Sabi nila mahirap ang maging mahirap. Bakit nga ba ako lumaking mahirap? Pero para sa akin, para sa isang batang lumaki sa kahirapan, maraming paraan upang lumaban. Sa murang edad naging isang basurero at mangangalakal para may ipangbaon lamang sa eskwelahan pati na makatulong sa magulang. Naniniwala ako sa kasabihang 'pag may tiyaga may nilaga. Pagsisikap lang naman at determinasyon ang puhunan upang tayo ay makaahon sa kahirapan.
Kaya naman, heto ako ngayon maraming part time job para makaipon sa aking kinabukasan. Gustuhin ko mang mag-aral pero hindi pwede dahil wala akong pambayad ng tuition fee. Halos hinahabol nga rin ako ng pinagkakautangan ng aking ina na lulong sa sugal. Bilang isang panganay, kailangan kong mag sakripisyo para may maipang tustos sa kanila lalo na't may mga kapatid pa akong maliliit.
Palaging sa aking sinasabi ni Amaya na hindi masama kung ipinanganak kaming mahirap, wala naman kasi kaming kontrol doon at hindi rin naman namin pinili ito. Pero hindi naman tama kung habang-buhay na lamang kaming mahirap. Iyon ang palaging bukambibig sa akin ni Amaya't naiintindihan ko iyon. Subalit ang hindi ko lamang maintindihan ay ang hindi niya pagtanggap sa aking nararamdaman. Ayaw niya sa akin dahil pareho kaming mahirap.
Wala bang karapatang magmahal ng kapwa mahirap ang isang naghihirap? Hindi naman ibig sabihin na mababaon kami sa Kahirapan habang buhay kapag kamily magsama. It's a matter of striving hard and perseverance. Kung pareho kaming magtatrabaho ay matutustusan namin ang pangangailangan ag aming pamilya.
Natawa siya ug mahina, naalala niyang hindi iyon sapat para kay Amaya, ang gusto nito ay karangyaan or should I say gusto ng mga magulang niya... Napapa-English tuloy siya, tae.
"Hoy, Kidlat! Ano na?? Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo, nabingi ka na ba?" sigaw ni Bogart sa akin . Tila ba bumalik ako sa realidad ay mariing ang sigaw ng kaibigan kong Si Bogart.
" Malalim ang isip kasi pinagnanasaan na naman ang kanyang one and only kras na si Amaya!" natatawang sabi ni Bugoy. Napangiwi ako at agad na sinapak sa ulo si Bugoy ngunit mahina lamang iyon.
Sanay na sanay na ako sa ugali ng dalawang magkapatid alam din nila na may gusto ako kay Amaya. Hindi ko naman kasi iyon inililihim sa iba. Kapag mahal ko kasi ang tao ay ipagsisigawan ko pa, gano'n ako magmahal.
"Naririnig kita, ano ba iyon, Bogart?" tanong ko sa kan'ya. Tinuro naman ni Bogart ang nasa harapan namin kaya napalingon ako. Roon ay nakita kong iniluwa ng pinto si Amaya, naka-uniporme ito pang kolehiyo, kasama ang mga kaibigan niya habang masayang nagkkwentuhan. Siguro'y mag-o-order na naman sila ng milktea.
Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaking matangkad, hawak-hawak nito ang sling bag ni Amaya habang nakasunod sa mga babae. Mayabang, iyan ang una kong naisip nang titigan ito. Kinuyom ko ang kamao dahil sa inis. At sino naman ang lalaking kasama ni Amaya? Nanliligaw ba ito sa kan'ya? Base sa aking obserbasyon, halatang mayaman ang lalaki, mayroon itong mamahaling kwintas at relo. Sobrang linis din ng damit nito, bigla akong nahiya sa aking damit dahil medyo marumi na ito gawa ng pagtimpla ng milktea.
"Hoy, ano na? I-entertain mo na ang costumer natin, tinitingnan tayo ni Boss sa CCTV!" bulong sa akin ni Bugoy kaya nagmadali akong lumapit sa costumer. Hindi naman sa pagmamayabang, ako talaga ang palaging kumakausap sa mga bumibili dahil sa angking kagwapuhan ko, hindi ako ang nagsabi niyan kung 'di ang boss naming si Ma'am Lina. Ako ang nakatuka sa pag-i-entertain sa mga costumers dahil napaka-pleasing daw ng aking personality. Matangkad, makinis at gwapo. Sabi nga nila kung hindi lang ako mahirap ay almost perfect na raw siya. Para sa akin, wala naman kasing perkpektong tao, lahat naman ay may mga kapintasan.
"Ano po ang inyo, mga Ma'am?" magalang niyang tanong sa mga babae. Nakangiti pa ako habang nakatingin sa kanila. Nilakihan ko ang ngiti para naman mapansin ako ni Amaya. Simula kasi ng may mangyari sa amin ay hindi niya na ako pinapansin.
"Napaka-pogi mo talaga, Kidlat! Kung hindi ka lang mahirap, pinakilala na kita kay Daddy!" sabi ni Roxanne isa sa kaibigan ni Amaya.
"Tama ka riyan, Sis! Kaya lang, ang isang kagaya ni Kidlat na nasa baba ay hindi dapat patulan, nakakahiya kapag siya ang pinakilala natin sa ating pamilya, baka nga ay itakwil pa tayo," natatawang sabi naman ni Joan.
Bigla akong nanliit sa sinasabi ng kaibigan ni Amaya subalit nawala naman iyon nang marinig ko ang sinabi ng aking mahal.
"Huwag nga kayong magsalita ng gan'yang sa kaibigan ko. Si Kidlat ay matalik kong kaibigan kaya sana'y respetuhin niyo siya. Mas mabuti pang mag-order na lamang tayo," seryosong sabi ni Amaya kaya napangiti ako ng lihim, may kunting lungkot akong nararamdaman dahil sa kabila ng nangyari sa amin ay kaibigan pa rin ang tingin niya sa akin.
"Gaya ng dating ino-order namin, Kidlat. Salamat!" sabi ni Amaya habang nakingiti sa akin. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako, dapat pagkahiya ang ekspresyon ni Amaya sa akin ngunit para itong walang maalala sa nangyari kahapon or nagpapanggap lang siya?
Tango na lamang ang nagawa ko saka agad na inayos ang order nila. Tinulongan pa nga ako ni Bugoy dahil marami-rami rin kasi ang in-order nila.
"Kailan mo ba sasagutin si Bryan, Amaya? Ilang araw na itong nanliligaw sa'yo ngunit hindi mo pa rin sinasagot. Kung ako niyan ay sasagutin ko na siya ngayon din!" malakas na sabi ni Roxanne halata mong pinaparinig sa akin iyon. Biglang uminit ang aking ulo at para bang umusok ang aking ilong. Inis na inis na ako sa mga lumalabas sa bunganga ng kaibigan ni Amaya subalit wala akong magawa, ayaw ko namang patulan ang isang babae.
Tumawa naman ang abnoy na lalaki kasama nila saka nagsalita, "Ano ba kayo, kahit ilang linggo, buwan at taon pa 'yan, hihintayin ko kung kailan ready na si Amaya. Gano'n ko kamahal ang babae."
"Yabang!" bulong ko ngunit narinig pala ito ni Bugoy.
"Kalmahan mo lang, insan. Mag-mekus-mekus muna tayo rito at baka mapagalitan naman tayo ni Ma'am Lina. Mamaya mo na ilabas 'yang galit mo, tingnan mo, nagkakalat ka na riyan!" bulong ni Bugoy, halata mong natatakot.
Hindi na bago sa akin na may kasamang manliligaw si Amaya, iyong huling punta nila rito ay disaster, muntik ko na kasing masuntok ang manyakis na iyon, narinig ko kasi na may balak pala itong masama kay Amaya kapag napa-oo ng lalaki ang kaibigan. Hindi lang iyon, nagalit pa ang boss namin na si Ma'am Lina dahil sa commotion na ibinigay ko't kinaltasan pa kami ng limang porsyento sa sahod.
Nang matapos naming ihanda ang order ng mga ito ay agad na hinatid ko ang mga milktea sa kanila. Dahan-dahan pa ang aking paglakad ngunit hindi ko inaasahang babanggain ang aking braso ng lalaking kasama nila. Mabuti na lang at mayroon akong presence of mind nagawa kong ibalanse ang aking katawan kaya hindi ako natumba.
'Tangina!' mura ko sa aking isipan.
Rinig ko ang hagikhikan ng mga kaibigan ni Amaya samantalang si Amaya naman ay walang alam sa nangyari dahil busy ito sa pagbabasa ng kan'yang libro.
"Ito na ang order niyo." Tipid akong nagsalita sa harap nila. Gusto kong lumaban ngunit wala akong sapat na lakas para roon, wala akong kalaban-laban sa mga ito lalo na't galing sa mayayamang pamilya ang mga ito.
"Salamat, Kidlat!" masayang wika ni Amaya. Nawala bigla ang inis ko ng makita ang mga ngiti ng babae. Uminit ang aking pisngi kaya alam kong namumula ito. Napakamot ako sa batok saka sumagot, "Walang anuman, Amaya."
Umalis na ako roon at nagsimulang magtrabaho. Sobrang dami ng costumer kaya panakanaka lamang ang sulyap ko kay Amaya. Masaya silang nagkkwentuhan, tuwang-tuwa ang mga babae habang nagsasalita si Bryan.
"Alam niyo, bakit hindi tayo pumunta roon sa bahay ko, may pa-party kasi ako't pa-late birthday ko na rin! I'm sure you're going to have some fun!"
"Sige ba, basta sigurudaduhin mong may mga boys doon, ah! Kasama mo rin ba ang bestfriend mong si Lyndon?" tanong ni Roxanne kaya tumango ang lalaki bilang sagot.
"How about you, Amaya? Sama ka, right?" Napalingon ako nang marinig ang pangalan ni Amaya, gusto kong sabihin na huwag siyang sumama ngunit wala akong karapatang sabihin iyon sa kan'ya. Nakita ko ang pagsulyap ni Amaya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Hmmm. Sige ba, basta isasama ko si Kidlat, ah?" Nagulat ako nang marinig ko ang aking pangalan. Nagagalak ang aking puso nang malaman na gusto pala akong kasama ni Amaya.
Sure akong basted itong lalaking kasama nila dahil ako naman talaga ang gusto ni Amaya. Napangisi ako.
"What? Para lang naman iyon sa mayayaman! Hindi bagay roon si Kidlat!" sabi ni Joan.
"Ako naman ay hindi mayaman, Joan. Hindi na lang siguro ako---" Mabilis na naputol ang sasabihin ni Amaya ng magsalita si Bryan.
"Ang party ay para sa lahat, Joan. You are over-reacting. Dadalhin ni Amaya kung sino ang gusto niya sa party besides kaibigan niya naman si Kidlat," malumanay na sagot ng lalaki. Wala namang nagawa si Joan kung 'di ang umirap.
"Hindi ko akalaing isasama mo si Kidlat, Amaya. Nakakainis ang pagmumukha niya kahit na pogi pa siya! Nanunuot pa rin kasi sa ilong ko na amoy lupa siya," sabi ng babae. Kahit na nainsulto ako sa sinabi ng kaibigan ni Amaya, wala naman akong magagawa dahil totoo naman na mahirap lang ako.
"Ako naman ay mahirap---"
"May kaya kayo, Amaya, hindi kagaya ng Kidlat na iyan, hampaslupa talaga!" inis na sabi ni Roxanne saka sinamaan ako ng tingin.
Gayunpaman, hindi ko na lang sila pinansin. Hinayaan ko na lamang na kutya-kutyain nila ako dahil totoo naman ang sinasabi nila. Nananaig pa rin kasi ang aking kabaitan dahil iyon naman ang nararapat, ang mga taong kagaya nila ay hindi dapat pinapatulan pa. Kapag pinatulan ko kasi ay ako pa rin ang dehado at ako pa rin ang talo.
"Huwag mo na lang pansinin ang mga pangit na iyan, Kidlat! Kaya gan'yan 'yan dahil hindi mo sila pinapatulan at stick to one ka lang talaga kay Amaya," wika sa akin ng kaibigan kong si Bugoy.
"Naalala mo noong bigla kang hinalikan ng Roxanne na 'yan at itinulak mo siya dahil sa sobrang gulat? At iyang si Joan naman, dinakma pa ang junior mo, sobrang bastos! Crush ko pa naman siya pero ekis na! Ang manyak-manyak kibabaeng tao! Bakit ba iyan naging kaibigan ni Amaya! Halata mong may gusto sa iyo kaya nagpapansin sila," dagdag pa nito.
Simula noong sinabi kong si Amaya ang gusto ko ay gan'yan na ang mga babae sa akin. Wala naman akong pakialam kung kutya-kutyain nila ako, mamuti na lang ang mga mata nila hindi pa rin ako maaapektuhan!
Si Kidlat Fernandez? Magpapaapekto? NEKNEK NILA!