CHAPTER5

1505 Words
NAPATINGIN si Maverick kay Zandro na kanina pa ay pangiti-ngiti habang napapatingin sa kanya. “What’s so funny, huh? Kanina pa kita napapansin pangiti-ngiti ka riyan, hindi naman siguro tungkol sa trabaho dahil wala namang nakakatawa sa napag-usapan natin sa araw na ‘to,” anitong inihinto ang pagtitipa sa laptop at sumandal sa swivel chair. Pero mukhang hindi nito pinansin ang sinabi niya. “Tell me, bro, saan mo ba nakita ang babaeng ‘yon?” nakangiting saad ni Zandro. Walang duda na si Lianna ang tinutukoy nito. Umarko ang gilid ng mga labi niya, “So all this time iyon pala ang laman ng utak mo, Zandro? You mean kanina ka pa pangiti-ngiti mula nang pumasok tayo sa meeting hall dahil lang kay Lianna? C’mon, bro.” “Hindi ako ngingiti nang ganito kung walang kadahilanan, bro,” tugon nito. “What do you mean?” deretsong nakatingin siya sa kaibigan. “Tell me, ano’ng binabalak mo? C’mon, bro, kahawig siya ni Trisha, I mean hindi lang kahawig, alam mo ‘yon, napagkamalan ko pang si Trisha,” natatawang sabi ni Zandro. “That woman is very far from my girlfriend, bro. Si Trisha is a kind of sophisticated woman hindi kagaya niya,” pagmamayabang niya sa kanyang girlfriend. Pero aminado siyang kahawig naman talaga ito ni Trisha ayaw lang niyang mag-overreact sa harapan ng kaibigan dahil baka kung ano ang isipin nito. “So ano sa palagay mo ang sasabihin ni Trisha kapag nakita niya si Lianna?” usisa pa ni Zandro. Hindi niya alam kung matatawa siya o maaasar sa kaibigan sa mga reactions nito. Bakit ba masyado itong concern kung ano’ng mga plano niya pagdating kay Trisha? Minsan gusto na niyang sabihing wala itong pakialam sa lovelife niya. “Bro, wala namang magiging problema do’n kung sakali. Ano naman kung makita niya si Lianna? Maraming tao naman talaga ang nagkakahawig, ako nga sa totoo lang may kahawig daw akong artista, eh. Agree ka ba do’n?” pagbibiro niya. “Bakit mo siya pinasok sa trabaho kung wala kang binabalak? No’ng isang araw lang may nag-a-apply pero ang sabi mo walang bakante at kailangan pang magbawas ng tao. Bakit ngayon bigla na lang ay nag-hire ka?” patuloy na pag-usisa ni Zandro. Napabuntong-hininga siya at ngumiti sa kaibigan, “Actually sinagip ko lang ‘yan kahapon may humahabol daw sa kanya kaya tumawid sa kalsada at muntik ko nang masagasaan. Long story, dahil nakipagsuntukan pa ako sa lalaking humabol sa kanya pero ang ending ay nagmakaawa siyang tulungan ko siya, I hesitated at first, but later on, it convinced me she was telling the truth. She was with the wrong recruiter who wanted her to dance at the club. Kaya ‘yon naawa ako at kahit walang bakanteng trabaho hinanapan ko siya ng posisyon.” Napailing si Zandro, “At mismong kamukha pa talaga ng girlfriend mo? What if Trisha finds out? Tiyak magseselos ‘yon. Teka, saan siya natulog kagabi, sa condo mo ba?” napapangiting tanong ni Zandro sa kanya halatang inaasar siya nito lalo. “I’ll explain to her when she get back. She wouldn’t know unless someone tells her, right, Zandro?” tiningnan niya nang makahulugan ang kaibigan. Napahalaklak na lamang si Zandro nang makita nitong tila napipikon na siya. “Okay, I’ll keep my mouth shut till then, bro,” natatawang sabi nito. Natigil ang kanilang pag-uusap nang may kumatok sa pintuan. “Come in!” anang si Maverick. Pumasok si Lianna at may dala-dalang dalawang tasa ng brewed coffee. “Thanks, Lianna!” ani Zandro na napatingin sa dalaga nang ilapag nito ang tray sa coffee table. “Taga saan ka nga pala?” tanong ni Zandro sa dalaga. “Taga Bikol po, sir,” tugon ni Lianna. “You can review her resume kung may ilang katanungan ka pa sa kanya,” sabat naman ni Maverick na halatang iniiwas si Lianna sa mga tanong ni Zandro. “I just wanna ask her, bro, or maybe I should have a one on one interview with her. Can you be my secretary?” tanong ni Zandro kay Lianna. Biglang parang naguluhan si Lianna sa tanong ni Zandro kaya hindi agad siya nakasagot. “She already has a position and we’ve already talked isn’t that enough? If you need a secretary, just hire another one,” anang si Maverick. “Oo nga po, sir, pasensya na po kasi iyon na po ang sinabi sa akin ni Sir Maverick,” tugon niya. “Hindi mo ba alam, I’m also your boss, we share equal rights here, Lianna. Kaya hindi lang si Mav and susundin mo pati ako,” ani Zandro. “A-alam ko po, sir, ang ibig ko pong sabihin ay, kayo na lang po ang bahalang mag-usap ni Sir Maverick kung saan ako ilalagay. S-sorry po kung may nasabi akong mali…” natatarantang sabi niya. Bigla kasi parang nag-iba ang awra ng mukha ni Zandro sa tugon niya. Pero nagulat siya nang bigla itong humalakhak. “Tinatakot mo si Lianna, eh,” anang si Maverick na napailing na lang. “Sige na, Lianna you may go back to your work, iwanan mo na kami nitong baliw kong partner,” dugtong pa nito. “Sige po, sir,” tugon niya. Agad na tumalikod si Lianna at lumabas na ng silid. Nang makalabas ito ng silid ay humagalpak sa tawa si Zandro. “You’re right, bro, malayong-malayo siya kay Trisha. Wow! She’s so innocent and beautiful. Sometimes I like innocent women. Ano kaya ang pakiramdam ng may girlfriend na katulad niya, ano?” Biglang nagseryoso ng mukha si Maverick hindi kasi niya nagustuhan ang sinabi ni Zandro. Bigla ay nag-alala siya kay Lianna. Certified playboy na matatawag si Zandro at sa ilang taon na pagkakaibigan nila ay wala pa itong sineryosong babae, masuwerte na kung magtagal ng isang buwan ang babae sa kanya. “I’m warning you, bro, ‘wag si Lianna, kawawa naman. Naghahanap buhay ‘yong tao para sa kanyang mga lolo at lola. Kaya please, ‘wag mo siyang isama sa listahan mo,” seryosong pakiusap niya. Tiningnan siya sa mukha ni Zandro. “Wait…don’t tell me you’re falling for her.” “Nah! Stop it, gusto ko nang umuwi, bahala ka nga riyan.” Tumayo na siya. Ayaw kasi niyang pahabain pa ang walang kuwentang usapan nila ng kaibigan. Hindi siya makapag-concentrate dahil sa dami ng mga kinukuwento nito sa kanya. Doon na lamang niya itutuloy ang trabaho sa condo unit niya. Isa pa, gusto niyang makausap si Trisha, ilang araw na kasi itong hindi niya nakakausap ng matagal. Ayaw niyang magtampo sa kanya ang kanyang girlfriend. Malapit na silang ikasal at nangako siya sa kanyang sarili na ito na lamang ang pagtutuunan ng pansin, hindi na siya titingin pa sa ibang babae. Ayaw na sana niyang payagan ang fiancee na bumalik sa trabaho nito sa Amerika at dito na lang magtrabaho sa Pilipinas pero mapilit ito na tapusin ang trabaho roon. Isa itong private nurse at ayaw naman niyang pigilan ang pangarap at dedikasyon nito sa trabaho. Pero dahil malapit na silang ikasal ay pinauuwi na niya ito at pagkatapos niyon ay hindi na niya ito papayagang umalis pa. Iyon ang napag-usapan na nila. NANG makauwi si Maverick sa condominium niya ay agad na tinawagan niya si Trisha pero bigla siyang nalungkot nang ibalita nito sa kanya na hindi pa ito makakauwi sa susunod na buwan. Napailing siya, “What? You can't go home next month? But why?” he sighed in disappointment. "Babe, I hope you understand, my patient needs me. Kawawa naman siya kung basta-basta ko na lang iiwanan." Napailing siya, “Wala na bang ibang nurse na puwedeng mag-alaga sa kanya at kailangan mo talagang ipagpaliban ang pag-uwi mo? You feel sorry for her, but you don’t care about how I feel. Babe, I’ve been waiting for almost a year.” Maluha-luha siyang napatingin sa screen habang pinagmamasdan ang nobya na nakasuot pa ng uniporme nitong pang-nurse. “Just give me more three months, babe.” “Three months…” napatango-tango siya, “three months more, pero ang kasal natin ay sa June na and that is four months from now, babe!” puno ng hinanakit ang mga katagang binitiwan niya. “Please try to uderstand, uuwi naman ako, eh. Kailangan ko lang talaga tapusin at isa pa…ang totoo naawa talaga ako sa pasyente ko dahil napamahal na siya sa akin,” anang si Trisha. “Ano ba ‘yang pasyente mo babae ba talaga ‘yan o lalaki?” tumaas ang kanyang boses at tila nawala na sa huwisyo ang tanong niya dahil sa sama ng loob. Nakaramdam siya ng selos kaya kung anu-ano na tuloy ang naiisip niya. “Ano bang ‘yang pinagsasabi mo? Babe, kilala mo naman siya ‘di ba? Pinakita ko na siya sa’yo dati.” “I’m sorry…” mahinang tugon niya Hindi na siya umimik pa at nakipagtalo sa nobya hanggang sa natapos na lang ang kanilang usapan na masama ang kanyang loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD