"Sorry, but I can't drink anymore," I said when my head started spinning.
Nasa billiards area na lang kami ng club at hindi na bumaba pa. Zon and his friends rented the second floor for us kaya naman enjoy na enjoy ako at ang mga friends ko.
Zon sat next to me with his glass of whiskey in his hand. Namumula na rin ang magkabila niyang pisngi dahil sa epekto ng alak, at habang tinititigan ko siya nang matagal ay lalo lamang siyang gumagwapo.
He has this bad boy aura I never thought I would ever like. His brows were thick and manly, and the proportion of his face is just jaw dropping as if God took His time in molding Zon's face. At ang mga mata niya, it reminds me of a place my soul craves to come home to.
"I can take you home if you want," alok niya.
Umiling ako. "Hindi na. Mag-ta-taxi na lang ako. Marami ka nang nainom."
He slouched on his seat. "Hindi naman ako mahinang nilalang. Wala pa nga 'to sa kalahati ng kaya ko. I can still see your beautiful face clearly."
Alam kong hindi na lamang dahil sa alak kaya uminit ang aking mukha. His compliments are making my heart jump all the time, as if it was my first time hearing someone call me that way.
Tinignan ko na lang ang friends ko para lang iiwas ang aking tingin sa nakapapaso niyang titig. This man's effect on me is simply unbelievable.
Margaux is giggling while leaning against the billiards table. Nasa harap niya si Darius na nakangisi rin at titig na titig sa kanya. Margaux doesn't entertain boys easily. She likes smart guys, so seeing her flirting with Darius is something.
"Tabi diyan. Kapag tinamaan ko kayo ng bola iiyak-iyak kayo," Kylie warned. Nakangisi namang umiling si Jolo, iyong nakasalaming kaibigan ni Zon. "Landian nang landian!"
Humalakhak si Thedrigs na katabi ni Rizza. "Landiin mo kasi, Jolo. Zon, ang hina nitong bata mo."
"Virgin pa 'yan, gago." Tumawa si Zon pagkasabi. Mayamaya ay pumatong sa aking hita ang mainit niyang kamay saka niya uli inasar ang kaibigan. "Jolo, lambingin mo kasi. Puta, para kang babae."
Nalunok ko ang aking laway habang nakatitig sa palad ni Zon na nasa aking hita. When his thumb stroked my knee, I felt a sudden burst of heat all over my body. My skin craved to feel his palm all over me, at hindi ko maipaliwanag kung bakit.
Nanatili lamang ang tingin ko sa kanyang kamay habang nadarama ko ang init sa aking katawan. Nang mapansin niyang nakatingin ako roon ay nahihiya niyang inalis ang kamay niya.
"Sorry. I didn't mean to touch you without consent."
My heart felt a different kind of warmth. I didn't realize he'll apologize for it, kahit hindi naman ako nagsabi nang kahit na ano o sumimangot.
"It's... fine." I chewed my bottom lip when I felt a surge of heat in my body. "A--Ayos lang naman."
His eyes flickered with desire as if he smelled the arousal in my body. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya para akong lalagnatin, at lalo pang lumalala ang init sa aking katawan nang mapansin ko ang pag-igting ng panga ni Zon.
As if we both understand our needs, he glanced at our friends before he anchored his arm on my shoulders. He then pulled me to whisper on my ear.
"Do you... wanna book a hotel with me?" he asked huskily. Ngunit kahit nag-iinit ay ramdam ko ang pagpipigil niyang maramdaman kong binabastos niya ako. Tila ba kahit na ganoon ang tanong niya ay tinatantya niya pa rin ang magiging reaksyon ko.
A part of me wanted to say no, but the attraction I was feeling for him is too much that I soon found myself getting inside his car. Kumakabog ang puso ko sa magkahalong kaba't excitement, at hindi ko maipaliwanag kung ano ang mas nananaig.
I watched him get into the car. Nang maisara niya ang pinto ay tinitigan niya ako matapos niyang buhayin ang makina ng sasakyan. His eyes glistened with desire, and when he leaned to kiss me on my lips, I shut my eyes and finally surrendered.
Parang lalo akong nalasing. His kisses were rough and needy. At nang pigain niya ang aking hita na tila hindi na makapagpigil ay umungol ako sa kanyang bibig.
"Fuck..." He checked my lips. "Napadugo ko naman na yata."
We both chuckled softly because of what he said. Umayos naman siya ng kanyang upo at pinatakbo na ang kotse patungo sa hotel.
I feel so lightheaded as we walked towards our room with entwined fingers. Para kaming magkarelasyon, at tuwing hinahaplos ng hinlalaki niya ang likod ng palad ko ay nagbubunyi ang mga lasing na paruparo sa tiyan ko.
"Thanks," he said before the hotel staff left.
Dumoble ang kabog ng aking dibdib nang makapasok na kami. Hindi ko alam kung bakit ko ba ito ginagawa, at kung bakit ganito ako karupok pagdating sa lalakeng kakikilala ko pa lamang. All I know is his touch is so irresistible. His kisses are making me lose my mind.
He shut the door behind him before he held me by my nape and claimed my lips. Napasara ako ng mga mata habang paatras na naglalakad. My back felt the soft mattress against it while Zon controlled his weight on top of me.
Lalong lumiyab ang init sa aking katawan nang hubarin niya ang suot niyang polo shirt. Nagpala ang mga mata ko sa hulmado niyang katawan. I can't even keep my hands to myself anymore as I savored the sight in front of me.
Pumungay ang mga mata niya nang pasadahan ko ng aking palad ang kanyang balikat pababa ng kanyang dibdib at tiyan. I even saw his jaw clenched when my fingertips traced the cracks on his tummy.
"Let's get rid of this before I tear it apart," he said in a husky way before he pulled my dress down. I suddenly felt exposed. Pero imbes mahiya at magbago ang isip ay lalo lamang tumindi ang init na nagpapahina sa mga tuhod ko.
He pulled his wallet out and put the condom in it on top of the bedside table before he got rid of our remaining clothes.
Zon claimed my lips hungrily while he's touching me in places even Gavin never had the chance to reach... and it feels so heavenly. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon ang pakiramdam ko. Na imbes magsisi na ibinibigay ko sa isang estranghero ang katawan ko ay tila gustong-gusto ko pa ang nangyayari.
"Is this your... first time?" tila alanganin niyang tanong nang mapansin niyang hindi ko alam ang aking gagawin.
Tinamaan ako ng hiya. Nalunok ko ang aking laway saka ko marahang itinango ang aking ulo. "Y--Yes. A--Ayaw mo na?"
Zon smirked as if he's trying not to laugh. "No. Halata naman sayo. I just... feel overwhelmed that you agreed to do it with me. Anyway..." Bumaon ang mukha niya sa aking balikat at hinalik-halikan ako roon bago siya bumulong sa aking tainga. "We'll do it slowly so I won't hurt you a lot..."
Hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari. Ang alam ko lang ay sobrang bigat ng ulo ko pagkagising.
I groaned and tried to remember what happened. My eyes squeezed shut as memories of last night came inside my head. Nang maalala ko ang nangyari sa amin, kung papaano akong humikbi nang madama ang pagkapunit ng pagkababae ko, at kung paano ko inungol ang pangalan ng lalakeng pinagbigyan ko sa sarili ko, napasinghap ako't napatakip ng palad sa bibig.
"Oh God..."
Napalakas yata ang sabi ko. The guy sleeping on his stomach next to me, moved his body and faced me. Napaawang ang aking mga labi nang matitigan ang gwapo niyang mukha. May mantsa pa ng lipstick ko ang kanyang pisngi't mga labi!
My heart went wild when he pulled me close and hugged me. His manly scent caressed my nostrils, calming my raging heart.
Nakaramdam ng kakaibang init ang aking puso habang yakap niya ako. Bakit gano'n? Why do I feel safe and sheltered in his arms, as if he's the home I've been looking for in all of my lifetimes?
I swallowed while unable to move. Mayamaya ay tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table.
He groaned and went on top of me so he could reach his phone. Nang sagutin niya ang tawag ay hindi na siya nag-abalang umalis sa aking ibabaw.
"Hello."
I watched his forehead creased. Umigting din ang panga niya na para bang nainis sa narinig. Mayamaya ay marahas siyang bumuntong hininga.
"I heard you, Serenity. I'll be there in thirty minutes."
My eyes blinked. Serenity? Pangalan ng babae? My eyes widened. Did I sleep with a committed man?
Hinintay kong matapos ang pag-uusap nila bago ako bumangon. Nagpunta naman siya ng bathroom at naligo kaya kinuha ko na ang pagkakataon para magbihis. Sa bahay na ako maliligo. Hindi naman siguro ako sisinghutin ng taxi driver.
I wore my clothes and tiptoed on my way out, at nang makalabas ay saka ko lang sinuot ang sapatos ko.
Lumabas ako ng hotel na parang may nagawa akong krimen. I kept dodging people's stares until I left the hotel. Nag-abang ako ng taxi sa labas, pero dahil marami ring nag-aabang ay nahirapan akong pumara.
Tawag na rin nang tawag ang ate ko, siguro ay nag-aalala kung saan ba ako natulog. Kailangan ko palang sabihan sina Rizza na sabihin kay ate Adri na sa kanila ako nagpalipas ng gabi kung hindi ay malilintikan ako sa ate ko.
I chatted Rizza, but in the middle of typing my message, a familiar car stopped in front of me. Napaangat ako ng tingin, at nang ibinaba ni Zon ang bintana sa shotgun seat, nalunok ko na lamang ang aking laway.
"Get in, Audrey," halatang naiinis niyang sabi.
Wala na akong nagawa pa kun'di ang pumasok sa kotse. Nang umandar ang sasakyan ay halos hindi ko alam ang gagawin. Hindi rin siya nagsalita ng ilang minuto hanggang sa makaliko kami sa highway.
"Kung hindi ka nasarapan, ulitin natin."
Napaawang ang mga labi ko sa kanyang sinabi. "Ano?"
His jaw clenched. "Sabi ko kung hindi ka nasarapan, ulitin na lang natin hindi 'yong bigla-bigla mo kong iiwan."
I was speechless. Akala niya ba ay kaya ko siya iniwan sa kwarto ay dahil hindi ako nag-enjoy?
"Hindi sa gano'n. I just... thought that I slept with a committed man."
Kumunot ang kanyang noo. "Dahil sa phone call?" He sighed, his expression now lightened up. "I wouldn't even answer it in front of you if Serenity is my girlfriend." He grinned at patted my head. "Silly, Audrey."
Nahihiya kong iniwas ang aking tingin. "Sorry naman, medyo judger ako nang kaunti."
"It's alright." He gave me his phone. "Give me your number and your socials so we can meet when we're free."
"So... you still wanna see me after this?"
He looked at me and placed his palm on my thigh before he spoke. "I took your virginity, baby. Can't let you go out there and still date another man..." He gently squeezed my thigh. "Pinunit ko, babakuran ko..."