Chapter 60

2036 Words

Marahas akong napabuga sa hangin, kapagkuwan ay nilingon ang pagkain na naroon sa lamesa. Kanina ay mainit pa iyon at bagong luto, pero sa ilang oras na nagdaan ay lumamig na lang iyon. Wala pa sa sarili nang mapatingin ako sa wall clock at nakitang pasado alas tres na ng hapon. Kagabi pa ang huling kain ko, kaya gutom na gutom ako ngayon. Ramdam ko na ang paghalukay sa tiyan ko. Kanina pa nakaalis si Xian at kahit wala nang nakatingin sa akin ay hindi ko pa rin magawang kainin ang pagkaing iniwan niya. Hindi ko masikmurang kumain sa pagkain na galing sa kaniya. Walang laman ang tiyan ko, pero gusto kong masuka sa katotohanang nandito ako ngayon. Mariin akong napapikit at saka pa hinilot ang sentido. Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa bawat pagdaan ng minuto. Pabalik-balik ang lakad ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD