"Bakit hindi mo subukang tanungin?" suhestyon ni Rizza nang sabihin ko sa kanya ang napansin ko noong nagpunta si Gavin sa bahay namin.
Niyakap ko ang workbook ko. "I hope it's that easy. Kilala ko naman si ate Adri. Mahirap 'yong makausap nang masinsinan kung wala siyang balak magsabi."
Now that I already came into conclusion, napagtanto kong maaaring kay Gavin galing ang mga bulaklak na madalas kong makitang dala ni ate tuwing uuwi siya.
"Eh, kung si Gavin na lang kaya ang tanungin mo? Malay mo naman umamin sayo. Deserve mo rin naman malaman kasi unang-una, kapatid mo si ate Adriana."
I sighed. "Pwede rin." Naupo ako sa monobloc chair sa library. "Sige. Makikipagkita na lang ako sa kanya mamayang lunch."
Rizza nodded. Hindi na kami nag-usap pa't nag-focus na lang sa ginagawang review hanggang sa makatanggap ako ng message mula kay Margaux. Magkaiba ang schedule namin ngayon dahil naubusan siya ng slot sa schedule na pinili namin noong nag-enroll.
I plugged in my earphones when I saw that she had sent me a video. Nakiusyoso naman si Rizza at kinuha ang kaliwang earphone bago ko pinindot ang play button.
My heart almost dropped to the floor when I realized that it was a video of Zon and an unfamiliar girl. Tila lasing na lasing si Zon at ngumingisi-ngisi habang may hawak pang bote. Kumakandong naman ang babae rito, at nang maghalikan na ang dalawa ay sumikip nang tuluyan ang dibdib ko.
"Ay gago pala 'yan, eh!" napalakas ang boses ni Rizza kaya halos lahat ay napabaling sa aming mesa.
Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. Nang pakiramdam ko ay hindi talaga ako makahinga dahil sa napanood, pinagdadampot ko na ang mga gamit ko't umalis ng library. Rizza had no choice but to follow me. Nang makarating kami sa pinakamalapit na banyong pambabae ay saka niya ako hinawakan sa braso.
"Ayos ka lang ba? Don't tell me in love ka na kaagad kay Zon kaya naaapektuhan ka nang ganyan?"
No, I'm not. I know I'm not. Siguro nag-expect lang ako na dahil sa kanya ko unang naibigay ang sarili ko ay seseryosohin talaga niya ako. Medyo tanga ako sa part na iyon, at nakakainis na nagpauto ako kaagad kahit na hindi ko pa siya kilala!
Hindi ko magawang sagutin si Rizza. Gusto kong i-chat si Zon at murahin, ngunit sa huli ay binura ko rin ang napakahabang chat na itinipa ko. What's the use? Hindi ko pa naman siya boyfriend kaya ano namang karapatan kong umakto nang ganito?
I sighed. Imbes na i-message pa siya at tanungin, I just blocked him in all of my social media accounts and even deleted his number. Hindi ko pwedeng i-entertain ang kirot na naramdaman ko. It's so irrational to feel so jealous when I haven't known him for a long time. Nagpaka-cheap na nga ako nang nakipag-s*x ako sa hindi ko nobyo. Ayaw ko nang ibaba pang lalo ang pagkatao ko.
"Mahaba pa naman ang oras. Gusto mo punta na lang tayo ng simbahan?" alok ni Rizza.
"Mabuti pa nga. Ipagtitirik ko ng kandila ang mga magulang ko."
Rizza nodded. Nang mai-chat niya ang mga kaibigan namin ay lumabas na kami ng university. We went to the nearest church where we usually pray for guidance and some luck before we take our exams. Nagtirik kami ng kandila. Ako ay para sa mga magulang namin nina ate Adri na maagang nawala, at si Rizza naman ay sa baby niyang nalaglag noong maaga siyang nabuntis. I know Rizza still grieves for her baby, maybe that's why she couldn't face her ex again.
"Magpahula kaya tayo ng kapalaran? Tignan mo, wala namang customer si Manang ngayon," alok nito.
"Hula?" I laughed softly. "Naniniwala ka sa mga hula-hula?"
Umikot ang mga mata niya. "Wala namang mawawala. Hula lang naman. Sige na, malay mo maganda pala ang makita niya."
"Rizza, tayo rin ang gagawa ng kapalaran natin."
"Kahit na. Like I said, wala namang mawawala kung sakali." She grabbed me by my arm and dragged me to the fortune-teller we often see outside the church. "Magkano po?"
"Dalawandaan na lang, Neng," sagot ng matandang dali-daling pinatay ang sigarilyo niya.
I leaned to whisper on Rizza's ear. "Ang mahal."
"Ano ka ba, libre ko na 'to," aniya at nagbayad na kaya wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga. Kung inilibre na lang sana niya ako ng kwek-kwek, nakatipid pa siya. This girl!
Unang naupo si Rizza. Pinapili ito ng tatlong baraha saka sinimulang basahin ng matanda. I really had no plans to listen because I never believed such thing, but when I heard the old lady's first statement, my lips parted in surprise.
"Bakit mo pinalaglag?"
Natigilan si Rizza at tila nahihiyang tumingin sa akin. Mayamaya ay tumikhim siya't pekeng ngumiti. "A--Ano hong ibig ninyong sabihin?"
"Iyong sanggol na ipinagkaloob sa iyo, bakit mas pinili mong ipalaglag dahil lang iiwan ka ng tatay?"
Rizza stared at the old woman for a couple of seconds. Mayamaya ay bigla na lamang siyang naiyak na tila sising-sisi sa kasalanang nagawa. "Hindi ko naman po sinasadya. Wala na ako sa tamang pag-iisip noong gabing 'yon."
Halos manlambot ang mga tuhod ko. "R--Rizza? P--Pina... Pinalaglag mo?"
Humihikbi niyang kinagat ang ibaba niyang labi. Ni hindi niya na ako matignan sa mga mata na para bang hiyang-hiya siya sa nalaman ko. Hindi ko naman siya huhusgahan. Sadyang na-disappoint lang ako na nagsinungaling siya sa amin tungkol sa baby nila noon ng gagong si Prince.
The old woman sighed. "Hindi pa oras ng bata. Marami ka pang pangarap at magiging maganda ang kinabukasan mo, pero kapag ibinigay na siya ulit ng Panginoon sa iyo, mag-isa mo siyang palalakihin kung hindi ay mawawala lamang siyang muli sa iyo."
Nagpunas ng luha si Rizza. "Okay na ho ako sa nabasa ninyo." Dali-dali siyang tumayo at ipinagtulakan akong maupo sa mainit-init pang monobloc. "Siya na po."
I sighed. Fine. Pero kung panget ang lalabas, hindi ako maniniwala. Ako pa rin ang gagawa ng kapalaran ko kaya siguro kung may babaunin ako, iyong magaganda lamang.
I did the same thing. I picked three cards, but before the old lady flipped it over, she held my hand and checked the lines in my palm.
"Dalawang buhay, hija. May dalawa kang buhay."
Napakunot ako ng noo at muntik nang matawa. Dalawang buhay? What does that even mean?
"Ano hong ibig ninyong sabihin?" tanong ko, pigil na pigil ang pagngisi.
Umangat ang tingin niya sa aking mukha. "Dalawang beses mong makikilala ang parehong lalake, hija. Pero hindi mo siya makikilala sa pangalawang pagkakataon."
She let go of my hand and flipped the cards. Mayamaya ay umiling-iling siya na tila hindi nagugustuhan ang nakikita.
"Ingatan mo ang puso ng mapapangasawa mo. Baka sa kagustuhan mong makalimutan ang sarili mong kirot sa puso, lalo kang magdusa. Maganda ang kapalaran ng usaping pera sa buhay mo, pero masyadong magiging magulo ang lahat hanggang sa dumating ang pangalawa mong buhay."
Napakamot na ako ng sintido. Naguguluhan lang ako sa mga sinasabi niya, kaya nang makahanap ng tyempo ay nagpasalamat na lang ako't niyaya na si Rizza na bumalik sa university.
"Sayang ang four hundred. Sana nilibre mo na lang ako ng pagkain," sabi ko habang naglalakad kami pero mukhang wala siya sa sarili.
She was just staring blankly in the air as if the fortune-teller's words hit her really hard. Bumuntong hininga naman ako't inakbayan siya para aluin.
"Huwag mo nang isipin 'yon. Hindi ko rin sasabihin sa friends natin," paniniguro ko.
Rizza sighed before she looked at me. "Tingin ko, hindi na matutupad ang pinakapangarap ko, Audrey."
Napakunot ako ng noo. "Anong ibig mong sabihin?"
"Iyong pangarap ko na makapag-settle down at magkaroon ng matiwasay na buhay pamilya, tingin ko malabo nang mangyari. Siguro ay pinaparusahan ako ng Diyos dahil sa nagawa ko."
"Rizza, hula lang naman 'yon."
She sniffed. "Pero narinig mo naman, 'di ba? Kung nahulaan niya ang tungkol sa baby ko, posibleng tama rin siya na dalawa lang ang choice ko. Ang magkaroon ng anak pero walang asawa, o ang magkaroon ng asawa pero mamamatayan na naman ako ng anak."
I rubbed her back when she started to tear up. "You're going to be fine in the future. Huwag mong limitahan ang kinabukasan mo dahil sa sinabi ng manghuhula--"
Natigil ang sinasabi ko nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nang makitang tumatawag si Margaux ay kaagad kong sinagot.
"Pabalik na kami ng uni--"
"Girl, nandito si Zon."
Napalunok ako. "B--Bakit daw?"
"Ewan. Baka magpapaliwanag."
I sighed. "Sabihin mo umalis na. Wala akong balak makipag-usap--"
"Audrey, you blocked me."
Napatigil ako sa paghakbang nang madinig ang boses ni Zon sa kabilang linya. Gusto ko nang patayin ang tawag, ngunit mas lumamang ang marupok na bahagi ng puso ko. Napabuga tuloy ako ng hangin saka muling nagsalita.
"Sino 'yong babaeng kahalikan mo sa video?"
He groaned. "That was an old clip, I swear."
I rolled my eyes. "Saka tayo mag-usap kapag kaya mo nang patunayang old clip nga."
"Audrey, come on. Let's talk--"
Pinatay ko na ang tawag saka tila siraulong kinausap ang screen ng phone ko habang naiinis.
"Marami na kong nabasang story. Hindi na uubra sa akin 'yang let's talk mo."
Pinatay ko na lang ang phone ko saka na kami pumasok ni Rizza ng university, ngunit nang malapit na sa ABM building ay biglang may pumasan sa akin at ginawa akong sako ng bigas. His familiar manly perfume lingered in my nose as he stormed towards his car, and when he managed to put me inside, I almost smacked his face with my binder.
"Bwiset ka!"
He smirked and pinched the tip of my nose. "Missed you, too."
He shut the door closed, leaving my lips parted, and my face red. Lintik talaga!