“I’m sorry, I’m really sorry Av.” Napairap na lamang ako, wala naman na siyang ibang gustong sabihin kundi ang sorry niya, sorry lang ng sorry. Gusto kong marinig mula sa kaniya kung ano talaga ang ginagawa niya at kung saan siya nagpapalipas ng gabi. Wala naman akong magagawa kung mananatili siyang tahimik. Sumandal na lamang ako habang nasa labas ang paningin ko, malayo layo pa ang byahe namin kaya mas maganda ng matulog na lang ako kesa ang kausapin ko siya. Wala rin naman akong makukuhang sagot sa kaniya.
Nagising na lamang ako ng maramdaman kong parang nakalutang ako. Dahan dahan ko namang iminulat ang mga mata ko dahil inaantok pa ako. Sumalubong naman sa akin ang mukha ni Kayden, malaya ko siyang matitigan dahil diretso lang ang tingin niya sa dinaraanan niya.
Sana ganito na lang kami palagi, hindi man masyadong nag-uusap pero ipinaparamdam niya sa akin na may halaga pa ako para sa kaniya, that I don’t deserve a treatment like he did in the past few months. I really miss him, gusto ko na ulit makita at makasama ang dating masiyahin na Kayden at ang may pakialam sa akin, yung palagi niyang pag-aalala sa akin at pagpapaalala. Naipikit ko na lamang ang mga mata ko, ang hina hina mo talaga kahit kailan Avyanna pagdating sa kaniya. Kung hindi ba nila ako nakikita na malakas sa panglabas ko mananatili ba siya sa kung ano siya dati?
Sa pagiging malakas ko kasi yata palagi nila akong napagkakamalan na okay lang, na hindi ako nasasaktan.
Naramdaman ko naman na ang paglapat ng likod ko sa kama, nanatili na lang na nakapikit ang mga mata ko dahil hindi ko kayang salubungin ngayon ang mga mata ni Kayden. Nang tuluyan niya na akong maibaba ay ikinumot pa niya sa akin ang kumot ko at nagpanggap pa rin akong mahimbing ang tulog.
Akala ko nakaalis na siya pero narinig ko pa ang paghila niya sa isang upuan malapit sa kama ko. Ano pa bang ginagawa niya? bahagya pang nanigas ang katawan ko dahil sa paghaplos niya sa pisngi ko at ang pagkawit niya sa buhok ko sa likod ng tenga ko.
“I don’t know what to say Avyanna but I just want to say sorry for all I have done to you. Please always take care of yourself.” Rinig kong saad niya, bakit ba siya nagsosorry? Bakit hindi na lang niya ako ituring na parang kaibigan dati para hindi nangyayari sa amin ito.
Mariin kong naipikit ang mga mata ko ng maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa noo ko. Ano nanaman bang ginagawa mo sa akin Kayden? Heto nanaman tayo sa p*******t mo sa akin, sa puso ko. Pagod na pagod na ako pero pagdating sayo palagi kong pinipiling lumaban at magpatuloy.
Hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha ko ng tuluyan kong marinig ang pagsarado ng pintuan ng kwarto ko. Wala na lang ba akong gagawin kundi ang umiyak ng dahil sayo? gusto ko ng tumigil pero dahil sa maliit mong ginagawa, nabubuhayan nanaman ako at nadadagdagan ang pag-asa ko para sa ating dalawa. I’m tired being with you but I want to stay more, ang gulo ko diba? Pati sarili ko hindi ko na maintindihan.
Nagising ako ng mag-alarm ang cell phone ko, wala naman talaga akong balak na pumasok sana ngayon pero dahil iniuwi ako ni Kayden wala akong choice kundi ang pumasok sa opisina dahil wala lang akong gagawin dito sa bahay. Bumangon naman na ako, bago pa ako bumaba ay nilingon ko pa ang kwarto ni Kayden, malamang nakaalis na siya.
“Good morning iha, hindi ko alam na sinundo ka pala ni Kayden kagabi. Kung alam ko lang pinigilan ko na lang sana siya dahil gabi na, masyado ng delikado tapos mukha pa siyang pagod.” Salubong sa akin ni Nanay Belen.
“Sinabi niyo po ba sa kaniya nang dumating siya?”
“Tinanong ka kasi niya sa akin kaya sinabi ko na umuwi ka sa inyo tapos hindi siya dumiretso sa kwarto niya, umalis din siya ng bahay baka yun na nga, nung sinundo ka niya.” napabuntong hininga na lang ako, nagagawa pa pala niya akong tanungin baka nagkataon lang na nagtanong siya tapos wala ako.
Nagtungo naman na ako ng kusina, napahinto na lang din sa paglalakad ko ng makita ko si Kayden na nakasuot ng apron habang naghahanda ng pang-umagahan.
“What are you doing?” pang-aagaw ko ng atensyon niya. Nilingon niya naman ako at bumungad sa akin ang matamis niyang ngiti.
“Cooking breakfast for you,” nakangiti pa rin niyang saad, lumapit naman siya sa akin at pinaupo ako. Ipinagsalin pa niya ako ng kape at ibinaba iyun sa akin saka niya ipinagpatuloy ang ginagawa niya kanina. Ano bang nakain niya at ginagawa niya ito ngayon sa akin? bumaliktad ba ang mundo habang tulog ako?
“Akala ko ba maaga ang meeting mo ngayon? bakit nandito ka pa at nakasuot ng apron?” kalmado kong tanong saka sumimsim ng kape. Ayaw kong ipakita sa kaniya na natutuwa ako dahil naabutan ko rin siya rito ng ganito kaaga at nagluluto ng breakfast.
“9am pa naman ang meeting ko so may oras pa ako para makapaggayak mamaya.” Sagot niya naman, wala ba siyang appointment ngayon sa babae niya? nakakapagtaka lang kasi na nandito siya ngayon. Nasanay kasi ako na gigising ako ng wala na siya. Hinintay ko naman na siyang makapagluto, naiiwas ko na lang sa kaniya ang paningin ko kapag namamalayan kong nakatitig nanaman lang ako sa kaniya.
Nang matapos siya ay inilagay niya naman na sa lamesa ang mga iniluto niya. Inihanda ko na lang din ang mga gagamitin namin. Nang maihanda na namin lahat ay saka kami kumain na dalawa. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin minsan o parang may gusto siyang sabihin pero nanatili siyang tahimik. Kumain na lamang ako at hindi na siya pinansin kasi na masyado ng halata ang pagtitig niya sa akin.
Hindi ko naman na natiis kaya sinalubong ko ang mga mata niya.
“May dumi ba sa mukha ko?” tanong ko sa kaniya, umiling naman siya bilang sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako ng muli niyang itutok ang atensyon niya sa pagkain niya. Mukhang ako lang yata itong nag-aassume.
“Hindi ka ba papasok sa kompanya?” tanong niya naman na.
“Kung hindi mo ako sinundo oo pero dahil nandito naman ako, papasok na lang ako dahil wala naman akong gagawin.” Sagot ko sa kaniya na muli niyang ikinatango. Tinapos ko naman na ang pagkain ko saka ako naligo at naggayak para makapasok na sa kompanya. Hindi naman nila alam na mag-asawa kami ni Kayden kaya sabihin nila na masyado akong paespesyal kung nalate ako.
“Ihahatid na lang kita, ipapakuha ko na lang kay Kuya Boy ang kotse mo mamaya sa inyo.” wika ni Kayden ng makababa ako ng hagdan. Hindi na lang ako sumagot sa kaniya at dumiretso na ako sa labas. Sumakay naman na ako sa kotse niya saka kami umalis.
“Idaan mo na lang muna sa isang pastry malapit sa kompanya, bibili lang ako.” saad ko sa kaniya, hindi naman siya nagsalita. Nang makarating kami sa pastry ay nauna na siyang bumaba saka nagtungo sa tapat ko.
“Stay here, ako na lang ang bibili.” Anas niya saka umalis at pumasok na sa pastry. Hinintay ko na lang siya dito sa loob ng sasakyan niya. Maya maya ay lumabas na rin siya saka niya ibinigay sa akin ang mga gusto ko lang ding bilhin. Mabuti naman at hindi niya kinakalimutan ang mga gusto ko.
“May gusto ka pa bang bilhin bago tayo dumiretso sa kompanya?” tanong niya ng makapasok siya ng kotse niya.
“Wala na, let’s go.” Saad ko na lang. Nanguha rin siya ng paborito kong kape, maliit lang na gawa niya napapangiti nanaman lang ako. Nasa iyo talaga ang problema Avyanna dahil ang rupok rupok mo, pwede ka ng awardan ng best in marupok. Ako yata ang reyna ng mga marurupok eh.
Dumiretso naman na kami sa kompanya, sa basement siya dumiretso kaya walang masyadong tao.
“Let me hold that.” saad niya habang nakatingin sa mga cookies.
“Huwag na, kaya ko naman.” Saad ko saka ako bahagyang lumayo sa kaniya. Binilisan ko naman na ang paglalakad ko ng makarating kami ng lobby.
“Av,” rinig kong tawag niya sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad.
“What?” tanong ko ng hindi siya nililingon.
“Never mind, take care.” saad niya saka nauna ng maglakad. Ganiyan ka naman eh, masyado kang paasa alam mo ba yun.