“What do you think you’re doing?!” sigaw ni Gilbert na kakarating lang, mabilis niya namang pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya saka muling hinarap ang babae ni Kayden. “Sino ka ba para buhusan mo na lang ng tubig ang mga tao rito?!” galit niyang sigaw dito, kung girlfriend nga ba siya ni Kayden. Nakita naman ng dalawang mata ko na iniuwi siya ni Kayden sa bahay pero hindi ako sigurado sa relasyon nilang dalawa. “Girlfriend mo ba yan? Pagsabihan mo dahil masyadong malandi. Pati boyfriend ko ay inaagaw niya!” “Sino ba ang sinasabi mong boyfriend mo?!” “Si Kayden! Boyfriend ko si Kayden kaya pagsabihan mo yang girlfriend mo dahil nakita ko pa yan sa bahay ni Kayden! Hindi niya ako pwedeng iwan na lang, hindi ako papayag!” galit na galit pa niyang sigaw. “Ano bang sinasabi mo,

