Simula
Simula
(first kiss)
"Ano to?"-
"Damit! Ano bang tingin mo dyan?"
"Damit ba to? bakit ang liit.....
...parang pag sinuot ko ito, makikita na panty at bra ko."
"Maria Ysabelle Dimaquha..modern age na ngayon..matuto ka namang magsuot ng pang sexy, hindi yong laging daig mo pang aswang, takot maarawan, e kahit yata aswang dadaigin ka pa. Nag evolve na rin ang mga yon ngayon pwede na silang maarawan."
"Hoy!.. Asethea Leona Mapalad.. dami mong sinabi, itong damit na ibinigay mo sakin, hindi ito ang mga gusto kong damit. Masyadong maliit! Pang twenty years old ba ito? Parang pang elementary lang ito e!."
"Ikaw itong maraming sinasabi, ."
"Thea.. hindi na lang ako sasama. Bantay na lang ako dito sa bahay."
"Ano ka! Security Guard?..Sumama ka na! Hindi ko pa kilala yong ka eyebol ko ngayon, first time naming mag me meet now."
"Ikaw na rin ang nagsabi, hindi mo pa kilala! Mamaya masamang tao pala yon, ma first blood ka pa nyan!"
"Ano!!?...saan mo nahagilap yang sinasabi mo?"
Umiwas ako sa mapanuring tingin ni Thea. "Ke chonang maritess ano?"-tanong ni Thea.
Kumamot ako sa ulo at tumango.
"Narinig ko kanina ng pinagagalitan nya ang anak nyang si lyca."
"E ano ba unawa mo doon sa sinabi?"
Kumunot ang noo ko ng tumingin kay thea. "Ano ba ang blood e diba! Dugo? siguro baka masugatan sya, e pag may sugat, syempre me dugo."- naiiling pa ako ng sinabi iyon.
"Bakit ka tumatawa?"
"You're so funny talaga! Mariang inosenti."
"Kabagan ka sana!..dyan ka na nga!"
"Maria!..sumama ka na..please!!"
"Ayoko!!.."- sabay pasok sa kwarto.
*****
Fire Heaven Bar
"Kuya! Me gatas kayo?"
Kumamot sa ulo ang waiter at nagwika."Wala po kaming gatas dito."
"Ria..psst.!"
"Grabe! Thea aso ba ako? Kung maka psst ka dyan!"
"Bakit ba kasi gatas inoorder mo? pwede namang, juice."
"Gatas gusto ko, para pag inantok na ko uuwe na tayo."
"Asan na ba kasi! yang ka meet mo? Dapat talaga! hindi na ko sumama."
"OTW na daw sya?"
"Anong OTW?"- sabay ayos ng suot na salamin sa mata.
"On the way, paparating na."
" Sya na yata itong naglalakad palapit satin."
"Pano mo nasabi?"- habang nakatitig sa tatlong lalaki na naglalakad palapit sa pwesto namin.
Tumingin sa cp si Thea."Sabi nya tatlo silang magkakasama at naka Yellow shirt daw sya."
"Hi!"- bungad na bati ng lalaking naka shirt na yellow kay Thea.
"Brent?"-tanong na bigkas ni Thea sa lalaki.
"Yes, and you? Leona right?."-nakangiting hayag ng lalaki.
Napatawa ako sa binigkas na pangalan ng lalaki, kaya nakatikim ako ng siko kay Thea.
"Yeah, Thea na lang! and by the way this is Ria, my friend."
Sumulyap lang sakin ang lalaki at ngumiti tapos ay bumaling na ulit kay Thea.
"Sya nga pala, I'm also with my friend, Kenny and Vann."
Kumaway lang ang pinakilalang Kenny, pero yong Vann ay hindi man lang namansin. Tapos umalis ito para dumiretso sa tapat ng bar tender at umorder.
Umupo sa tabi ko si Kenny at bumulong, dahil pumailanlang na ang maingay na tunog sa paligid.
"Nice! Clothes, huh! Pa virgin effect."
Kunot ang noo ko ng magtanong. "Ha?"
Anong sinasabi ng kumag nato?
"Sorry di kita narinig malakas ang music."-nilakasan ko pa ang boses ko at itinapat sa tainga nito.
"Ouch!..but I like your voice,..can I-
Di ko pinansin ang Ibubulong sana ulit nito, bagkus ay kinalabit ko si Thea at bumulong.
"Thea, cr lang ako." - tumango lang sakin ang maharot kong kaibigan, bago muling bumaling sa kausap nitong si Brent.
Tumayo ako at binaybay ang daan sa tabi na walang masyadong tao.
Hm..saan kaya ang cr dito?
Sumunod ako sa isang babae na pasuray-suray ang lakad. Sa cr pala ito pupunta pumasok ito kaya sumunod ako. Tatlong toilet cubicle ang nasa loob yong ikalwa ang pinasukan nong babae dahil nakasarado yong una, me tao yata? Kaya doon ako napa pasok sa ikatlo.
Pagka upo ko ay may marinig akong parang nasasaktan,
Me nag aaway yata sa kabilang cubicle. Bakit?
"Faster.. please...I'm cumming..."
Ano bang ginagawa nila? Faster? Bakit nagmamadali?
"Ahhhh..that was awesome...."
Awesome! Ano bang ginawa nila?
Narinig kong bumukas ang kabilang cubicle, natakot akong lumabas baka madamay pa ako sa away nila. Mahirap na! Baka masugatan pa ako! Tapos ma first blood.
Nang Wala na akong marinig na kaluskos ay lumabas na ako. Tumingin pa ako sa paligid tapos humarap ako sa malapad na salamin, naghugas ako ng kamay at pinatuyo sa hand dryer na nakadikit sa gilid.
Muli akong tumapat sa salamin at marahang inayos ang pagkaka puyod ng medyo nagulo kong buhok, gamit lang ang daliri ko sa kamay.
Marahan kong pinasadahan ng tingin ang suot kong damit. Katakot-takot na pag tatalo pa inabot namin ni Thea bago ko mapa payag na itong suot ko na lang ngayon ang isuot ko, kesa naman sa pinahihiram nya sakin kanina. Pumayag naman! dahil di ko talaga sya sasamahan kapag pinagpilitan nyang ipasuot sakin ang maliit na damit na iyon.
Bakit ba? Maganda kaya ang suot ko ngayon.
Pinagpag ko ang pink long sleeve polo ko, na tenernuhan ko ng black long skirt. Manang! Malimit kong marinig kapag ganito ang suot ko. Wala akong paki! Malimit ko namang sagot.
Pati ang suot kong salamin sa mata ay inayos ko din bago lumabas ng cr.
"Hi!.." -bungad na bati sakin ng isang lalaki na parang lasing na yata. Tumingin lang ako dito pero di ko na pinagka abalahan pang batiin din ito.
"Suplada! Hindi naman maganda."
Bumalik ang tingin ko sa lalaking nakasandal sa tabi.
"Anong sabi mo?"-taas ang makapal kong kilay na tanong dito.
"Nice, pa innocent effect! I said can I f**k yo-
Nanlaki ang mata ko ng makitang humandusay sa sahig ang lalaki dahil may sumuntok dito. Tatayo sana muli ito pero nakatikim pa ito ng tadyak sa sikmura kaya tuluyan na itong di nakabangon. Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sakin at hinila ako palayo, hanggang palabas ng bar.
"Aray, naman! Sakit naman ng hila mo."- inis kong sabi pagkabitaw sakin ng lalaking nakatalikod sakin.
"Bakit kasi lumabas ka pa ng kumbento?"- saad ng lalaki na parang inis sakin.
Tumingala ako dito dahil mas matangkad ito sakin, gulat at inis ang bigla kong naramdaman.
Gulat dahil hinila ako nitong si Vann, inis dahil sinabihan akong, ano daw? Lumabas ng kumbento.
E kumag din pala ito e!
"Anong sinasabi mo?"- balik tanong ko dito.
"Sabi ko, dapat di ka na lumabas ng kumbento, para di ka mabastos."- muling sabi nito.
"Kumbento? Di naman ako madre, anong gagawin ko dun?..at saka pati close ba tayo? bakit mo ako hinila?."
Napaatras ako bigla ng mabilis itong lumapit sakin na halos isang daliri lang ang layo sa mukha ko, dahilan kong bakit matutumba ako, pero nasalo nito ang bewang ko. Kaya ito naka pulupot sa bewang ko ang kanang braso nya habang ako ay nakalapat ang kanang kamay sa dibdib nito.
"Siguro naman! Close na tayo ng lagay na ito?."- sabay kindat at ngiti nito.
Itinulak ko ito kaya nakawala ako sa pagkakapulupot sa braso nito. Kumag din pala ito, pero bakit bumilis ang t***k ng puso ko. Anong ibig sabihin nitong pakiramdam na ito?. Tumingin ako sa mga mata nito na hanggang ngayon ay may maloko pa ring ngiti.
Tinalikuran ko ito at tangkang babalik na ulit sa loob pero hinila nito ang kamay ko. Kaya lumingon ako dito ng nakasimangot.
"Bakit ba?"- inis na talaga ako sa lalaking ito.
"Ano pang gagawin mo sa loob? Mamaya balikan ka pa nong lalaki kanina."
Natakot ako bigla sa sinabi nito tapos ay nakaramdam ng inis dito.
"Bakit mo ba kasi sinuntok yong lalaki?"- inis kong tanong na humarap dito.
"Seriously, tinatanong mo sakin yan? Oh come on... Obvious naman na binastos ka nya."-halata sa boses nito na galit ito.
"Ha!? Binastos? Sinabihan nya lang ako na hindi maganda. Okay lang iyon, sanay na ako."-
Okay lang pero binalikan ko pa at tinanong muli, kaya me sinabi ito, di ko naman naintindihan.
"Talaga lang ha?"- nang aasar na sabi nito.
"Oo nga! Teka nga! Kilala mo ba ako?"- lapit ko dito na tumingkayad pa ako para kahit papaano e magtapat ang mukha namin.
"Oo kilala kita, sabi nong friend mo sa loob, Ria pangalan mo."-
Hm..sabagay alam nya name ko, kaya kilala nya ako.
"E ako kilala mo ba?"- lumapit pa ito sakin na medyo patungo. Napatingin ako sa labi nito.
"Ano ka ba? Naduduling naman ako sayo niyan e."- wika ko sabay atras.
Muli akong napatingin dito ng marinig ko ang pigil nitong tawa.
"Anong nakakatawa? Kumag na toh!"- sabay irap dito.
"Anong sabi mo?"
Napalunok ako ng makitang kumunot ang noo nito sakin at hinapit ang bewang ko. Diosko namang lalaki ito! Balak pa yata akong dulingin. Bumaba ang tingin nito sa labi ko tapos...teka!..bakit? Unti-unting lumalapit ang mukha nito sakin.
Anong, gagawin nya? Bago pa mangyari ang iniisip nito ay iniharang ko sa mukha nito ang palad ko, at walang lingon likod na tumalikod ako dito.
Diosko po! Bakit naman! Ang bilis ng t***k ng puso ko?. kumag na yon!
Kulang na lang ay takbuhin ko ang paloob ng bar sa sobrang kaba na nararamdaman.
Asan na ba! ang babaetang iyon?
Muli ko pang inilibot ang paningin sa loob, pero hindi ko talaga makita si Thea, nanlaki mata ko ng makita ang maraming nagsasayaw sa gitna, sa wari ko'y mga lasing na ang mga ito. Kasi halos magkayakap na ang mga ito sa pagsasayaw, napalunok ako ng makita ang mga suot ng mga babaeng nasa dance floor. Hindi nalalayo ang tabas ng mga suot nila sa balak ipasuot sakin ni Thea kanina.
Asan na kaya ang babaeng iyon? Paano ko ba ito makokontak? Wala akong dala kahit ano. Ni wala nga akong dalang pera, Parang gusto kong maiyak ng maisip iyon, wala akong pera. Pano ako uuwe nito? Ano ba itong pinuntahan namin ni Thea? First time kong pumunta dito tapos ganito pa! Muntik na kong maduling kanina! Tapos ngayon, mabibingi naman yata ako sa sobrang lakas ng tunog ng tugtog sa paligid.
"Hi! Wanna join me?"- medyo pasigaw ang sabi ng lalaki na parang lasing na, tangka pa ako nitong hahawakan pero..
"Back off! She's mine."
Napalingon ako sa likod ko.
Diosko po! Sya na naman! Teka! Anong sabi nya? Mine?
"Come with me.." - at hinila ulit ako nito palabas ng bar.
"Teka!!"- medyo pasigaw ko ng sabi na nagpatigil dito pero hindi man lang binitawan ang kamay ko.
"What!?"-tanong sakin nito.
"Hindi kita kilala! Bakit ako sasama sayo? Mamaya masamang tao ka pala! Tapos, ma first blood mo pa ako!"
"Ano!!?"- halata sa mukha nito ang di nya pag kaunawa sa sinabi ko.
"Hindi..ako..sasama..sayo..period."- sinadya kong isa-isahin ang mga salitang sinabi ko para maunawaan nito.
"Ah..ganun! Ayaw mo sumama sakin?.."
"Oo, dahil stranger ka!"
"Putcha!! parang bata lang ah!"
"Anong sabi mo? Bakit ka nag mumura?"- taas kilay na tanong ko.
"Brent..I'll sue you for this..fuck.."
Me sinabi ito, tapos napahilamos pa ng dalawang palad sa mukha na parang inis na inis. Saglit lang ay dumukot ito sa suot na pantalon at inabot sakin ang cp.
"Ano yan?"- inis kong tanong.
"Putcha..talaga!..
Aba't ang kumag na ito!
"Ito..(turo ng lalaki sa cp na hawak).
... cellphone ito! wala ba nito sa kweba na pinang galingan mo?"-tumawa pa ito na parang nang aasar.
"Alam ko.. cellphone yan."- pigil ang inis na balik sagot ko dito.
"Good!!Now, read the message of your friend."
Sa sinabi nito ay mabilis kong kinuha sa kamay nito ang cp. Pero agad ding napakunot ang noo ko ng makita ang profile pic nito. Lunok laway na iniharap ko dito ang cp.
"Uhm...me passcode."
Habang hawak ko ang cp ay hinawakan nito ang cp, kaya nakalapat ang kamay nito sa kamay ko. Diosko! Ito na naman ang t***k ng puso ko.
...
Nakatitig ako sa mukha ng lalaking ito na ngayon ko lang nakita. Pagkatapos kong mabasa ang text ni Thea sa cp nito. Naku! kung kaharap ko ngayon ang babaeng iyon, baka makalbo ko ito. Mantakin mo inihabilin ako sa lalaking ito, ni hindi ko nga alam ang pagkatao nito. Pangalan lang alam ko dito, pano kung palayaw lang iyon at di pala tunay na pangalan. Sinong ituturo ko kapag me nangyari masama sakin, buti nga sana kong buhay pa ako, pano kung...
Diosko Lord! ! wag naman po! Marami pa kong pangarap sa buhay.
"Ano!?magtitinginan na lang tayo magdamag dito?"- isinilid pa nito sa bulsa ng pantalon ang isang kamay at may dinukot.
"Ayaw mong sumama? Bahala ka dyan!"- at iniwan ako nito. Nakatingin ako sa likod nito tapos bigla akong nagulat ng bigla itong lumingon sakin.
Inihakbang ko ang mga paa ko.
"Faster.."- sigaw nito.
Bakit pakiramdam ko iba ang ibig sabihin nya. Ano bang nangyayari sakin? Asethea Leona!!!lihim kong sigaw sa isip ko. Masasabunotan ko talaga ang kaibigan kong iyon.
...
"Saan ako sasakay?"-kinakabahan kong tanong ng makita ang sasakyan nito. Motorcycle..
"E di dito sa likod ko.( Sabay turo ng nguso sa likoran nya.)..o Kung gusto mo? Pwede din dito sa harapan ko.."- sinundan nito iyon ng ngisi.
"Ano! Pano? Pwede ba yon?"- sunod-sunod kong tanong na nagpa lunok dito kaya nakita kong nag baba taas ang bukol sa leeg nito.
"Pano ako sasakay dyan? nakapalada ako!"- lito ko pa ring tanong.
"f**k!! ganito..o..(umalis ito sa pagkakasakay sa motor at lumapit sakin, hinawakan ako sa magkabilang bewang at iniupo patagilid.)
..yan..ganyan!"- tapos isinuot nya sakin ang helmet.
Bumalik ito sa dating pwesto.
"Wait..put your two arms into my stomach."
"Ha?..ganito ba?" -kinapit ko ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng damit nito.
"Hindi ganyan! Ganito o..( hinila nito ang dalawang kamay ko at kusang ipinulupot sa tiyan nya).- ramdam ko ang sabay naming pagsinghap.
Ramdam ko din ang paghugot ng malalim nitong paghinga bago nito pinaandar ang motor.
Kusang humigpit ang yapos ko sa tiyan ni Vann ng bumilis ang takbo ng motor nito. Nag init ang pisngi ko ng maalala ang nakitang profile pic ng cp nito. Ang hubad baro nitong katawan na parang model. Ngayon nga ay nadadama ko na ang nakita ko lang kanina sa cp.
Nakalapat ang dibdib ko sa likod nito bigla akong nakaramdam ng hiya ng maisip iyon.
...
...
...
...
"Saan mo ako dinala?"-tanong ko ng tumigil ang motor sa isang basement. Umalis ako sa pag kakaupo at tumingin sa paligid. Mga nag gagandahang mga sasakyan ang nakita kong naka parking.
"In my condo unit."- walang gatol na sabi nito at naglakad na ito patungo sa elevator.
Para akong tan-ga na dali daling tinanggal ang helmet sa ulo ko, halos sumabit pa iyon sa eyeglasses ko buti na lang at nahawakan ko agad.
"Sandali!"- sigaw ko pagkalapag ng helmet ng lalaki sa ibabaw ng motor.
Ang kumag! di man lang huminto ng sumigaw ako, buti na lang naabutan kong bukas ang elevator, kundi.. naku!.. Naisip ko na naman ang kaibigan kong iyon. Asan kaya ngayon ang bruhang iyon at ano ginagawa nya? Hindi ko pa rin talaga malubos maisip na ipingkatiwala nya ako dito sa lalaking ito.
(tumingin ako sa lalaking katabi ko ngayon na naka simangot na nakatingin sa harap ng nakasaradong pinto ng elevator)
Tumingin ako sa mga numero, utay-utay na tumataas ang ilaw at huminto sa pinaka huling floor bago ang rooftop.
Fifth floor. Sa Ikalimang palapag pala ito tumutuloy.
Nauna itong lumabas, sumunod ako dito. Tumigil ito sa isang pinto at may pinindot doon na mga numero. Tapos ay binuksan ang pinto, pumasok ito at sumunod ako.
Dumiretso ulit ito sa isang pinto, pumasok doon at naghubad ng itaas na damit, bago pumasok sa isa pa ulit pinto na sa palagay ko'y cr. Huhubadin na sana ulit nito ang pants na suot ng mapalingon sakin.
Nagulat ito, napaatras at muntik ng mapaupo sa sahig kung hindi nakapanimbang.
"f**k!! I thought you're in the sala."
"Gutom na ako."- hindi ko pinansin ang sinabi nito, bagkus ay napahawak ako sa tiyan ko na kumulo.
Napailing ito at inis na muling isinuot ang pants. Pumunta ito sa kitchen area at nagsimulang magbukas ng ref. Ni hindi na ito nag abala pang mag damit ng pang itaas bago simulang magsalang ng lulutoin.
Umupo ako sa isang mataas na upuan.
Malaya kong pinagmamasdan ang malapad nitong likod, ang maumbok na pang upo, kayumanggi ang balat nito.
Nanlaki mata ko ng bigla itong humarap sakin at dumako ang tingin ko sa tiyan nito.
Tiyan ba iyon? O ano ngang malimit kong marinig kay lyca. Pandesal daw!
Pano naman naging pandesal iyon?
Taas kilay kong tingin muli sa tiyan nito. Ang alam ko, matigas iyon nakapa ko kanina e.
"You like the view?"- nakaarko ang kilay nito na tanong sakin.
"Ang alin?"- patay malisya kong tanong bago mag iwas ng tingin dito.
Hindi naman ito umimik kaya lumingon ako, pero mali pala ginawa ko dahil nasa tapat ko mismo ang mukha nito na nakatitig sakin ngayon. Bakit ba!? Gusto lagi nitong
magkalapit halos ang mga mukha namin. Ito na naman sya! Lumalapit na naman! "Nangangamoy na yong niluluto mo "- sabi ko na nakapag papikit dito ng mariin at pagsilay ng ngiti nito sa labi.
Nakangiti pa rin itong umalis sa harapan ko at humarap sa niluluto nito.
...
Adobong manok pala ang niluto nya.
Ito nga sabay kaming kumakain ngayon. Ang kumag ni hindi man lang magsuot ng damit pang itaas, naiilang tuloy ako, kaya iniiwasan kong magawi ang tingin sa harap ko..
Tahimik lang kaming kumakain pareho. Inilibot ko ang paningin sa paligid habang ngumunguya. Nahinto ang tingin ko sa wall clock. 2:00 am ang sinasabi sa oras. Ibig sabihin alas dos na ako nakakain ng dinner. Kaya pala gutom na gutom na ako kanina.
Parang hinihila ang mata ko, kaya
tumingin ako sa tapat ko, bigla akong nasamid ng malamang sakin pala ito nakatingin. Mabilis nitong inabot sakin ang basong me tubig.
Maluha-luha ako kaya marahan kong tinanggal ang suot kong salamin. Dumukot ako sa bulsa ng palda ko at inilabas ang pink handkerchief ko. Marahan kong pinahid ang kaunting luha na namuo sa mga mata ko bunga ng pagkasamid ko.
Tangka ko na sanang susuotin ulit ang salamin ko ng naiwan sa ere ang mga kamay kong hawak ang salamin.
Nanlalaki ang mata ko na halos maduling pa ng maramdaman ko ang malambot na labi. Kung ako nanlalaki ang mata, itong pangahas na lalaking humahalik sakin ngayon ay nakapikit
pa at tila ninanamnam ang labi ko.
Ang labi ko...
Ang labi ko...
"Ahhhhhhhhh!!!!! Bastos!! Bastos!!"- sigaw ko sabay sampal at hampas ng mga kamay ko sa kahit saan parti ng mukha ni Vann.
"Aray!! Ouch!!.."- sigaw ni Vann at hinawakan ang magkabila kong kamay.
"My lips...Pakasalan mo ako!"-mangiyak ngiyak kong saad sa harap ni Vann.
Buhat sa sinabi ko ay tumawa ito ng malakas at napaupo pa sa sahig habang hawak ang tiyan at patuloy pa rin sa pagtawa ng malakas.
"Vann..bakit ka ba tumatawa dyan?...panagutan mo ako.. Pakasalan mo ako..."
Dahil sa walang tigil nitong pagtawa e napaiyak na ako sa sobrang takot na nadarama. Anong gagawin ko?
Nangako ako sa sarili ko na kung sino ang first kiss ko, sya na rin ang gusto kong mapang asawa. Pano to anong gagawin ko? Kailangan ko sigurong mamundok na lang. Dahil sa sobrang iyak at takot e napatungo ako, doon ko nakita ang eyeglasses ko sa sahig, pinulot ko ito at lalo akong naiyak ng makita itong me lamat na ang dalawang bubog nito.
"Sorry! Wag ka ng umiyak."- alo sakin ni Vann. Tumingala ako dito at nagwika.
"Bakit ka nag sosorry? Pakakasalan mo na ako?"
"No..I mean about the kiss and the eyeglasses..
"Iyo na sorry mo!! Kumag ka!"- sigaw ko sa sobrang inis at pinilit pa rin isuot ang eyeglasses kahit medyo malabo na ito dahil sa lamat, tapos ay naglakad palabas ng tinitirhan ng kumag kahit naririnig ko ang tawag nito ay di ako lumilingon.
...
...
...
...
...
Ganap na 3:30 am ng mapaupo ako sa kama ko at makita ang oras na sinasabi ng alarm clock ko na nakapatong sa bedside table ko.
Mabuti na lang at may taxi na dumaan kanina, kaya sumakay ako doon, at nagpahatid mismo sa apartment namin ni Thea. Medyo may katandaan na ang driver ng taxi at halata namang mabait dahil pumayag itong maghintay para sa bayad ko. Dinagdagan ko pa iyon ng tip na ikinatuwa naman ng matandang lalaki.
Habang nakahiga at nakatitig sa kisame ng kwarto ko ay napahawak ako sa labi ko. Pumikit ako saglit at mukha ni Vann ang nakita ko.
Ang kumag na yon ninakaw ang unang halik ko.
Tatanda na yata, akong dalaga nito.
Buhat sa isiping iyon ay nakuha kong itakip sa mukha ko ang unan sa tabi ko.
Makakaya ko bang baliin ang pangako ko sa sarili?
Ewan! Bahala na!
At iyon na ang huli kong natandaan bago ako dalawin ng antok.