Kabanata 3

1741 Words
"Please be a little patient with Audrey. Dahil sa selective amnesia niya, she will probably act more like an eighteen-year-old," dinig kong sabi ni ate kay Gavin. Gavin smiled at my sister. "Lagi naman mahaba ang pasensya ko sa kanya mula pa noon, ate Adri." Ngumiti ang ate ko bago niya ako binalingan. Her eyes glistened with guilt, as if there's so many words she's trapping in her throat. Nang bumuka ang bibig niya ay akala ko sasabihin niya na kung ano ang gumugulo sa isip niya, pero sa huli ay bumuntong hininga lamang siya bago niya ako niyakap. "Palagi kitang tatawagan." Kumalas siya ng yakap at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Mag-iingat ka ro'n. Kung makakakuha ako ng leave, susunod kami ni Adler. Tandaan mo ang bilin ni Doc Collado, ah?" "Papaano pala ang check ups ko, ate?" She tucked my hair behind my ear. "Na-refer ka na ni Doc sa kakilala niyang ospital sa Siargao. Someone will handle your check ups and send the progress to your doctor here in Manila." I forced a smile. A part of me still feels bad that I left the hospital without telling Zon where I'll be staying. Tulog siya nang lumabas ako. Isa pa ay ayaw ko naman na magselos sa akin ang ex-girlfriend niya. "Oh, pa'no? Tatawag na lang ako, ate Adri. Kailangan na namin mag-check in," paalam ni Gavin kay ate. Ate Adri nodded before she gave me one last hug. Nang kumalas siya sa yakap ay bumaling siyang muli kay Gavin. "'Yong napag-usapan natin, Gavin ha?" Gavin forced a smile. "Hindi ko nakakalimutan." Kumunot ang aking noo. Nang hilahin na ni Gavin ang mga maleta namin ay hinintay ko na lang na makasakay kami ng eroplano bago ko siya tinanong. "Ano 'yong napag-usapan ninyo ni ate?" His gaze drifted from his laptop to me. "Uh, wala 'yon. Tungkol lang sa posibleng pagiging curious mo tungkol sa mga bagay-bagay na nakalimutan mo." His lips curved for a smile. "We have to be careful, don't we?" I jerked my head a little. Pakiramdam ko ay hindi naman iyon 'yon pero ayaw niyang aminin ang totoo sa akin. Hindi na lang ako nangulit pa't tumingin na lang sa labas ng bintana. Nang makarating kami sa resthouse ni Gavin sa Siargao ay halos magtatatakbo ako patungo sa tabing dagat. I can't believe it! Halos sa amin lang ang beach front at may kalayuan na ang ibang resort. Ang pinakamalapit na ay ang malaking bahay ilang metro ang distansya at may mga tanim na buko sa harap. Puti at asul ang pintura ng tatlong palapag na bahay, at sa beach front ay may mga sun lounger. Hindi naman iyon resort, hindi ba? Wala namang tao maliban sa lalakeng nagpupulot ng tila kalat na inanod ng alon sa dalampasigan. May saklay rin itong ginagamit upang hindi matumba. "Audrey, do you wanna eat first?" tanong ni Gavin. Lumingon ako sa kanya at tumango. I took another glance at the man facing his back on my direction before I finally went inside Gavin's resthouse. "Ang ganda ng resthouse mo, Gavin. Mayaman ka na ba ngayon?" usyoso ko na ikinatawa niya nang mahina. "I'm not that rich, Audrey. Nag-invest lang ako sa real estate gaya nito. When I'm not in the Philippines, I put this under AirBnB so it can generate income," sagot niya bago niya inilabas ang pagkaing nabili namin sa daan kanina. Naupo ako sa stool at ikinalso ang aking mga braso sa island counter. "Kwentuhan mo naman ako ng tungkol sayo. Hindi naman siguro makakasama sa akin." Tila sandali siyang nag-isip. "Okay, let's see which stuff won't harm you." He placed the food in his microwave then set the timer before he faced me again. "I work as a programmer in UAE. Na-endorse ako ng pinasukan kong company rito sa Pinas pagka-graduate ko." "Is that why we didn't get married, Gavin? You went abroad for your career?" I asked but Gavin stared at me with sadness in his eyes. Nagtaas-baba ang mga balikat niya saka siya ngumiti nang matipid sa akin. "No, Audrey. We uh... didn't get back together after we graduate." Kumunot ang aking noo. "Bakit? We promised to be together again, right? Ano ang nangyari?" Gavin drew in a sharp breath before he forced another smile. "Baka kung sasabihin ko ay makasama sayo. Let's just wait for your memories to come back, okay?" He patted my head. Napatitig naman ako sa kanya nang ilang malabong imahe ang pumasok sa isip ko. I was talking to someone while I was standing at a waiting shed. He patted my head before he offered me his umbrella. Hindi malinaw ang itsura ng lalakeng naka-buzz cut, at nang pilitin kong alalahanin kung sino iyon ay nakaramdam lamang ako ng hilo. "Are you alright? Masakit ba ang ulo mo?" tanong ni Gavin, nag-aalala. Lumunok ako't iniling ang aking ulo. "No. Nahilo lang nang kaunti." He nodded a little before he put our food on the island counter. "Sabihin mo kaagad sa akin kung hindi maganda ang pakiramdam mo." "I will. Hindi magiging matigas ang ulo ko." Hinagod niya ang kanyang palad sa aking likod bago kami nagsimulang kumain. Nang nasa kalagitnaan na ay napansin ko ang singsing na kanyang suot. Napakunot naman ako ng noo't tumingin sa kanya. "You're married?" He looked at me, a bit surprised. "Hmm?" Tinignan niya ang suot niyang singsing saka pilit na ngumiti. "Yes." "Hala, eh hindi ba nagseselos ang asawa mo?" Gavin sighed. "We uh... we fell apart, Audrey. Hindi na kami nagsasama." His words brought me another wave of flashbacks about a man kneeling in front of me, telling me he wants to end our marriage. Is that... him? Pero sabi niya 'di ba ay hindi kami nagkabalikan pagka-graduate namin? Who is it then? Sandali kong inilapag ang kutsara. "Then why are you still wearing your wedding band?" Gumuhi ang lungkot sa mga mata niya. "I made a vow to my wife that I will only remove it once I fell in love with someone else. At gano'n din siya." "Is she still wearing her wedding ring?" Lalo lamang lumungkot ang mga mata ni Gavin. "Hindi na..." "That's so sad." I sighed. "Hayaan mo na. Malay mo we can work things out, right? Naalala ko 'yong naging kaibigan ko sa ospital na si Zon. He's staying with his ex right now. Sabi niya plano nila i-work out ang sa kanila kapag nagbalik na ang memories niya." Nakita ko ang paglunok ni Gavin kasabay ng pag-iwas niya ng tingin. Mayamaya ay tumuwid siya ng upo. "Gusto mo bang mamangka mamaya? Mayroon akong speed boat. Pwede nating gamitin." Tumango ako kahit naramdaman ko ang pag-iwas niya sa usapan. "Sige." Hindi na siya kumibo pa. Nang may natanggap siyang tawag ay napansin ko ang pangalan ng caller. It was set as "Mahal". Kinuha kaagad ni Gavin ang phone na nakalapag sa island counter saka siya nagpaalam na sasagutin lang muna ang tawag. Pinanood ko na lang siyang umalis na parang ayaw niyang iparinig sa akin ang tawag. Looks like Gavin is still in love with his ex-wife. Kung ganoon ay malabo na ma-work out namin ang dati naming relasyon. Ano kaya ang nangyari at hindi kami nagkatuluyan? I sighed after my head pulsated again. Nangako ako kay ate Adriana na hindi ko pipiliting makaalala. Siguro mas magandang hayaan na lamang muna na magkaroon ako ng flashbacks. Kahit na nangangati na akong malaman ang mga bahagi ng buhay kong nakalimutan ko, hindi ko pwedeng suwayin si ate Adri. Tinapos ko na lang ang pagkain ko saka ako ulit lumabas para maglakad-lakad sa dalampasigan. Sa katititig ko sa aking mga paang tinatamaan ng alon, hindi ko na napansing nakarating na ako sa tapat ng malaking bahay. My head bumped on someone's chest, and when I looked up, my eyes widened in surprise when I realized whom I bumped into. "Z--Zon?" Kumunot ang kanyang noo, halatang hindi rin makapaniwalang nagkita pa kami rito. Nang tila nakabawi siya ay bahagya siyang sumimangot. "You left the hospital without telling me, Audrey. Did I do something wrong for you to just leave me like that?" Napakurap ako dahil para siyang nobyong nagtatampo. My heart jumped with the thought. Ano ba naman iyong naisip ko? Kung saan-saan na lumipad ang utak ko. "Sorry. Ayaw ko kasing magselos ang ex mo." He sighed before he buried his palms in his jogger's pockets. Nanatili naman ang kanyang mga mata sa akin. "That's not fair. What if fate is against us, Audrey? Hindi na sana tayo nagkita ulit." Napalunok ako matapos magwala ng aking puso. His words... why did it sound so good to hear? "Do you... believe in fate, Zon?" A small curve made its way to his lips. "Why wouldn't I when I had been desperate to see you again after you left the hospital, only to see you here again?" The butterflies in my belly danced to the beat of my heart. Hindi ko mapigilan ang kilig ko kahit na pakiramdam ko ay hindi tamang ganito kaagad ang nadarama ko sa taong kakikilala ko pa lamang. Kaya lang ay ang hirap labanan lalo na nang inipit niya ang hinanging hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. I felt a sense of nostalgia, and my heart longed for a home I barely knew. Bakit ganito? "Huwag mo na akong basta iiwan nang gano'n, Audrey. You don't know how much it drove me crazy just by thinking that I wouldn't see you again." I inhaled a silent breath. "Y--You really wanna know me?" Our eyes met once more. Ngunit bago niya ako nasagot ay tinawag na ako ni Gavin. "Audrey! Gusto kang makausap ng ate mo." Parehas naming tinignan si Gavin bago ako nagpaalam kay Zon. Nakakunot na naman ang kanyang noo na tila ba nagseselos. Ayaw ko namang i-entertain ang naisip ko dahil kakikilala ko lang sa kanya. "Sige, ha? Mamaya na lang." I started running towards Gavin, but when Zon spoke again, I paused and looked back. "Manood tayo ng sunset mamaya." I stared at him then flashed a small smile. "Sige--" Nahinto ang sinasabi ko nang magkaroon ako ng flashbacks tungkol sa akin at sa isang lalake. Nanonood kami ng sunset. Mayamaya ay naglabas siya ng singsing at inalok akong magpakasal. The memory started to turn vivid, but before I even managed to see the man's face, my head started to spin until I lost my consciousness. No...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD