Part 5

1390 Words
BITBIT ni Ella ang paper bag na pinaglagyan ng baon sa trabaho sa kaliwang kamay. Ang kabila naman ay nakadukot sa kanyang bag para kunin ang susi ng apartment. Kaagad niyang sinalpak sa butas ng door knob ang susi at inikot iyon pabukas. Sa paghakbang ni Ella sa loob ay napatigil siya nang may masaging bagay sa paa. Kinapa niya ang switch ng ilaw at binuksan iyon. 'Sulat?' Sumeryoso ang anyo ng mukha ng dalaga nang makitang pamilyar ang ginamit na sobre. Dinampot niya iyon saka sinara ang pinto. Lumapit sa maliit na lamesang kainan at pumuwesto sa upuan. "Florencio Bernabe?" Hindi niya kilala ang sender pero napakapamilyar ng address na nakasulat. Ang preso. Hindi siya nag-aksaya ng panahon at pinunit kaagad ang gilid ng papel. Inilabas ang isang pahina ng yellow paper at sinimulang basahin. Dear Ella, Ako si Florencio Bernabe, isa sa matalik na kaibigan ni Marcos Peter Villano. Kumusta ka na? Nalaman ko ang nangyari sa pagbisita mo. Isa ako sa dalawang taong nagpanggap na 'Marcos' para sulatan ka. Totoo ang sinabi ng totoong Marcos sa iyo, wala siyang kinalan sa palitan ng sulat natin noon. Natigil ni Ella ang pagbabasa at napasagap ng maraming hangin sa dibdib dahil sumikip bigla ang kanyang puso sa kompirmasyong nabasa. Ako, kasama ang isa pa naming matalik na kaibigan ang may kagagawan. Sana ay huwag kang magalit sa amin dahil hindi namin intensyon na lokohin ka. Gusto lang naman namin tulungan ang matalik naming kaibigan na makahanap ng taong totoong magmamahal at mag-aalaga sa kanya kaya namin ginawa iyon. Pasensya nga pala sa nangyari noong unang bisita mo. Ewan ba namin kung bakit ginawa ni Pedro yun. Siyanga pala, Pedro ang tawag namin sa kanya rito. Ang totoo niyan, ang bait ng taong 'yon. Kung paano namin pinakilala ang Marcos sa iyo, binase namin lahat iyon kung paano namin siya nakilala. Lahat pati paborito niyang kulay at pagkain, totoo lahat ng 'yon. Kaya sana Ella, 'wag kang sumuko. Baka bad mood lang 'yon. Nagsisisi naman na siya, sa nakikita namin. Bumisita ka ulit. Hanapin mo si Gilbert Monohon, matalik din naming kaibigan. Mag-uusap kayo nang personal at sasabihin niya sa iyo ang lahat. Huwag ka lang maingay kay Pedro. Ako naman, babantayan ko siya nang sa ganoon ay hindi niya malaman ang lihim mong pagbisita. Igagarantiya ko, namin, hindi nananakit ng babae si Pedro. Nanghihinayang kami sa kanya kasi mukhang nawalan na siya ng ganang umalis dito. Kailangan niya ng taong magbibigay ng motivation sa kanya na makalaya rito at nakikita namin na ikaw na nga iyon. Mabait ka at matino, at alam namin na minahal mo na si 'Marcos'. Please, Ella. Sana tulungan mo kaming tulungan siya. Hanggang sa muli. Florencio Tiniklop ni Ella ang dilaw na papel at ipanatong sa lamesa, natuloy sa malalim na pag-iisip. Totoo kaya ang sinasabi ng Florencio na ito? Ganitong-ganito ang sulat kamay na nagpapanggap sa kanyang Marcos noon kaya marahil itong taong ito ang kasagutan niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit. All this time niloloko lang pala siya. Nagmukha siyang tanga lalo at na-inlove pa talaga. Ang sabi ni Florencio lahat naman daw ng descriptions na binigay nito sa kanya ay base sa totoong pagkatao ng totoong Marcos, gentleman din ba siya makitungo sa babae? Ano ang gagawin niya? Gusto niyang patunayan ang mga sinabi ni Florencio, kung totoo ba lahat iyon. Napukaw ang matinding curiousness sa kanya dahil napakabait at mapagmahal ng karakter na pinakilala ng mga ito kay Marcos. Gaano kapareho ang totoong pagkatao nito? She's in love with Marcos, kaya masyado siyang nasaktan sa nangyari. Kung ipapapatuloy niya ang kanilang pekeng relasyon, ano ang magyayari? Marcos might not feel the same way for her. Baka maiiwanan na naman siyang luhaan. Anu-ano pa ang matutuklasan niyang bagay tungkol kay Marcos kapag pupunta siya doon? Will it be worth the visit? *** "Badong! May bisita ka ulit! Daming ch--" "Chief, Catch!" Naputol ang sinasabi nito sa pag-itsa ni Payat ng isang chocolate. Nasakp naman ng guwardiya iyon. "Oi, imported! Salamat, Yat." "Hmn," anitong tumango. Alisto naman ang paglabas ni Badong nang sa ganoon ay hindi na mapag-usapan kung sino man ang bumisit. "Napapadalas yata ang bisita ng fiance ni Badong, a." "Ganyan talaga kapag may minamahal. Gusto mo na rin?" tanong ni Payat kay Perdro. "Tumigil ka nga. Pahinge pa no'ng chocolate mo." "Wala nang naiwan." "Ang dami pa no'n, e! Nakita ko pa kanina." Dumukot si Payat ng ilang chocolates mula sa bag supot saka initsa sa ilalim na kama. "Mag-girlfriend ka na kasi para may magbigay na rin sa 'yo." Tumaas ang kilay ni Payat nang hindi na sumagot si Pedro. Sinilip niya ito sa ibaba at napag-alaman niyang nakasalpak na ang headset sa tainga nito. Napapailing na lamang na humiga ukit ang lalaki. Sa receiving area. Nilapitan ni Badong ang babaeng naka-floral ng blouse at itim na pantalon. Kilala na niyang si Ella iyon. "Uh, hello! Ako nga pala si Gilbert." Nabanat ang maninipis na labi ni Ella para sa isang matipid na ngiti. "Hello." "Pasensiya ka na talaga ha?" saad ng lalaki na nagkamot ng batok. "A, Badong nga pala ang itawag mo sa akin. Salamat sa pagpunta mo rito. Kahit sinaktan ka ni Pedro noong nakaraan, hindi ka natakot bumalik dito." "Actually, takot ako. Lalo siguro kapag nakita ko Marcos ulit. I mean, ang totoong...Marcos. Kaya sana makabuluhan ang sasabihin mo." Nakahimlay ang mga kamay ng babae sa itaas ng plastic na mesa ngunit malalaman na tensiyonado ito. "Sisiguraduhin kong makabuluhan ito, Ella." *** NAKAUPO nang nakabukaka ang dalawang hita ni Pedro. Patabinging nakalapat ang likod nito sa sandalan ng plastik na upuan, nakakrus sa dibdib ang mga brasong litaw ang malaking ahas at magkadikit ang makakapal na kilay sa itaas ng nanlilisik na mga mata. "Marcos, kumusta ka na? May dinala akong pork barbeque at atsara, saka kanin. Nakapag-lunch ka na ba?" "Hindi ba klaro ang sinabi ko sa'yo no'ng huli mong punta dito? Gusto mo pa bang ulit-ulitin ko para sumiksik d'yan sa maliit mong utak?" Nakatungo siyang huminga ng malalim para pigilang huwag patulan ang pananakot na ginagawa ni Marcos. Sa totoo lang, pinag-isipan niya ng maraming beses nang nagdaang mga gabi kung tutuloy ba sa pagbisita o hindi. She can't pretend to herself, takot siya kay Marcos, pero pinanghahawakan niya ang sinabing assurance ni Gilbert dito na kabaliktaran ang totoong karakter nito. But right now, pilit niyang pinapatatag ang sarili. "Off ko ngayon, kaya hindi ako nag-lunch para magkasama tayong kumain." Kumibot-kibot ang nguso ng lalaki na sinusundan lang ang galaw niya habang nilalatag ang pagkain sa mesa. Binigyan niya ito ng paper plate at plastic spoon and fork. Inilabas niya rin ang dalawang bottled water sa supot. "Abnormal ka ba?" mababa ang pagkasabi nito pero may diin. "May tenga ka naman, bakit hindi mo naiintindihan ang mga pinagsasasabi ko?" "Marcos--" "Ganyan ka ba kadesperada magkajowa at pati ako na nananahimik dito sinusungkit mo?" "Huwag mong paniwalaan ang mga sinasabi niya. Matalim ang dila n'yan, pero hindi niya kayang manakit ng babae. Lalo sa 'yo na girlfriend niya," naalala niyang sabi ni Badong. "Bakit, akala mo ba napakaganda mo para maobliga akong pakiharapan ka nang maayos? Ang sinasabi ko lang naman sa'yo ay tantanan mo na'ko." Huminga ng malalim si Ella saka bumira. "Puwede ba, Marcos, kung sa tingin ko ay matatakot mo ako sa mga ganyan mo, nagkakamali ka. Buti pa kumain ka na lang. Naghirap akong magluto niyan." Nagtikwasan ang mga kilay ng lalaki sa narinig. Hindi nito inakala na kikilos nang ganoon ang babae. "Hindi ka natatakot? Sinusubukan mo ba ako?" Imbes na magpaapekto, binuksan ni Ella ang baunan na may kanin at sinalinan ang platong papel ng lalaki. Ipinatong ang dalawang barbecue roon at naglagay rin ng atsara. Ganoon din ang ginawa nito sa sariling plato. Ipinagtagpo niya ang dalawang palad saka pumikit. "God bless this food. Amen." Nagbuka ng mga mata at ngumiti ng matamis sa kaharap. "Let's eat?" Habang pinapapak ni Ella ang barbecue ay magkatagpo ang mga kilay ni Pedro na nakatingin dito. "At home na at home ha." "Mas lalong lalamig ang pagkain mo kung hindi mo na kakainin," sabi niya na hindi ito tinatapunan ng tingin. Napapailing na iginalaw ni Pedro ang mga panga pagkatapos ay kinuha ang mga kubyertos at sinimulang kainin ang kanyang dala. Napangiti si Ella sa nakita. Goal met for today. Nakaya niyang pakainin si Marcos ng dala niyang pagkain, at magkasabay pa sila. Authors Note: AVAILABLE NA PO ANG LIBRO NATIN PARA SA KUWENTONG ITO! KUNG GUSTO NINYONG MALAMAN KUNG ANO ANG KINAHINATNAN NG TAGILID NA PAGSINTA NI ELLA KAY PEDRO, PLEASE PM MSR PUBLISHING IN f*******: OR PM ME IN f*******: (Username: AuraRued)—hindi po para magtanong ng spoilers?—for ORDERS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD