Kabanata 1.2

1425 Words
Muli kong nilingon ang pintuan ng office ni Kayden, saan kaya siya nanggaling kagabi? Saan kaya siya natutulog? Alam ko namang hindi yan uuwi ng bahay nila dahil pagagalitan siya ng mga parents niya kapag iniwan niya ako. Mapait akong napangiti, inalis ko na lang dun ang atensyon ko saka muling nagtrabaho. “Avyanna,” rinig kong tawag sa pangalan ko kaya nilingon ko iyun. “Bakit?” tanong ko sa kaniya. “May mga intern tayo at ikaw ang magtuturo sa kanila ng mga gagawin nila.” “Bakit ako?” reklamo ko kay Kirsten. “Ewan ko, ikaw ang sinabi ni ma’am eh.” Kibit balikat niyang saad kaya napabuntong hininga na lang ako. Ano pa bang magagawa ko? tumayo naman ako saka ako nagtungo kung nasaan ang mga intern. Tiningnan ko naman sila isa-isa, ang iba ay halata pa ang kaba sa dibdib nila. “Sana hindi matandang dalaga ang magtuturo sa atin.” Nakapikit pang saad ng isang dalaga. Inagaw ko naman na ang atensyon nila kaya mabilis silang umayos ng upo at tumingin sa akin. Nginitian ko naman sila. “Hi, good morning. I’m Avyanna Villanueva, ako ang in charge sa inyo ngayon.” malumanay kong saad dahil bakas sa kanila ang kaba. Pansin ko pa ang pagbuntong hininga ng isang babae. “Good morning Miss.” Nakangiti naman na nilang bati sa akin. Napatingin naman ako sa isang lalaking nasa dulo, nang magtama ang mga mata namin ay kinindatan niya ako. Hindi ko naman na iyun pinansin pa. “Follow me para mabilis lang tayo.” Wika ko sa kanilang lahat, lumabas naman na ako na sinundan naman nila. Nag-umpisa na akong sabihin sa kanila ang mga gagawin nila at kung saan sila mai-aasign base sa sinabi ng head ng department namin. Sumusunod naman sila at wala namang maldita, noong nakaraang ako kasi ang in charge sa mga nag-OJT ay nakaencounter pa ako ng malditang estudyante. Well, kung sabagay hindi nga pala estudyante itong mga ito. “Okay na ba lahat? may tanong pa?” tanong ko naman sa kanila ng matapos kami. “Wala naman na Miss, mabuti na lang at hindi matandang dalaga ang nakasama namin ngayon hehehe.” Tawa pang saad ng isa, natawa na lang ako sa kaniya. Alam ko naman ang ibig sabihin nila kapag matandang dalaga, dahil minsan kasi masusungit sila. “Avyanna, aren’t you done yet?” nilingon ko naman si Gilbert na nakadungaw sa pintuan. “Susunod na ako, tapos naman na ako.” sagot ko sa kaniya, tumango naman siya saka siya umalis. Pasaway talaga kahit kailan. “Boyfriend mo po ba ma’am?” nang-aasar pang tanong ng isang babae, kahit nasabi na nila mga pangalan nila hindi ko naman kaagad yun masasaulo. “Nope, he’s my friend.” “Yiiieee, ang gwapo po.” Kinikilig pa niyang saad, bahagya tuloy akong natawa sa kaniya. Gwapo naman talaga si Gilbert pero never akong nainlove sa kaniya. “Let’s end it here, see you around guys. Good luck!” masigla kong saad sa kanila, aalis na sana ako ng mahagip nanaman ng mga mata ko yung lalaking kumindat sa akin kanina. Ngumiti naman siya sa akin kaya lumabas ang malalalim niyang dimple. Lumabas naman na ako para bumalik sa Marketing department ng may humawak sa mga braso kaya nilingon ko iyun. “Do you need anything?” malumanay kong tanong sa kaniya, napakamot naman siya sa batok niya at para pang nahihiyang tumingin sa akin. “I know we are at the same age pero senior pa rin kita. I just want to ask kung saan ang Marketing department? Dun kasi ako. By the way, I’m Erick” saad niya. “Follow me,” tanging saad ko sa kaniya saka naglakad na pabalik ng marketing department. “Ikaw yung bago?” tanong ni Clara ng kasama ko si Erick. “Ako nga po,” para pa niyang nahihiyang sagot. “Ako ng bahala sa kaniya Avyanna, kumain ka na rin at tanghali na.” nginitian ko naman si Clara saka sila iniwan. Kumatok naman ako sa office ni Kayden at pinagbuksan naman ako ni Kurt. “Si Sir Kayden at Sir Gilbert ba hanap mo?” tanong niya sa akin na ikinatango ko. “Hintayin ka raw nila sa parking lot.” Saad niya, bakit sa parking lot? Saan ba kami kakain? Hindi naman na ako umimik sa kaniya. Akala ko kasi dito lang kami sa office ni Kayden kakain pero mukhang sa labas yata. Lumabas naman na ako saka dumiretso sa parking lot, hindi naman ako nahirapang hanapin sila dahil nasa unahan lang ang sasakyan ni Kayden. “Masyado mong pinapagod ang sarili mo Avyanna, pumasok ka na at mukhang gutom na si Boss.” Inginuso pa niya si Kayden na nakaupo na sa unahan. Pinagbuksan naman na ako ni Gilbert ng pintuan sa likod kaya pumasok na ako, ganun din siya. Tahimik lang naman si Kayden, itinuon ko na lang ang paningin ko sa labas. “Kumakain ka pa ba sa tamang oras Yanna? Parang namamayat ka yata?” tanong ni Gilbert. “Hindi naman, wala namang nagbago sa katawan ko ah. Kung ano-anong napapansin mo.” “Kung ganun nagsisinungaling ang mga mata ko? huwag kang papalipas ng gutom. Hayaan mo na ang trabaho mo huwag lang ang kalusugan mo. Hindi ka talaga nag-iisip.” Napangiwi na lang ako sa sinabi niya, ang sarap niyang batukan. “Kahit kailan talaga hindi ka pa rin nagbabago Gilbert.” “Gwapo pa rin syempre.” “Madiri ka nga, pinagsasabi mo?” “Alam mo, palagi ka talagang kontrabida sa buhay ko.” “Hindi ko alam.” “Kaasar ka talaga.” Saad pa niya pero napangiti na lang ako. Namiss ko tuloy yung mga asaran namin. “Kung mag-aasaran lang din kayong dalawa hindi niyo na lang sinayang ang oras ko, I have a lot of works.” Masungit na saad ni Kayden na ikinatawa naman ni Gilbert. “Alam mo pre masyado kang seryoso sa buhay. Mabilis kang tatanda niyan eh hahaha.” Pang-aasar pa niya, hindi ko naman na sila inimikan at tumingin na lang sa labas hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Nauna namang lumabas si Kayden at dumiretso ng pumasok sa restaurant. Pinagbukas naman ako ni Gilbert dahil kaming dalawa ang magkatapat ng upuan. Sumunod na kaming dalawa ni Gilbert at naupo kung nasaan si Kayden. Lumapit naman na sa amin ang waiter. “Good day ma’am, sir’s.” Nakangiting bati ng waiter, hindi naman na kinuha ni Kayden ang menu saka sinabi ang mga order niya. “Ano sayo beb? Adobong baka ba?” tanong naman ni Gilbert. Tumango lang naman ako sa kaniya, inaasahan ko kasing si Kayden ang magtatanong nun sa akin since siya palagi ang nag-oorder ng para sa akin noong nag-aaral pa kami. Nakalimutan ko nga palang dati pa yun, tiningnan ko naman si Kayden at nakatutok lang ang mga mata niya sa cell phone niya. “Alam niyo, nagtatampo na talaga ako sa inyong dalawa. Minsan na nga lang tayo magkasama-sama eh tapos ganiyan pa kayo katahimik. Ayaw niyo na ba sa friendship na to?” kunwaring nagtatampo pang tanong ni Gilbert. “Ikaw lang nag-iisip niyan, marami lang talagang nagbabago saka ano ka ba Gilbert, hindi na tayo mga estudyante be professional naman.” “Uy! Ikaw ba yan Avyanna?” napairap na lang ako dahil sa kakulitan niya. Hindi ko na lang siya sinagot dahil alam kong hahaba lang ang pang-aasar niya. Kagragraduate lang din kasi namin last year tapos ipinakasal kaagad kaming dalawa ni Kayden. Muli ko siyang nilingon pero nanatiling abala siya sa cell phone niya, ano pa bang aasahan namin ni Gilbert? Bumuntong hininga na lang ako at hinintay na lang namin ang mga pagkain namin. Akala ko talaga noon ay mutual lang ang feeling namin para sa isa’t isa kasi hindi siya tumutol sa kasal pero nagbago ang lahat matapos ang kasal naming dalawa. Binibiro pa niya ako noon, ano raw ba ang pakiramdam ng mapangasawa ang best friend. Akala ko magiging masaya kaming dalawa pero nagkamali pala ako, bigla siyang nagbago matapos naming makasal na dalawa. “Hoy! Okay ka lang?” napakurap naman ako ng pumitik sa harapan ko si Gilbert. Tinapik ko naman ang kamay niya. “Okay lang ako,” saad ko sa kaniya. “Mukha kang nagda-day dream beb.” Pang-aasar pa niya, hindi pa yata ito nakakaalis sa pagiging estudyante niya eh. Muli akong kumain at nilingon si Kayden na walang pakialam sa paligid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD