Alas-kwatro pa lang ng umaga ay lumabas na ako ng kwarto ko para makapaghanda na silbihan ang pamilya ni Aunt Elise, ang aking stepmother na nagala-reyna sa sariling mansyon ni papa.
I did not fight for my rights, kahit na ako naman talaga ang dapat na magmana sa ari-arian ni papa. Sila Aunt Elise na ang may hawak sa lahat ng negosyo ni papa. Because soon, karma will find a way for them.
"Good morning, Elias." I greeted the fourteen-year old boy na anak ni Aunt Elise. Bagong gising pa lang siya kaya naghanda na ako ng almusal para hindi mapagalitan ng nanay niya.
"Ate Ella, where's my milk?"
Habang nagpiprito ng bacon ay napairap ako't humarap sa kaniya. Nakangiti kong tinungo ang mug na nasa tapat niya lang at binigay 'yon sa kanila. Tumalikod na ako mula kay Elias kaya nawala ang ngiti sa labi ko.
Tsk. What a spoiled brat.
Dumating na rin si Aunt Elise at ang isa pa niyang anak na si Elizabeth na eighteen years old sa hapag, sakto nang matapos ako sa mga niluto ko. Hinanda ko 'yon sa kanila at umalis na sa kusina para magsimulang maglinis.
Puyat na puyat ako dahil kagabi kaya tamad akong nagmop sa marbled floor. Humikab ako't bigla nalang nagising ang diwa ko dahil sa malamig na tubig na tumama sa ulo ko.
"What the freaking hell?!"
"Freaking hell? Gabriella Davidenko, magtrabaho ka nang maayos!"
Napatayo ako nang tuwid at binilisan ang pagmop ko. Andiyan na pala ang dragon, bitbit
ang isang timba ng tubig at nakataas ang kilay. Si Aunt Elise.
Guess what, I'm not a princess inside my own palace.
*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧
Tinungo ko ang headquarters suot-suot ang uniporme kong matagal ko nang ginagamit. Ang uniporme para sa mga katulong na kagaya ko. Black inner dress, a white apron in front of it, and a pair of white house slippers.
'Di na ako nakapagbihis dahil sa pagmamadali nang tawagan ako ni Erik para sa isang urgent matter daw. I was in the middle of a major clean-up drive sa mansion and he calls me, asking me to come here or else he’d threaten me to tell the director of ACEA that I lost my gun.
"What the f**k are you wearing?"
Napatingin ang lahat sa 'kin dahil sa lakas ng boses ni Erik. Humagalpak pa ng tawa sina Mustafa kasama sina William, Andrew at July na siyang palagi kong nakakausap lang nang matino dito.
"Here comes the part timer, Gabriella Davidenko!" Kantyaw ni Mustafa kaya napuno
ng tawanan ang buong HQ.
Pulang pula ako sa inis dahil sa kantyawan nila kaya pinatong ko ang paa ko sa bakanteng upuan at hinawi ang laylayan ng dress ng uniform na suot ko. Mula sa hita ay kitang-kita dito ang gun holster na may nakasiksik na revolver gun.
Kinuha ko ang baril tinutok ‘yon sa kanila. Nanlaki pa ang mga mata ni Erik dahil nasa harap ko lang siya't nakatutok pa sa kaniya ang baril ko.
Natigilan ang lahat. Nag-iwas sila ng tingin sa 'kin at umastang walang nangyari.
"Ano, urgent matter ba 'to o pagtatawanan niyo lang ako sa suot ko?"
Nagkatinginan silang lahat. Unang tumayo si William na nakataas ang kamay, tumalikod at lumabas ng kwarto. Si Mustafa naman ay marahang sinuntok si July sa balikat.
''Diba may bagong mission si Ella?" tanong ni Mustafa kay July.
"Ano nga uli 'yon? Tungkol kay Gambino?" Siniko naman ni July si Andrew kaya nanlaki ang mga mata ni Drew at kinalabit si Erik.
"Erik, diba ikaw ang kinontact ni boss?"
Binalik ko ang baril at umayos ng tayo.
“May nakakita ng baril mo, Ella, habang nasa site ka ng Gambino Group of Company.” May inilapag si Erik sa lamesang pumagitna sa ‘min na brown envelop. “Good thing ako ang kinontak niya para tanungin tungkol sa agent na under sa grupo ko. He noticed the small symbol on the handgun kaya ako ang una niyang natawagan.”
Kinuha ko yung brown envelop at tinignan ang laman nito. There are stolen photos of a man wearing a tuxedo in different outfit, talking or walking with the same man in shades. Sunod ay kinuha ko yung papel na may mga information tungkol sa lalakeng kasama ng pamilyar na lalake.
The paper's content was all about Gambino, in which may copy na ako na binigay ni director para sa mission ko.
“That’s Gambino with Gotti. While Gambino’s running an underground business, Gotti is his right hand and bestfriend. Probably the one he trusts the most.”
“Then?” I asked.
“I want you to flirt with him.”
Napanganga ako sa sagot ni Erik. Straightforward, tuldok, walang kasamang explanation kung ba’t ko gagawin ‘yon.
“WHAT?!”
*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧*:・゚✧ ♕ *:・゚✧*:・゚✧
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Erik. Since hindi pa oras ng shift ko sa HQ, bumalik ako sa mansion para tapusin ang trabaho ko.
Pagdating ko sa mansion ay bumungad ang mukha ng Aunt Elise ko na naka-halukipkip at parang kanina pa naghihintay sa 'kin.
"Gusto ko lang ipaalala sa 'yo, Ella, na hindi ka senyorita dito sa bahay na basta basta nalang aalis kapag gusto mo. Katulong ka dito, hindi senyorita!"
"Pasensiya na po..."
Nagulat na lamang ako nang bigla niya ako sinampal nang pagkalakas lakas, dahilan para muntik na ako matumba dahil pakiramdam ko yumanig bigla ang paningin ko.
"Mana ka nga sa tatay mo. Mataas ang tingin, animo'y akala mo ikaw na yung masusunod dito sa pamamahay na 'to."
Nag-init ang pisngi ko at kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
"Tumahimik ka na," giit ko. Pero ngumisi lamang si Aunt Elise.
"Masahol na ugali. Buti nalang namatay ang tatay mo at sa 'kin naipamana ang lahat, hindi ba? Tignan mo ang sarili mo, napaka wala kang kwenta. Baka bigla nalang mawala ari arian ng tatay mo kapag sa 'yo ibinigay."
Ngumisi ako. Wala na akong iba pang naisip nang kunin ko ang revolver gun na nakatago sa ilalim ng dress ko at ibinaba ang trigger, hudyat na pwede na itong pindutin at isapul sa ulo ng taong nagpapainit ng ulo ko ngayon.
"Pinagsasabi mo?" I saw how her pupil dilated, her mouth shivers from fear when she saw my gun. Ako naman ngayon ang ngumisi. "I'm tired of your bullshit, stepmother. Babalikan kita. I swear to God, you don't know what I'm capable of."
I may grew up as a Cinderella-like life, but I don't want to live like Cinderella. She's a coward, a weakling. And I'm not.