PROLOGUE
The hallway is dark and eerie. I make sure that every footsteps I make doesn't make a single sound.
Mahigpit ang hawak ko sa 'king baril na nasa gun pocket sa 'king kanang gilid, hinahanda ang sarili in case may biglang aatake sa 'kin.
Though I know wala naman talaga since my right ear said that this place is safe to sneak in. Tsk, masyado atang bobo ang mga tao rito.
[Remember, Virgo, do not kill Gambino if ever you see him. You're there to get information about Gambino and the underworld business he's in.] Tumunog ang earpiece ko. It's Mandy's voice or also known in ACEA as Agent Aries.
She's my eyes and ears tonight. Hindi ako gaano ka-trained sa mga ganito at minsan ay lampa pa ako. I don't know how I ended up in Class A Agents. Hindi ko rin alam kung ano ang nakain ni Miss Kelly, Director of Astro Central Espionage Agency or in short, ACEA.
Mas mabuti sana kung si Mandy, Agent Aries, ang nandito sa posisyon ko ngayon as the field agent.
My target is one of a hell guy. Masyadong delikado at mabilis. When I say mabilis, mabilis niyang maidentify kung spy ka mula sa agency ng gobyerno o ano.
Liam Gambino is the most dangerous drug dealer in the Philippines. I don't know what his organization is. Masyado siyang tahimik at masekreto. Kung pwede lang siguro siya patayin, matagal na sana ginawa ng ACEA para matapos na ang lahat ng 'to. Kaso hindi pwede. We need evidences kaya ako nandito. We need to lock him up. In order to play it clean, we need to act it right.
Pumasok ako sa kwarto nang mahanap ko ang hinahanap ko. The director's office.
The room is dark. May nakikita akong mga kagamitan sa loob sa tulong na rin ng buwan sa labas na pumapasok mula sa bintana.
I tiptoed towards the table where I can see tons of papers on top. Kinuha ko ang maliit na flashlight mula sa bulsa and turned it on. Kinagat ko ang dulo no'n para malayang kumalikot ang kamay ko sa mga papeles habang nakatapat ang ilaw sa ibaba.
Mostly ang mga nandito lang ay about sa financial ng business, ratings and such. Gambino is indeed famous in business tycoons. No wonder he's famous in underground business too.
Binuksan ko ang mga drawers, kinalikot at binalik sa ayos nito. Nothing in here.
I clicked the earpiece to inform Aries. "Nothing in here, Aries. Maybe his papers about underground business is in his home, secured."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mandy. Kagagaling niya lang sa mission niya kaninang umaga tapos heto siya, nagtatrabaho na naman sa gabi. It's already eleven in the evening and the whole Gambino Group of Company building is closed. That's why I had a time to sneak in.
[Okay. You can get back here. Please be careful, Virgo.]
Tumango ako kahit na wala naman siya sa harapan ko. I turned off the earpiece and hurried to go outside.
Bago pa man ako makalabas ay biglang bumukas ang pintuan. Nasa harapan ko ang lalaking may makisig na pangangatawan, matangkad ng ilang dipa sa 'kin. Dahil madilim dito, hindi ko masyadong makita ang itsura niya.
Shit. Ito ba si Gambino? Oh f**k, am I facing the most dangerous underground businessman?
"Sino ka?" tanong nito. His low and husky voice filled my ears. I could feel my knees trembling.
Gab, why are you scared all of a sudden? You have a gun, a knife in your pocket, a grenade and you're a f*****g agent! You're trained to fight!
Huminga ako nang malalim. I couldn't see his face clearly. I don't know what Gambino's body looked like, but I know the look on his face since Aries showed me his pictures.
I am not supposed to kill him so I pulled his pulse, pinatid ang paa niya kaya nahiga siya sa sahig. I punched him hard in the face and I heard him groaned in pain.
Dahil sa ginawa ko ay bigla siyang umatake. With just a push, naibabawan niya ako at sinubukang suntukin pero naunahan ko siya ng paghampas sa nakita kong makapal na libro sa gilid.
Nawalan ng malay. Okay, I'm not that good agent but I'm well trained.
Pinagpagan ko ang sarili ko at tahimik na tinahak ang daan palabas. Nang tuluyang makalabas ng building ay dumiretso ako sa parking lot sa tapat. Kinuha ko ang black leather jacket sa 'king motorbike na Kawasaki Ninja 400 at sinuot ito. Sumakay ako at pinaharurot pabalik ng headquarters.
The blue logo of ACEA can be seen even you're five hundred meters away. The building has forty floors with high technology inside. The agents are grouped into three: Class A, B and C. I belonged to A where the agent's names are zodiac signs, obviously.
I parked my motorbike. Pumasok ako sa building at dumiretso sa gunroom. Jeremy, the head of gunroom, put out a tray and smiled at me.
"How's your mission, Virgo?"
"Palpak as usual, Jeremy."
Tinanggal ko ang jacket ko, ang itim na gloves at ang mask kong may nakatatak na Virgo sign. Isa-isa kong tinanggal ang mga armas na nakapalibot sa katawan ko. Nilagay ko sa tray ang mga daggers, iba't ibang granada, the pepper spray, tiny flashlight and lastly, my most favorite navy blue handgun, the Walther PP.
Nang kinapa ko ito sa bag ay wala na ito dito.
Wait, where's my baby?
Kinapa-kapa ko ang buong katawan ko. My gunpocket's half open. My baby's gone.
"s**t," isang malutong na mura ang kumawala sa bibig ko.
Naiwan ko ang baril ko sa building. Gabriela, tanga tanga ka talaga kahit kailan.
You wanted to save the world, huh? But a villain can easily steal your gun from you.