sigaw bigla ni Gogi at napatayo pa kaya halos mapatalon ako sa gulat. Matalim niya akong tiningnan. "Can't you atleast be nice to her Honeyleigh?!" "W-wait. Pinapunta niyo ba ako dito para sisihin kung bakit gano'n kayo pakitungahan ng anak ko matapos niyang mapagtagpi-tagpi ang lahat ng mga naririnig at nakikita niya?" marahas akong bumuga ng hangin at tiningnan sila ng galit. "Uulitin ko, hindi ko hawak ang emosyon ni Gelo. At mas lalong hindi ko idinidikta na gawin niya ang mga ipinapakita niya sa inyo!" Bumuntong hininga si Gogi at kumalma ang mukha niya saka sinubukang lapitan ako pero itinaas ko ang kamay ko sa harap niya dahilan para 'di siya magpatuloy. "Hindi 'yon ang gusto naming iparating sa'yo Hon-" "Pero 'yon ang pinupunto ng mga salita niya. 'Yong tipong sinasabi niyo na kasalanan ko... o baka iniisip niyo rin na ako ang nagsabi na gano'n niya kayo pakisamahan?" ngumisi ako at puno ng hinanakit na tiningnan si Gogi. "Gano'n ba kababa ang tingin mo sa'kin?" "No!" "So, bakit ganito Gogi?! Parang ako pa may kasalanan ng lahat!" "Gusto lang naman naming maramdaman na ituring niya kaming tunay niyang mga magulang. 'Yon lang," halos pumiyok ng sabi ni Cheena kaya hindi ko siya magawang tingnan. Dahil kung nasasaktan siya, nasasaktan din naman ako. Muling bumuntong hininga si Gogi. "Kaya sana... sana matulungan mo kami. Katulad ng sabi ni Cheena, ikaw ang laging nandyan para sa kanya, kaya we're hoping na sana magawa mong ipaintindi sa kanya ang lahat-lahat, Hon," sabi ni Glade kaya mas lalong hindi ko sila matapunan ng tingin. This isn't easy for me. Parang sinasabi nilang dapat kong paghandaan ang pag-iwan sa'kin ni Gelo. Ano bang dapat kong sundin. 'Yong karapatan ba nilang magulang kay Gelo at maging kumpletong pamilya o 'yong kagustuhan kong manatili si Gelo sa akin bilang baby ko. Ang hirap. Ang sakit. Para akong nasasakal. After I moment, I looked onto their eyes still trying to stop my tears from falling. "Fine," sabi ko kaya may munting ngiti na sumilay sa kanilang mga labi. "But little by little. Ayoko siyang biglain, ayaw kong pilitin si Gelo. Hayaan natin na maliwanagan ang isipan niya. At masyado pa siyang bata para mapunta sa magulong sitwasyon. Hayaan niyong... pakonti-konti na maintindihan niya lahat," I said then didn't wait for their response. I push myself out of the room and that's the time when the tears that I have been holding back earlier, suddenly fell. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Tinakpan ko rin ang bibig ko para hindi makapaglabas ng anumang ingay, kasabay no'n ang aking pagyuko. Why does I have to feel this kind of pain? Why does I have to lose my baby Gelo. "Here," I heard a manly voice. With my face full of tears, I looked up and saw Hiro staring at me, holding a handkerchief on his hand and he's giving it me. And when I got to stare at his blue eyes, I felt a sudden calmness in me. I suddenly feel the comfort. Hindi ko alam. Pero sa mga mata palang parang nakahanap na ako ng masasandalan. I was about to get the handkerchief when he grabbed my hand and pulled me causing me to crashed into his broad chest. I closed my eyes the moment I smell his scent, hindi pa rin nagbabago 'yong amoy niyo five years ago hanggang ngayon. "Fvck! Why do I have to see you in pain again! It's okay. I'm just here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD