“GOOD morning, Tanangco!” malakas na sigaw niya pagbukas niya ng tindahan. Hindi alam ni Kim kung anong klaseng espiritu ang sumapi sa kanya sa umagang iyon. Pero iyon na yata ang pinakamasayang umagang nagisnan niya. Alam niya ang dahilan ng kasiyahan niyang iyon. Dumako ang mga mata niya sa taong dahilan ng lahat ng iyon. Napangiti siya habang pinagmamasdan mula sa loob ng tindahan niya si Mark. Abala ito sa paglilinis ng kotse. Nakapagdesisyon na siya. Matapos ang ginawa nitong panghaharana sa kanya. Matapos ang lahat ng paghihirap nito sa panliligaw. Ang pagpapatunay sa pagmamahal nito para sa kanya. Wala na siyang nakikitang dahilan para hindi ito sagutin. She loves the man she used to hate. And she can’t imagine another day without him. “A

