Kabanata 15

1505 Words
Halos mabangga na namin ng mga kaibigan ko ang mga kasalubong namin sa hallway ng ospital. Sabi ni Adler ay nauna nang dumating sa bahay si Gavin. He left in the middle of his class just to rush my sister to the hospital, kaya rito na kami dumiretso. "Ate? Ate!" luhaan kong tawag nang makita ko siya sa emergency room. Gavin stopped me from coming forward while the doctors took care of her. Halos manghina ang mga tuhod ko habang pinanonood kung papaanong sinusubukang isalba ang kapatid kong wala namang ibang ginawa kung hindi ang unahin kami ni Adler. Humagulgol ako nang tuluyan sa dibdib ni Gavin. "Kasalanan ko 'to. Kung hindi lang matigas ang ulo ko..." Gavin drew in a sharp breath as he rubbed my back. "She's going to be fine. Hindi niya nainom ang buong bote dahil napigilan siya ni Adler. Ang mabuti pa hintayin na lang natin ang sasabihin ng mga doktor." Suminghot siya. "Bawal tayong lahat dito. Siguro mas maganda kung ako na lang muna ang maiiwan dito sa loob. You might pass out." Gusto kong tumanggi. I want to stay by my sister's side, but my friends convinced me to wait outside. Ganoon din naman si Adler. Nang nakalabas kaming lahat ay niyakap ko ang bunso naming kapatid saka kami nag-iyakan. Sinisisi ko nang husto ang sarili ko, pero kahit na ano pang iyak ko, nangyari na ang lahat. My toughest sibling almost gave up on life, and I can't accept the fact that I'm part of the reasons why she was pushed to the edge. Halos isang oras kaming naghintay hanggang sa mailipat si ate sa kwarto. Gavin got her a private room so we can all come inside. Ang sabi ng doktor ay baka madaling araw pa siya magigising kaya pinauwi ko na lang muna ang mga kaibigan ko. Gavin had to leave, too. Ngunit nangako siyang babalik din nang maaga kinabukasan. Isinama na lamang din muna niya si Adler nang makapagpahinga kaya ako ang naiwan para magbantay. Nang makaalis na ang lahat ay luhaan akong naupo sa gilid ng kama ni ate. I held my sister's hand and begged for forgiveness. I was selfish. Pinairal ko ang sakit na naidulot ng mga salita niya't hindi tinignan kung bakit siya nakapagsalita nang ganoon sa akin. Hindi ko intensyon na umabot sa ganito, pero siguro ay marami na ring pinagdaraanan ang ate ko. I was the trigger that pushed her to harm herself. Nang bumukas ang pinto at pumasok si Zon ay humihikbi ko siyang sinalubong. He locked me in his arms as I cried, feeling all the guilt in my heart. Pinapatakan naman niya ng halik ang aking ulo habang hinahayaan lamang akong maiiyak ang sakit sa dibdib ko. Halatang galing pa siya ng bago niyang trabaho sa isang mall at dumiretso lamang ng ospital nang mabasa ang chat ko. Nang kahit papaano ay kumalma ako, dumating ang nurse at ibinigay ang reseta. "Ako na bibili," sabi ni Zon ngunit umiling ako. "Ako na lang, Zon. Pagod ka rin galing ng trabaho. Dito ka na muna." Hindi ko na siya hinayaan pang makipagtalo. Kinuha ko na ang wallet ko at umalis para bilihin ang kailangan, ngunit nang makabalik ako, nadidinig ko silang nag-uusap ni ate Adri kaya huminto ako sa pinto upang makinig. "Kami ho ba ang may kasalanan?" tanong ni Zon sa malumanay na boses. Nadinig ko ang paghikbi ng ate. "Ayaw ko kayong sisihin, dahil sa totoo lang, masyado na talagang mabigat ang dibdib ko nitong mga nakaraan. Siguro nasaktan lang ako na... na buti ka pa, sinamahan ng kapatid ko noong nasasaktan ka. Noong na-depress ka. Samantalang ako, parang hindi niya nakikitang may pinagdadaanan din ako. Siguro kasalanan ko rin dahil sabi ko sa sarili ko, bawal akong umiyak sa harap nila ni Adler kasi kung... kung magiging mahina ako, paano sila? Saan kukuha ng lakas ang mga kapatid ko? Noong naaksidente sina Mama at Papa, pilit silang kinukuha ng mga tiyahin namin kasi may pension si Papa, pero ipinaglaban ko sila dahil alam kong mamaltratuhin lang sila at gugutumin. I made my choice to give up my studies. Naghanap ako ng trabaho at ipinangako ko sa kanilang kahit kailan, hindi ko sila pababayaan. Na palagi kaming magkakasama-samang tatlo ano mang hamon ang dumating sa amin, kaya ang sakit-sakit na sa isang iglap, mawawala si Audrey, samantalang hindi ko ikino-consider ang paglagay ko sa tahimik kasi baka masaktan ko sila kung mag-aasawa na ko. Pero noong nagdesisyon siyang lumayas sa bahay, pakiramdam ko nagkulang ako kaya siya umalis. Kaya mas pinili niyang mag-asawa na lang nang maaga. Baka nga nagkamali ako ng desisyon noong pinilit ko na sa poder ko lalaki ang mga kapatid ko kaya sabi ko sa sarili ko, baka mas mabuti kung mawala na lang ako tutal hindi ko rin nagampanan ang responsibilidad ko nang maayos." Nakagat ko ang ibaba kong labi nang magsimulang umagos ang mga luha ko. Gusto ko nang pumasok at yakapin si ate Adri. Hindi ganoon iyon. Hindi 'yon ang intensyon kong maramdaman niya. Mahal na mahal ko ang ate ko at ako ang nagkamali sa aming dalawa. Ako ang nagkulang. "Ate Adriana, mahal na mahal ka ni Audrey. Walang araw na hindi siya umiyak sa gabi habang ipinagdadasal kayo ni Adler... at mahal na mahal ko rin siya. I asked her to marry me because I want her for the rest of my life. Bata pa kami, pero 'yong naparamdam sa akin ni Audrey, that's something I want to keep forever. At alam kong out of love din ang naging desisyon niya. Hindi namin intensyong maramdaman mong nagkulang ka," ani Zon sa ate ko. Ate Adri sobbed. "Iingatan mo ba talaga ang kapatid ko? Hinding-hindi mo ba talaga sasaktan?" "I will never let her go. She stayed by my side during my darkest times. I don't think a lot of women can do that, that's why I want to keep her by my side for the rest of my life." Sandaling hindi nagsalita ang ate, ngunit nang madinig ko ang sunod niyang sinabi ay parang nilamutak ang puso ko. "S--Sige. Papayag ako na pakasalan mo ang kapatid ko, pero oras na masaktan mo siya, handa akong makulong maiganti lang ang kapatid ko, Zon. Sa kanila na ni Adler umikot ang buhay ko. Hinding-hindi ko kakayanin oras na sila na ang madehado. Wala akong pakialam kung ako ang kutyain at saktan, pero huwag sila ni Adler dahil mahal na mahal ko sila." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pumasok na ako sa loob at parang batang sumubsob sa dibdib ni ate Adri habang humahagulgol. "Sorry." My shoulders quaked. "Mahal na mahal din kita. Sorry... sorry..." Suminghot siya bago niya pinunasan ang mga luha ko. She even tried to force a smile while I sobbed hard. "Sorry rin kung naging salbahe ang ate. Hindi lang ako handang makita kang umalis sa poder ko. Mahal na mahal ka ng ate, Audrey. Mahal na mahal ko kayo ni Adler." Tuluyang nabasag ang tinig niya. Zon sniffed. "Siguro para mapanatag ka na lang din, ate Adriana, mas maganda kung tumira na lang tayo sa iisang bahay tutal nag-aaral pa naman si Audrey. Nag-usap na rin kami tungkol sa gastusin sa university. Magtatrabaho ako at ako ang sasagot ng tuition niya hanggang sa makatapos siya." My sister swallowed the lump in her throat. "S--Sigurado ka?" Payak na ngumiti si Zon. "Mas magiging masaya rin si Audrey kung kasama niya kayo. I don't want to take away a piece of her just because she wanted to fill mine." Humugot siya ng malalim na hininga. "I will sell my condo and buy a house where all of us can live comfortably, kung okay lang." Sandali akong suminghot. "Pero investment mo 'yong condo, Zon." Basag niya akong nginitian. "Mas maganda na ring lumipat sa hindi alam ni Daddy at ng parents ni Serenity. Besides, I prefer a house than a unit in a building. Kung sa bahay tayo titira, kahit hindi masyadong malaki, para na rin akong may pamilya." Nagkatinginan kami ni ate Adri. Mayamaya ay pinunasan niya ang pisngi ko saka siya humugot ng hininga. "Kung 'yan ang pasya ninyo, hindi na rin ako tatanggi. Basta makasama ko ang mga kapatid ko at masiguro kong maayos sila." Muli na naman akong naiyak. Niyakap ko si ate Adri saka ko tahimik na pinasalamatan ang Diyos sa pagkakaligtas niya at pagkakaayos namin. "Audrey, I forgot to give you some cash in case--" Napatingin kaming lahat kay Gavin nang pumasok siya ng silid. Natigil din ang sinasabi niya nang makitang gising na si ate Adri. I realized that they, too, needed a talk. Kaya naman nagdahilan ako na magpapasama kay Zon na bibili ng pagkain. Nang makalabas kami ay sumilip pa kami ni Zon sa nakaawang na pinto, at nang makita kung papaanong niyakap ni Gavin ang ate ko, hindi ko na napigilang mapangiti. I hope my sister will be brave enough to let herself be with someone she deserves, at alam kong si Gavin iyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD