Kabanata 23

1445 Words
As days went by after the scandalous dinner we had with our friends, Zon drifted away faster than I expected. Madalas na rin niya akong sabayan sa pag-o-overtime. Kung hindi naman ay hindi niya na ako hinihintay pang makauwi. Minsan ay darating ako sa bahay na tulog na siya o kaya ay nagkukulong sa guestroom para roon gawin ang lesson plans niya. I didn't expect that once my husband begins treating me the way I treated him, I'd tremble in fear of losing him. Humugot ako ng hininga at sinubukan siyang yakapin habang nakatalikod siya sa akin, ngunit kahit na alam kong gising siya ay hindi niya ako pinansin. Sumikip lamang ang dibdib ko ngunit hindi ko na ipinahalata pang nasasaktan ako. Hindi ba ay ganito naman ang ginagawa ko sa kanya? Who am I to complain when it's him now who's distancing himself? Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipaghanda siya ng almusal. Gusto kong bumawi at iparamdam na kaya pa naming ayusin ang pagsasama namin. I made his favorite longsilog and waited for him to com downstairs, so when I heard his footsteps, I fixed myself and made sure I look presentable. Napawi ang kurba sa aking mga labi nang makitang nakabihis na siya at dala na ang mga gamit niya. Dali-dali akong tumayo at sinundan siya nang makita kong dumiretso na siya ng pinto. "Love? Hindi ka pa nag-aalmusal," may lambing kong paalala ngunit sinulyapan niya lang ako bago niya inilagay sa shotgun seat ang kanyang mga gamit sa pagtuturo. "Hindi ako gutom," simple niyang sagot na nakapagpasikip ng dibdib ko. I swallowed the lump in my throat and walked the length towards him. Yumakap ako sa kanyang baywang at inilapat ang aking palad sa kanyang pisngi, ngunit hindi niya talaga sinalubong ang tingin ko. "Nag-request si Sir na mag-dinner sila mamaya ng asawa niya rito sa bahay. I'm wondering if you can go home early today?" His jaw moved before he nodded. Mayamaya ay malamig niya akong tinapunan ng tingin saka siya humugot ng hininga. "Sige na, late na ko. May maaga kaming meeting sa faculty," aniya bago kinalas ang aking brasong nakayakap sa baywang niya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang sumakay siya ng kotse nang wala man lamang 'I love you'. Para bang nawala na ang bersyon ng asawa kong nakasanayan ko na nang husto, at ang sakit-sakit aminin sa sariling ako ang nagtulak sa kanya para maging ganito. I tried my best to hold back my tears as I watched him maneuver the car. Humugot na lamang ako ng malalim na hininga at bumalik sa loob. I chatted him instead before I put all the food inside the fridge. Nag-ready na rin ako para pumasok sa trabaho, ngunit aalis na ako't lahat ng bahay ay wala pa ring reply na galing kay Zon. I sighed when I realized that he just read my chat. Napakagat tuloy ako ng labi nang kumirot ang dibdib ko. Ganito ba ang nararamdaman ng asawa ko tuwing hindi ko siya sinasagot lalo na kapag sinasabi niyang mag-iingat ako sa pagmamaneho at mahal na mahal niya ako? I shut my eyes and took a series of deep breaths before I finally left for work. Noong lunch ay nagpasya kaming magkita-kita nina Rizza, Margaux, at Kylie sa isang restaurant malapit sa pinagtatrabahuhan namin ni Rizza. We realized that we need to talk about what happened last week before our friendship falls apart. "Hindi ko talaga in-expect na aabot sa gano'n. Sana hindi ko na lang pinatulan," ani Kylie na emosyonal pa rin dahil sa nangyari. Rizza sighed before she looked at me. "Audrey, sayo kami mas nag-aalala. Gusto ko ring ihingi ng tawad kung nabanggit ko ang tungkol sa promotion. Natuwa ako masyadong ibalita sa friends natin na lelevel up ka na naman. Nakalimutan kong hindi mo pa nga pala nasasabi kay Zon." Hinawakan niya ako sa braso. "I'm really sorry." Lumunok ako sandali. "Ano ba ang... sinabi ni Zon noong dinner?" "Tinanong niya kung kailan pa ba sinabi ni boss ang tungkol sa promotion at bakit hindi mo man lang sinasabi sa kanya. I think iniisip niyang wala kang tiwala sa decision making niya kaya hindi mo sinasabi sa kanya. Pinaliwanag ko naman na baka bumibwelo ka lang at pinag-iisipan pa, but I think he got everything wrong. Siguro iniisip niyang siya ang nagho-hold back sayo. Idagdag pang..." Bumuntong hininga siya. "Idagdag pang matagal ka na talagang nanlalamig, Audrey. Maybe he thinks he's more of a burden to you, dahil sa paraan kung papaano niya sinabing teacher lang siya, I think he was pointing out the fact that he's no longer enough for his career-oriented wife." "Oh God." Natutop ko ang aking bibig. "Hindi gano'n 'yon. Nawawala lang talaga sa isip ko ang tungkol sa promotion. Isa pa ay iniisip ko kung gaano niya kamahal ang trabaho niya." Lumamlam ang mga mata ni Rizza. "Isa pa pala. Since ako ang HR manager ng kompanya, tinanong niya kung nag-file ka ba ng leave para sa pinangako mong bakasyon. Audrey, anong petsa na at alam mo ang policy ng kompanya pagdating sa leave. Bakit wala kang nai-file?" Para akong sinaksak sa dibdib. How could I forget about that? Diyos ko! Siguradong dadagdag lang iyon sa ikasasama ng loob sa akin ni Zon. Margaux released a breath. "Bakit ba kasi parang kayo pa ngayong dalawa ang nawawalan ng proper communication, samantalang kayo ang ultimate reminder sa amin noon kung gaano kahalagang napag-uusapan ang mga bagay-bagay? Ano ba ang nangyari sa communication ninyo ng asawa mo?" I swallowed the lump in my throat when the truth slapped me really hard. Nawalan kami ng proper communication dahil sa naging paglayo ko. Dahil imbes na i-open up ko sa kanya ang nararamdaman ko, I shut him out and took care of my grief alone. Napapikit ako nang magsimulang humapdi ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko man lang napagtanto kung gaano ko nang nasira ang bond naming mag-asawa. Hindi ko rin masisisi ang asawa ko kung napagod na rin siyang umintindi kaya siya naman ang dumidistansya ngayon. "Maybe it's best if you will sit down and discuss everything with him. Ask his side of the story, Audrey. Payong kaibigan lang," ani Rizza. Tumango na lamang ako. Nang makauwi ako pagdating ng hapon ay hinintay kong dumating si Zon. Sinalubong ko siya sa garahe saka ko sinubukang kunin ang gamit niya ngunit hinawi niya lamang ako. It made me frustrated and emotional at the same time, probably because I am never used to this version of him. "Baka naman pwedeng pag-usapan natin ang problema natin, Zon. Maybe we can sit down first and talk hindi iyong ganito ang magiging trato mo sa akin--" "How could you ask me something you refused to give for several years?" tanong niya habang nananatiling nakatalikod sa akin. Nanikip nang husto ang dibdib ko. I know I was unfair. I know that now. But I still want to try to save our marriage before its foundation finally collapse. Humakbang ako palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod. "I'm sorry." Nadama ko ang paghugot niya ng hininga. "Sorry for what? For not grieving with me when you clearly know I lost Zed, too? Sorry for closing your doors and refusing to let me, your husband, to go through everything with you? Sorry dahil hindi mo na sinasabi sa akin ang mga bagay na dapat sabay nating isini-celebrate gaya ng promotion mo? O sorry dahil hindi ka nag-file ng leave dahil wala ka naman talagang balak tuparin ang pangako mong kahit isang beses lang sa loob ng tatlong taon, masosolo ko naman ang asawa ko?" He sniffed. "I'm tired, Audrey, and your boss will be here tonight. We don't have time for this." Pumatak nang tuluyan ang aking mga luha nang kinalas niya na ang braso ko saka siya walang lingon-likod na pumasok ng bahay. I stayed outside for a few minutes before I followed him inside, but when I realized that he locked himself again in the storage room where we kept some of Zed's stuff, my heart broke into million pieces after hearing his sobs. Umiiyak ang asawa ko, at pakiramdam ko ay hindi ito ang unang beses na ikinulong niya ang sarili niya sa storage room para lang maitago niya sa akin ang pagtangis niya. He remained tough and loving and understanding in front of me, while he cried behind closed doors on his own because I was never there to offer him a shoulder. Napahikbi ako nang tuluyan saka ako pumikit. Diyos ko. Bigyan ninyo lang kami ng pangalawang pagkakataon, hinding-hindi ko na sasaktan pa ang asawa ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD