Kabanata 1

1574 Words
The white ceiling of an unfamiliar room greeted my still blurry eyes. May mga nadidinig akong nag-uusap-usap sa labas ng silid kung saan ako nagising. Kung papaano ako napunta rito ay hindi ko na alam. I just remembered being so drunk during my eighteenth birthday. Nag-party kami sa Club Zero kasama ang friends ko at iyon ang unang beses na nakatikim ako ng alak. "Unfortunately, he doesn't remember any of you. Mukhang nagkaroon ng selective amnesia si Mr. Zonier Cariano," dinig kong sabi ng tinig ng isang lalake mula sa labas ng silid. "Ano ho ang cause, Doc?" Napakunot ako ng noo. Si ate Adriana ba 'yon? Ka-boses niya ang nagsalita. "Maaaring dahil noong naaksidente sila ay ang asawa niya ang huli niyang iniisip. Marami na akong na-encounter na ganoong case." "Posible nga, ate kasi 'di ba pupunta siya sa bahay para ayusin ang marriage nila dahil hindi raw pala niya kayang ituloy ang annulment?" Marriage? Nino? Napadaing ako nang kumirot ang aking ulo. Ito ba ang tinatawag na hangover? Kung ito nga ay ayaw ko na nga uli uminom! Siguro ay narinig ako nina ate Adriana dahil bumukas ang pinto at pumasok siya kasama sina Adler at ang doktor. Nang makita nilang nakamulat ako ay nanlaki ang mga mata ni ate Adriana. Bigla akong namutla sa takot na pagalitan niya ako. Mula nang mamatay ang parents namin, si ate Adriana na ang nagpakananay at tatay sa aming dalawa ni Adler kaya nga ginagawa ko ang lahat para masuklian ko ang efforts at sacrifices niya. "Ate, ngayon lang ako uminom. Hindi ko na uulitin. Huwag kang magalit, please," inunahan ko na bago niya ako bulyawan. Para pa naman siyang dragon kung nagagalit. Nagsalubong ang mga kilay ni ate Adriana. "U—Uminom?" Sumulyap siya sa doktor bago niya ako nilapitan at hinawakan sa braso. Her eyes glistened with worry as if things are more complicated than I thought. "Anong... natatandaan mong nangyari, Audrey?" tanong niya sa akin. Sandali akong nag-isip. "Nagpunta kami sa Club Zero. Ate, sorry hindi ako nagpaalam. Surprise din kasi 'yon nina Stephanie sa akin." "Huwag mo munang intindihin 'yon. Sabihin mo sa'kin kung ano ba ang huli mong naaalala." Ngumuso ako habang nag-iisip. "Nag-inom kami sa Club Zero. Binati ako ng DJ at kinantahan ako ng ibang customer tapos binigyan nila ako ng tequila shots. That's it. I think I passed out because of the shots?" I sighed. "Hindi na ako iinom, ate." Tumingin si ate Adriana kay Adler. Mayamaya ay bumuntong hininga ang bunso namin. "Mukhang pareho sila ng nakalimutan. 'Di ba sabi ni kuya Zon ang huli niyang naaalala ay pumunta sila do'n sa club? Siguro nakalimutan nila 'yong simula ng pagkakakilala nila." Nagsalubong ang mga kilay ko. "Sino?" The doctor cleared his throat. Tila sinusuway ang mga kapatid ko. "Maybe it's better to talk about it outside." He pulled out his mini flashlight and started checking me up. "I'll have her scanned so we'll know if she's all good. For now, let's discuss the matter in my office." Naguguluhan ako sa kinikilos at sinasabi nila. Para bang may nakalimutan ako at ganoon na lang sila kung magsalita. Kaya lang ay tuwing susubukan kong magtanong, mayroong bahagi ng puso ko na tila pumipigil sa akin. It was as if my heart refuses to remember something... or someone so it wouldn't hurt that much anymore. Pero sino naman? Natatandaan ko pa rin naman si Gavin. Maayos din naman ang naging break-up namin dahil nakiusap si ate Adriana na saka na lang namin ituloy ang relasyon namin kung graduate na kami. Nirespeto naman niya ang hiling ng ate ko at sinabi niyang willing siyang maghintay na makapagtapos ako. Sinubukan kong makaalala pero kumirot lang uli ang ulo ko. Nang bumukas ang pinto dahil pumasok ang nurse, napalingon ako sa lalakeng nakaupo sa kamang nasa loob ng katapat na kwarto. His gaze met mine, and in his eyes were nothing but confusion. Nakita ko pa ang pagsasalubong ng mga kilay niya't paglapat ng mga labi niya sa isa't isa. Sayang. Cute sana kaya lang ay parang ang sungit. "Hello, Mrs— I mean Miss Buenaventura. Check ko lang po ang vital signs mo." I smiled at the nurse. "Grabe naman 'yong Mrs. ate. Eighteen pa lang ako. Kaka-eighteen ko lang kahapon." Naging alanganin ang ekspresyon niya, pero imbes na sagutin ako ay pilit na lang siyang ngumiti. She did what she has to do and left. Pero dahil hindi niya ga'nong naisara ang pinto ay umawang din mayamaya. Ayaw ko man magmukhang creepy, hindi ko napigilan ang sumulyap muli sa lalake sa kabilang kwarto. He looked my way, too, and when our eyes met, my heart suddenly felt something. It was a mix of pain and longing, as if my soul recognizes him from another lifetime... at parang iyon din ang naiisip niya. Nalunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan, at kahit na medyo hirap ako ay pinilit kong makaupo. My back hurt and my face wrinkled because of the pain. Nang muli kong balingan ang lalakeng may benda rin sa ulo gaya ko ay napansin kong nasa akin pa rin ang atensyon niya. I took my time to study his handsome face. He reminds me of a summer rain—something that brings smile to people who'd been dying because of the hot weather. His presence feels homey even when he's a few meters away from me, and the way my heart skipped a beat when he smiled a little was something I did not expect. Napahawak ako sa kumot dala ng pag-init ng aking mukha. Ngunit kahit na nahihiya ay pinilit kong suklian ang matipid na kurba sa kanyang may kanipisang pares ng mga labi. Muling pumasok si ate Adriana ng silid. I almost groaned when she shut the door, preventing me from seeing the cute guy in the next room. "Audrey, bibili lang ako ng gamot mo tapos si Adler, kukuha lang ng gamit. Sabi ni Doc, mag-a-undergo ka ng observation for a week, at kung wala namang ibang makitang problema, pwede ka na naming iuwi sa bahay. Mag-wi-weekly check up na lang tayo hanggang sa gumaling ka." Kumunot ang aking noo. "Bakit, ate? Ano ba ang kundisyon ko? Uminom lang naman kami. May cancer ba ko?" Ate Adriana sighed. Naupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang aking kamay. Hindi ko gusto ang paglamlam ng mga mata niya dahil naaalala ko lang 'yong araw na matindi ang naging pag-iyak niya. My sister rejected her boyfriend's offer for marriage because she knew we still need her, at pagkalipas ng isang linggo mula nang hindi niya tinanggap ang alok na kasal ni kuya Rome, nalaman naming nakabuntis ito ng iba. Humugot siya sandali ng malalim na hininga. "Audrey, 2022 na kasi ngayon. Iyong... huli mong naaalala, 2014 pa. M—Marami nang nangyari at... hindi mo maalala. Pero kahit na gano'n, sana ay ipangako mo sa aking hindi mo pipilitin ang sarili mong maalala lahat kaagad. Sabi naman ni Doc, eventually ay babalik din ang mga alaala mo. Pero kung pipilitin mo, baka may pumutok na ugat sa ulo mo o kaya ay permanente ka nang makalimot." Natulala ako kay ate dahil hindi ko maiproseso ang sinabi niya. Nang halikan niya ako sa noo bago siya umalis, napatitig na lang ako sa pader ng kwarto. Eight years? Nakalimutan ko ang eight years ng buhay ko? I swallowed the lump in my throat. Nang pumasok ang nurse ay tila nakalutang ang isip ko habang tinutulungan niya akong lumipat sa wheel chair. Sinabi niya sa akin kung saan ako dadalhin ngunit hindi ko na nagawang sumagot. Nang ihinto niya ako sa harap ng MRI room, sandali siyang nagpaalam na aalis lang sandali para balikan ang naiwang records ko. I sighed and shut my eyes for a moment. Nakarinig naman ako ng tunog ng paparating na wheel chair. Tumigil ito sa aking tabi, at nang imulat ko ang aking mga mata, kamuntikan nang tumalbog ang puso ko palabas. The guy in the next room is sitting on a wheel chair beside me. Nahihiya niya akong nginitian saka siya tunikhim. "Hi." My heart almost skipped a beat after hearing his deep but gentle voice. Nahihiya naman akong ngumiti pabalik bago bumati rin. "H—Hello." I pointed his head. "Pareho tayo." "Oo nga." Lumabas ang mapuputi niyang ngipin sa payak na pagngiti. "Kaso hindi ko maalala kung bakit ako nandito at bakit may benda ang ulo ko." "Really? Pareho tayo. Akala ko nga may hangover lang ako at nasobrahan lang ng inom kaya ako naisugod sa ospital." His forehead wrinkled. "Damn, are you my soulmate? Pareho tayo ng naisip." Nahihiya akong tumawa nang mahina. Ganoon din naman siya, at nang muli kaming nagkatinginan ay unti-unting naging munting ngiti ang kurba sa aming mga labi. I can't explain how comfortable it feels like to sit next to him. Tila ba hangga't nasa tabi ko siya ay magiging payapa ang bawat araw at gabi. Hindi ko alam kung maganda bang nakararamdam ako ng ganitong bagay para sa taong hindi ko naman kilala, pero kahit na naroroon ang pangamba ko, hindi ko rin mapigilan ang kagustuhan kong makilala siya. Kahit na nahihiya ay inialok ko ang aking kamay. "I'm Audrey by the way." The guy smiled, accepted my hand, and gently caressed the back of my palm with his thumb while he's staring into my eyes. "I'm Zon. I'd like to know you more..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD