My eyes stared blankly at the white ceiling of my hospital room. Naisugod pala ako rito dahil sa pagkawala ng malay ko kanina sa dalampasigan.
I could hear Gavin talking to my sister over the phone. Nasa labas lang siya ng silid ko at halatang namomroblema dahil sa kalagayan ko.
I sighed and shut my eyes. Hindi ko gusto ang ganito. Iyong tila nagiging problema ako ng mga taong nasa paligid ko, lalo na ng ate ko. I hope I will remember everything immediately so we can all go back to our own lives.
Ngunit papaano kung ang buhay na babalikan ko ay hindi kasing ganda ng inaasahan ko? Napakapit ako sa kumot at muli na lamang humugot ng malalim na hininga.
I've been craving to grow up fast so I can finally help ate Adriana in everything. Kaya nga noong ika-eighteenth birthday ko ay ang saya-saya ko dahil pwede na akong mag-part time job.
Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan at inalala na lamang ang huling kaarawang naaalala ko pa.
The blinding lights of the club made me squeeze my eyes. Rizza was holding my hand, guiding me as we made our way to our table. They surprised me tonight since I was the last in our circle to reach eighteen, at ngayon lamang nila ako nayaya sa ganitong lugar.
"Mahal naman yata ang nagastos ninyo!" sigaw ko sa lakas ng tugtog.
Maybe my eardrums are not used to loud noise that I feel like the music was in max volume. Pati yata internal organs ko ay dumadagundong!
Rizza grinned. "Nag-ambagan naman kami para rito. Ideya 'to ni Steph kaso siya naman ang hindi nakasama!" pasigaw na sagot sa akin ni Rizza.
I settled on the leather couch next to Rizza and Kylie. Nilagyan naman ako ni Margaux ng sash na may nakasulat na "birthday girl".
I smiled at my friends. Kahit busy ang lahat para sa papalapit na finals ay nagawa pa nila akong sorpresahin.
"Thank you!" I shouted.
They all cheered for some drinks. Umiling na lamang ako habang nakangisi. Alam kong sa pagkakataong ito ay hindi na ako makatatanggi kaya hinayaan ko na lang silang mag-order para sa akin.
"Gaga ka, Margaux! First time niyang iinom tapos margarita kaagad ang kukunin mo? Bigyan ninyo muna ng flavored beer!" dinig kong sita ni Kylie.
"Hindi sa akin galing 'yan!" sagot ni Margaux na nakapagpakunot sa noo namin.
Tumingin si Rizza sa waiter na naglapag ng margarita sa aking harap. "Mali po yata ang table. Wala kaming order na Margarita."
The waiter smiled before he pointed the group of guys on a standing table near the dance floor.
"Galing po kay Sir Zon. He and his friends asked if they can join you later."
"Ay, terey! Virgin sa club pero may admirer kaagad!" biro ni Kylie.
Namula ang magkabila kong pisngi. Nang mapatingin ako sa grupo ng mga kalalakihan ay halos tumalon ang puso ko palabas nang ngumisi sa akin ang pinakagwapo. He even lifted his bottle of whiskey as if asking me for a toast.
Lumunok ako, hindi alam ang gagawin. Should I lift the drink they gave me or I should look away instead?
I pursed my lips together and nodded my head, thanking him. Sumimsim naman siya sa kanyang baso habang pinananatili ang titig sa akin.
"Teka lang, tanungin muna natin si Audrey. Siya ang may birthday." Rizza patted my hand. "Ano? Papayag ka ba?"
Sandali akong sumulyap sa grupo ng mga lalake. Mukha naman silang mga disente. As a matter of fact, they looked... expensive.
I tucked my long brown hair behind my ear before I looked at my friends who are also checking the guys out. Ramdam ko ang interes nila sa mga ito. Palibhasa ay pare-pareho namang walang lovelife kaya siguro gusto rin na pumayag. Sadyang hinihintay lang na ako ang magdesisyon.
I took in some air before I smiled at the waiter. "Okay po. Huwag lang nila kaming babastusin."
"Naku, Ma'am. Parokyano namin ang mga 'yan dito. Mababait 'yan. Ngayon lang din may binigyan ng drinks at may natipuhan na samahan. Madalas doon lang sila sa second floor para magbilyar."
"Gano'n ba? Sige po. Pakisabi okay lang."
Tumango siya sa akin saka na siya nagpunta sa grupo ng mga lalake. Binulungan nito ang naka-buzz cut na kanina pa nakatitig sa akin. Nang masabi ng waiter ang sinasabi nito ay nakita ko pa ang pagtapik nito sa likod ng waiter. The other guy who's wearing eyeglasses ordered something before they all went to our table.
Apat din sila, at dahil lumipat si Kylie sa isa pang couch ay nagawang pumwesto ng lalakeng naka-buzz cut sa aking tabi.
Napalapat ako ng mga labi sa isa't isa nang maamoy ko ang panlalake niyang pabango. Gosh, he doesn't just look expensive in his black polo shirt and jeans. He also smells like old money.
"Hi," bati niya, at dahil malakas ang tugtog ay kinailangan niyang yumuko sa aking tainga. Napakapit tuloy ako sa laylayan ng dress ko nang tumama ang mabango niyang hininga sa aking balat.
My cheeks flushed as I shyly smiled. "H—Hello." I pointed the Margarita on the table. "S—Sayo galing?"
He jerked his head while his wild eyes stared at mine. Napasinghap pa ako nang pumatong sa edge ng backrest kung saan ako nakasandal ang braso niya.
"Yeah." Inilapag niya ang basong hawak sa mesa saka niya inialok ang kanyang kamay. "Zonier, but my friends call me Zon. You are?"
Lumunok ako't tinanggap ang kanyang kamay. "Audrey."
"Cute name." He smirked while gently caressing the back of my hand with his thumb. "Birthday mo? Ilang taon ka na ngayon?"
"Eighteen."
He whistled. "I'm two years older then. Where are you studying?"
"UP Diliman."
"Angas." His smirk turned into a grin. "'Di ka lang pala maganda. Matalino ka rin."
Namula ako lalo sa kanyang sinabi. "T—Thank you. Kayo ba ng... ng friends mo?"
"Adamson. We're taking up Engineering." He licked his lower lip. "Let me guess. You're studying BM?"
I nodded, looking so amazed. "How did you know?"
Kinuha niya ang Margarita at ibinigay sa akin bago niya kinuha ang kanyang baso. "I just figured it out. Cheers."
Mahina niyang iniumpog ang hawak niyang baso sa Margarita glass ko bago kami parehong uminom. It didn't taste so bad, kaya lang ay gumuhit pa rin ang alak sa lalamunan ko kaya napangiwi ako nang bahagya.
Zon chuckled softly. "Hindi sanay uminom?"
I shook my head. "First time ko."
"Really? Huh. I should've given you flavored beer instead. Dibale hindi naman gano'n katindi ang tama niyan."
"Ayos lang—"
Naputol ang sinasabi ko nang marinig ko ang pagbati ng DJ sa akin. Everyone inside the club sang me a happy birthday song, at nang natapos ay idinala sa akin ang tatlong tequila shots.
Afraid to waste my friends' efforts and the club's free drinks, I drew in a sharp breath then took the shots. Nakapanood na ako sa movie kung papaano iyon inumin kaya kahit papaano ay hindi ako nagmukhang ignorante.
I took the shots one after the other. Kaya lang ay nakakadalawa pa lamang ako ay parang babaliktad na ang aking sikmura. Nang siguro ay napansin ni Zon na hindi ko na kaya ang huling shot, kinuha niya iyon at ininom. Ni hindi niya na ginamitan ng lemon na para bang sanay na sanay na siya sa ganoong alak.
Makahulugang nagtinginan ang mga kaibigan kong may kanya-kanya ring partner na friends ni Zon.
Nang umalis ang waiter na may dala ng tequila, nahihiya akong bumaling kay Zon. "Thanks. Baka wala pang thirty minutes nagsusuka na ko rito kung hindi ikaw ang uminom no'ng huli."
"Not a biggie," he said while tucking my hair behind my ear. Nagwala naman ang dibdib ko sa kanyang ginawa. Mabuti na lamang at nakainom ako ng alak kaya kahit paano ay may dahilan ang pag-init ng pisngi ko. "Do you play billiards?"
"Medyo marunong lang. Why?"
"Let's play. Pustahan."
"Ayaw ko, baka kung ano naman ang kapalit."
He smirked. "Hindi naman. Grabe ka naman sa'kin." He drew small circles on my upper back. "Kung manalo ka, magpapainom ako ng pinakamahal na whiskey ng club. Kung ako naman ang manalo..." He leaned to whisper on my ear. "You'll give me a kiss."
Napaawang ang aking mga labi. "K—Kakikilala lang natin."
"Smack lang naman." He stared at my lips. "Hindi naman tayo magse-s*x after."
Napalunok ako at wala sa sariling napatitig sa kanyang mga labi. Bakit parang... ang lambot-lambot no'n? Bakit parang gusto ko rin iyong tikman?
"Ano, game? I'll use my non-dominant hand para fair game lang," he said, really pushing it.
Kung sabagay, smack lang naman. Isa pa ay hindi ba may balitang may bagong ka-date si Gavin? Wala naman sigurong mawawala. Hindi naman ako mabubuntis ng simpleng smack. Mag-e-enjoy pa ang friends ko kung sakali.
I drew in a sharp breath. "Okay. Deal."
Kunurba ang mga labi ni Zon para sa isang ngisi. "Cool." He patted my head. "Let's go then..."
"Saan ang punta?" tanong ng tropa nito nang makitang tumayo si Zon.
"Sa taas. Maglalaro lang sandali," he replied before he offered his hand.
Uminit ang aking pisngi nang tanggapin ko ang kamay niya't pinagsalikop niya ang aming mga palad. Nagsisunod naman ang mga kaibigan namin sa billiards area.
I was a bit confident when the game started. Mahilig kaming maglaro ng bilyar ng mga kapatid ko dahil dating manlalaro si Papa, pero nang sumablay ang isa kong tira at nakakuha ng pagkakataon si Zon, napalunok na lamang ako nang hindi niya na ako pinatira.
He smirked at me as the last stripe ball dropped into the hole. Tumuwid siya ng tayo at makahulugang tumingin sa akin. Umalingawngaw naman ang kantyawan nang hawakan niya ako sa batok habang may munting kurba sa kanyang mga labi.
"Sabihin mo lang kung nagbago ang isip mo. Hindi naman ako magpipilit," sabi niya habang wala nang isang dangkal ang layo ng aming mga mukha.
I swallowed before I tiptoed and kissed him on his lips. It was just a quick kiss, but my heart almost exploded when I felt his tender lips.
Ngumisi naman siya't pinasadahan ng dulo ng dila ang ibabang labi habang kumikislap ang mapang-akit na mga matang nakatitig sa akin.
"Jolo, order the best whiskey they have. Papainom ako."
Humalakhak ang kaibigan nito. "Tangina, ang mahal naman ng halik ni Audrey!"
Ngumisi si Zon. "Masarap din..."