Hindi ko mapigilan ang paghikab habang palabas kami nina Rizza ng ABM building. The new semester just started so we're still a little laid back, kaya lang ay kinulang ako ng tulog kagabi dahil binangungot na naman si Zon. He dreamed about his Mom crying because his Dad remarried. At hindi na siya nakabalik pa sa pagtulog nang magising.
"Buntis ka?" tanong sa akin ni Rizza.
Napakunot ako ng noo. "Hindi, ah? Bakit?"
"Hikab ka nang hikab mula pa first period."
Sinuklay ko ng aking mga daliri ang buhok ko. "Napuyat lang kagabi at binangungot na naman si Zon."
"Akala ko nag-overnight sa paggawa ng baby," biro niya sa akin na ikinairap ko.
"Tigilan mo ko sa kahalayan mo, Rizza." I checked my wrist watch. "May one hour break tayo. Iidlip muna ako."
"Wait lang, anong isusuot nga pala sa kasal ninyo sa Linggo?" tanong niya.
Kinuha ko silang witness, at ganoon din ang mga kaibigan ni Zon. We decided to have a civil wedding at Darius' parents'private resort. Tutal ay kami-kami lang naman at isang oras lang naman ang layo.
"Kahit simpleng puting damit lang, okay na 'yon."
Tumaas ang kilay niya. "Ano 'yon, mag-aanak ng binyag? Wala ka man lang bang motif?"
"Gastos lang."
"Ano ka ba naman, Audrey? Minsan ka lang ikakasal titipirin mo pa nang husto?" reklamo niya.
Niyakap ko ang sliding folder ko. "Hindi naman sa gano'n. Nag-usap naman kami ni Zon. Kapag may maayos na kaming work at stable na kami financially, saka kami magpapakasal sa simbahan. Hindi naman kailangang magarbo ang kasal. Ang mahalaga, 'yong vows namin at kung papaano namin iki-keep."
Sasagot na naman sana siya nang lumapit sa amin ang pamilyar na bulto. Hindi ko pa siya nakikita nang personal noon, but I'd lie if I'll say Serenity not prettier in person. 'Di hamak na mas maputi ang kutis niya sa akin. Ang kinis din ng mukha at halatang mamahalin ang mga suot.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka siya humugot ng hininga. "Pwede ba tayong mag-usap?"
I swallowed before I looked at Rizza. "Susunod ako sa library."
Halatang ayaw pang pumayag ni Rizza noong una, ngunit sa huli ay wala rin siyang nagawa. Nang makaalis si Rizza ay sinundan ko si Serenity papunta sa area na may mga mesa sa ilalim ng puno.
"I heard you and Zon are getting married. Uunahan na kita. If this is your way of making sure Zon will be yours in the future, para hindi na makahanap ng iba, we can afford to get an annulment," malamig ang titig niyang sabi sa akin.
Humigpit ang hawak ko sa folder, nagtitimpi. "We?"
"Yes, we. I am his first love, his first everything. My parents treat him as their own, and our future is already planned. Nagkahiwalay kami dahil we're still coping up in adulthood, but that doesn't mean we're not gonna end up with each other--"
"Bakit sa akin mo sinasabi, hmm? Takot ka bang kung kay Zon ay susuplahin ka lang?" hindi ko na napigilang tanong.
I saw how her cold eyes turned furious. Even her lips pursed hardly together as if I just hit the wrong nerve. Hindi siya kaagad nakakibo, ngunit mayamaya ay humugot siya ng hininga saka muling nagsalita.
"How much do you want?"
Naiinsulto akong napangisi. "Excuse me? Akala mo ba ay nabibili ang feelings ko sa boyfriend ko?"
I saw how her eyes squinted when I put emphasis on the word 'boyfriend'. Para bang naalibadbaran siya o hindi kaya ay napikon lamang lalo na isinampal ko ang katotohanang nobyo ko si Zon. I don't give a damn. Marami na siyang nasabing hindi magagandang salita, at hindi porke't nakaaangat siya sa buhay ay pwede niya na akong tapakan nang ganoon.
"So full of yourself, huh? If I know, you're taking advantage of Zon's current mental state. But guess what? Oras na magbalik siya sa normal, sinisiguro kong tatawanan lang kita kapag iniwan ka na." Uumismid siya at pinasadahan ako ng tingin na tila iniinsulto ako. "You're not even the type whom guys run after to."
Napakuyom na ako nang tuluyan ng kamao ngunit pinanatili ko ang lamig sa aking ekspresyon. I won't let this b***h get what she came here for. Kun may mapipigtas mang pisi sa aming dalawa, sisiguraduhin kong siya iyon.
I drew in a sharp breath before I smiled. "Is that why even when he was jealous, he'd rather keep it to himself so I won't see any reason to leave him? Right. Hindi ako kahabol-habol, kasi kumakapit sa akin kaya hindi ako kailangang habulin."
Naningkit na nang tuluyan ang mga mata niya. Even her face began to turn red as if she's having a hard time controlling herself. "Nagkakaganyan lang ngayon si Zon dahil depressed pa siya sa nangyari sa parents niya."
"Kung iyan ang gusto mong sabihin, ikaw ang bahala. Ang sa akin lang, kung talagang gusto kang balikan, wala pa ako sa buhay niya, bumuntot na sayo." Muli kong sinulyapan ang wrist watch ko. "May sasabihin ka pa ba? Sinasayang mo ang oras ko, eh."
Her teeth gritted. "How dare you?"
Tumaas ang kilay ko. "Oh, bakit? Anong nakakapikon sa sinabi ko? Iyong hindi ka binalikan ni Zon kahit hindi pa man kami? O iyong katotohanang inaaksaya mo lang ang oras ko?"
Hindi ako nakailag nang sampalin niya ako. Sa lakas ay natumba ako't parang nabingi. Hindi ko naman inasahan na darating ang mga kaibigan ko, siguro ay nakaramdam si Rizza kaya tinawag ang tatlo naming kaibigan. Pinagtulungan nila si Serenity hanggang sa dumating ang mga gwardya para umawat. Nang pakawalan nila si Serenity ay napakagulo na ng buhok nito't umiiyak dahil sa sakit na natamo.
"You will all pay for this!" galit nitong banta ngunit inirapan lang ng mga kaibigan ko. Inakay naman ito ng mga gwardya palayo habang nagsiharap sa akin ang friends ko.
"Ayos ka lang? Bakit kasi hindi mo inunahan ng sapok?" halatang naiiritang tanong ni Kylie.
I sighed. "Hindi ko naman inasahang mamimisikal. Akala ko bardagulan lang gamit ang bibig. Malay ko bang pikon pala ang gagang 'yon." Pinasadahan ko sila ng tingin saka ako basag na ngumiti. "Thank you. Pa'no 'yan? Baka ma-suspend kayo dahil sa nangyari."
"Eh, 'di masaya. Makakapag-party," sagot ni Rizza na ikinatawa naming lahat.
Napailing na lamang ako habang nakangisi. Maswerte pa rin talaga ako na kahit hindi ako kasing yaman nina Serenity ay may mga totoo naman akong kaibigan. Sana lang ay hindi sila mapahamak dahil sa akin.
"Alam ninyo? Wala rin naman daw si Mrs. Roxas kaya wala rin tayong gagawin sa next period tapos bakante na rin ang oras pagtapos no'n. Punta na lang tayo ng Divisoria," suhestyon ni Margaux.
"Ano namang gagawin natin do'n?" tanong ko.
They all looked at me as if I'm the dumbest person on Earth. Nagpamaywang pa si Stephanie saka ako tinuro. "Nasapok lang naging tanga na. Gaga, natural bibili tayo ng kailangan sa kasal mo!"
Napakamot ako ng patilya. "Steph, wala akong budget para sa ganyan."
Ngumisi si Rizza bago niya inilabas ang halos bente mil mula sa bag niya. "Ikaw wala, pero ang mga asukal de papa na friends ng groom, marami."
Napakurap ako. "Galing kina Jolo 'yan?"
"Uhum so let's go." Ngumisi si Margaux. "Paghandaan natin ang wedding mo, para kahit tayo-tayo lang, masaya pa rin."
"Hoy, Margaux. Huwag kang pipili ng mas bonggang damit keysa kay Audrey, ha? Kabogera kang gaga ka, kasal niya 'yon," Steph warned.
Ngumuso si Kylie. "Oo na."
Napailing na lamang ako habang nakangisi, ngunit nang akmang aalis na kami para pumunta ng Divisoria ay nadama ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Sinagot ko naman kaagad ang tawag nang makitang si Adler iyon.
"Hello, Adler? Kumusta--"
"Ate?"
Napatigil ako sa paghakbang nang madinig ang paghikbi niya. "Umiiyak ka ba?"
Muli kong nadinig ang paghikbi ng kapatid ko sa kabilang linya. At nang madinig ko ang masamang balita, muntik ko nang mabitiwan ang cellphone ko.
"Uminom ng lason si ate Adriana, ate..."