Sa maghapong lumipas ay nakahiga lang ako sa kama. Hindi ako inaantok, o mas madaling sabihin na hindi ko magawang matulog. In case lang din na pumasok dito si Brayden para tingnan ako ay madali ko lang maipipikit ang mga mata ko. Hindi ko rin alam kung anong oras na, pero tantya ko ay alas kwarto na rin. Dinig ko pa ang malakas na pag-ulan sa labas. May bagyo yata? Ayon na rin sa kung gaano kadilim ang kalangitan kanina. Ewan din kung anong oras ang alis ni Aurora. Pero kaya ba nilang pumalaot gayong bumabagyo? Sinabi lang na hapon, kaya ngayon ay inaabangan ko ang susunod na mangyayari. Malakas ang ulan, ganoon din ang alon sa dagat. Imposibleng makatawid sila sa dagat nang hindi inaalon. Hindi ako nag-aalala para kay Aurora, kung 'di kay Brayden dahil kasama ito sa pag-alis niya. H

