Part 4

1242 Words
Present day "Bes, tama na 'yan... lalamig na ang pagkain mo, o. Fifteen minutes nalang, balik work na ulit tayo, baka malipasan ka ng gutom n'yan." "Wala akong ganang kumain," sabi ni Ella na pinupunasan ang luha gamit ang kamay. "Dadalhin ko nalang 'to pag-uwi, sa bahay na lang ako kakain." "Ay, 'yan ang hindi p'wede. Full house tayo ngayon 'di ba, marami tayong gagawin kaya need mo ng glucose sa utak, Te. Ano ba talaga kasi ang nangyari? Sige subo na habang magkukwento ka," saad ni Lenie na humigop ng Mountain Dew. Kahit wala nang ganang kumain ni Ella ay pinilit na lang niyang sumubo para nga naman tuloy-tuloy ang kilos niya mamaya, siya lang din naman mapeperwisyo kung bigla siyang gutumin. "Iba siya, Bes," aniyang iiling-iling. "Pano'ng iba?" "Hindi siya ang Marcos na nakilala ko. Napakasama ng ugali ng humarap sa akin, ibang-iba sa pinaramdam niya sa sulat. Pinahiya n'ya ko sa harap ng maraming tao." "Pinahiya?" "Binabagsakan n'ya ko, tapos... sabi n'ya... hindi daw siya ang kasulat ko all this time, ibang tao raw. Kaya huwag na raw akong bumalik doon dahil wala siyang interes sa akin," Napaiyak na naman siya. "Ang hitsura n'ya, same ba sa picture?" tumango siya habang pinupunasan ang luha ng tissue. "Pero, ang laki ng tattoo dito," aniyang tinuro ang mga braso habang napapangiwi sa alaala. "Reeeally?" usal ni Lenie na nakamulagat ang mga mata. "So, nakakatakot? G'wapo naman 'yon di ba?" "Nakakatakot ang talas ng mga titig n'ya. Parang gusto n'ya akong saktan anytime." "Gano'n?" saad ng babae na nakapangalumbaba. "Sige kumain ka pa, heto tubig." abot nito sa bottled water. "Ano'ng plano mo ngayon?" "Pero mahal ko siya, Bes. Mahal ko talaga siya." atuluyan na ngang hindi tumigil ang pagtulo ng mga luha ni Ella. May mangilan-ngilan nang nakatingin sa kanila. "Ano'ng next step mo? Baka naman kasi hindi talaga siya ang nagsulat sa 'yo kaya ganoon ang dating. Mabait." "Iyon ang sabi niya. Ayoko nang bumalik do'n. Total, ayaw naman niya sa 'kin. Wala nang rason pa para ipatuloy ko 'to." "Hmmm, oo nga. Baka manganib pa ang buhay mo sa journey na yan, Bes, awat na. Akala ko pa naman, nahanap mo na si forever sa loob. Anyways, you're still young, maràmi pang time para maghanap. Ubusin mo na 'yan para makaakyat na tayo sa station,"  anitong nagsimulang magligpit ng gamit. Gaya ng sabi niya sa kaibigan, hindi na nga bumalik o nagparamdam uli si Ella. NAKAHIGA si Pedro sa kama, nasa harap ng dilat niyang mga mata ang bakal na itaas na bahagi ng double deck. Ang electric fan lang na gusto nang sumuko sa kakaikot ang tanging nagbibigay ginhawa sa maalinsangan na tanghali, pati ang hangin na binubuga niyon ay parang mabigat na. Kahit kumakanta ng opm song ang singer na nasa radyo, hindi rumehistro sa isip niya ang lyrics niyon. Pilit niyang binablangko ang utak dahil may imahe na gustong sumiksik doon. Buti pa matutulog nalang siya, nakakabagot ang timpla ng araw. Sa sandaling ipinikit ni Perdo ang mga mata ay nakita na naman niya ang eksena. Mahigpit niyang kulong ang isang palad ng babae habang ang huli ay nabiglang napadukwang sa harap niya. Ang gaan ng katawan, ang liit ng mga kamay. Kung dadagdagan pa niya ang lakas ng pagkakahawak niyon ay siguradong mababali na ang buto ng mga daliri na hawak. Nakamulagat ang bilugan nitong mga mata at nakangiwi ang maliit nitong labi na bahangyang pinatungan ng kulay pink na lipstick, sa hindi inaasahang ginawa niya. Ang emosyong iyon ay hindi nagtagal, nang marahil ay naintindihan na nito kung ano ang gusto niyang sabihin ay napalitan ang kaninang sorpresa nitong expression ng matinding pagkapahiya. Pinagala nito sa paligid ang mga matang nagsimula nang mamula dahil sa namumuong luha. "Aaargh! Bwisit!" Napatalon sa gulat sina Badong at Payat nang bigla na lang niyang hinampas ang palubog nang kutson ng kama at marahas na bumangon. "Pre, okey ka lang?" tanong ni Payat sumilip mula sa itaas ng double deck. "Humanda talaga kayo sa 'kin," nagngingitngit niyang sabi. "Ano na namang ginawa namin?" si Badong. Ilang araw na niyang naalala ang komosyon na ginawa sa tanggapan. Nagtagumpay siya sa misyon niya, nagawa niyang takutin ang babae para hindi na bumalik, ngayon mag-iisang buwan na ang lumipas, wala na siyang balita na natanggap tungkol dito. Masaya siya, napigilan niya ang muntikan nang nagulo niyang buhay, napanatili niya ang tahimik niyang mga araw. Pero bakit laging naglalaro sa isip niya ang naiiyak na mukha ng babae? "Kung may sa lahing mangkukulam ang babaeng 'yon, kakaladkarin ko pati mga kaluluwa n'yo sa imperno!" "Ano'ng pinagsasaaabi mo, Pedro?" naguguluhang tanong ni Badong. "Mag-iisang buwan na pero hindi mo parin s'ya makalimutan," saad ni Payat na humiga ulit at nagbukas ng libro "Nakokonsens'ya ka ba o..." "Ako? Makokonsens'ya? Ano bang ginawa ko? Ni hindi ko nga s'ya sinaktan, e.Sinabi ko lang ang totoo para tumigil na s'ya sa kabaliwan n'ya." "Pinahiya mo s'ya sa harap ng maraming tao, Pedro. Sinigaw-sigawan, pinagmukhang katawa-tawa," kalmang paliwanag ni Payat. "Pedro, sana hindi mo na lang ginawa 'yon kay Ella, mabait s'ya at matino. Ulilang lubos pa naman yun, wala siyang nakilalang pamilya." Nakapamaywang na nakataas ang kilay ni Pedro na tumingin kay Badong. "Pa'no n'ya naitaguyod ang buhay n'ya kung gano'n?" "Umalis s'ya ng orphanage noon nag dise-otso s'ya, nag-working student para makapag-aral, mag-isa nalang 'yon sa buhay kaya sana hindi mo nalang ginawa ang ganun." "Pakialam ko sa buhay n'ya," anang lalaki na umupo ulit sa kama na nakakunot pa rin ang noo. "Binububog 'yon noon ng boyfriend n'ya," saad ni Payat na nagpatigil kay Pedro sa pag-aayos ng unan. "Ano?" "Oo nga, buti nga nagawa n'yang makipagbreak, e. Hindi ako magtataka kung may trauma na siya sa ganoon. Kita mo naman ang takot sa mga mata n'ya noong sinaktan mo s'ya, Pedro," sabi ni Badong sa nangonginsensiyang tono. "Hindi ko siya sinaktan!" "Pero bilib din ako sa babaeng 'yon. Kahit may takot siya sa sakit, kalma pa rin siyang nakiharap sa 'yo kahit mangiyak-ngiyak na," anang lalaking nagbabasa ng libro. Iyon ba ang dahilan kung bakit nakaramdam s'ya ng panginginig sa mga kamay nito nang daklutin n'ya, akala n'ya ordinaryong takot lang iyon. "Naaawa talaga ako sa batang 'yon, isipin mong napagdaanan n'ya lahat ng 'yon nang nag-iisa sa buhay," napabuntong-hiningang sabi ni Payat. "Pinaglololoko n'yo ba 'ko?" "Hindi, a!" si Badong. "Alam n'yo lahat nang 'yan? Sinabi n'ya sa inyo?" "Oo, kasi nga diba, naging malapit na s'ya at mahal na niya si 'Marcos' na 'boypren' n'ya," saad ni Badong na binigyang diin ang dalawang salita. "Kaya nag-share s'ya, grabe halos punitin ang puso ko no'ng nabasa ko 'yon sa sulat n'ya." Natahimik si Pedro. Biktima pala ang babae ng pang-aabuso tapos tinakot pa niya nang ganoon? Hindi kaya makaapekto ng malubha iyon sa babae? Iyong maalala ang trauma tapos manginginig? Hindi kaya sinugod ang babae sa ospital dahil doon gaya ng napapanood niya sa tv? "Ano kayang mangyayari ngayon kay Ella, kapag ganitong may nanakit sa kanya, hindi ko maisip kung paano niya tinutulungan ang sariling makabangon ulit. In love na talaga 'yon kay 'Marcos',  nakahanap na siya ng liwanag at pag-asa kasi sabi niya wala nang natitirang matinong lalaki para sa kanya. Lahat na lang kundi man siya iniiwan, sinasaktan. Pero napakasakit nang finally makita niya, ganoon lang ang nangyari. Kung single lang ako, mamahalin ko ang babaeng 'yon ng aking buhay." "Hindi ko nga siya sinaktan!" "Sinaktan mo, Pedro," si Badong. "Baka gusto mo ikaw ang saktan ko," aniyang pinandilatan ito ng mga mata. Umiwas ng tingin ang lalaki pero nakanguso. "Hindi kaya 'yon magpatiwakal, Yat?" tanong bi Badong pagkuwan. "Hindi naman siguro, sana hindi. She deserves someone that will only love her and not let her go. Someone that would live with her to end."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD