Kabanata 13

1628 Words
"Paano mo siya napapayag na bigyan ka ng consent?" tanong ko kay Zon nang ipakita niya ang letter of consent galing sa Daddy niya. We had to ask for a legal guardian's approval in order for us to get married this early, kaya medyo alanganin pa ako. Kinuha niya ang bowl ko ng ice cream at sinalinan muli habang nasa sala kami. "I told him that I won't make any fuss anymore about him and Geraldine if he will let me marry you. Sabi ko hindi ko na rin siya guguluhin pa." Napatigil ako't napatitig sa kanya. "You mean you're finally cutting off ties with him?" Basag niya akong nginitian. "Sabi naman ng therapist, it's okay to cut people off even if they're family if they only threaten our mental peace. I ignored all of my Dad's red flag before because he's my Dad. Maybe this is for the best, Babe." "Hindi ka na ba talaga babalik sa pag-aaral?" Umiwas siya ng tingin at nagkunwaring nanonood ng replay ng American Drift League. "I'll just find a job. May mahahanap naman siguro ako. I don't think I still have the will to go back to school anyway so hanap na lang ako ng trabaho, masusuportahan ko pa ang pag-aaral mo." He forced a smile before he anchored his arm on my shoulder. "Ikaw na lang. Kung makatapos ka, parang nakatapos na rin ako." I felt a mix of happiness and sadness because of what he said. Sayang dahil isang taon na lang ay graduate na sana siya, kaya lang mahirap naman kung ipipilit. Baka lalo lang siyang lumala ang mental health niya dahil hindi naman biro ang buhay kolehiyo. Aasa na lang ako na kung maging okay na siya ulit ay siya na mismo ang kusang bumalik sa pag-aaral. On the other hand, I felt happy because he considers me. Kung tutuusin ay pwede namang hindi dahil unang-una, bata pa kami at marami pa siyang pwedeng atupagin sa kikitain niyang pera. But he knows how important my studies are and now he's making it his priorities, too. I rested my head on his chest. Mukhang maganda talaga ang nagiging epekto ng sessions sa therapist dahil kahit paano ay naiisip niya nang kahit papaano ay umusad sa buhay. Sulit ang ibinabayad ng friends niya sa therapist dahil sa loob ng dalawang buwan naming tuloy-tuloy na pagpunta sa clinic, kahit papaano ay nakakausap na rin ulit nila si Zon. "Ang ate mo kaya, papayag?" tanong niya, ang tinutukoy ay ang consent na kailangan kong kunin mula kay ate Adri. "Susubukan kong pumunta mamaya sa bahay para kausapin siya. Ako na lang muna ang makikipag-usap, ha? Baka kasi lalo lang magalit kung isasama kita kaagad." Tumango na lamang siya at nag-focus sa panonood. Nang umilaw ang phone niya matapos mag-chat ang ex niyang si Serenity ay hindi ko naiwasang makaramdam ng iritasyon. Halata namang kursunada pa rin ni Serenity si Zon. Pasalamat na lang ako na hindi ako binibigyan ni Zon ng ikagagalit. Simula noong nagselos ako dahil sa video na nakita ni Margaux na si Serenity pala ang nag-post, mas ipinaramdam niya sa akin ang loyalty niya. He even insisted me to log in to his account in my phone so I can always see whom he's chatting. Hindi ko lang ginawa dahil nabubuksan ko rin naman ang phone niya. "Hindi mo ba titignan?" I asked. He looked at me. "Hmm?" I wiped the stain of ice cream on the corner of his lips. nang akmang ipupunas ko na sa tissue ang daliri ko ay hinawakan niya ako sa palapulsuhan. My lips parted when Zon licked my thumb then kissed me on my lips lightly, making me blush. My flirty boyfriend is slowly coming back, I guess. I know we're still half-way on our journey to his complete recovery but this is a good start. Lumunok ako nang mapawi ang kilig ko. "Iyong chat ni Serenity, hindi mo ba titignan kako?" "You check it," he said under his breath before he laid his head on my thighs. Kinuha ko naman ang phone niya at binasa ang chat. Serenity: I hope you get back to your senses and just come home. Nagkakasakit na sina Mommy kakaisip sayo. That woman is just milking you for money. You don't deserve such a lowly w***e. Tumaas ang kilay ko. Lowly w***e? Anong akala niya sa akin? Ginagawang sugar daddy si Zon? "What did she say?" tanong ni Zon, ngunit imbes sagutin siya ay ipinasa ko na lang ang cellphone saka malaki ang subong kumain ng ice cream. Nag-iinit ang ulo ko baka kung ano lamang ang masabi ko sa babaeng iyon kung ako ang sasagot. Zon heaved a sigh. He typed something before he put his phone away. Nang masilip ko ang screen ay naka-block na si Serenity sa Messenger niya pagkatapos niyang mag-reply ng "f**k off". Hindi ko napigilan ang ngumisi. My boyfriend just gave me another reason to keep him. We spent the whole Sunday morning eating ice cream and watching TV. Nang sumapit ang hapon at alam kong nakauwi na si ate galing ng trabaho ay nagpaalam na ako kay Zon na pupunta sa apartment ng mga kapatid ko. We bargained for the last time but I insisted to go alone. Wala na rin naman siyang nagawa at nagsabi na lang na maglalaba para malibang. "Manong, para," sabi ko nang matanaw ang bahay namin. Nang tumigil ang jeep ay nakita ko si ate na nagwawalis sa sala ng bahay. I held the strap of my bag tightly as I gathered my courage, and when she looked outside and saw me, I finally took my steps towards her. Umiwas siya ng tingin nang makapasok ako. I tried to hug her and said I was sorry, but she remained stiff and didn't say a word. Lumabas naman ng kwarto niya si Adler at lumapit sa akin para yumakap. "Uuwi ka na, ate?" tanong ng kapatid kong trese anyos pa lang. Pinilit kong ngumiti at hinaplos siya sa balikat. "Usap lang muna kami ni ate Adri, ha?" Napawi ang sigla sa mukha ng kapatid ko. He nodded his head before he went back to his room. Nang sumara ang pinto ay sandali akong humugot ng hininga bago ko inilabas ang consent form na kailangang mapirmahan ni ate Adri. "A--Ate, kailangan ko sana ng pirma mo." She sighed. Sandali siyang hindi kumilos, ngunit nang hindi nakatiis ay inagaw niya ang folder na hawak ko. Pinasadahan niya iyon ng basa, ngunit nang mapagtanto kung para saan ang form ay kumunot nang husto ang noo niya. "Ano 'to? Una, nilayasan mo kami ni Adler para sa boyfriend mo. Tapos ngayon magpapakasal ka? Buntis ka?" halatang nagpipigil ng galit niyang tanong. Umiling ako. "Hindi, ate--" "Oh, para saan 'tong lintik na kalokohang 'to, Audrey? Bata pa ako pero baka atakihin na ako sayo!" I swallowed the lump in my throat. "Mahal namin ni Zon ang isa't isa, ate. Hindi ko naman pababayaan ang pag-aaral ko--" "You're eighteen! Anong alam mo sa pag-ibig?!" Gumuhit ang galit sa mga mata niya. "Alam mo ba 'tong pinapasok mo, Audrey? Akala ko ba matalino ka? Bakit parang hindi mo na pinag-iisipan 'yang mga desisyon mo? Ito ba ang epekto sayo ng lalakeng 'yan? Kung mahal ka talaga niyan, hindi niya gagawin 'tong mga 'to! Pinaiikot lang naman yata niyan ang ulo mo!" Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. "Ate, huwag ka namang ganyan magsalita. Nakikiusap naman ako nang maayos sayo. Mabait na tao si Zon at mahal niya ko." Mariing lumapat sa isa't isa ang mga labi ni ate. She drew in a sharp breath and searched for a pen. "Ito ang gusto mo? Ang makalaya na nang tuluyan sa amin ni Adler? Sige." "Ate, hindi sa gano'n." Galit niyang pinirmahan ang form saka padabog na ibinalik sa akin. "Gano'n din 'yon, Audrey!" Her eyes glistened with tears. "Akala mo siguro kung makatapos ka na ay ipapasa ko na sayo ang responsibilidad na buhayin si Adler. Hindi ako makasarili, Audrey. Ikaw lang at si Adler ang iniisip ko pero bakit mo ginagawa sa'min 'to?" Namuo na rin ang mga luha ko. "Hindi sa gano'n, ate Adriana--" "Lumayas ka na rito." She wiped her tears. "Huwag ka nang magpapakita. Hindi namin kailangan ng kapatid na katulad mo." Ipinagtulakan niya na ako palabas, ngunit nang matumba ako sa lakas, ganoon na lang ang gulat ko nang madama ang pagtulong sa akin ng pamilyar na bulto para muling makatayo. Sinundan pa rin pala niya ako, siguro ay nag-aalala sa pwedeng kahinatnan ng pag-uusap namin ni ate. "Z--Zon?" His darkened face turned to ate Adri as he locked me in his arms as if protecting me. "Huwag ninyo naman saktan. Pwede ninyo namang paalisin nang maayos girlfriend ko." "Zon, tama na--" "Lumayas kayong pareho rito!" umiiyak na sabi ni ate. Napahikbi ako nang makitang pinigilan niya si Adler na lumabas para lapitan ako. May mga kapitbahay na ring sumisilip para umusyoso kaya bago pa kami mapagpyestahan ng mga tsismosa ay niyaya ko na si Zon na pumasok ng kotse. He shut the door on my side before he went inside the driver's seat. Nang umandar ang kotse ay tulala akong humikbi dahil sa nangyari. Bumuntong hininga naman si Zon saka niya sandaling itinigil ang sasakyan sa gilid ng daan para mayakap ako. I cried in his arms until I felt a little better. Nang kumalas ako ng yakap ay pinunasan niya ang basa sa aking pisngi bago niya ako pinatakan ng halik sa noo. "We'll be each other's family from now on, baby." He tucked my hair behind my ear. "I promise you that..." Basag akong ngumiti bago siya muling niyakap. If only I knew what the future holds for the two of us
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD