Kabanata 4.1

1158 Words
Hindi pa ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa harapan ko. Bakit pa niya ako pinuntahan dito? Umalis na si Mommy at hinayaan kaming dalawa rito sa salas, hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil wala naman silang alam sa aming dalawa ni Kayden. “What are you doing here?” kunot noo kong tanong sa kaniya, sa wakas may lumabas din na salita sa bibig ko. “Hindi ko kasi alam na umuwi ka pala.” Malumanay niya namang saad, malayo sa Kayden na ipinaparamdam sa akin na wala akong halaga. Hilaw naman akong natawa. “Hindi naman kasi ako na-orient na kapag ako ang aalis kailangan ko palang magpaalam. Paano mo ba nalamang nandito ako?” “Sinabi sa akin ni Nanay Belen, why you didn’t tell me that you want to go home?” iniwas ko ang paningin ko sa kaniya, iyan ka nanaman Avyanna kaunting paglalambing lang ng boses niya nagiging marupok ka nanaman. “Why do I need to tell you this?” “Para alam ko?” patanong pa niyang saad, gusto kong sabihin na bakit siya hindi siya nagpapaalam sa akin kung aalis siya at kung saan siya pupunta. Uuwi lang siya kung kailan niya gusto, bakit ang unfair? Bakit kailangan kong sabihin sa kaniya kung saan ako pupunta. “Hindi mo na sana ako pinuntahan, alam mo naman na palang nandito ako. Saan pa ba ako pupunta kundi dito lang? hindi ka na sana nag-abala Kayden, hindi na ako bata para hindi ko alam ang ginagawa ko.” blangko kong saad sa kaniya. Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko na tumayo siya at naupo siya sa harapan ko. Nagtama naman ang mga mata namin, iyan nanaman ang mga mata niyang nangugusap sa akin. Ayaw ko na, ayaw ko ng umasa at ayaw ko ng bigyan nanaman ng panibagong pag-asa ang sarili ko. Pagod na pagod na ako sa sitwasyon naming dalawa, hirap na hirap na ako. Asawa niya ako pero wala akong karapatang magselos at munambat sa kaniya. Asawa lang ako pero hindi ako ang nagmamay-ari ng puso niya, hindi ako ang mahal niya. Para namang kinurot ang puso ko dahil sa iniisip ko. Napatingin na lang ako sa kamay niyang hinawakan ang kamay ko. “Let’s go home, Av. Please let’s go home.” Nakikiusap niyang saad habang hinahaplos ang kamay ko. Iniwas ko sa kaniya ang paningin ko, ang daya. Ang daya daya niya, bakit kapag ako ang nakikiusap sa kaniya parang wala siyang naririnig, parang wala akong sinasabi. Isang sabi niya lang, pakiusapan lang niya ako nagiging okay nanaman ako. Ang rupok mo talaga Avyanna, hindi ka man lang magpakita sa kaniya ng wala kang interes sa mga sinasabi niya. “Magpapaalam lang ako kila Mommy, uuwi na rin tayo.” Saad niya ng hindi ako nagsalita. Tumayo naman na siya at umakyat na sa taas, tanging pagsunod na lang ng tingin ang nagawa ko. Napabuntong hininga na lang ako, ang bilis mo talagang bumigay Avyanna, kahit minsan lang naman sana ay maalis mo ang pagiging marupok mo. “Dito na lang kayo matulog, masyado ng gabi iho kung uuwi pa kayo.” Rinig ko naman ng saad ni Mommy habang pababa sila ni Kayden, dala dala niya na rin ang mga gamit ko. “Uuwi na lang po kami Mommy, pasensya na po kayo sa abala. Nalate po kasi ako ng uwi tapos hindi ko naabutan si Avyanna sa bahay. Hindi po kasi ako mapakali kapag wala siya eh.” I faked a smile, sana totoo, sana totoo na lang ang naririnig ko pero sinasabi lang naman niya yan dahil si Mommy ang kausap niya. Hindi niya naman masabi sa akin yan kapag kaming dalawa na lang ang naiwan. “Sigurado ba kayo diyan? Halos dalawang oras din ang byahe pauwi. Baka delikado na sa labas ng ganitong oras.” “Don’t worry about us po Mom, aalagaan ko po si Avyanna.” Nakangiting saad ni Kayden, ayaw ko ng marinig pa ang pinag-uusapan nila. Masyado ng masakit ang ibinibigay sa akin ni Kayden at ayaw ko ng dagdagan pa iyun, ayaw ko na ring dagdagan pa ang pag-asang natitira sa puso ko. Masyado na akong nasasaktan sa taong wala namang pakialam sa akin. “Oh siya, mag-iingat kayong dalawa. Ako na lang ang magsasabi sa Daddy mo anak, pagod kasi yun sa trabaho kaya hindi ko na inabala pa. Kayden, please take good care of my daughter, treasure her like we do.” Bilin pa ni Mommy, pumasok naman na ako sa loob ng kotse ni Kayden, ayaw ko ng marinig pa ang kasinungalingan niya. This is enough, sana itigil niya na lang ang pagsisinungaling niya sa mga magulang ko. Nang pumasok na si Kayden ay saka ko binuksan ang bintana at kinawayan si Mommy. “Dalaw na lang po ako sa susunod Mom, pasensya na po.” “It’s okay baby, magpaalam ka sa susunod kay Kayden para naman hindi nag-aalala ang asawa mo. You can visit here anytime. I love you anak.” ngumiti na lang ako kay Mommy at kumaway na lang ng umandar na ang sasakyan ni Kayden. Nang makalabas naman na kami ng bahay ay saka ko isinarado ang bintana. Madaling araw na pero mas pinili pa niyang umuwi kaming dalawa kesa ang magstay dun. Natatakot ba siyang malaman ng mga magulang ko kung anong nangyayari sa aming dalawa? Wala naman siyang dapat ikatakot dahil wala naman akong balak na sabihin sa kanila, hindi ko naman hahayaang mawala ang tiwala nila kay Kayden. “Sana sinabi mo sa akin na gusto mong umuwi para nasamahan na lang kita.” Pambabasag niya sa katahimikan. “Bakit kailangan ko pang gawin yun? Saka paano ba ako makakapagpaalam kung hindi ka naman nauwi.” Saad ko habang nasa labas ang paningin ko, ramdam ko ang paglingon niya sa gawi ko pero hindi ko siya nilingon. “I’m sorry, next time please tell me para alam ko.” “Bakit ba umuwi pa tayo? Hindi mo na lang sana ako pinuntahan.” “I have a meeting tomorrow so I can’t stay in your parents house.” “Kung ganun naman pala bakit ka pa nagpunta para sunduin ako? seriously Kayden?! Wala namang mangyayari sa akin sa loob ng pamamahay ng mga magulang ko! may meeting ka pala, hinayaan mo na lang sana ako.” inis ko ng saad sa kaniya, sana gaya ng ginagawa niya sa akin palagi ay pinabayaan niya na ako at hindi na hinanap pa. Alam niyang malayo ang bahay nila Mommy, pinili pa niyang puntahan ako, para saan? Pakitang tao? tssss. “Mas komportable ako kapag nasa bahay ka lang.” “Talaga? Nalalaman mo pa ba kapag nasa bahay na ako o wala kung ikaw mismo ay hindi umuuwi ng ilang araw?” hindi ko na mapigilang tanong sa kaniya. Ngayon na lang ulit kami nagkausap na dalawa ng masinsinan. Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD