My eyes slightly squinted when I saw how Zon pursed his lips to prevent his smirk. Humugot siya ng hininga, at nang makita ang pagtiklop ko ng mga braso sa harap ng aking dibdib, tuluyan siyang umiling bago niya dinukot ang kanyang cellphone sa bulsa.
He dialed someone's number, and when the other person answered the call, he put it on speaker. "Hey, Adler. Your sister is here with me, accusing me of seeing another woman. Would you mind telling her who brought a shirt for me this morning?"
Namula ang aking mukha nang madinig ang paghalakhak ni Adler sa kabilang linya.
"Si ate Adriana ang nagdala ng polo para kay kuya, ate. He asked ate Adri to get him some clean clothes at your house earlier. Sa amin siya natulog kagabi."
Nalunok ko ang sarili kong laway saka ako napahiyang umiwas ng tingin. "B--Bakit hindi ninyo sinabi sa akin? I was worried sick last night."
My husband's eyes glistened with happiness. Naiinis ko tuloy siyang inirapan.
"Natutuwa ka pa, nag-alala na nga ako."
He smirked. "I'm just happy to see that my wife still cares for me."
Napawi ang tapang sa aking mukha at napatitig ako kay Zon. I knew that was just a harmless truth, but why did I feel like it's his way of telling me that he feels so neglected? Masyado na ba talagang matindi ang naging trato ko sa asawa ko?
I sighed when the call ended. Hinawakan ko naman si Zon sa braso saka ko siya tinitigan sa mga mata. "I hope we can talk about us later. Hihintayin na lang kitang matapos sa trabaho para sabay na tayong magpunta sa resto."
He nodded before he held me by my nape and pecked a gentle kiss on my forehead. Ibinigay niya naman ang susi ng kotse niya sa akin para roon ako maghintay.
Nang matapos ang klase niya ay nagtungo na kami sa resto'ng napili nina Rizza. Naroroon na si Rizza at Thed, abalang magkwentuhan tungkol sa trabaho nila. I'm happy to see them going stronger than before. Noong magkahiwalay sila ay halos hindi na nag-fa-function si Rizza lalo na at alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay.
Thed smiled at me and Zon as we settled on our seats. Nagkamustahan kami at hinintay ang iba pa, ngunit nang sabay na dumating si Jolo at Stephanie habang naroroon na si Kylie, tila bumigat ang hangin sa paligid lalo na nang ipinaghila ni Jolo ng upuan si Stephanie.
Nagkatinginan kaming magkakaibigan, nagtataka kung ano ang namamagitan kina Steph at Jolo. Mayamaya ay tumikhim si Rizza saka pilit na ngumiti.
"I missed you, guys. Sa susunod, punta naman tayo ng Club Zero. Nami-miss ko na ring mag-billiards."
We all faked a smile. Mayamaya ay nabaling sa amin ang tingin ni Stephanie. "Kumusta na kayong dalawa? When are you planning to have another baby?"
Gusto kong mainis. It felt so insensitive of her to ask us that question, but I didn't want to ruin our get together so I said we have no plans yet to replace Zed in our lives, but Zon answered differently.
"Wala pa sa plano--"
"Soon magka-baby na ulit."
I looked at him, asking him where did that answer come from. Wala pa kaming napag-uusapan! Why is he telling them that we'll have another child soon?
I drew in a sharp breath. Nawalan ako bigla ng ganang sumabay sa mga usapan. I busied myself with my food, and everytime Zon would try to hold my hand, I'd shove his hand away from me. This is a very serious topic for me as a mother who lost her child. Why is he acting like he doesn't care about my say? Kung siya ay nakalimot na, ako ay hindi pa.
Pinunasan ko ang aking labi saka ako nagpaalam na magbabanyo muna sandali. Nang makabalik ako sa table namin ay napansin kong madilim na ang ekspresyon ng asawa ko. He's even clenching his jaw and refused to look at me as if something had pissed him off big time.
Napakunot ako ng noo saka nagtatakang pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan namin. "What's going on?"
Stephanie straightened her back. "Rizza accidentally told your husband about the promotion you received--"
"What is wrong with you?" inis nang putol ni Kylie kay Steph. "Una, boyfriend ko, Steph? Ngayon, buhay naman ng iba?"
"Enough, guys. Nakakahiya!" suway ni Margaux ngunit hindi nakinig ang mga ito. Pati si Jolo ay nahihirapan na ring umawat.
"Ako ba ang saksakan ng daldal at pati mga bagay na dapat manggaling mismo sa bibig ni Audrey, sinasabi niya pa?" matapang na bwelta ni Steph.
Naiinis na hinampas ni Rizza ang mesa sa sobrang galit. "Ikaw sumusobra ka na, ha? Hindi porke't ikaw ang pinakamiserable sa ating lima, hihilahin mo na kami pababa!"
"Miserable?" Umismid ito. "Ako ang pinakamiserable? Look at all you, you hypocrites?" Idinuro nito si Margaux. "Ikaw? Hindi ba wala ka naman talagang trabaho at palamunin ka ni Darius? Ikaw, Rizza? Didn't you sleep with your ex kaya kayo nagkahiwalay ni Thedrigs? Ikaw, Audrey? Aren't you so close to having your marriage annulled because you're nothing but a selfish b***h who only thinks of your own pain?!" Galit na galit at namumuo ang mga luhang bumaling siya kay Kylie. "At ikaw? Ang kapal ng mukha mong pagbintangan akong inagaw ko si Jolo when it's so clear that you pushed him away after you found out that he's got a daughter from his high school ex. Ang lilinis ninyo, ha? Nakakabilib kayo sa sobrang tataas ng tingin ninyo sa mga sarili ninyo."
Kumuyom ang aking mga kamao. "Wala kang karapatang magsalita nang ganyan. You don't wear our shoes for you to know what's going on with our lives."
Inis siyang ngumisi. "Oh, yeah? Bakit hindi mo tanungin si Zon, hmm? Kapag nag-iinuman sila ni Jolo, ano ang sinasabi niya? Na parang hindi mo na siya mahal? Na hindi mo naiisip na nagluluksa rin siya hanggang ngayon? Oh, baka wala kang panahon para magtanong man lang sa mga kaibigan ng asawa mo kasi nga abala ka masyado sa sarili mong buhay kahit pamilyado kang tao? Huwag mo kong mabanatan niyang paniniwala mo, Audrey. Alam nating sa lahat ng nandito, ikaw ang may pinakamagandang buhay, pero ikaw ang pinakamiserable. Hindi mo lang maamin sa sarili mo 'yan dahil ikaw mismo ang sumisira sa pagsasama ninyo ni Zon! Hindi ka na nga naawa sa tao? Walang ibang inintindi kun'di papaano ka tutulungang makarecover samantalang siya, kailangan niyang sumandal sa ibang tao dahil wala siyang maasahan sayo!"
"Shut up! Just shut up!" Hindi na ako nakapagpigil pa.
Steph shoved her tears and smirked wider. "Ang sakit ng katotohanan, ano? Gising-gising din, bago ka pa magising isang araw na wala na sa tabi mo ang asawa mo."
"Tama na," tila nagtitimping ani ni Jolo bago niya kinuha ang wallet niya at naglapag ng pera sa mesa. Mayamaya ay hinawakan niya sa braso si Steph at hinila na paalis ng resto.
We all felt so embarrassed. Everyone inside the resto was looking at us, murmuring about the scene. Halos walang nagawang kumibo sa amin hanggang sa bumuntong hininga nang tuluyan si Zon.
"I think we should call it a day. I've heard enough," he said in a low, disappointed tone before he stood up. Tumayo na rin ako at hinintay na lamang siyang makapag-iwan ng pera para sa kinain namin. Nang nauna siyang naglakad paalis nang hindi man lamang ako hinihintay, nalunok ko na lamang ang namuong bara sa aking lalamunan bago ko siya sinundan sa parking lot.
For the first time, Zon didn't open the door for me. Mag-isa kong binuksan ang pinto sa shotgun seat saka tahimik na lamang na naghintay na makarating kami ng bahay. My chest felt so heavy that even after he parked his car in our garage, hindi ko nagawang kumilos.
I shut my eyes and drew in a sharp breath. "Do you think she's right? That I'm so close to losing our marriage because all I cared about is myself?"
Hindi niya ako kinibo na tila ba tumatakbo pa rin sa isip niya ang lahat ng sinabi kanina ni Stephanie. All he did is draw in a sharp breath before he turned the car's engine off. Nang lumabas siya ng kotse nang walang ni isang salitang sinasabi ay napatitig na lamang ako sa kanya.
My tears fell as realization hit me.
Looks like my husband is having enough of this life he got because he married me...