Kabanata 21

1365 Words
"Baka naman kasi sumobra ka na, Audrey?" tanong sa akin ni Rizza habang nasa employee's lounge kami. Kwinento ko sa kanya na hindi umuwi si Zon kagabi. Pinuntahan ko rin siya sa sementeryo nang dis oras ng gabi ngunit wala na siya roon nang makarating ako. Nahilot ko ang aking sintidong pumipintig sa kakulangan ko ng tulog. Hindi ko rin nagawang umidlip nang makauwi ako dahil hindi sinasagot ni Zon ang tawag ko kaya mukha akong zombie sa laki ng eyebags ko ngayon. "Kasalanan ko nga talaga siguro." I sighed. "That was the first time that Zon exploded. Ni minsan ay hindi niya ako pinagtaasan ng boses o sinumbatan." "Alam mo kasi, Audrey, hindi palaging malakas ang mga lalake. This is what I realized when Thed and I broke up. Gusto rin nila ng lambing at appreciation. They wanna be babied, too no matter how touch their shell is. Men are judged when they show rage, but we, women, often turn a blind eye on the reason why they reached their breaking point." Hinawakan niya ang aking kamay. "Hindi palaging babae ang iintindihin sa relasyon, Audrey. That's toxic femininity." Nalunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan nang maisip ko kung papaano akong inintindi ng asawa ko sa kabila ng kawalan ko ng oras sa kanya. Kahit na maghapon siyang pagod sa pagtuturo sa mga bata, ipagluluto niya pa rin ako ng dinner, mamasahihin ang likod at binti ko, at susubukan akong pasiyahin. He made sure that despite his busy schedule, he will always find time to be my husband. Habang ako, nawalan ako ng anak, nawalan na rin ako ng oras sa asawa ko. Malungkot kong tinignan si Rizza. "Anong gagawin ko, Riz?" "Suyuin mo. Iparamdam mo na naintindihan mo siya. Ayaw ko sana 'tong sabihin sayo pero dahil napagkikwentuhan na rin ng barkada, sasabihin ko na sayo. Your husband resumed his schedule in his former therapist not for himself but for you. Hindi niya lang masabi sayo dahil ayaw niyang ma-offend ka, dahil noong minsang nabanggit niya na baka kailangan ninyong bumisita sa therapist, nagalit ka." Napakunot ako ng noo. "Did I?" Tumango siya. "Sabi raw ni Zon, sinabi mong masyado kang abala sa trabaho para magmukmok sa harap ng therapist na hindi naman maiintindihan ang sakit na pinagdadaanan mo." Parang piniga ang dibdib ko nang maalala ang araw na iyon. Kamamatay lamang ni Zed nang ma-brought up ni Zon ang tungkol sa therapist. I wasn't thinking straight. Pakiramdam ko ay lahat ng sinasabi sa akin ay personal attack. I felt offended and shut him out even more. Hindi ko alam na tinuloy pala niya ang pagpapa-therapy dahil sa akin. "Listen, Audrey. Your husband is doing his best to understand you, but when will you understand that he lost his child, too? Kung gago lang ang asawa mo, unang taon pa lamang na nilalayo mo ang loob mo sa kanya, baka naghanap na siya ng iba, but he honors his vows with you. Ikaw, naalala mo pa ba ang wedding vows mo?" Napababa ang aking tingin sa cup ng kape sa aking harap. Her question hit me really hard, especially when I realized how many times my husband probably felt that I was taking him for granted. Humugot ako ng malalim na hininga at sinubukang pigilan ang sarili kong maging emosyonal. "Hindi ko alam kung papaano ba ako babawi." "Bakit hindi mo subukang bisitahin sa trabaho niya? Surpresahin mo. Bigyan mo ng bulaklak." Kumunot ang noo ko. "Bakit ko naman bibigyan ng bulaklak eh kalalakeng tao ng asawa ko, Rizza." Ngumisi siya. "Excuse me lang, pero nasuyo ko ang boyfriend ko dahil sa bulaklak, ano? Guys love to feel special, too Audrey. Magugulat ka sa pwedeng maging reaksyon ng mga lalake kapag binigyan mo ng bulaklak." Nagkamot ako ng patilya. "Sige na nga. Mag-a-undertime ako ngayon at pupuntahan siya sa school." "Mas mabuti pa nga. Sabihin mo mag-group date tayo mamayang gabi. Sasabihan ko ang iba na pumunta para naman makapag-bonding tayo. Ang tagal na rin mula no'ng huli tayong nagkasama-sama." "Ang tanong, pupunta ba sina Jolo at Kylie? Alam mo namang hindi maganda ang break up ng mga 'yon." She raised both of her brows. "Eh, 'di huwag ipapaalam na pupunta ang isa't isa? Mas maganda na ring magharap sila nang matapos na. Napapagod na rin akong makipagtelebabad kay Kylie tuwing nalalasing siya. Wala na akong ibang narinig kun'di Jolo." I laughed softly while shaking my head. Nang matapos ang break namin ay pumunta ako sa manager ko para magpaalam. Dahil marami naman akong overtime ay pinayagan akong mag-undertime. I took a cab to the elementary school where my husband is teaching after I bought him a bouquet of roses. Naabutan ko naman siya sa klase ng grade one at abalang magturo ng Math sa mga bata. Nakangiti ang kanyang mga labi ngunit bakas sa kanyang mga mata ang lungkot na tila sinusubukan niya lang itago sa mga bata ang totoo niyang nararamdaman. Hindi ko tuloy naiwasang mapaisip. Gaano na ba katagal pinipeke ng asawa ko ang emosyon niya sa harap ng lahat ng taong nakakasalamuha niya, kabilang na ako? How long have I been blind to not see the sadness and loneliness in my husband's eyes? Natulala ako sa mga naisip, kaya nang mapatingin siya sa labas ng bintana at nakita ako ay humugot ako ng hininga. Halata namang nabigla siyang makitang naroroon ako. Hinintay ko siya sa labas ng classroom, at nang malapitan niya ako ay halos ayaw niya pa akong tignan. I swallowed my pride and crossed the distance between us. Niyakap ko siya saka ako nagsalita. "I'm sorry, love..." Tumingala ako at pinagmasdan siya. His jaw was clenching while avoiding my gaze as if he's trying his best to resist me, ngunit nang ulitin ko ang paghingi ng tawad ay napabuntong hininga na lamang siya. He hugged me back and looked at me after pecking a gentle kiss on my forehead. "My fault, baby. I have no right to raise my voice no matter how tired, hungry, and pissed I was last night. Hindi ko na uulitin," aniya. I flashed a small smile before I gave him the bouquet of roses. Umaliwalas naman ang mukha niya at hindi napigilan ang pagngiti. "What's with the flowers?" tila nahihiya niyang tanong lalo na nang pinagtitinginan na kami ng mga estudyante niyang nakadungaw sa bintana. "Para mas madali kitang masuyo," I answered. He moistened his lower lip then stared into my eyes. "This doesn't feel fair. How could you win me easily all the time?" Ngumiti ako at hinagod ang kanyang dibdib. "Maybe because you're so in love with me." His eyes glistened with hope, as if his faith in our marriage was restored. "I am, and it never changed. It never will..." Pumungay ang aking mga mata. "I love you, too." Pinatakan niyang muli ng halik ang aking noo, at nang asarin na siya ng mga estudyante niya ay nahihiya niyang nilingon ang classroom upang sumenyas na huwag maingay ang mga bata. Napatitig naman ako sa kayna nang makita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. When was the last time I saw my husband this happy? Bakit parang... hindi ko na maalala? Humugot ako ng hininga nang manikip ang dibdib ko. Nang muli niya akong binalingan ay pilit na lamang akong ngumiti nang maitago ang naramdaman ko. "Nag-invite si Rizza. Mag-dinner daw tayo mamaya. Okay lang ba, love?" He nodded. "Sure--" "Mr. Cariano, ito ba ang asawa mo?" tanong ng guro na napadaan sa amin. "Mrs. Tan." Zon smiled at the elderly woman. "Yes, this is my wife, Audrey." Nakipagkamay ako sa matanda. "Pleasure to meet you po." The woman smiled widely. "Ito pala ang asawa. Akala ko 'yong bumisita kanina at naghatid ng polo sayo." Napakurap ako at natigilan. When I realized what the teacher was trying to say, my eyebrow shot up as I looked at Zon. Alanganin naman siyang ngumiti sa matandang guro at nagpaalam. Nang kami na lamang dalawa ulit ay kinalas ko ang braso niyang nakalingkis sa aking baywang bago ako mataray na nagsalita. "You have ten seconds to explain what she meant before I slap you with that bouquet you're holding, Mr. Cariano."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD