I watched Zon get back on his feet after kneeling in front of me. Hindi ko maalis ang titig sa kanyang mga mata habang malakas na hinahangin ang aking buhok. Nang makabalik siya sa pagkakatayo ay gumuhit ang matipid na ngiti sa kanyang mga labi saka siya tila nahihiyang nagpamulsa.
"Did you like it?" he asked, pertaining to the anklet he made for me. Gawa iyon sa shells na napulot niya sa dalampasigan at pinagtyagaan niyang isuot sa tali.
I glanced at my ankle to check it before I smiled at him. "Yes. Thank you, ha?"
Umaliwalas ang kanyang mukha, ngunit nang mapatitig siya sa akin ay napansin kong napawi ang kurba sa kanyang mga labi.
"May... problema ba?" I asked.
Tila nagbalik siya sa sarili at kaagad na umiling. "Nothing. I just uh... I thought I had a deja vu. Parang... nangyari na noon na lumuhod ako sa harap mo."
Napakunot ako ng noo. "Do you remember me? I mean, am I part of your forgotten past?"
"I'm not so sure, but they would've told us if we know each other, right? I mean, what's the reason to hide it kung hindi naman."
Itinulak ko ang buhok ko patungo sa likod ng aking tainga. "Kung sabagay." Nagsimula kaming maglakad-lakad sa dalampasigan. "Kumusta na ang mga alaala mo?"
He sighed. "Everything was only a fragment. Parang puzzle pieces na hindi ko mapagdugtong-tugtong."
"Tulad ng?"
He moistened his lower lip as he stared at the blue sky. "I remember teaching kids, and then someone, a woman with blurry face, went to visit me."
"How did you feel when you saw her?" muli kong tanong.
Dumampot siya ng batong buhay at ihinagis iyon sa dagat. "My chest felt heavy, as if a part of me didn't want to remember her."
Hindi ko alam kung bakit kumirot ang dibdib ko sa narinig, na para bang sa likod ng isip ko ay tingin ko, ako ang tinutukoy niya. But that doesn't make any sense, right? Hindi naman kami magkakilala.
Nilunok ko na lamang ang namuong bara sa aking lalamunan. "Tingin mo, bakit parang ayaw mo na siyang maalala?"
Muli siyang bumuntong hininga bago siya tumigil sa paghakbang. "I'm not sure yet, but there's another fragment of my memory where I remember myself declining an offer to have dinner with my co-workers because she promised to make me dinner. I realized I starved myself for nothing. Parang..." Lumamlam ang mga mata niyang ngayon ay nakatitig na sa malawak na karagatan. "Parang puro masasakit na bahagi ng alaala naming dalawa ang bumabalik sa isip ko, Audrey. Maybe she hurt me so much that's why I forgot about her."
Tumitig ako sa mga alon at tahimik na dinama ang maalat-alat na hangin. "Maybe you loved her so much but she's not worthy of being part of your new life that's why your mind remembers more the painful memories." Humugot ako ng hininga. "Siguro para kung magkita kayo ulit ay hindi mo na siya mahalin ulit."
"Maybe she's the reason why I had an accident, too. Sabi ng tropa ko, lasing na lasing ako at pupuntahan ko siya noong naaksidente ako. If we're okay, why would I be that drunk?" Hinagod niya ang kanyang dibdib. "I don't know, Audrey. Maybe it's a bad idea to talk about her. Parang kahit hindi ko pa siya naaalala nang husto, sumisikip na ang dibdib ko dahil sa kanya."
I looked at him again while holding my hair. "If given a chance, would you rather have all your memories of her erased?"
Zon met my eyes for a moment before he stared at the sea once more with sadness in his eyes. "Maybe I'd rather forget about her, so the pain I'm feeling because of her would also go away."
"Sounds fair to me."
Kunot ang noo niya akong tinignan. "Hmm?"
"I said sounds fair to me. I mean, if she only causes you pain, I don't think it's worth it to remember her again. Hindi ka naman panget. I'm sure you can still find someone better."
Tila kumislap ang mga mata niyang natutok sa aking mga labi. I even saw the corner of his lips slightly curved upward for a smirk as if he liked what he just heard. Mayamaya ay tumikhim siya bago humarap sa akin.
"So uhm, you're saying that I look good, hmm? Pasado ba ko sa standards mo, Audrey?"
Napakurap ako at ang t***k ng aking puso ay bumilis. He even smirked wider when he saw my cheeks burned while my lips parted in surprise.
"Uh..." I swallowed while staring back at him. "I mean... you're handsome."
Tumaas ang masungit niyang kilay. "So pasok nga sa standard mo ng gwapo?" he asked, really challenging me to tell him what's really on my mind. Damn it!
Hindi ko na matagalan ang pagtitig sa kanyang mga mata kaya nang umiwas ako ng tingin ay naaninag ko ang bahagya niyang pagkagat ng ibaba niyang labi upang pigilan ang pagngisi.
"Audrey, look at me..."
"No." I pursed my lips and turned away, afraid to show my heated cheeks. "And stop calling me by my name."
Mahina siyang humalakhak. "What should I call you then? Babe? Baby? Love?"
Love...
My eyes shut when I saw a fragment of my lost memories. I saw myself standing by the veranda while a man was snaking his arms around my waist. He whispered that endearment to my ear before he gently rubbed my belly.
"Audrey, are you alright?" tanong ni Zon na nakapagpamulat sa akin.
"Huh? Uh, yeah." I cleared my throat. "What are we talking about again?"
He stop himself from flashing a flirty smile. "You said you don't like it when I call you by your name. Why? You have a pretty name. Parang... bagay nga sa apelyido ko," aniya sa pabulong nang paraan kaya hindi ko gaanong nadinig ang dulo.
"Ano kamo, Zon? Hindi ko gaanong nadinig 'yong huli. Parang ano kamo?" salubong ang mga kilay kong tanong.
Akmang sasagutin niya na ako nang madinig ko ang pagtawag sa akin ni Gavin. Nang mapatingin kaming pareho sa kanyang direksyon, naaninag ko sa sulok ng aking mata ang pag-igting ng panga ni Zon.
"Kursunada ka pa yata niyan, pero kung ex na, huwag mo nang balikan. Hindi na kailangang buuin kung basag na," kumento niya.
I looked at him. "Eh, bakit kayo ni Serenity? Babalikan mo nga, eh 'di ba?"
He c****d a brow at me. "We're planning to work things out once I remember everything, but that doesn't mean it's a guarantee that we'll get back together. Selos ka yata, hmm?"
Sumimangot ako sa kanya at ibinaling na lamang ang tingin kay Gavin. Mayamaya ay ganoon na lamang ang tuwa ko nang makita ang mga kaibigan kong nagsipagkaway sa akin.
Dali-dali silang lumapit na apat at niyakap ako. Mayamaya ay ganoon na lamang ang pagtataka ko nang madinig ko si Stephanie na kinausap si Zon.
"Kumusta ka na, Zon? Nakakaalala ka na ba?"
Napawi ang kurba sa aking mga labi at nakakunot ang noong nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"You... know each other?" I asked, totally confused. Bakit kung makapagtanong si Stephanie ay parang matagal na silang magkakilala?
Tila nataranta ang mga kaibigan ko lalo na nang makita ang matinding pagkunot ng noo ni Zon. Inakbayan naman ako ni Rizza saka siya ngumisi. "Ano, uhm, sikat kasi 'yan si Zon kahit taga-ibang university, oo. Tsaka ano kasi, jowa namin ang friends niya."
"Really? Paano ninyo nakilala ang friends ko?" nagtatakang tanong ni Zon.
Lalong namutla sina Rizza, ngunit bago pa man niya nasagot si Zon ay tinawag na ito ni Serenity.
"Zon! We've got guests! Come here!" aniya.
Tumingin dito si Zon saka tumango. Nang muli niya akong balingan ay bumuntong hininga siya. "Kita na lang tayo ulit mamaya." He looked at my friends. "I'll see you later."
Pinanood namin siyang maglakad patungo kay Serenity, ngunit nang mapansin ko ang talim ng tingin ni Kylie kay Stephanie habang si Rizza naman ay naniningkit ang mga mata kay Serenity, hindi ko naiwasan ang lalong magtaka.
Why do I feel like they're hiding something from me?
Napabaling akong muli kay Zon nang humarap siya sa amin at paatras na naglakad. He's no longer using his cranes so he's slaying more in those white pants and gray shirt he's wearing.
"Audrey! Alas sais?" he asked.
I nodded. "Oo!"
He smiled before he finally turned his back on us. Nang tignan ko ang friends ko ay uminit ang aking pisngi matapos makita ang malisyoso nilang mga tingin pati na ang kurba sa kanilang mga labi. Para bang kinikilig sila sa amin!
"Magkaibigan lang kami!" depensa ko.
Humalakhak naman sila habang si Stephanie ay umismid. "In case you forgot, too, you're married, Audrey--"
"Will you shut up? Dapat talaga hindi na ko pumayag na isama ka pa, eh!" inis na singhal ni Kylie. Napakunot tuloy ako ng noo. What is going on with these two?
Umirap si Stephanie saka niya pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan namin. "Let's see if she wouldn't hate you if she finds out that you're about to set her up for another heartbreak?" Tumingin siya sa akin. "Hindi masasalba ng amnesia ang marriage mo."
Napatitig na lamang ako sa kanya nang talikuran niya kami, at habang papalayo siya sa amin, kusang tumingin ang aking mga mata sa direksyon ni Zon.
Do we... used to know each other, too?