"Ang hirap namang maging estudyante! Parang gusto ko na lang mag-asawa ng negosyanteng may stage four cancer tapos tamang lowkey flex na lang ako sa home buddies sabay hashtag ng feeling blessed!" dinig kong litanya ni Kylie habang nakaupo kami sa damuhan.
Stephanie hit her cousin, Kylie on her head with a constitution book. "Puro ka reklamo diyan, si tita Menggay hindi naman nagrereklamo kahit araw-araw nagkukuskos ng inidoro sa Saudi. Mag-review ka diyan!"
Natatawa na lang kaming umiling nina Rizza at Margaux. Sanay na sanay naman na kami sa bangayan ng magpinsan.
I focused on my notes again and tried to memorize the stuff that might be included in the exam. Mayamaya ay nag-vibrate ang cellphone ko dahil sa magkasunod na chat na natanggap ko.
The first chat was from Gavin. He was asking me about my birthday celebration... at kung sino iyong lalakeng pinasabog ang notification ko dahil sa pag-like sa lahat ng posts ko sa f*******:.
Ibinaba ko ang binder ko't nagtipa ng reply.
Ako:
Okay naman. Masaya naman birthday ko. Sino muna 'yong bago mong idini-date?
Sumilip si Margaux. Nang mabasa ang chat ko kay Gavin ay sinundot niya ako sa tagiliran. "Bitter na bitter ang dating, ghorl?"
"'Di naman. Nagtanong lang naman ako."
"Gaga, ang bitter ng dating. Para kang girlfriend na nagseselos." Humiga na siya sa damuhan. "Kung sabagay, ang pogi rin kasi niyang ex mo. Hindi mo rin masisisi kung may mga babaeng aaligid."
I sighed. Sa totoo lang wala naman akong balak sakalin si Gavin. Kung may magugustuhan man siyang iba kahit na may pangako kami sa isa't isa ay ayos lang naman. Kung saan siya masaya, susuportahan ko naman siya. Siguro magiging masakit sa simula, pero hindi ko siya pipigilan.
Gavin and I dated since we were in highschool. Kakumpitensya ko siya sa honors palagi, at nang maging magkapareha kami sa isang quiz bee noon, nalaman naming crush namin ang isa't isa.
Our break up wasn't bad as well. Hindi kami nagtalo o nagsolian ng gamit. We simply talked about my sister's request. Na sana raw ay saka na lang namin atupagin ang relasyon namin kapag naka-graduate na kami ng kolehiyo. Since Gavin's parents don't approve our relationship, I agreed with my sister and broke up with Gavin.
In-exit ko ang chat niya't tinignan ang isa pa. Hindi ko alam kung bakit umaliwalas ang mukha ko nang mabasa ang pangalan ni Zon. Ang loko-lokong ito? Ini-stalk ang account ko hanggang sa pinakadulo!
Zonier:
Hi, Miss. Pwede makipag-date sa Sabado?
My lips stretched for a wide smile. Nang makita ng mga kaibigan ko ang pagngiti ko inalaska na naman nila ako.
"Si Ginoong Club Zero na naman 'yan, ano?" tanong ni Kylie sa akin.
"Kailan mo ipapakilala sa akin 'yang nag-take out sayo, hmm?" si Stephanie.
Nanlaki ang mga mata ko't muntik ko siyang batuhin ng binder. "Ang ingay mo!"
"Gaga, nasa UP ka! Sa unibersidad kung saan may nag-o-oblation run! Sus!"
I shook my head. "Kahit na. Nakakahiya pa rin. First time ko 'yon at huwag na huwag ninyong ichi-chismis sa ate ko kun'di baka kurutin ako no'n sa singit gamit ang nail cutter."
"Nag-safe s*x naman ba kayo? Baka mamaya hindi ka pa graduate, bundat ka na," ani Steph.
"Oo, may condom, at nag-morning pill ako."
Ibinalik ko ang atensyon ko sa screen ng cellphone ko nang mamula ang mukha ko sa hiya. Hinayaan ko na lang silang magchismisan tungkol sa mga gwapong taga-Adamson na nakilala namin noong birthday ko. Nag-focus na lang ako sa pag-reply kay Zon.
Ako:
I'll think about it.
Zonier:
Will a kiss change your mind?
I pursed my lips and shook my head. May nalalaman pang offer ng kiss eh naka-home run na nga?
Ako:
Hmm. Siguro.
Zonier:
Romantic dinner at my new place. Binyagan na rin natin. By the way, kumusta araw natin, baby?
I chewed my bottom lip for three reasons. Una, dahil kinikilig ako. Pangalawa kasi kinikilig ako. Pangatlo, malapit na akong tumili dahil sa kilig kahit napakababaw naman ng dahilan.
Ano ba ang ginagawa sa akin ng lalakeng ito at ang simple-simpleng bagay ay ganito ang nagiging reaksyon ng sistema ko? Hindi naman ako ganito kay Gavin noon!
"Kayo na ba at kung makatawag 'yan ng baby eh parang nakasuso na 'yan sayo?" tanong ni Stephanie na hindi ko napansing nakadungaw na sa screen ng cellphone ko.
My cheeks burned. "Steph naman! 'Yang bunganga mo!"
Kylie laughed. "Gaga, syempre dumede na. Na-ano na, eh!"
I rolled my eyes at them. Bakit nga ulit naging friends ko ang mga ito? Ang babastos ng mga bibig!
Oh, right. They're real to me and they always have my back no matter what. Kapag walang pampa-photocopy ang isa ay nag-aambagan kami. Kung walang pambayad ng tuition ay nag-aabot kami ng tulong para lang makapag-exam ang kulang ang pera.
Hindi ko sila kayang itakwil kahit na madami akong kahalayang naririnig sa kanila.
Nag-reply na lamang ako kay Zon. Nang matapos ang vacant hours namin ay nagsibalik na rin kami sa kanya-kanya naming classroom. Si Stephanie lang naman ang naiiba dahil may balak mag-abogada kahit saksakan ng sama ng bunganga.
"Girl, imagine kung naging abogado na si pinsan, kapag may sumigaw siguro ng objection, sasagot 'yon ng sungalngalin ko 'yang ngalangala mo ng objection," ani Kylie na nakapagpabungisngis sa amin. Naabutan tuloy kami ni Prof. Rosas na ganoon ang itsura.
"Ang ingay-ingay niyo na namang apat diyan!" sita niya sa amin.
We all pursed our lips and bowed our heads. Ayaw naming tignan ang isa't isa dahil baka matawa lamang kami. Oh, God it was so hard behaving well when I'm seated next to my friends. Nakakakabag!
The class started. Kahit na madalas kaming pagalitan ni Prof. Rosas ay maipagyayabang naman naming halos kami lamang apat ang pumupuntos sa recitation. Nag-debate pa kami ni Margaux, at kung hindi tumunog ang bell ay baka inabot na kami ng madaling araw.
When our classes were over, nakatanggap ako ng bagong chat mula kay Zon.
Zonier: Nandito ako sa gate na may malapit na 7-Eleven.
I looked at my friends. "Una na ko. Nasa labas si Zon."
"Terey! Sinusundo na ng naka-car ngayon!" Tumawa si Kylie.
Pabiro ko na lamang silang inirapan saka ako umalis upang puntahan si Zon. Nang makita ko ang kotse niya sa labas ay kaagad akong lumapit. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto sa shotgun seat habang lukot ang noo niya.
"Anong problema?" hindi ko naiwasang itanong nang makapasok siya sa driver's seat.
"Eh, 'yong gagong guard diyan pinapaalis ako sabi kong sandali lang naman. Ipinipilit na para lang sa customers ang parking space. Hindi naman nila ikalulugi ang pag-park ko."
I sighed. "Ginagawa lang niya ang trabaho niya, Zon."
"Kahit na. Nakakaputangina--"
"Zon."
He glanced at me then sighed. Mayamaya ay itinuro niya ang pisngi niya habang salubong pa rin ang mga kilay. "Kiss mo na nga lang ako nang mawala ang inis ko."
I rolled my eyes before I leaned to kiss him on his cheek. Nang makabalik ako sa maayos na pagkakaupo sa shotgun seat ay napansin ko ay pag-aliwalas ng kanyang mukha pati na ang pigil na ngisi sa kanyang mga labi.
"Tangina it feels illegal na kiligin," aniya na nakapagpatawa nang mahina sa akin.
"Conyo 'yan?" I teased.
Tinusok niya ako sa tagiliran bago niya pinatakbo ang kotse. Mayamaya ay lumapat ang palad niya sa aking hita.
"Nakalipat na ko," he said.
"Talaga?" Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga. "Bakit ka nga ulit lumipat?"
Kung makapag-usap talaga kami ni Zon ay para bang ang tagal-tagal na naming magkakilala. We feel so comfortable with each other. Isang bagay na sa kanya ko pa lamang naramdaman.
He tapped his fingertips on my thigh. "Baka magselos ka kay Serenity. Sa kanila ako nakatira." He smirked. "Bait ko, 'no? Sobrang swerte mo sa'kin kapag sinagot mo ko."
Pakunwari ko siyang inirapan. "Bakit... doon? 'Di ba sabi mo sa chat ex mo 'yon?"
"Bestfriends parents ko at parents niya. Parehong nasa Switzerland parents ko kasi nurse silang dalawa. Nasabi ko na sayo trabaho nila, 'di ba?"
I nodded. "Yes. Sa tawag kagabi."
"Right. Toxic pamilya namin both sides kaya no'ng pati si Mama sumunod na sa Switzerland, imbes sa relatives namin sa probinsya, kina ninang Selina na lang ako iniwan tutal malaki na ko."
"Oh, buti naman pinayagan ka nila na mag-rent na lang ng sarili mong apartment?"
"Pumayag naman. Mataas naman grades ko." He gently squeezed my thigh. "Ituro mo 'yong daan pauwi sa inyo. Hindi ko na masyadong kabisado 'yong address na sinabi mo."
I instructed him about how to reach our apartment. Nang marating namin ang bahay na inuupahan namin ng mga kapatid ko ay sakto namang bumababa ng taxi si Gavin habang may buhat na bungkos ng bulaklak.
Akala ko ay naroroon siya para suyuin ako dahil sa naging reply ko sa kanya kanina, ngunit nang dumiretso siya ng pasok sa bahay namin saka niya ibinigay ang bulaklak kay ate Adriana, napakunot ako ng noo.
"S--Sige, Zon. Hindi na kita iimbitahin sa loob, ha? Baka magalit kasi si ate," paalam ko habang hinuhubad ang seatbelt. Tumango naman siya at hinalikan ako sa pisngi bago ako tuluyang lumabas ng kotse niya.
I watched his car leave before I went in. Nang makita ako ni ate Adri ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya na para bang natatakot niyang makita kong magkasama sila ng ex ko.
"A--Audrey. Ang aga mo ngayon?" She stood up and handed me the flowers. Napatitig naman si Gavin kay ate na parang hindi nito nagustuhan ang ginawa ng kapatid ko. "B--Bulaklak. Ano, dala ni Gavin para sayo. S--Sige, tapusin ko lang ang nilalabahan ko."
Napakunot na lamang ako ng noo habang nakasunod ng tingin kay ate Adri. Nang bumaling ako kay Gavin at napansin ko ang pagtitig niya kay ate, nalunok ko na lamang ang sarili kong laway.
Looks like I already know whom Gavin is currently dating.