Simula

1461 Words
Audrey I'd like to think that soulmates exist. Dahil noong unang beses kong natitigan ang kanyang mga mata, pakiramdam ko ay natagpuan ko sa kanya ang bahagi ng pagkatao kong hinahanap ko sa bawat taong nakakasalubong ko. He was my breath of fresh air in my chaotic world. My safe haven. My other half. The man who made me think true love is also for me. Ang sakit-sakit na hindi ko na makita pa ang sarili ko sa mga mata niya. While he was my breath of fresh air, I was the one suffocating him. While he was my safe haven, he felt caged in my arms. And while I see him as my other half, my love for him was tearing him apart. "You did your best, Audrey." Nabasag ang boses niya. Nanatili namang naka-isang linya ang mga labi ko habang nakatitig ang mga mata ko sa kanya. My husband is kneeling in front of me not to profess his love for me nor to confess his sins. At siguro, iyon ang pinakamasakit. Zon didn't cheat. He simply fell out of love. At pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang pagmamahal niya para sa akin. Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. Pumapatak ang aming mga luha pero mas pinili kong punasan ang basa sa kanyang pisngi kasabay ng pagguhit ng basag na ngiti sa nanginginig kong labi. "I'll quit my job, hon. We'll finally plan for the baby. Okay na, Zon. Ready na ko," I said, trying my best for my voice not to break. Gumuhit ang matinding lukot sa namumula niyang mga mata. I can feel how hard this is for him, at kilala ko ang asawa ko. This wasn't an overnight decision. He probably thought this through for a very long time, pero masyado akong nakampante at hindi ko man lang napansin na may problema na kami. "It's... not just about having a child anymore, Audrey." Pumiyok na nang tuluyan ang tinig niya. Ramdam na ramdam ko ang hirap niyang magpaliwanag, siguro dahil hanggang sa puntong ito, natatakot pa rin siyang masaktan niya ako nang husto. "Audrey..." He held my hand that's resting on his wet cheek. "I fell out of love... at hindi ko na rin makilala pa ang sarili ko. I... I dedicated my life to our marriage but... I lost myself in the process of proving to you that you will always have an understanding husband. Patawarin mo ko kung napagod na ko. Patawarin mo ko kung hanggang dito na lang talaga ako." Natulala ako sa kanyang mga mata habang masaganang dumadaloy ang mga luha sa magkabila kong pisngi. Siguro kung nalaman kong nambabae siya ay mas madali ko pang matatanggap. I can easily play the victim part and push him away. But he didn't see another woman. My husband finally chose himself over our marriage. At ako ang nagkulang nang husto kaya kami umabot sa puntong ito. I destroyed the man I love, and now it's going to be selfish if I will still insist to keep our marriage when all it has done to Zon was ruin him. Hindi ito ang klase ng pagmamahal na gusto kong katandaan namin kaya kahit ang hirap-hirap, kahit para na akong mamamatay sa sakit, alam kong kailangan kong ibigay ang hinihingi niya. In the entirety of our marriage, Zon had always put me first. Sa pagkakataong ito, siya naman ang kailangan kong unahin gaano man kasakit. Humikbi ako nang mailapat ko ang aking noo sa kanyang noo. I didn't speak for a few moments, afraid that if I will open my lips, all he will hear are my sobs. Nang kahit papaano ay naramdaman kong kaya ko na, inilapat ko ang pareho kong palad sa kanyang magkabilang pisngi. "Okay..." hirap na hirap kong sabi bago ko pinatakan ng halik ang kanyang noo. "I understand..." Iminulat niya ang luhaan niyang mga mata saka niya ako binigyan ng basag na ngiti. "Salamat, Audrey..." I hardly pressed my lips together to trap my sobs. Kahit na para na akong mamamatay sa sakit, pinilit ko pa rin siyang nginitian sa basag na paraan. Lumipat sa annulment papers ang atensyon ko nang hindi ko na magawa pang makipagtitigan sa kanya. With all the courage left in my breaking heart, I signed the papers with my tears dropping onto it. "Can you... make a vow to me... bago natin t-tapusin ang lahat?" tanong ko nang matapos kong pirmahan ang annulment papers. "W-What vows?" Pinunasan ko ang aking pisngi. "Can you... vow to me that... you will... you will be happy s-soon? N-Na kapag..." Pumiyok ang aking tinig kasabay ng pagkapal ng aking mga luha. "Kapag... nahanap mo n-na uli ang sarili m-mo, s-susubukan mo uling m-magmahal? I-It doesn't have to... to be me. I just... want t-to see you h-have the kind of marriage that I... I failed to give y-you..." His eyes flickered with pain. Hinatak niya ako't niyakap nang mahigpit. Hindi niya ako sinagot, ngunit umaasa pa rin ako na kahit na nakiusap ako sa kanya ay sasabihin niyang sa susunod na magmamahal siya uli, sa akin niya pa rin gugustuhing ialay ang puso niya. I know that's so selfish of me to wish, but I don't see myself anymore falling for someone else. "Promise me that you will always take care of yourself even when I'm no longer around. Promise me that you won't let what happened to our marriage make you feel less of a woman, dahil hindi iyon ang intensyon ko, Audrey. Please be happy with or without me. A-Ako man ang kayakap mo sa gabi o hindi..." Napahikbi ako sa kanyang sinabi. On a second thought, I wanted to beg him to stay and change his mind, but before I even did that, I pulled away and left. Hindi na kami muli pang nagkita pagtapos. Hindo rin ako um-attend ng hearing dahil ayaw kong umabot ako sa puntong luluhod ako sa harap niya dahil lang hindi ko talaga kayang pakawalan siya. I don't want to be selfish anymore. Mahal na mahal ko ang asawa ko, pero kung sa ganitong paraan ko maipararamdam ang pagmamahal na iyon, titiisin ko ang sakit na unti-unting pumapatay sa akin. "Sigurado ka ba rito, ate?" tanong ng kapatid ko nang sabihin kong pupunta ako ngayon sa trabaho para mag-resign. Dalawang linggo na rin naman akong hindi nakakapasolk dahil sa paghihiwalay namin ni Zon. Para akong nakalutang palagi. Hindi ko na rin nakikita ang sarili kong nagbabalik sa dati kong buhay sa mga susunod na buwan. I want to leave. To escape everything that reminds me of the man I wasted. "Pag-isipan mo munang mabuti, Audrey," singit ni ate Adriana bago hinawakan ang kamay ko. "Pinaghirapan mo 'yang posisyon mo. Huwag mo naman hayaang nasira na nga ang marriage mo, pati ba naman career mo ay mawawala sayo?" Pinigilan ko ang sariling maiyak. Ubos na ubos na ang mga luha ko at ang sakit na ng mga mata ko dahil sa kaiiyak kaya humugot na lamang ako ng hininga bago ko sila sinagot. "Gusto ko munang mag-unwind. Hindi naman ito madali para sa akin, at ayaw kong masira lang ang pangalan ko sa kumpanya dahil lang hindi na ako nag-pa-function nang maayos." Tumayo na ako't hindi na hinintay pa ang sasabihin nila. Matapos maligo at makapagbihis, kinuha ko ang resignation letter na ginawa ko kanina bago ko sinabi sa mga kapatid ko ang balak ko. Wala na silang nagawa pa nang sumakay ako ng kotse ko at umalis, ngunit habang nasa byahe patungo sa pinagtatrabahuhan ko ay napatingin sa cellphone ko. Nag-flash ang pangalan ng kapatid ko sa screen. Nang i-exit ko iyon dahil baka pipigilan lamang ako, napatitig ako sa wallpaper ng cellphone ko. My chest hurt once again when I saw my photo with my husband. Kitang-kita ko ang labis niyang pagmamahal para sa akin sa larawang iyon, at ang sakit-sakit isiping sinayang ko lang ang lahat ng mayroon kami dahil lang masyado akong nahumaling sa pag-abot ng sarili kong mga pangarap. Nawala ang isip ko sa pagmamaneho. Hindi ko napansing masyado na palang mabilis ang takbo ng kotse ko, kaya nang maramdaman ko ang malakas na pagsalpok ng sasakyan sa isa pang kotse, pakiramdam ko ay bumagal ang ikot ng mundo. Everything went in a slow motion as my car's windshield shattered. Humampas ang aking ulo hanggang sa tuluyan akong napasubsob sa manibela. My ears were ringing and my vision slowly became blurry, but before I lost my consciousness, I had the chance to glance at the man driving the car I hit. A lone tear fell on the side of my face when I realized who it was. At kasabay ng pagsara ng aking mga mata, hirap kong tinawag ang pangalan niya. "Zon..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD