Inilapag ko ang baso ng tubig sa mesang katabi ng hospital bed habang abala naman si Dr. Collado na i-check ang results ng MRI ko.
"Surprisingly, all your results didn't show anything we should worry about, except, of course sa selective amnesia mo. It can still be lethal, Audrey, kaya lagi mong tatandaan ang bilin ko na huwag mong pipiliting makaalala." Matipid niya akong nginitian. "Just give it some time at babalik din naman ang memorya mo."
Sandali akong nagdalawang-isip kung magtatanong ba ako, pero sa huli ay bumuka pa rin ang aking mga labi.
"Gaano ho katagal bago ko maaalala ang lahat? Ayaw ko naman maging pabigat sa ate ko. Hindi na ako dise-otso, Doc."
"Naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling. Sabi ng ate Adri mo, competitive ka sa kahit na anong larangan mula sa academics hanggang sa career mo, but you don't have to fight yourself right now. You don't have to feel that way dahil alam kong mas mahihirapan ang kapatid mo kung sakaling pinilit mong maalala ang lahat tapos ay napahamak ka lang."
He wrote something in my records before he spoke to me again.
"You'll be out of here by tomorrow. Things might overwhelm you a lot but remember that it's important to just give yourself some time."
"Pero hindi po ninyo sinagot ang tanong ko. How long will it take me to remember everything?"
Hinubad niya ang salamin niya sa mata saka siya bumuntong hininga. "I'm gonna be honest with you. Hindi natin masasabi kung kailan ba babalik ang memoryang nawala sayo. It might take a couple weeks, months, even years. Walang makakapagsabi kung kailan ang eksaktong panahon, pero kahit na ganoon, do not feel frustrated."
Basag akong ngumiti. "Papaano naman ako hindi ma-fu-frustrate, Doc kung sabi ni Zon ay baka kaya nabura ang alaala ko kasi iyon ang pinakamahalagang bahagi ng buhay ko?"
Gumuhit ang awa sa mga mata niya. Sandali naman kaming binalot ng katahimikan dahil sa sinabi ko. Tila ba kahit gusto niyang ipakitang wala siyang emosyon at ginagawa lamang niya ang trabaho niya, hindi pa rin niya maalis sa sariling makaramdam ng awa para sa mga pasyente niya.
Despite them needing to act like they don't care, I know and I feel how important saving lives is to people like them. Handa silang tumayo ng buong araw sa loob ng operating room makapagligtas lamang ng buhay, at kahit na nakakapagod iyon ay babangon at babangon pa rin sila kinabukasan para gampanan ang tungkulin nila nang walang pag-aalinlangan.
Sa totoo lang ay doon ako humahanga sa mga katulad nilang nasa medical field kaya nga gusto ko sanang mag-doktor noon kung hindi lang ako naawa sa kapatid ko. Siguradong magkakandakuba si ate Adriana sa pagtatrabaho para lang suportahan ang pangarap ko, at ayaw ko namang mangyari iyon.
The responsibilities our parents had left on her shoulders had already taken away a lot from her. Ayaw ko na dagdagan pa ang pinoproblema niya.
Humugot ako ng hininga at nginitian siya. "Huwag kang mag-alala, Doc. Hindi ko pasasakitin ang ulo ng ate ko. She'd done so much for me and Adler already. This is the least I can do for her."
Ginantihan niya ako ng ngiti. "Kaya hindi naramot ang ate mo, Audrey. Napakaswerte niya sa inyong mga kapatid niya. Huwag kang mag-alala. Tutal ay sa asawa ko naman nagtatrabaho ang ate mo, hindi ninyo kailangang problemahin ang professional fee ko. I already waved it for your sister. Para na namin siyang anak no Mercedes. Isa pa ay nabugbog na kayo ng gastusin dahil sa isang taon mong pagkaka-coma."
Hindi ko maalala kung kailan nagsimulanh magtrabaho sa kanila ang ate ko. Siguro ay sa mga taong nawala sa alaala ko.
"Salamat, Doc."
Marahan niya akong tinapik sa balikat. Limang minuto pagkalabas niya ay bumukas muli ang pinto. Napabangon ako nang makita si Zon na isinara ang pinto. He's still using cranes because his leg was injured during his accident, pero sabi niya ay makalalakad din naman siya nang maayos sa loob ng ilang buwan.
"What did he tell you?" tanong niya nang makaupo sa monobloc chair na nasa tabi ng aking kama.
Niyapos ko ang aking nakatuping mga binti at ikinalso ang aking baba sa aking mga tuhod. Sa nakalipas na mga araw ay madalas siyang nagpupunta sa silid ko para makipag-usap. Hindi naman ako naiilang. In fact, I feel comfortable around him as if I've already known him for many lifetimes.
"Makakalabas na ako, pero bawal pilitin makaalala. Ikaw ba?"
"Same." Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok. "Pwede naman siguro tayong magkita pagkalabas natin, 'di ba? I mean, wala naman sigurong magbabawal."
"Wala naman, kaya lang ay baka magselos ang ex-boyfriend ko."
Nakita ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya. "Ex mo pala, bakit pa magseselos?"
"I promised him that once I graduate, pwede na kaming magkabalikan—oh, wait. I'm not eighteen anymore. Eight years na pala ang lumipas." I sighed. "Kung naging kami pagkatapos kong grumaduate, dapat ay pinupuntahan niya ako, 'di ba? Ano kaya ang nangyari sa amin?"
"Tanungin mo na lang sa ate mo." Isinangkal niya ang kanyang mga braso sa gilid ng aking kama habang nakatitig siya sa akin. "Saan kayo nakatira?"
"Huh. Hindi ko pala 'yan natanong sa mga kapatid ko. Itatanong ko na lang mamaya at sasabihin sayo." I licked my lips. "Wala kang bantay?"
Umiling siya. "Babalik si Serenity mamaya."
Ako naman ang napakunot ng noo. Nakaramdam din ako ng bahagyang kirot sa ulo pero hindi ko na ipinahalata pa kay Zon.
"Sino si Serenity?"
"Ex ko. I'll be staying with her family once I get out of here since wala akong malapit na kamag-anak."
"Ex mo pero doon ka mag-s-stay? Hindi ba parang ang awkward naman no'n?"
He shook his head. "Para ko na kasing magulang ang parents niya. Bestfriends sila ng parents ko. I used to stay with them when I was studying college. Besides, Serenity said she's willing to work things out with me."
Napakurap ako nang makaramdam ng kirot sa aking puso. Kung ano ang dahilan no'n ay hindi ko makapa sa aking isip.
"So uhm, like you're gonna get back together?"
He nodded. "Parang gano'n siguro pero sabi ko bigyan niya muna ako ng panahong makaalala. Hindi naman panget ang break up namin. It was a mutual decision since he went abroad to pursue ballet, and I remembered telling her that I will wait for her to be ready."
Lalong tumindi ang kirot na naramdaman ng aking puso. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Hindi ko naman kilala si Zon, hindi ba?
Sandali akong tumikhim. "Kung gano'n ay baka hindi magandang ideya na magkita pa rin tayo pagkalabas natin?"
His forehead creased. "Why? Don't you wanna know me anymore?"
"Hindi naman sa gano'n." Itinulak ko ang ilang hibla ng aking buhok patungo sa likod ng tainga. "Ano lang kasi. Baka makaapekto sa inyo. Babae rin ako, eh kaya medyo nag-aalangan ako."
"Hindi naman gano'n si Serenity—"
Natigil ang sinasabi niya nang bumukas ang pinto at pumasok ang nurse kasama ang isang magandang babae. Nang makita niyang kausap ko si Zon ay napansin ko ang pagguhit ng inis sa maganda niyang mukha.
"Zon, pinag-alala mo ko. Akala ko kung saan ka na nagpunta." Lumapit siya kay Zon. "Halika na, bumalik na tayo sa kwarto mo. Nandoon na 'yong pinadala ni Mommy na lunch."
Tumango si Zon. Nang makatindig siya ay bumaling siya sa akin para magpaalam.
"Mamaya na lang, Audrey."
I smiled and nodded in response. Nang akayin na siya ni Serenity palabas ay napawi ang kurba sa mga labi ko nang makita ko ang talim ng tingin ni Serenity sa akin. She even glared at me before she shut the door of my room.
Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang hindi magandang ideya na ipaalam pa kay Zon kung saan kami nakatira. Kung magkita man kami paglabas namin dito ay tadhana na lamang ang bahala.
Napangisi ako nang mapakla sa naisip. Tadhana?
Saka na ako maniniwala kung magkikita nga talaga kami.
The door opened, and when I saw the man who entered while holding a bouquet of red roses and still pulling his luggage as if he just came from a flight, my lips parted in surprise.
"G—Gavin?"
Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Binitiwan niya ang maleta niya't dali-dali akong nilapitan upang yakapin.
"I missed you. Sorry, it took me long to come home. Ang hirap umuwi galing UAE."
He gave me the flowers then cupped my face before he kissed my forehead. Nasa ganoong posisyon kami nang bumukas ang pinto at bumungad si Zon habang may hawak itong kapirasong papel na siguro ay ibibigay sana sa akin, ngunit nang makita niya kami ni Gavin, napansin ko ang pagdilim ng ekspresyon niya.
Napaawang na lamang ang mga labi ko nang isara niya ulit ang pinto nang walang sabi-sabi. Nang balingan ko naman si Gavin ay napansin ko ang matalim na pagkakatitig niya sa saradong pinto habang nakaigting ang kanyang panga.
"Gavin, may problema ba?"
He sighed before he shook his head. Mayamaya ay ngumiti siya nang pilit sa akin bago siya nagsalita.
"Nakausap ko si ate Adri. Sasama ka sa'kin sa rest house ko sa Siargao. Mas makakapagpahinga ka doon."
Napalunok ako. "T—Talaga?"
He nodded before he hugged me again. Napabuntong hininga na lang ako habang nakakulong sa mga yakap niya.
Mukhang hindi kami meant na magkita ni Zon pagkalabas namin ng ospital, dahil ngayon pa lamang ay tila may pumipigil na sa amin