Kabanata 2.2

1297 Words
Bumalik naman na ako sa sala saka ibinigay ang tubig pero nagulat na lang ako ng tabigin niya yun. “Ganiyan ba ang ibinibigay mo kay Kayden? You should put the glass in a tray, idiot!” inis niyang saad sa akin. Kinalma ko na lang ang sarili ko, isa isa ko namang pinulot ang mga nagkalat na bubog sa sahig saka tumayo. Nagtama pa ang mga mata namin ni Kayden na pababa pa lang ng hagdan. Mabilis akong umalis at inilagay sa basurahan ang mga bubog. “Ahh,” daig ko ng masugat ako. “Bakit naman kasi inilagay mo sa kamay mo, Ate. Winalis mo na lang po sana o tinawag po ako, nakakainis na yang babaeng yan eh. Bakit naman kasi hindi mo sabihin kung sino ka rito sa bahay.” Naaawang saad sa akin ni Kate. “Ano ka ba naman, anong klaseng tingin yan Kate? Okay lang ako, akala mo naman ikamamatay ko ang kaunting sugat eh.” Tawa kong saad pero hindi nagbago ang expression ng mukha niya. “Okay lang ako, hayaan mo siya sa gusto niyang gawin. Hindi rin naman sila magtatagal ni Kayden.” “Ate,” sambit pa niya, hinawakan ko na lang ang magkabila niyang balikat saka ko siya tinanguan. “Okay lang,” kindat ko pa sa kaniya, hinugasan ko na lang ang kamay kong nasugatan saka nilagyan ng band aid at muling nanguha ng tubig, this time inilagay ko na sa tray as she want. “May pupuntahan ka ba ngayon, babe? Isama mo naman ako.” maarteng saad ng babae, tumikhim naman ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Here’s your water ma’am.” saad ko sa kaniya saka ibinaba na iyun sa lamesa. Kunot noo namang napalingon sa akin si Kayden. “What are you doing?” tanong pa niya sa akin, wala na lang bang lalabas sa bibig niya kundi puro iyun? “Inutusan ko lang siya babe. Ang bagal bagal mong kumilos.” Irap pa niyang saad sa akin. Hindi ko naman na hinintay pa siyang matapos na uminom. Dumiretso na ako sa garden at dun ako humugot ng malalalim na hininga. Don’t cry Avyanna, they don’t deserve your tears, not again. Pilit naman akong ngumiti, holiday naman ngayon pero nakagayak nanaman siya. Hindi ka pa ba nasanay? Goodness Avyanna, ilang buwan na kayong kasal ni Kayden ganiyan pa rin ang ginagawa niya. Kailan ba siya nagstay ng maghapon sa bahay holiday man o hindi. Sana kahit respeto na lang bilang asawa niya, bakit niya pa idinala rito ang babae niya. Sana sa hotel na lang sila dumiretso, may pera naman siya kaya bakit dito pa sa bahay? Amoy ko rin ang matapang na alak sa kaniya kanina, nag-inom siya? Hindi naman kasi siya nag-iinom dati eh, kung sabagay may trabaho naman na siya ngayon at pwede niya ng gawin ang gusto niyang gawin. Siguro, hahayaan ko na lang muna ang sarili ko ngayong mahalin siya, hayaan ko na muna ang sarili kong masaktan dahil alam kong balang araw ay mapapagod at magsasawa rin ako at ako na mismo ang kusang makikipaghiwalay sa kaniya. “Beb!” rinig kong sigaw nanaman ni Gilbert, napairap na lang ako ng muli niya akong akbayan, inis ko namang inalis yun. “Ano ka ba naman Gilbert, nasa kompanya tayo kung umakto ka para ka pa ring college student.” “Aray ko naman, ayaw mo na ba sa akin bebe ko?” napangiwi na lang ako sa sinabi niya. “Bebe your face, Gilbert.” Binilasan ko naman na ang paglakad ko at iniwan siya. “Teka naman Yanna, para ka namang nagmamadali eh.” Habol pa niya sa akin, hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ako sa elevator, nakasunod naman siya sa akin. “Bakit hindi kayo sabay na pumasok ni Kayden?” tanong pa niya, agang aga nang-iinis nanaman ito eh. “Kailan ba kami sabay na pumasok ah Gilbert?” “Malay mo lang naman diba? Dati halos hindi kayo mapaghiwalay, palaging sabay na pumasok—aray ko naman!” reklamo niya ng batukan ko siya. “Ano bang hindi mo maiwan sa college natin at iyan pa rin ang iniisip mo?” “Bakit? College lang ba natin kayo palaging magkasama? Simula elementary magkasama na kayo.” “Gusto mo pa ng isa?” pagbabanta ko sa kaniya habang nakakuyumos ang kamao ko. Pilit naman siyang tumawa. “Sabi ko nga titigil na ako.” saad niya saka nanahimik. Panira talaga ng araw kahit kailan. “Beb,” pangtatawag niya nanaman sa akin habang naglalakad kaming dalawa. “What?” “Tulungan mo naman ako oh?” “Saan?” “Sa math ko.” inis akong napapikit at naikuyumos ang dalawa kong kamay. “Gilbeeeeert!” inis kong sigaw sa pangalan niya. “Joke lang Avyanna, joke lang beb!” sigaw niya saka mabilis na tumakbo habang tumatawa. “I love you beb!” sigaw pa niya habang tumatawa. Bwisit talaga! Ang sarap niyang sipain papuntang ibang planeta. Ang galing galing niyang manira ng araw! “Okay ka lang? salubong nanaman ang kilay mo.” tanong ni Clara ng makaupo ako. Paanong hindi magsasalubong ang mga kilay ko kung may taong nambwisit ng araw ko. Maghapon na ngang hindi maganda ang araw ko kahapon dumagdag pa siya ngayon. “Wala, huwag mo akong isipin.” Ngiting saad ko sa kaniya saka sinimulan ko na ang mga trabaho ko. Pilit kong itinuon ang atensyon ko sa trabaho ko kahit na minsan ay naaalala ko ang nangyari kahapon. Siya kaya ang dinedate ngayon ni Kayden? Maganda naman yung babae eh pero hindi ko alam sa ugali, para kasing ang arte niya. Bakit ba may parang pa eh ganun naman na talaga. Kinuha ko naman na yung mga papeles na kailangan kong ibigay sa HR department. Ayaw ko ng pagurin ang sarili ko sa kakaisip pero hindi ko naman maiwasan. Sampung taon na akong may pagtingin kay Kayden pero hindi pa rin niya yun nalalaman at sa loob ng sampung taon hindi ko man lang naalis ang nararamdaman ko para sa kaniya. Bakit ba kasi sa kaniya pa tumibok ang lintik na puso na ‘to eh. At the age of 20 ay ikinasal na ako sa kaniya dahil nga after ng graduation namin nun ay inayos na rin ang kasal naming dalawa dahil dun lang naman daw ang patutunguhan naming dalawa, as our parents said. “Ahh.” Daing ko ng magasgasan ang binti ko, tiningnan ko naman kung saan yun tumama at hindi ko napansin na may maliit na pako pala dun. Pinunasan ko na lang ng panyo ko ang dugo dun. Napalingon naman ako kay Kayden na papasok pa lang, napatingin siya sa binti ko saka ako blangkong tiningnan at diretso ng pumasok. I miss the old days, if I can bring back the past. Umupo naman na ako sa upuan ko at muling hinarap ng walang kasawaan ang computer. “Ganda, naano yang binti mo?” kalabit naman sa akin ni Clara na nakatingin sa binti kong dumudugo nanaman pala. Mabilis ko naman iyung pinunasan ng panyo ko. “Hindi ko lang napansin yung pako, kaunting gasgas lang yan.” Wika ko. “Sigurado kang okay ka lang? pero natulo yung dugo niya.” “Ano ka ba naman, hindi na ako bata na kaunting sugat lang ay pagtutuunan na ng pansin. Kita mo nga hindi ko man lang naramdaman yung sakit.” tawa kong saad sa kaniya. Paano ko pa ba mararamdaman ang sakit kung halos araw-araw ko na yung nararamdaman, namamanhid na nga yata ako eh. Masyado na akong martyr para sa kaniya, masyado na yata akong bulag sa pag-ibig ko sa kaniya kaya hindi ko na iniisip ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD